Kung isa kang karaniwang mamamayang walang bank account na halos sumabog sa dami ng laman at nakatira ka sa Quezon City pero nag-aaral ka sa Maynila, napakaliit ng pagkakataong hindi ka sumakay ng LRT 1 para tahakin ang Taft Avenue, lalu pa’t di na lingid sa kaalaman ng nakararami na ang pagsakay sa jeep o kaya bus na tumatahak sa kahabaan ng Taft upang makarating sa pupuntahan ay isang lantarang pagsigaw na gusto mo talagang ma-late. Kabilang ako sa mga taong aking inilarawan at kaya naman sanay na rin akong masabihan ng guard sa LRT ng naghuhumindik na: “Psst, alis! Don’t step on the red line!” gayong siya mismo ay naglalakad sa red line na iyon habang sinasabihan ang iba na wag iyong tapakan kahit pa napakaliit na parte lamang ng sapatos nila ang tumatama sa animo’y sagradong lugar para sa mga guard ng LRT. Kung sabagay, safety is still safety so we should abide by the rules. At hindi naman talaga ako nagrereklamo na may sumisita. Natutuwa nga ako eh. Pero hinihiling ko rin na tuwing naninita ang guard na iyon ay may tren na dumating at lumihis sa dapat nitong daanan para matamaan ang sinumang nasa red line. At para rin mahagip ang hipokritong guard.
Pero hindi naman talaga ito tungkol sa mga letseng guard. Tungkol ito sa pagiging isang malaking usisero ko sa mga taong sumasakay o nakasakay na sa tren. Siguro inuusisa din nila ako pero wala na akong pakialam dun kasi sa pag-uusisang ito ako nakapag-iisip tungkol sa mga bagay-bagay. Dito ko napapansin na may mga oras na sobrang dami ng bumababa sa Gil Puyat. Minsan, naman walang bumababa pero may nagtatangkang sumakay at hanggang pagtatangka lang talaga ang nagagawa nila dahil maaari sa dami ng tao o pwede rin namang may mabahong mamang nasa may pinto.
Siyempre, lagi ko ring inuusisa ang mga estudyanteng sumasakay sa LRT mula sa Vito Cruz. Oo, nandito ang La Salle. At oo, hindi na kaila na madaling makilala kung ang pasakay na estudyante ay lasalista o hindi. At ang una ko talagang tanong sa sarili ko ay bakit ba sila sumasakay sa LRT? Pero siguro nga hindi lahat ng lasalista ay may kotse kaya anu bang pakialam ko kung magcommute sila? Bihira rin ang napapansin kong babaeng lasalista marahil ay dahil hindi sila masyadong nagcocommute o kung anu pa man. Basta mas mapapansin mo kapag lalaki. Suot pa lang eh. At talaga namang naglalaway ako sa ganda ng suot nila (mas madalas sa sapatos nila). Lumalabas ang katiting na bahagi ng aking pagkatao na nagnanais ng mga materyal na bagay. Ewan ko ba, basta maganda yung sapatos nung lasalista nararamdaman ko na ang matinding pagkainggit. Haha. Sabayan mo pa ng astig na damit at mapormang pantalon. Parang kala mo pupunta ng isang magarbong pagdiriwang eh samantalang pumasok lang naman siya sa paaralan. At mapapaisip ka pa kung nag-uulit sila ng damit. Kaya nga halata kaagad na lasalista eh. Kasi maporma at galing Vito Cruz.
Siyempre hindi rin mawawala ang tindig mayaman at makikinis na mukha. Hindi mawawala ang pamosong buhok na naka-gel man o hindi ay halatang inaalagaan. At kung may kasama at makikipag-usap, hindi rin mawawala ang pagsasalita ng ingles o di kaya naman ng Filipino na naka-slang o kaya’y tunog mayaman. Maputi man o maitim, lagi nilang tangay ang kakaibang aura na iyon na nagsusumigaw sa mundo na: hoy, mas nakakariwasa ako sayo, kung di man tayo pantay ng katayuan! At siyempre, kung mukha pang nahaluan ng ibang lahi ang taong papasok sa LRT mula sa Vito Cruz, malamang lasalista na rin yun.
