12.19.2006

To YOU:

i lied.

medyo lang pero nakonsiyensya ako eh.

nagalit ako sa sinabi mo. as in galit na galit na gusto ko na sanang maiyak at nagbuhos talaga ako ng sama ng loob kay Cheska. na-offend ako sa sinabi mo. di ko na alam kung bakit at ayaw ko nang basahin pa ulit yung sinulat mo. basta. ayun. nagalit ako, hindi sayo, pero sa sinabi mo.

at nagsinungaling ako sa pagsabing ang yearbook article ko ang dahilan ng hindi ko pagreply sayo. hindi yun totoo. galit pa ko sa sinabi mo nun kaya hindi ako nagrereply kahit sa tagboard man lang.

at nagsinungaling ako kasi kachat kita. somehow, i don't want to tell you directly.

kahit ngayon naman, galit pa rin ako eh.

pero hindi na siguro sa sinabi mo. mas galit na siguro ako sa SARILI ko. kasi napagtanto ko na parang ang sama na talaga ng dating ng blog ko. parang ang dumi-dumi na niya. tapos lahat ng dumi galing sa kin. parang ang panget-panget na niya. tapos wala akong ginagawa para mabago yun. parang ang baho-baho na ng bunganga ko.

nagalit lang siguro ako kasi pinahiya ako ng sinabi mo sa sarili kong blog at kahit dun sa xientian mismo.

ayun. at sa sinabi mong: "the right to say what you think comes with some responsibility, and I just wish you'd exercised more carefulness in doing so.", gusto ko lang sabihin na inaamin kong hindi ako nagiingat sa mga sinasabi ko. pero lahat naman yun pinaninindigan ko. kaya nga ako nagpart 2 dun sa blog entry ko di ba. kasi gusto kong mas nililinaw yung sinasabi ko. naninindigan lang naman ako. at kaya nga nung sa tingin niyo eh naging mayabang na ako, tinago ko na yung dalawang entries. para lang hindi na maging mayabang at para subukang itama ang sinasabi mong maling nagawa ko.

may isa kang tanong dun sa email mo sakin na sa tingin ko may karapatan kang malaman ang sagot: "Tell me how I offended you. Is it when I told you to stop? Or is it when I told you that the entry wasn't in very good taste?"

pareho.

pero napagtanto ko nang hindi mo naman din kasalanan eh. kagaya nga ng sinabi mo: nagyabang ako. kaya ayan. sinubukan ko nang ayusin.

at oo, habang kachat kita, bawat "haha" ko sayo hindi totoo. kasi hindi talaga ako masaya sa nangyari. nasaktan lang talaga ako n sobra. pakiramdam ko natalo ako sa sarili kong blog.

hindi ako nagalit sayo. yun totoo yun. nagalit ako sa sinabi mo.

hindi mo lang kasi talaga alam kung anong pakiramdam ng maging tanging tao sa pamilya na naging taga-pisay. mahirap idefend ang skul mo kapaga tatlong kapatid mo ang magtutulong-tulong para kalabanin ka. hindi mo alam kung paano nila ako kinalaban sa comment nung xientian na yun. kaya hindi mo alam kung bakit sobrang violent ko magreact.

yun hindi mo yun kasalanan.

at oo, hindi na ako halos magboblog. mas okay na din yun. para mas kaunting tao ang maapektuhan ng mga sinasabi ko.

**sana lang matagal mo bago madiskubre ang entries sa blog na to. o kung pwede, sana rin hindi na. sori kung medyo nagsinungaling ako. hindi naman talaga ako nagalit sayo eh. sa sinabi mo lang.

No comments: