8.11.2005

Paraiso

:P

Paraiso
Smokey Mountain

I.
Return to a land called paraiso
A place where a dying river ends
No birds dare fly over paraiso
No space allows them to endure
The smoke that screens the air
The grass that's never there

Refrain 1:
And if I could see a single bird
What a joy!
I try to write some words and create
A simple song to be heard by the rest of the
world

II.
I live in a land called paraiso
In a house made of cardboard floors and walls
I learned to be free in paraiso
Free to claim anything I see
Matching rags for my clothes
Plastic bags for the colds

Refrain 2:
And if empty cans were all I have
What a joy!
I never fight to take someone else's coins
and live with fear like the rest of the boys

Chorus:
Paraiso, help me make a stand
Paraiso, take me by the hand
Paraiso, make the world understand
That if I could see a single bird
What a joy!
This tired and hungry land could expect
Some truth and hope and respect
From the rest of the world

Repeat Refrain 2
Repeat Chorus

7.01.2005

Kagwapuhan? pakshet.

hay rob. asset mo yang talino mo. pagdating ng araw, tatawanan mo na lang yang mga gwapong yan dahil mas mayaman at mas-successful ka sa kanila. hold on to that. besides, sino bang nagsabing di ka gwapo?! gwapo ka! parang ako.. hehe..

anyway, if you're depressed because your friend or your sibling is a hearthrob, well try me. ate ko hearthrob nung elem at hs. kuya ko hearthrob nung hs at kahit ngayong college (congrats nga pala dahil natanggap ka sa UP Choral.. hehe..). at kapatid kong bunso hearthrob ngayon. wow. tatlo sa mga kapatid ko hearthrob ako lang hindi. NOW THAT IS DEPRESSING. akalain mong ako ang pinakapanget?! hehe.

dati sobrang lungkot ko dahil dyan. oh well. naisip ko ako naman pinakamatalino eh. so yun na lang panalaban ko sa good-looks nila. di man ako gwapo or astig or whatever, alam ko naman na i have what it takes to be successful one day. maging futuristic ka. paglaki niyo, when it comes to good-paying jobs, they don't choose by the looks, they choose by the brains. and you have that.

and someone in-love won't miss the person's innate beauty. she would miss your being there for her.

kaya mali ka joji. di porke't hindi magaling mag-basketball eh yuck na. (yes, that hurt my ego a lot. hehe. :p)

6.13.2005

june post.

haha. napansin ko kasi na wala pa yung June 2005 archive dun sa archives list eh. tapos naalala ko na hindi pa nga pala ako nagpopost dito. hehe. kaya eto. for the june 2005 archive's sake.

ang unproductive (haha. ang baho pakinggan.) ko kasi nung patapos na ung summer. hehe. 5 plots at isang topic for an essay pero hindi ko pa rin masulat-sulat. kakatamad eh. hehe.

nagugutom na ako.

isa pa, Eng journ naman ang elective ko eh. so magsasawa rin ako sa kakasulat buong taon, at probably, hanggang next year. :)

to dale: yung suggestion mo na plot (yung footbridge) di ko pa rin tapos. hehe. :p

haayyyyyy.

sa kakahiling ko sa Diyos ng isang twist sa buhay ko, binigyan nga ako ng isa. ayan. i'm confused. hay.

tama si joji.

minsan akala mo wala kang kwenta, tapos may ibang nakakakita na sobrang astig mo.

hay ulit.

para sa iyo: salamat sa pagtetreasure ng memories. that is, perhaps, the best thing someone did for me. pero i need time. di ko alam kung anong sasabihin ko sa ngayon.

5.23.2005

Ang pangpitumpu't-isang artikulo

Ryan Magtibay

Kanina, naisip ko na gusto kong kolektahin ang mga pinagsususulat ko, kahit gaano kababaw, kahit gaano kawalang-kwenta. Naisip ko kasi, ang mga ito lang ang patunay na may ginagawa akong makabuluhan ditto sa mundo. Hindi man ito nakagagawa ng mga himala, o nakaktulong sa isang tao, kahit papaano naipaparating ko naman ang mga gusto kong sabihin sa pamamagitan ng mga artikulong sinulat ko. Kahit papano, pagtanda ko, kung sakaling tatanungin ako ng mga apo ko kung may nagawa ba akong makabuluhan sa buhay ko, masasagot ko sila ng: "Anak, nagsulat ako."

Nakakatawa no? Pero kasi kung tutuusin, dito na lang naman talaga ako may maiaambag sa mundong ‘to. Di naman kasi ako magaling sa larangan ng sports kaya hindi ako pwedeng maging kinatawan n gating bansa para sa mga pandaigdigang paligsahan. At bilang isang taong wala masyadong alam sa larangan ng musika, wala rin akong maiaambag dito. Kung tutuusin ang pagsusulat ang tanging bagay na hindi ko sinukuan, masusing pinag-aralan, at patuloy na ginagawa. Kaya kahit papaano, pwede kong isigaw sa buong mundo na: "Hoy! Nagsusulat ako!"

Di tulad ng iba ko pang mga artikulo, wala naman talaga akong gusto iparating. Gusto ko lang ipagdiwang ang hindi ko pagsuko sa isang bagay. Gusto kong ipagdiwang ang aking patuloy na pagsusulat para maipahiwatig ang gusto kong maipahiwatig. Gusto kong ipagdiwang ang hindi ko pagtigil sa pagsusulat. Pagsusulat na rin kasi ang naging daan para mailabas ko ang kung anuman ang gusto kong sabihin. Pagsusulat na rin ang naging daan para mas maintindihan ko ang aking kapaligiran. Ito na ang aking libangan at ang aking ikalawang puso at utak. Kaya para sa aking pangpitumpu’t-isang artikulo, buong puso kong ipinagmamalaki: “Isa akong manunulat. Di man masyadong magaling, kahit papaano, nagsusulat pa rin.”

"Joseph, writing is a skill. Natututunan yan. Basta gusto mo." ---> my sister