At siguro nga kaya natanggal rin kaagad sa listahan ko ng papasukang unibersidad ang la salle. At ito na rin marahil ang dahilan kung bakit kalaunan ay natanggal din sa aking listahan ang ateneo. I just never believed I would be able to keep up with the hype of buying nike shoes (really, really, really cool nike shoes) every once in a while just for wearing something in school. Eh sobrang nasanay kaya ako na t-shirt lang tapos shorts at tsinelas pwede na. At tanggapin na natin, kahit pa sabihin ng ilan na hindi mo naman talaga kailangang gawin iyon at stereotype lang yun, sa tingin ko naging bahagi na iyon ng kultura nila, lalu na sa la salle. Sa bagay, magsisimula din naman ang isang stereotype sa kulturang napapaloob sa isang lugar. Kaya kahit hindi kailangan, may pressure. Eh samantalang, ano bang pakialam nila sa suot mo, lalu na ng teacher mo at ng mga libro o handout na babasahin mo? Isa pa, mababaliw rin siguro ang bulsa ko dahil sa pangangailangang bumili ng mga bagay na lampas limangdaan palagi.
At sa mga nakita kong ito aking napagtanto na putsa, tama yung prof ko sa soc sci! Tarantado ngang talaga ang mga nagsasabing pantay-pantay ang mga tao. Nag-iilusyon pa nga eh, kung tutuusin. At yan na marahil ang kaganapan ng tanging bagay na natutunan ko sa klase namin sa soc sci (oo na, magwawala na ang ibang intarmed dahil nagawa kong may matutunan sa soc sci; di naman niya talaga ito tinuro at parte lang talaga ng mga nabasa namin mula sa mga pinabasa niya).
Ang Soc Sci 1 sa UP Manila ay Behavioral Science. Dito ipinamukha sa amin ng UP na may mga guro ngang talagang mabait naman pero sa hina ng boses at walang kahit anong kasiyahang mapipiga sa kanyang paraan ng pagtuturo, aabot ka sa puntong tulog ka na hindi mo pa alam tapos bigla ka na lang magiging na masakit na ang ulo mo o kaya nama’y naglalaway ka na. Pero wag ka, bawal matulog kaya dapat kahit tulog ka na ay nakabukas pa rin ang mata mo, nakatingin sa kanya.
Dito rin namin natutunan na sa dinami-dami ng hayop dito sa mundo, tao ang pinakamahina. Feel na feel lang talaga natin na tawagin tayong pinakamataas na uri ng hayop pero sa totoo lang, kung survival lang din ang pag-uusapan, wala naman talaga tayong panama. Wala kasi tayong natural instincts eh. Kung baga ang isang pagong, kahit mag-isang lumabas sa itlog at wala naman talagang nagtuturo sa kanya, dahil sa instincts, alam na niya kaagad kung ano ang mga bagay na dapat niyang kainin at kung anu-ano pa. Ang isang gagamba hindi kailangan ng magtuturo para malaman niya na may kakayahan siyang gumawa ng sapot at para malaman niya na ginagamit iyon para humuli ng pagkain. Yun ang wala ang tao. Kaya nga ang isang bata sinusubo kahit ano eh, kasi nagmamasid siya sa mga bagay kung nakakain ba iyon o hindi dahil hindi niya alam. Kaya’t kung walang nagtuturo, hindi niya malalaman ng isang sanggol na kapag lumunok siya ng muriatic acid eh matutunaw ang esophagus niya.
Sinong nagtuturo? Ang mga tao rin. Kaya nga dito pumapasok ang kahalagahan ng pakikipag-impo (okay fine, baka hindi niyo maintindihan, ang ibig sabihin ng pakiki-impo ay socialize o social interact) – upang maituro sa isang tao kung pano maging tao.
Teka, anong tinuturo? Yun ang isang bagay na ginawa ng tao para maihalili sa instincts na wala tayo – ang kultura. Oo, ang kultura. Madalas ngang hindi nabibigyan ng tamang halaga ang salitang ito dahil lagi na lang naiisip ng mga tao na kapag sinabing kultura, ibig sabihin mga katutubong sayaw at kung anu-ano pang katutubo. Pero para maging madali, ang kultura ang kabuuan ng mga kaugalian ng isang lipunan na gumagabay dito para mabuhay. Ganun ito kahalaga. Ito ang nagdidikta sa isang lipunan kung ano ang mga dapat gawin, kainin, at kung anu-ano pa para magpatuloy ang kaayusan at para mabuhay ang isang lipunan. Kaya nga rin iba-iba ang kultura ng mga lipunan sa iba’t-ibang bahagi ng mundo – dahil iba’t-iba rin ang nakikita ng mga taong mahalag para mabuhay sila. Kunwari dito sa Pilipinas, bahagi ng kultura natin ang maligo ng araw-araw dahil isa tayong bansang mayaman sa tubig. Pero para sa mga lugar sa disyerto, malamang ay hindi ito maging isang kaugaliang bahagi ng kanilang kultura dahil sa kawalan nila ng tubig.
