7.12.2006

Alay sa teatro, sining, kultura at PAGKAPILIPINO

*wow. o eto, basahin mo. nang tuluyan ka nang mauntog sa pader at magising sa katotohanan. maraming salamat sa pagsulat nito ginoong juan crisostomo andaluz.

Mon Jul 10, 2006 9:45 pm (PST)
Kung si Superman RETURNS, ang OYAYI ganun din.

(Sa SM din, megamall. Pero hindi IMAX kaya mas mura, hindi 3D, pero
LIVE, walang daya.)

Sa lahat po ng mga artista, artistahin, mukhang artista, nagpipilit
maging artista, pormang artista lang at kahit yung pawang mga
maaarte lang. Paanyaya po sa inyo.

Superman, Batman, at iyong iba pang mga man, Mcdo, Adidas, NBA,
Julia Roberts,RENT, Da vinci Code, X men, Cats, Harry potter, Miss
Saigon, Hillfiger, La coste, Ford, Dwayne Wade, George Bush, Tom
Hanks, New York, Mickey Mouse, Jay Leno, Oprah Winfrey, Levis,
Amway... At maraming, marami, mmmmaaaarrrraaaammmmiiiii.... pang
iba.

Lahat ng nabanggit ay mga bukambibig natin dahil mas magaling, mas
sikat, mas maganda, mas sosyal, WORLD CLASS, at lahat ng hindi
katunog nito ay walang kwenta, baduy, cheap, pangit, jologs. lalo na
yung mga katunog ng OYAYI, Pag-Ibig, Sinisinta, Jolina, Jollibee,
pidro shirt, magandan umaga, darna, minsan pati nga bayang magiliw
eh,nasanay tayo, o sinanay ng lipunan o kultura na ganito ang pag
trato sa kahit anung gawang pinoy, Unang una na ang maling pagtingin
sa ating wika, at mababang pagtingin sa mga hindi nakakapagsalita ng
ingles. Pansinin ang dalawang pumasok na tao sa isang fast food
restaurant, Yung una, sabi niya, " Can i order that and that and
that..." ok ma'm, anymore order, it will just take a while.. and
your bill is.... sagot ng crew.(with all smile and very respectful)
Yung pangalawa, " miss, isa nga nun, at saka dagdagan mo pa nito, at
pahingi ng tisyu ha,... sandali lang! P 358.99 nga pala ang bill
ninyo, sagot ng crew.( siguro alam ninyo na ang hitsura ng tindera.
Kahit saan ka magpunta, ganito ang tingin sa kanila, Ilang beses
nating pinagtawanan ang mga beauty contestant sa pagsagot ng pilipit
na ingles, habang kilig na kilig tayo sa turista at balikbayan na
bulol mag tagalog. " "Expected daw sa atin kasi second language na
natin ang Ingles," At sinuman na magsalita nito ng mali ang grammar
at intonation pattern ay mortal sin. Oo nga pala, Globalization na
ang uso, kaya dapat daw mataas ang "English Proficiency," natin,
kasi nakakahiya at hindi tayo makakkuha ng trabaho, At lalo tayong
manguguleleat sa industriyang kahit ano, kung tanga tayo dito,, tsk¡Ä
tskkk. Tsss..kkk. Hhmm. Kuleleat na kaya ang bansang Hapon?,¡Ä
China?...... Hmmm, Germany?,,, France¡Ä.? Rome¡Ä. Hmmm, ¡Ä¡Ä.
Pansinin ang mga kasali sa beauty pageant ng mga bansang ito, hindi
ba may mga interpreter? Pero kahit ako, hindi ko nakitaan sila ng
pagkahina ng ulo, or sabihin na nating bobo. Kumpara sa mga Pinay at
Pinoy na kailangang matatas sa Ingles. Dahil pag nagkamali ka ng
sagot siguradong sa kangkungan ka na pupulutin. Nasanay na tayo na
ang basehan ng talino, ay ang galing sa pag ingles..

Tama kayang isipin na siguro kaya hindi tayo umuunlad kasi, may
problema sa komunikasyon? Partikular na ang paggamit sa wika,
Marahil kasi hindi naiintindihan ng iba ang kanilang mga binabasa at
sinasabi.

Bakit kaya tanggap ang mga salitang Fuck, Shit, Ass, bitch, kesa
putang ina, pwet, puke.? Nakakahiya naman yata pati mura mas gusto
natin ang ingles.

MAs gusto nating gawin ang sa banyaga, Mas gusto natin siyang
ipalabas, Mas gusto natin ang kulay, amoy, tingin, pag-iisip,
pananaw, buhay. Sana nga State of Philippines, ng AMERICA na lang
tayo, para wala ng isyu, maliwanag na Amerkano na tayo at yeheeyyy
magkakaroon na siguro ng snow.

Anu na kaya ang ating kultura? Naiisip mo ba kung bakit walang
makuhang material ang Hollywood sa Pinas? Hindi katulad sa China,
Japan, Malaysia, Taiwan, na pinupuntahan at hinhiraman na ng kultura
at impluwensiya ng Amerika . (The Last Samurai, Memoirs of a Giesha
etc.) Siguro kasi nakikita nito ang mabababang klaseng replica ng
kanilang kultura.. Tingin ko lang ha, baka naman mali ako.

