4.20.2005

Habemus Papam!

"Anuncio vobis gaudium magnum, habemus papam!"

This statement was spoken by Medina Estevez to announce to the whole world that the Catholic Church has a new pope.

It was 11:50 p.m. here in the Philippines while it was 5:50 p.m. at the Vatican City when the news announced that white smoke (the signal of the success of the election for the new pope) is coming out of the chimney of the Sistine Chapel.

I was watching news and I thought it was another false alarm. But, it was not. I got even more excited when the church bells rang (another sign of the success of the election for the new pope, which is a reform made by Pope John Paul II).

The new pope is the German Cardinal Joseph Ratzinger, born April 16 (Belated Happy Birthday New Pope!). He is, now, going to be known as Pope Benedict XVI and as the 265th pope for the Catholic Church.

Nga pala, binigyan ni Pope John Paul II ng isang church ang Filipino Catholic Community sa Rome, ang Basilica Potenciana kung saan tumira si St. Peter. According to Pope John Paul II, we, Filipinos, are the new evangelizers of the third millenium. Mabuhay ang mga Filipino!




Viva Papam!

4.16.2005

Sa isang sulok ng Multi-Purpose Gym sa Pisay

Ryan Magtibay

Buong klase kaming nagpunta sa Multi-Purpose Gym. At 'yon para subuking ayusin ang magiging pagtatanghal ng klase sa isang kumpetisyon na gaganapin din ditto sa may MPG. Inaayos na nga nila yun sa taas eh. Hindi ko alam kung bakit, pero halos magsampalan na ang lima kong kaklase. Masyado kasing nagpapasiklaban sa kung sino ang dapat mamuno at dapat masunod.

Dito sa Pisay, kung wala kang talento, di ka mapapansin. Meron pang mga tao na akala mo kung sinong sobrang galing na kung tingnan yung mga "hindi naman sobrang magaling" e masyadong mapanlait at mapangmata. Pero hindi naman kasi talaga dapat mahalaga kung may makakapansin sa kung sino ka. Ang mahalaga alam mo kung sino ka at hindi mo nababalewala ang mga magagandang bagay na bigay sa’yo ng Diyos.

Pero ayun nga. Dahil hindi naman nila yun maintindihan, ang limang "magagaling" ay nagtipon-tipon dun sa may isang sulok ng MPG habang ang buong klase ay naghihintay sa kanila. Maingay ang buong klase. Nakikihalo din ako sa kaguluhan. Masaya kasi ang klase namin. Lahat palaging ngumingiti.

Kaya naman pagkatapos ng isang oras na pagsisigawan ng kung anu-ano, pagjojoke at pagtatawanan, lahat kami ay napansin na kailangan na naming umuwi. Lalu na ako. Kaarawan ko ngayon. May handa sa bahay. Naghihintay pa doon sa bahay ang sorpresang regalong ayaw nilang pabuksan sa akin kaninang umaga. Hay, ano kaya ang laman noon?

Hindi na talaga ako makapaghintay kaya lumapit na ako sa kanilang lima.


"Uhmm, matagal pa ba tayo bago umuwi? Kasi..."

"Ano? Kita mo na ngang nahihirapan kaming magdesisyon ditto eh tapos mang-iistorbo ka pa," ang halos pasigaw na sinabi sa akin ng kaklase ko.

"Teka lang, ang kapal mo naman. Sasabihin ko lang sana na kailangan ko nang umuwi kasi..."

"E di umuwi ka na! Wala ka namang kahit anong talento eh! Hindi ka marunong kumanta, sumayaw o kahit ano pa na pwedeng makatulong sa pagtatanghal natin. Eh kahit nga pagtugtog ng kahit anong instrumento di mo kayang gawin eh. Kaya okay lang kung wala ka!" sabi ng isa pa sa kanila.


Wala akong nasabi. Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko. Wala akong talento? Ang kapal naman ng mukha ng mga 'to. Hindi man lang nila naisip na nakakasakit yung mga pinagsasasabi nila. Hindi man lang nila naisip na nakakatapyas yun ng pagkatao.