At dahil sa ang kultura ng isang lipunan ang nagtataguyod dito upang manatili ang kaganapan ng lipunan, may mga bagay na sadyang mas pinapahalagahan ng isang lipunan kaysa sa ibang bagay. Katulad ng bigas dito sa ating bansa, na mas pinahahalagahan ng ating kultura. Katulad rin ng pagiging makabansa para sa iba’t-ibang lipunang bansa sa mundo. Pinapahalagahan ito ng mga kultura dahil isa itong uri ng pagiging tapat sa bansang kinabibilangan. At dahil sa mga pagpapahalagang ito kaya hindi pantay-pantay ang mga tao.
Natural para sa isang lipunan na pahalagahan pera, lalu pa’t ito ang nagdidikta ng mga kayamanang materyal na maaaring matamo ng isang tao. Isipin mo na lang kung hindi pinapahalagahan ng lipunan ang pera, magkakaroon ng malaking gulo sa kung ano o gaano karami ang dapat makuha ng isang tao. At dahil trabaho ng kultura na gawing maayos ang lipunan, kailangan nitong pahalagahan ang pera. At dahil pinapahalagahan ito, ang marami nito ay mas napapahalagahan din kaysa sa mga wala nito. Kaya kung mas may pera ka, mas may kapangyarihan, mas nakakataas ang turing sa’yo sa lipunan kaysa sa mga dukhangisang kahid isang btuka. At ito, ang simula ng di pagkakapantay-pantay ng tao, na sa totoo lang hindi naman talaga napipigilan.
Kaya nga tarantado ang nagsabing pantay-pantay ang tao dahil hindi naman talaga. Oo, dapat pantay-pantay ang mga tao dito sa mundo, anung lahi ka man o anumang katayuan mo sa buhay. Pero ang punto, hindi tayo pantay-pantay. Sira ulo ka at nahihibang kung sasabihin mo sa isang mayaman na ang karapatan o mga pribilehiyo niya ay karapatan at pribilehiyo mo rin dahil ang totoo, hindi. Hindi kayo pantay kaya ang kapal mo nun kapag sinabi mong karapatan mo rin ang karapatan niya. Marahil sa ibang mga karapatan, oo, pero hindi sa lahat. Oo, dapat karapatan mo rin iyon pero dahil na rin sa kulturang itinalaga ng tao, hindi iyon mangyayari. Hindi pwedeng maging pantay-pantay ang mga tao.
At kaya naman sa tuwing inuusisa ko ang mga lasalistang sumasakay ng LRT, naiisip kong hindi nga talaga kami pantay. Kahit sa mga pribilehiyong natatamasa, sablay na eh. Hindi pantay-pantay ang mga tao.
At kaya rin marahil parte ng curriculum namin sa Intarmed ang asignaturang nabanggit kanina. Siguro kasi, nais ding iparating sa amin ng aming kolehiyo ang puntong ito. Tarantado ang nagsabing pantay-pantay ang mga tao, pero gago ang hindi gagawa ng paraan para hilahin pataas ang mga nasa ibaba niya. Hindi naman kasi ikinukulong ng kultura ang mga tao sa kahirapan. Pwede namang hindi ka manatili, ika nga ng mga bading, na “POORita mirasol” all youre life. Hindi ka nakakulong sa isang social class pang habang buhay. Pwede kang umangat at iangat ng iba.
At yun na marahil ang pinakapunto nito: hindi nga pantay-pantay ang mga tao kaya ano pang ginagawa mo?
3.31.2008
A really sincere apology. Hahaha.
I'm starting to hate the fact that Cheska produces a lot of REALLY good entries while all I can come up with is a pathetic apology for an entry. Yes, I apologize to this blog for not really helping it serve its purpose in the world by having good blog entries. I apologize for having so much to write about, but still choosing not to (like a review for the movie "Gabriel," which has a really good concept; I'm not just sure if it jives with theological ideas and whether it is, at any point blasphemous. Still, it really has a good concept, somthing most hollywood movies lack nowadays since they just rip off japanese horror films now.).
So there. I'm just posting, AGAIN, so that at least I would have a post for the month March. Hey, I don't want to openly admit that I'm starting to lose my pasion in writing about just anything! Hehe.
