12.14.2006

To my SISTER

Ate Rhea, tantanan mo na ang pagbabasa ng blog ko. Wala kang mapupulot na secret dito. It's either rantings about school or fictional stories/essays/poems lang ang nakalagay dito. Hindi mo matutuklasan ang crush ko o kung ano mang gusto mong malaman kapag binasa mo ang blog ko. Haha. Kaya wag mo nang pagaksayahan ng oras tong blog ko. mag-friendster ka na lang! mas masaya yun!



haha. deh. ang tunay na saysay ng post na ito ay hindi lang para sabihin sa ate ko na wag nang basahin ang blog ko (ang daya, di naman siya nagboblog kaya wala akong mabasa! hmph!), gusto ko lang gumawa ng part 2 nung blogentry ko para kay "sumone you don't know"



To "sum1 you don't know":



fine. tama ang ate ko. (na former xientian, btw, so i got a comment from a xientian's point of view) medyo may pagka-offensive nga naman na sabihin na mas malinis ang isang skul kesa sa skul niyo (though hindi ko pa rin gets kung anong offensive dun eh kung ako yun di naman ako ma-ooffend).



Pero sige na, kung ako naman ang taga-quesci, magrereact din ako dun sa sinabi nung PS sa blog entry na yun.



Pero hindi kasing degrading ng pagcomment mo.



tama ang ate ko na hindi ako dapat naglagay ng ganun. kasi kung tutuusin naman, may reason ang quesci kung bakit siya madumi. kesyo konti ang suporta from the government (which is true considering na Regional Science High School sila), mahirap linisin yung place kasi katabi ng kalsada o kung anuman ang dahilan niyo kung bakit madumi yung skul niyo in some ways, the point is yun yung topic ng PS ko.



kung pisay yung pinunterya ng isang blog entry at sinabing madumi ang pisay blah blah whatever, magrereact din ako. sasabihin ko ang mga dahilan kung bakit dapat intindihin na mahirap linisin ang skul namin o kaya magbibigay ako ng examples ng efforts namin para malinis yung skul namin.



Ang point ko lang, hindi ako lalayo dun sa topic. Ang topic ng PS comment ko na yun ay tungkol sa kalinisan ng skul mo. Wala ng iba pa.



Kung dun ka nagcomment, nagbigay ng dahilan, kahit violent pa yun or whatever, magsosorry pa ko sayo.



Pero hindi eh. sinamahan mo ng ibang topic. tinira mo yung skul ko sa isang aspect kung sa'n hindi ko naman tinitira yung skul mo.



bakit, sinabi ko ba na ang bano niyo pagdating sa academics dahil lagi namin kayong talo? sinabi ko ba na first yung representatives namin sa pisikaalaman samantalang kayo second lang? sinabi ko bang sobrang konti lang ng mga contest na napapanalunan niyo kumpara samin?



wala akong sinabing kahit ano bukod sa mas malinis yung campus ng carlos albert kesa sa campus niyo



kaya wala kang karapatang magyabang.



isa pa, blog ko naman to eh. kaya obvious ba na opinions ko ang mga nakasulat dito??!



at oo, pinaninindigan ko na mas malinis yung campus ng caros albert kesa sa inyo. yun lang ang sinabi ko kelangan mo nang magyabang?



eh di kabilang ka pala sa mga mabababang uri ng tao na hindi kayang tumanggap ng mga comment at tinitira ang mga tao sa aspeto kung sa'n alam mong masasaktan sila.



sorry dahil sinabi kong mas malinis ang campus ng carlos albert kesa sa campus niyo (see!? hindi ko sinabing madumi ang campus niyo eh! kinompare ko lang sa iba!).



nagsosorry ako kasi tama ang ate ko na may reasons kung bakit madumi ang skul niyo.



pero ang kapal pa rin ng mukha mo para magbigay ng isang mayabang na comment.



SINO KA para isiping mas magaling ka kesa samin eh pare-parehas lang naman tayong tao?!



Gud lak sa inyo sa nationals.