Nagmamadali kong kinuha ang bag ko at umalis. Halos patakbo akong umalis sa MPG. Nagulat nga yung iba ko pang mga kaklase sa ikinilos ko –– kung bakit bigla na lang akong umalis.
Nakayuko at mabilis ang aking paglalakad. Kitang-kita ko ang malubak na daan. Parang buhay ko, punung-puno ng lubak at kung anu-ano pa na gusto akong patumbahin at masugatan. Hindi naman mahirap mabuhay sa mundo eh, alam ko yun. Ang mahirap ay ang kung paano ang maging matatag.

Mahirap makakita ng magagandang bagay kapag puro lubak ang buhay mo. Katulad nitong daan na 'to. Pero lubak. Pero paghihirap.

Minsan ko na ring naisip na mas mabuti pa siguro kung nagging ibang tao na lang ako. Yung taong kabaligtaran ng kung ano ako ngayon. Marahil ay mas nagging maayos ang buhay ko. Pero kasi, sabi nga ng isa kong kaklase sa akin, hindi mo dapat hilingin ang buhay ng iba dahil hindi mo rin naman alam kung magugustuhan mo ba iyon o hindi. At tama siya. Pero miski na. Sa isang tulad ko na walang kuwenta, kahit anong buhay siguro magugustuhan ko.

Madalas kong napapanood sa mga pelikula na kapag namamatay na ang isang tao, mas nakikita ng mga tao ang importansiya niya sa kanilang buhay. Mas napapahalagahan nila ito. Sa mga oras na patay ka na makikita mo talaga kung gaano ka kamahal ng mga tao sa paligid mo. Kaya ng sa mga oras na ganito, sa mga oras na pakiramdam ko wala akong kuwenta, iniisip ko na magpakamatay. Kasi gusto kong malaman kung ano ang importansiya ko sa ibang tao –– kung meron nga ba talaga akong dahilan para mabuhay. Pero naiisip ko palagi na wag na lang. Hindi ko naman kasi talaga alam kung magagawa ba talagang makita ng mga namamatay na iniiyakan sila ng mga tao. Isa pa, kasalanan din sa Diyos yun.

Ang pangit naman ng kaarawan ko ngayong taon. Ang lungkot.

Alam kong nandyan na ang sundo ko. Kanina gusto ko nang umuwi, pero ngayon nagbago na ang isip ko. Parang gusto ko munang magdalumat. Gusto ko munang mawala ang kung ano man ang nararamdaman ko. Pero saan naman kaya ako pupunta kung saan pwede akong mapag-isa? Eh kung sa liblib na lugar ditto sa pisay na lang kaya. Wala naman sigurong tao dun ngayon. Sana walang nag-stroll na mag-MU ngayong mga oras na 'to para masarili ko ang lugar.

Sa liblib na lugar sa pisay. Alam mo yun. Yung nasa gilid ng ASTB. Yung kalsadang katabi ng creek. Do'n. Kung sa'n makikita mo ang kulay rosas na pader ng Office of the Ombudsman. Kung sa'n tahimik at mahangin. Kung sa’n minsan mabaho dahil sa creek. Kung sa'n bumabaha ng todo 'pag umuulan. Kung sa'n mga sasakyan lang na dumaraan ang kalaban mo sa pagiging isa. Kung sa'n paborito ng ilang mag-MU na maglakad. Do'n.

4.06.2005

Tribute to the pope

Believe
Ryan Magtibay

And the story started with a man who never really valued Him that much. A man who had a faith so vulnerable that a slight touch is enough to make it tumble and disappear completely. He thought it was enough. Until, the storms came.

It made him doubt. It made him lose inch by inch his so-called faith. It drove him to the point where he was all alone in the dark. It placed him on a situation that was full of questions, questions that seemed endless and unanswerable. He reached the point where he finally asked Him: “Why is my life miserable? Why is my life very different from those people who are very happy right now? Why do I have to be so different? Am I not deserving of their life?


I have a classmate who I idolize for his being God-fearing and for his incredible faith in God. And once more, I pitied myself. If only my life could have been like his, I would probably have a strong faith in God to. But I was wrong.

I went to their house one time. And he was able to introduce me to some of his relatives who live there. He was only able to introduce me to his mom, though. Why? His dad wasn’t there because of the simple reason that his mom and dad broke up years ago. And both of them have different families now. He belongs to a broken family.

And I do not. I have a family that remained strong through the years that passed. I know what it feels like sitting on the dinner table with every member of your family. And he doesn’t.