Kidding aside, I do exert effort. I'm applying for the college of medicine's newspaper now. I'm placed no the news com, however, which is irritating because I hate writing in a very rigid manner (heck, even how to write dates have rules!). Seriously, I'm a feature writer by heart. This is torture. They're just lucky they teamed me up with my *ehem*imed*ehem*crush*ehem* which makes writing news, really, really, worthwhile. (Yes, pito, this means 2-3 in favor of me!) :D
Oh, and of course, since this is becoming a great update on what's happening in my life now, I would also like to announce that our batch's summer getaway would be none other than up manila. This means studying STILL when the rest of the college of medicine takes a break. I hate our life-draining curriculum. Haha.
By the way, the end of this year's second summer also marked the end of our last hard math subject (because the last math subject we would have to forcefully take up this summer, which would be easy daw according to the upper years)!! So then again, I love our curriculum. Hehe.
There. Nothing much is happening to my life anyway. It's just always full of "I have to study" mode since my scholarship was almost jeopardized by guess what subject - math! Hay. See! Even updating my blog through an entry about my personal experiences is boring! I seriously have to write again.
By the way, according to my elder sister, Sitti has this great quote about your passion before college would still be your passion after colloge. HAha, sabi ko na eh! One way or another, I'll have that documentary or that Palanca-winning-short story!

2.21.2008
Namimiss ko na ang aking pagkabata
Namimiss ko na yung ryan na nagbabasa. Yung pipilliin ang libro at kaalaman kaysa manood ng TV o kaya mag-internet.
Namimiss ko na yung ryan na puno ng curiosity. Yung uhaw pa sa kaalaman at gustong-gusto matuto.
Namimiss ko na yung ryan na optimistic. Yung alam niya na kahit ano pa mangyari, magiging maganda ang kakalabasan.
Namimiss ko na yung ryan na nagpapahinga pero hindi napapagod at tumitigil. Yung hindi pa marunong sumuko sa pag-abot ng pinakamataas na kaya niya.
Namimiss ko na yung ryan na hindi nakukuntento sa kung nasaan siya ngayon. Yung gumagawa ng paraan para mas makatalon ng mataas.
Namimiss ko na yung ryan na laging nakangiti. Yung hindi marunong malungkot kasi alam niya may bukas pa para bawiin ang lahat.
Namimiss ko na yung ryan na hindi kailangan ng kapal ng mukha para humingi ng tulong kasi alam niya na karapat-dapat pa siya – na hindi pa siya nakakahiya.
Namimiss ko na yung dating ako.
Sabi nila organisms survive because they change. Pero hindi pala dahil lang nakalampas ka sa mga isinambulat na pagsubok sa buhay mo, lahat na ng naging pagbabago sa iyo mabuti.

Kaya mo bang sumalungat?
“Biology is destiny” daw.
Pero kung iisipin mo, hindi mo maaaring isigaw ang mga katagang iyan sa isang grupo ng mga tao saan man sa mundo, o kahit dito lang sa Pilipinas. Marami kasi ang hindi sasang-ayon. Marami ang magtataas ng kilay. May mga aayon, oo, at may ilan ding itatanong muna sa iyo kung ano ba ang Biology. Pero ang sigurado ko, may kahit isa lang na magagalit.
Pangungunahan na iyan marahil ng pederasyon ng mga bakla. Tiyak na tataas ang kanilang mga kilay, titilian ka gamit ang rurok ng kanilang vocal chords, at sasabihing isa kang malaking antipatika. Kung mayroon kasing mga taong nagsisilbing isang malaking halimbawa ng mga taong sumasalungat sa idinidikta ng kalikasan – ng biyolohiya – sila na yun panigurado. Para sa kanila, kung idinikta ng kalikasan na dapat ang bagay na lumalawit sa gitna ng kanilang mga binti ay para lang makapagparami ng lahi, pwes salungat sa kalikasan ang kanilang puso at damdamin. Kung sabagay, kung tama si Darwin, kalikasan na mismo ang nagbigay sa tao ng kapangyarihang mag-isip at ibahin ang kalikasang kanyang kinabibilangan. Kung ipinanganak silang lalaki, sino ka para pigiliin siyang maging bakla? Para sa kanila biology is not destiny. Lalu pa’t pinili nilang hindi makulong sa idinidikta nito.
Ang susunod na sisigaw sa iyong mga tenga ng nakaririnding pagtutol, marahil, ay ang mga estudyante, lalu na yung kinamumuhian ang asignaturang ipinipresenta mo bilang dapat ay tadhana ng isang tao. At sa ilang bahagi ng mga taon kung saan nagiging marahas ang ilang propesor dahil gusto nilang ipasaulo ang lima sa pinakamahahabang organ systems mula sa mga kabilang sa phylum Porifera hanggang sa tao, sasali rin sa mga sisigaw sa tenga mo ang ilang estudyante ng Intarmed.
