11.12.2007

kaTULAD pa rin NG DATI


"Anong gagawin kung ang bagay na nawala ay hindi mahanap, hindi mapalitan, at hindi makalimutan? Tatanggapin."

-"Tulad ng Dati", Cinemalaya 2006 Best Picture

Nagkaroon ng "mini reunion" ang eme nung wednesday. Bakit? Para i-celebrate, supposedly, ang mga kaarawan nina ed (Oct.7), Ivy (Oct.26), at Jackie (Nov.4). Haha. Take note, Nov. 7 na yung reunion ah! Siguro ganun nga talaga pag magkakaiba na yung buhay niyo. Madalas hanggang happy birthday text message na lang. At kahit ganun lang, masaya ka na dun.

Pero nung wed., sinubukan naming maging unique. nagcelebrate kami kahit sobrang late na. Gusto pa naming sabihing "Better late than never" pero magiging masyado nang halata. Basta ang point lang, gusto lang din talaga naming magkita-kita. Kaya ayun, kahit halos wala naman talagang dahilan (except yung fact na manglilibre si Jackie. haha), nag-reunion kami.

Oo, dani, ginagawa ko ang post na to kasi nag-request ka. Pero totoo lahat ng sinasabi ko dito. Hindi ko na dapat ipopost ito sa blog na'to dahil napagtanto ko na rin naman ang sagot. Pero sige na nga, para sa'yo.

Nalulungkot ako sa imed dahil wala kayo. Kaya nung wed, kahit anong mangyari, sukdulang lakarin ko papunta sa pizza hut sa katipunan para lang makisali sa kulitan. alam kong magiging masaya ao sa araw na yon dahil makikita ko kayo. Di ako nagkamali.

Ayoko kasi talaga ng "changes." at kahit hindi ko masyado pinapansin, nalulungkot ako kasi hindi na kayo yung mga lagi kong kasama. kasi nagkakaroon na tayo ng iba't-ibang buhay. kasi nahihirapan na rin tayo minsan na mag-usap tungkol sa mga bagay-bagay dahil magkakaiba na tayo ng tinatahak na daan. magkakaiba na experiences natin. di na iisa.

titigil na ko sa paggamit ng capital letters. nakakatamad pindutin ang shift eh. pero di tulad ng katamarang nararamdaman ko ngayon, di naman talaga ako tinamad na umasang kayo pa rin yung barkadang magpapasaya sakin kahit wala kayong ginagawang kahit ano.

tinanong ako ni dani nung party nina mara ng: "Aren't you guys glad na tayo ang magbabarkada?" Haha. Di mo lang alam dani, ang tagal ko nang nagpapasalamat. Sobra.

Kahit pilitin ko, hindi ko kayo mahanap sa imed. haha. wala kasi akong choice eh. kayo lang naman talaga yung kumportable akong kasama kasi kilala niyo ako. wala nang adaptations na kailangan. wala nang adjustments.

parang nung nasa bahay tayo ni Ed. wala tayong ginagawa pero masaya tayo. si Rob busy sa pagintindi sa mga responsibilidad niya na kahit dapat nagsasaya na siya all the way, mag-eexcuse talaga siya at gagawin ang dapat niyang gawin. just like why i'm so proud of him. Jackie was her usual self, loud and talkative. may saysay yung mga kinukwento at sinasabi. higit sa lahat, maingay. si Jeriq joke pa rin ng joke. tapos biglang nag-zoning at nag-gitara. tapos matakaw pa rin. si Jake din nagjojoke kahit hindi masyadong napapansin ng mga tao. si Ivy mahalay pa rin at humalay pa nga yata lalo. siyempre maingay din siya buong time at kwento ng kwento. si Joriel nakikipag-wrestling pa rin sa mga tao. Tapos si Ed, being his usual self, humihirit at the most unexpected moments hat makes us laugh hard. At si dani, tahimik at nakangiti, parang kala mo tuloy, katulad ko, nagre-reflect din siya at nao-overwhelm dahil once again, magkakasama kami.

Minsan natatakot ako na balang araw, sa sobrang layo na ng mga nangyayari sa'min, mahihirapan na kaming mag-bonding ulit. Yung bonding na parang ang bilis lang ng oras at wala naman kayo talagang ginagawang kahit ano pero nage-enjoy kayo.

Minsan naman gusto ko nang sipain ang sarili ko dahil ang cheesy talaga nitong mga naiisip ko at nararamdaman.

Kaya siguro hanggang ngayon, si Hopee at si Dane pa rin ang guso kong katabi sa imed. Kasi ayoko pa ring mawala yung barkadang dahilan ng karamihan ng mga ipinapasalamat ko sa buhay. Pero naaalala kong dahil nga rin pala sa inyo kung bakit natuto ako kung paano makisalamuha sa ibang ta, tumanggap ng mga bagong kaibigan, at maging bukas sa mga pagbabago. Dahil nga pala sa inyo kung bakit kahit dati, kahit gaano ako kausapin ng ibang tao, hindi ko sila papansinin lalu na pag hindi ko sila kilala, pero ngayon ako pa ang magsisimula ng pag-uusap.

Katulad nga ng sinabi ni Jett Pangan, kung hindi mahanap sa iba, hindi mapalitan ng iba, at hindi rin makalimutan, kailangan na lang tanggapin. Pero guso kong maniwalang hindi naman kayo nawawala at hindi mawawala. Andyan lang kayo sa may kanto, naligaw lang ng konti kasi hindi niyo alam kung paano lumiko ng medyo U-trn lang.