I realized that even though God took away from him the privilege of having his family intact, he still has faith in God. He accepted it. And only because it is His will. This made me feel ashamed. I realized God gave me an intact family and never even thanked Him for it.


Then there was the pope. I was able to watch the life story of Pope John Paul II. And it occurred to me: The pope went through a lot of hard times in his life, but his faith remained unscathed. He lost the last member of his family, his father, when he was twenty. He went through the World War II. Yet, he accepted everything and kept on following God’s will. He appreciated the good things God gave him and accepted those that are bad.



And then he realized God was with him all the time. All he needed to do was to look beside him and there He was. God didn’t make his life miserable; he made it look as if it is. All he needed to do was to appreciate the life given to him by God because all this time, he was invisible to himself.

“I’d rather be invisible to others than be invisible to myself.”

“God is with you. Just look.”
Literary piece? Para sa clearance? No way!

Besides, kung ang topic ay CHAMPACA, e di hindi mo nga magagawan ng plot yun! Kahit siguro matagal na akong nagsusulat ng mga short stories (na medyo walang kuwenta.. hehe..), mamamatay na muna ako bago pa makagawa ang utak ko ng isang plot para sa isang short story tungkol sa CHAMPACA. Bakit?

Kasi champaca ‘yan eh. Matagal ng naisulat ang storya ng buhay ng mga taong ‘to.

Isa pa, ayon nga kay Sir Mardan: “We are not a part of Champaca. Champaca is a part of us.” So, creating a short story about Champaca is like creating 30 different short stories. Kasi yun tayo eh. Tatlumpung personalidad na pinaghalo-halo gamit ang blender para makagawa ng isang shake na tinawag nilang Champaca.

Kaya bilang isang pasaway, eto, essay na lang, isang MAIKLING essay.


Champaca ‘to at si ryan lang ako
Ryan Magtibay

I have been living in this world for almost fifteen years now. And I realized only now that I have rarely praised anyone. Maybe it was because I was really a perfectionist. In order for me to praise, it has to be flawless, whatever it is I am judging. And well, ten months ago, I met my match.

Ayokong mapunta sa Champaca noon. Pero di dahil sa mga kaklase ko. Di ko pa naman kilala mga kaklase ko noon eh. Siguro dahil nahulaan ko na kaagad na: “It would be a tough life being a champaquito.”

And it sure was. But I never regretted a single thing about me being in Champaca. Because this is where “incredible” is an understatement. This is where “wow” is stamped in the four corners of their room. This is Champaca: “Nothing less than the best.”

Pero I hated it. Di ko alam kung bakit. Siguro masyado ka rin kasing maooverwhelm sa “greatness” na dala nito. Masyadong matayog ang lipad. Hindi ko maabot.

Don’t get me wrong. I’ve tried. Champaca is a tough place to be, especially if you’re vulnerable. They could tear you into pieces in just a matter of seconds. “Survival of the fittest” ika nga.

Pero kahit na naging mahirap para sa’kin maging champaquito, kahit na eto yung section na talaga namang sumubok sa lahat ng kakayahan ko ( mula sa faith ko kay God hanggang sa tiwala ko sa sarili), kahit na Champaca ‘to at si ryan lang ako, sinubukan kong lampas an. At sa bawat pagsubok ko na ‘yon, may narerealize ako nab ago tungkol sa buhay ko. Dito ko napagtanto lahat ng pilosopiya ko sa buhay ngayon. Yun kasi ang epekto ng Champaca sa isang tao. “It leads the person to the right path.” Paano? Sa pamamagitan ng impluwensya ng iba’t-ibang taong kabilang sa grupong ito. Dito kasi sa Champaca may maka-Diyos, maka-tao, maka-hayop, maka-kalikasan, lahat na. Dahil sa mga sira-ulong ‘to kung bakit ngayon, “I’d rather be invisible to everyone than be invisible to myself.” Kung bakit para sa akin ngayon, “Life has to be cruel. Or else, you would never learn its ways.” Kung bakit naniniwala na ako na “It is not God who forgets, it is us” at “God is like our shadow. The only difference is that it is always around even if and especially if there is no light source anywhere.” At kung bakit para sa akin ngayon: “You miss a hundred percent of the shots you don’t take.”

Kaya nga sa lahat ng mabuting impluwensiya na ito sa akin, buong puso akong nagpapasalamat.

“Champaca ’07 made me a better man.”