At kung tutuusin, tatakas din ang isang malakas ngunit walang tunog na pagtutol mula sa puso ng ilang estudyante sa mga science high school. Kasama na rin marahil yung iba na sinasabing mas mahusay ang left hemisphere ng utak nila di hamak kaysa sa right hemisphere. Sila yung mga nakukulong sa persepsyon ng iba na dapat ang mga katulad nilang matatalino sa agham, ang maging tadhana habambuhay ay maging bahagi ng kung anumang larangan sa agham. Dahil kung hindi, sayang naman. Sila yung mga gustong kumawala sa idinikta ng kalikasan na, oo nga matalino sila, pero ang puso nila – ang bagay na natutuwa silang gawin – ay nasa larangang ibang-iba at hindi saklaw ng kung anumang kayang gawin ng left hemisphere ng utak nila. Paano kung mas mahal nila ang kanang bahagi ng kanilang utak? Di ba’t karapatan nilang tumaliwas?
Ang pagsigaw mo ring iyon, marahil, ay maka-aabot sa korte. Kakasuhan ka kasi nina Vicki Belo, Manny Calayan, at iba pang mga taong ang sinasabi sa iba’y kaya nilang palitan ang ibinigay ng kalikasan sa kanila. Maitim ka dahil sa dami ng melanin na nilalabas ng iyong melanocytes? Pango ang iyong ilong ayon sa mga genes na ipinasa sa iyo ng iyong mga magulang? Halos pumutok na ang iyong katawan sa taglay nitong taba dahil sa kasipagan ng iyong adipose cells na mag-ipon ng taba? Pwes kaya mong baliktarin ang mga iyan. Basta’t may pera ka na’y kaya mo nang baliktarin ang mga idinidikta ng kalikasan bilang iyong pisikal na kaanyuan. Kaya mo nang baguhin, kahit sandali lang, ang dapat sana’y tinadhana mong hitsura.
At marahil, isa rin ako sa mga tututol. Isa rin ako sa mga hahamon sa iba na tumutol sa isinigaw mo. Kung tama kasi si Darwin, at sa mga susunod pang taon ay hindi na siya sasalungatin ng mga bagong kaalamang maaring pumaibabaw at matuklasan, pwes nararapat ngang tumutol ang bawat tao dito sa mundo sa mga katagang ikinukulong tayo sa idinikta ng kalikasan. Kung tama si Darwin, pwes ayon sa biyolohiya, ang isang hayup ay mabubuhay para sa sarili niyang kaligtasan. Ang hayop mabubuhay kung gagawin nito ang lahat para sa sariling kapakanan. Survival of the fittest nga di ba. Ang isa para lang sa sarili niya dahil kailangan niyang maungusan ang iba nang sa gayon magpatuloy ang lahi niya. Kung tama si Darwin, hayup din tayong mga tao at nananatili ang konsepto ng natural selection kahit hanggang sa atin. Pero ako kasi, naniniwalang hindi tadhana ang biyolohiya dahil para sa akin ang buhay ng tao ay nakalaan para sa buhay ng iba. Nabubuhay ang tao para maging bahagi ng buhay ng iba. Binuhay ang tao para tulungangang payabungin ang buhay ng iba.
Idikta man ng kalikasan na tanging ang nagiisip para sa sarili lamang ang mabubuhay, ang pagsalungat marahil, ang pagsilbi sa iba at pag-alay ng sarili sa iba, ang makapagbibigay ng isang buhay na walang kapantay sa isang tao.
At dun magsisimula ang hamon. Hamon na sumalungat sa kung ano ang idinidikta ng kalikasan. Kasi kung gusto mo ang pagsalungat, kung isa ka sa mga taong rebelde o kaya paborito mo lang talagang sumalungat sa mga batas na itinatakda ng mundo at kahit ng kalikasan sa tao, ang mismong kalikasan sa ganitong pananaw ang pinakamasarap salungatin dahil sa buhay na kaya nitong ibigay sa iyo.
Dahil kung tao ka, kaya mong pumili. Kung tao ka, hindi ka magpapakasasa sa sarili mo dahil kung tama si Darwin, ang mga Homo sapiens sapiens lang ang may ganoong pananaw sa buhay.
Ang tao kasi iba. Marunong sumalungat.