Sabi ko sayo cheesy eh.

Na-miss ko kayo, eme. Sobra. At wala pa rin kayong palya. Sa kabila ng mga pagbabago, katulad parin kayo ng dati.

10.01.2007

Better Caesar than Beethoven

I've been having check-ups and tests at the PGH to determine why my left ear ceased to function back when I was in Grade 3. Finally, after 7 years. Haha. Well, at least I just really want to find out what caused it (and make sure it won't affect my right ear or affect me in any other way that would prevent me from becoming a doctor. sayang kaya ang 7 years!). My parents want to find out if I can hear again. It's okay for me if I won't be able to just as long as no other part of my being would be affected. After all, after 7 years, I think I've developed much adaptation to accept and live with the fact that I'm half-deaf. Just like Ceasar.

But see, the doctors are thrilled with my case. I think if Dr. House would meet me, he'll find me interesting enough to cure (or not yet because apparently I haven't had any life threatening moments which I hope would stay that way). Why thrilled? Apparently, (warning: medical jargons are about to pop up) a profound and sudden hearing loss that passes the Calorics Test is not normal. Why? I have no freakin' idea. I guess first year medical students (that are not even in the medicine proper yet!) still do not possess the ability to determine what test results mean. Haha. Seriously. I guess we can only guess. But I really did try to understand the stupid graphs that the machine that did my tympanometry produced or the stupid signs and graph-like thingies that the doctor wrote during my speech audiometry. I tried. But failed miserably. Haha.

To get to the point, the doctors want a CT scan of my temporal lobe and they have decided to refer me to their, guess what, consultant (Consultants are, well, the doctors who have finished their residency, fellowship, etc. Its a long process so they're well experienced. :P). Apparently, my case is serious or interesting enough to be taken in by the condultant. (We're talking about UP doctors here! But I guess, a specialist would be able to give a better diagnosis.) I'm yet to have my CT scan and my rendezvous with the *tantananan!* consultant.

Their (the doctors who checked me) guess is that I may possibly have an inborn condition that manifests only after people grew up. And the guess came with the warning that my right ear might also have the condition which would make me fully deaf if I'm not careful.

To make matters worse, my mom informed me that our famly DOES have a history of such a condition that resluts into ears becoming deaf. So the guess misght actually be true. (House, where are you when people need you?!)

The news came like a "whoah!". I mean, I'd rather be off like Ceasar than Beethoven! (well, except for the talents and such. hehe.) Seriously, I'd kill myself if the world decides to deprive me of the ability to hear. At least, I know I won't be able to take it well. Please, God, help.

Haha. Soemtimes we take for granted things. I took for granted the fact that I'm half-deaf. I actually somehow liked it because it makes me unique. Now its something serious. Way beyond being uniqe.

I just wish I'm way way beyond becoming "special".

9.19.2007

My Gastrocnemia is Hot.

Haha. Gastrocnemia ang tawag dun sa muscle na nakaumbok sa may leg mo. Yung matabang part. Yun. Sabi ng teacher ko kung gusto mo daw maging hot ang legs mo, dapat defined ang gastrocnemia mo. haha.

Kahapon, ang bastos ng dila ko. As in lantarang kung anu-anong phrases na mali ang wording kaya nagmumukhang iba yung meaning na lumalabas sa bibig ko kaya feeling ko andami kong na-offend. Hay nako. Bad tongue.

See, powerful ang words. Yung simpleng paggamit ko ng Taglish na sentences sa mga blog entries ko may implications sa akin at sa nagbabasa. Yung simpleng hoy nga lang pwedeng makapagpasaya, makapagpatawa o makapagpagalit sa isang tao eh. I once mentioned in one of my essays that I believe no matter how much actions can speek louder than words, words would hurt more than actions do.

Minsan lang talaga, ang hirap pigilin ng lumalabas sa bibig natin. Minsan pa compelled ka na ipagtanggol yung ibig mong sabihin. Pero baka lalo lang lumalala.

Haha. Akala mo ang seryoso ng nangyari sa akin eh no na parang napaaway ako and all that. di naman. Napansin ko lang.

Tsaka wala na aksi akong masabi. Believe me, ang daming nangyayari sa buhay ko sa imed at sa upmanila (like the fact that I have another crush that sings like, whoah. She should have won. Stupid judges. Pero class 2010 ata siya haha. so either 4 years ang tanda niya sakin o 6 years. but who cares?! Haven't I just said she's really pretty and she sings like an angel?!) at nakakapagod na rin siya. Pero madalas kasi, hindi masyadong malaki yung impact ng mga yun para matandaan ko at magawan ng blog entry pagdating ko dito sa qc ng saturday. Hindi ko na magawang matandaan pa ang mga ganung bagay. I still have Gastrocnemias, auxins, giberillins, Colegio Dental de Liceo de Manila, and cos (A+B) to remember!

Hay. How unfortunate but I still have to go back to the Insular Board of Health that was established through Act no. 157 and its members (both active and honorary).

UP Kami, San ka pa?!

Matatapang, Matatalino, Walang takot kahit kanino.

Late na to pero wala lang, nakakatuwa pa rin. :P

Congrats UP Pep Squad (2007 UAAP Samsung Cheerdance Competition Champions!)! Ang astig ng routine na yun! Pulido!

Isa pa ulit para sa sentenaryo!

Stand above the rest,
UP is the best!