1.28.2007

A tribute to PeaNoy's Peanut Butter

The Teenpreneur Challenge was fun. Haha. Besides the fact that we were representing Pisay in a competition like this, I liked the fact that the whole competition has a deep sense of nationality with it. Ang astig nung video ng GK na pinakita nung host. I was overwhelmed by my fellowmen's nationalism. Kala ko kasi dati extinct na ang mga Pilipinong makabayan. Di pa pala. :P

At ang saya din nung ginawa namin. Nauna nga natapos yung Pisay dun sa First part nung challenge eh. For some reason, sobrang nakinig si Gian dun sa orientation na nung binigay na yung clue para dun sa unang puzzle, alam na kaagad niya yung sagot kahit hindi pa kami naglilibot para maghanap ng letters kasi sabi nung instructions yun lang daw ang paraan para malaman namin yung password. Haha.

At pagkatapos nun, dahil sa simpleng context clues, nakuha na rin kaagad nina Gino yung pangalawang password. Hindi man lang sila pinawisan. Tinype lang nila yung kung anumang word dun tapos tada! Haha. Pagbalik namin dun sa station namin after five minutes ng pagtakbo, tapos na kami kaagad. Effortless. Haha.

At siyempre yung final round nung contest, kelangan naming magimprove ng isang product mula sa GK. At ang product: Peanut Butter. Haha. Ang hirap pala gawan ng pangalan ng Peanut Butter. Haha. Ang naisip nung group nina Kat: KnockNuts. Naks naman. Tapos kami: PeaNoy's Peanut Butter. Hahahaha. At, siyempre, may jingle songs pa yang mga yan para makatulong sa advertisement, gaya ng:

sikat na sikat ang PeaNoy
Kahit sa'n magpunta
Kitang-kita mo naman na kinakain 'to.
Iba ang sarap ng PeaNoy
Kahit san magpunta (?)
Ipagmalaki mo ang PEANUT natin!

at....

(tono ng isapageting pababa)
palaman na masarap, masarap na masarap
sa tinapay masarap, masarap na masarap
pampabaon, pampamilya, pampapak-pampapak
peanut butter ng PeaNoy, masarap na masarap na masarap!

haha. galing no. sina Igi yung gumawa nung una tapos galing kay Dane yung isa pa. Haha.

Naasar lang ako dun sa huling tanong nung mga panelist namin. Inaapropriate kasi eh. Sabihin ba naman nila na baka unhygenic yung peanut butter galing sa GK kasi mahihirap yung gumawa. Eh hindi ko nga naiisip yun eh. Ang pangit lang kasi, kagaya nung sinabi ni Cheska, "tinutulungan nila yung mahihirap pero in the process dinidiscriminate din muna nila."

ayun. ang saya. :)

No comments: