6.17.2006

Why the "Cars" movie SHOULD be controversial.

haha. hahaha. hahahaha.

grabe, tawang-tawa ko dito. ang galing mo pito. haha.

galing kay pito:

"Nanood kami ng Cars. Ganda ng sine, akala ko dati corny kasi tungkol sa mga buhay na car - parang lahat ng tao ginawang car. At hindi lang yon, may mga hayup din na car. (Hindi hayup as in "haaayuup!!". Hayup talaga, 'yung may buntot/pakpak) Nagustuhan ko. Pero may mga tanong kami na hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan. Nakakagulo. Nakakabaliw. *say it with me* Nakakapagpabagabag.
1. Paano nanganganak ang cars? Paano sila nagpapakita ng affection in the first place?
2. Paano lumalaki ang mga batang cars?
3. Kapag pinanganak ang car, ang trabaho ba niya paglaki niya nakatakda na dahil sa itsura/uri niya?
4. Ano ang mga inaaral ng batang cars habang na sa school sila?
5. Bakit may mga cow na cars(tractors)? Para saan yung pagsasaka?
6. Sino ang nakikinabang sa mga bangketa?
7. Bakit may parking lot sa labas ng race stadium, e lahat ng cars nanonood sa loob? Ano 'yun, para sa mga alipin?
8. Saan nililibing yung cars kapag namatay na sila?
9. Ano itsura ng asong car?
10. Racing lang ba ang sport ng mga cars?
11. Ano itsura ng cars noong panahon ng mga Dinosaur?
12. Ano ang hinahatak ng kalesang car? Car din ba???"

haha. ayos.

No comments: