tama si rayray.
Jesus, take the wheel.
seriously, i'm really scared.
nagpapasalamat ako kay God kasi nung hiniling ko na sana matapos ko yung exam nang hindi nauubusan ng oras, yun nga yung nangyari. thanks God.
pero weird yung pakiramdam after nung UPCAT eh. parang wala lang. ang peaceful. nahirapan ako, pero di tulad ng dati, hindi ko masyadong naramdaman yun after exam. i'm scared.
lalu na nung inaayos na nung proctor yung mga test papers. yun yung tapos na talaga yung exams tapos na ipasa mo na. NAKAKATAKOT. sobra. kasi yun yung point na wala ka na talagang control sa kung ano nang susunod na mangyayari. wala ka nang control sa kinabukasan mo. lahat nakasalalay na lang sa papel na ipinasa mo.
gud luck sa buong batch 07. maraming maraming gud luck.
***
may dalawa akong weird na katabi nung upcat. yung isa, nangungulangot. tapos yung isa naman, ang BILIS niyang matapos. naalala ko nga yung kwento ni sir chris eh. na mabilis daw magsagot ang mga estudyanteng nagaaral sa science high schools. tapos na-realize ko, eh dapat ako yung mabilis magsagot di ba? kasi ako yung estudyanteng nagaaral sa science high school?? haha.. tapos ang bagal. wehehe..
at pagkatapos kong maisip yung tungkol sa mga weird kong katabi, naisip ko: "kung sila rin may blog, malamang nasabi rin nila dun na: 'meron akong weirdong katabi nung nag-upcat ako'". bakit?
bigla kasi akong tumatawa eh. as in yung halakhak na walang tunog. feeling ko nga pakiramdam nung mga proctor, nababaliw na ko eh. pano naman kasi, nakakatawa kaya yung ibang options. lalu na dun sa Filipino part. haha.
No comments:
Post a Comment