haha. i know my sister would still not stop reading my blog.
sige nga. ate rhea, basahin mo 'to :)
WARNING: The following text contains religious matters. If easily offended by such, please stop reading. PLEASE respect the opinion, the beliefs and the religion of the writer regarding this.
wala lang. naalala ko lang kasi yung kwento nung isang preacher nung retreat. yung tungkol dun sa isang lalaki na hinostage. tapos habang nakakulong siya at binabantayan nung hostage takers niya, ginawa niya ang lahat para magkaroon ng holy life - as in araw-araw siyang nagdadasal and all. tapos isang araw, nanaginip siya na nakatayo siya sa harap ni God. Nandun din yung isa sa mga hostage takers niya. Tapos tinuro siya nung nanghostage sa kanya at sinabing: "Ayan God oh. Siya yung taong hindi ako tinulungang makalapit sa'yo."
So nagulat yung lalaki. Akalain mo ba namang mukhang hinihiling pa ni God sa kanya ba ilapit niya yung mga nanghostage sa kanya kay God. E di ang hirap naman nun, di ba? Ang out-of-place tingnan na pagdadasalin mo yung mga, supposedly, "bad guys" dun sa storya. Pero, ayun, ginawa pa rin nung lalaki yung kagustuhan ni God. Eventually, nagawa naman niya at nagdadasal na sila nung mga hostage-takers niya ng sabay.
Ayun. Moral of the story: "Are you helping the people around you to be closer to God? Or are you doing nothing at all and letting them be?"
Dahil dito kaya sobrang thankful ako kay God sa pagbibigay niya sa akin ng mga kaibigan na may mga matatatag na faith at hihilahin ka pataas, papunta sa Kanya.
So anong kinalaman ng kapatid ko dito?
Well, I know my sister is starting to be lenient to another religion. Christian pa rin naman. Protestant. At maganda naman epekto sa kanya. And there's nothing wrong with that. Pero yun nga. Naalala ko yung kwento na kababanggit ko lang. At yung mga sinabi ni Rob na para sa mga taong hindi kinagisnan ang Catholicism, hindi kasalanan ang maging parte ng ibang religion. Kumbaga kung ang pamilya niyo eh likas na protestante at hindi niyo naman talaga nakilala kailan man ang pagiging katoliko, hindi iyon kasalanan.
Pero kung Katoliko ka, tapos lilipat ka sa ibang relihiyon, kasalanan yun. At, well, ayoko namang magkasala ang kapatid ko.
Kasi, masyado nating minamaliit ang Catholic Chruch, in the first place. Dahil na rin siguro sa The Da Vinci Code at kung anu-ano pang controversy, masyado nang nadumihan yung pangalan ng Simbahang Katoliko. Pakiramdam ko tuloy ang tngin ng iba sa relihiyon ko ay isang malaking joke.
But in the first place, the Catholic Church is the only Church founded by Christ, Himself. So if you have a strong belief in Christ, why are you doubting the Catholic Church?
Dyan papasok ang linyang: "Wala naman sa bible yan eh!" As in lahat na lang ata ng ginawa ng Simbahan, sinabihan ng linyang yan. But, then again, yung mga salita naman sa Bible kelangan pa rin ng interpretation, di ba? Kasi galing kay God yun. At yung knowledge ni God ay hindi kayang pantayan ng sinumang tao. Kaya kung anu man ang sabihin niya, yung makukuha lang natin o maiintindihan dun eh konti lang. Parang kapag nagsalita si einstein tungkol sa nuclear bomb. Malamang mawala tayo sa katinuan kapag sinubukan nating intindihin ang mga sinabi niya. Kaya kelangan natin ng isang interpreter na magsasabi sa atin na: nakakamatay ang atomic bomb.
Kaya sa Salita ng Diyos, kelangan pa rin natin ng interpreter. At isa yun sa mga trabaho ng Catholic Church - ang maging SOLE interpreter ng Salita ng Diyos. And being the Church founded by Christ, siyempre nandyan yung Holy Spirit para gabayan ang Simbahan sa trabaho na to.
Oo, lahat ng bagay na sinasabi ng iba na "wala sa Bible" ay interpretation ng Catholic Church. At buong puso akong naniniwala (with all due respect to all other religions), na ito ang tamang interpretasyon.
It's a shame the Catholic youth, somehow, tend to be blind when it comes to their own religion. Lagi na lang pag sinabing Catholic, para sa karamihan: corrupt, masyadong traditional, wala sa bible ang pinaggagagawa, etc. Ang pathetic. Kasi mas tinitingnan yung mga dark spots ng Catholic Church kesa sa kung ano talaga ito.
(Para kay Ate Rhea. Pasintabi sa ibang relihiyon ulit. Inuulit ko, opinyon at paniniwala ko ito.)
Tsaka hindi ako naniniwala sa sinabi mo na kapag Evangelical ka eh magiging mas religious / spiritual ka or something like that. Walang epekto ang relihiyon kapag talagang naniniwala ka sa Diyos. I have proven that. I have classmates that praise so wholeheartedly that you would feel their intense love for Christ. They also read the Bible. Hindi man nila saulo, they still do read the Bible. Hindi rin sila "traditional" mag-isip, kagaya ng iniisip ng marami. Moreover, they're all Catholics.
Hindi pa ako magaling sa pageexplain at pagdedefend. Madami pa kasi akong nakalimutan sa mga sinabi ni Rob (na, btw, ay inexplain sa kanya ng chaplain ng Pisay. :) ). Ayun. Eto na yung tulong ko. You still have the choice. I have made mine, already, and I'm happy about it. Gusto ko lang na, at least, may ginawa ako tungkol dito. :) Gud lak. :)
Masaya ako at naging Katoliko ako. Lalu na nung mas nabuksan yung isip ko sa kung ano ang totoo tungkol sa relihiyon. At mas lalu na nung binigyan ako ni God ng mga taong tutulong sakin para mas maintindihan ko 'to.
Kaya, God, salamat sa mga hinostage ko ah. :)
No comments:
Post a Comment