Minsan iniisip ko , Anu ba ang tunay na kahulagan ng Globalization?
Ang sabi kailangan daw na ang produkto natin ay pumapasa sa Quality
at World Standard, kailangan kapareho ng produkto nila. Praktikal,
matibay, maasahan, maganda, makulay at kapakipakinaabang upang
magamit at tankilikin ng husto. Ahhh , siguro, kaya tayo nangagaya..
Alam ko na¡Ä Yun pala yun, hindi naman pala masama. Pero, teka,,
hindi kaya mali yun? Yun ba talaga ang nais sabihin ng
globalization?... Hindi kaya ganito:
Maglilikha tayo ng sarili nating produkto( industryal,
kommersyal,sining at kultura) na kasing tibay, maasahan, mas makulay
at maganda at lalaong makabuluhan at kapakipakinabang, upang
tankilikin, alamin, pag-aralan, matutuahan, GAYAHIN ng Mundo. Siguro
mas tama yun. Kesa tayo ang mangagaya.

Mabibilang sa daliri kung kelan dinumog ang mga dula sa CCP ng
Tanghalang Pilipino, kung kelan dinayo ang PETA sa E. Rodriguez, at
kung kelan pinilahan ang mga pelikula ng mga bagong punla ng
CINEMANILA. Hindi maikakaila ang impluwensiya ng MEDIA, pero
nakakalungkot isipin na katulong ito particular na ang TV sa paglala
ng problema, dahil hindi ka bibigyan ng malaking espasyo sa
kanilang programa, kung hindi kasali si Sharon Cuneta, at Lea
Salonga at iba pang malalaking artista, misan madadaan sa pakiusap,
at pagbibigyan ka ng isang minuto sa ere, dahil para sa kanila mas
mahalaga ang boypren ni madam auring, love affair ni Mahal at Mura,
pati na siguro sa pagmamaktol ni Booba. Kailan pinansin at binigyan
ng oras ang makabuluhang sining, isa, dalawa, tatlo? Hindi ko na
matandaan kasi abala ang telibisyon sa pagaya sa Big Brothers,
pagpapsikat sa mga telenobelang chekwa, at pabili na lamang ng mga
naka kahon ng banyangag programa, Kaya wala tayong magawa, kundi
tumunganga at mabilog ang nakatutok na malaking mata. Habang ang
karapat dapat ay nanatiling namamalimos ng pansin, pagkilala,
pagpugay at pera.

Kailan pinansin sa magasin ang mga magagaling na Artista? Kailangan
mo munang pumila at kumita sa Broadway at West End. Kailangan mo
munang manalo ng award, para pagkaguluhan ka kasi sabi nila WORLD
CLASS ka daw. Pero iyong iba na kakarampot lamang ang sahod sa
teatro at pelikula minsan naloloko pa at hindi nababayaran. Matapos
maholdap, dahil sa pag uwin ng gabi dahil naka dyip lamang, matapos
masuntok, matadyakan, at mabatukan sa pelikula ni Direk_ _ _ _ _ ,
kawawa naman. Kadalasan hindi na natin napapansin ang kanilang
paglisan dahil abala ang karamihan kina Judy Ann.

Natural na ito, araw araw nangyayari, hindi napapansin, para ngang
walang epekto, mukhang tanggap na lahat natin ang ganitong sistema,
at para baguhin mo ito kakailanganin mo ang malakas na paghila
pabababa sa mga nagtataasang kilay ng mga tao.. At sinu ka para
baguhin at pakialaman ito. Ang laging reaksyon ay kibit- balikat na
Lamang, konting iling, at maglalakd na lamang palayo habang
nakatingin sa hindi malaman.

ISang buod ng ideolohiya ng dulang Oyayi ang nalahad. Mga pananaw,
mga ugali, maling pagtingin, matigas na pagtutol, maririing
pagtanggi, walang magawang pagtangqap sa nakasanayan. Ilang mga
kaisapan na masusuri sa dulang OYAYI, na humhanap ng solusyon sa
wastong pagtuklas sa tunay na kultura at sining at PAGKAPILIPINO
natin. Mahirap ang adhikain. madaling isulat, madaling isayaw at
kantahin, pero mahirap gawin. Subalit kailangan simulan... at
tukuyin, matagal na panahon ang gugugulin. Maraming isyu at tao ang
kakalabanin.

Kaya po, panyaya muli, kung wala kayong gagawin sa 5, Agosto, 2006,
Puntahan at panoorin ang dulang OYAYI, 2005 Aliw Awards Best Musical
Play, ni Frank G. Rivera at idinirehe ni CJ Andaluz, pinagungunahan
nina Bodjie Pascua, Carlo Maceda, Winnie Cordero, Danny Magisa,
Richard Arellano, Joan Co, Krista Taclan at Mark Pedirigan,
suportado naman ng dalawang pu pang mga artista, sa SM Megamall,
Cinema 4, 10:00am, 1:00 p.m., at 4:00 p.m.handog ng PIXEL ART MEDIA
PRODUCTION CO. sa interesado po na manood, magtanong, makitsimis,
makitambay, matuto at magising tumawag lang po sa 845-26-59, sa
diskwento sa tiket lalo na po ang mga taga CINEMANILA, ALYANSA, at
lahat ng Makikibaka. At kung mabobola ninyo ang sasagot sa telepono,
baka libre pa.

Oyayi, huling hirit sa entablado, na sana ay sa disyembre maging
pelikula na ito... Abangan..

Lahat ng tao ay nakakulong sa isang hawla, hindi nakikita ng tulad
mo, tulad ko¡Ä
Ngunit bakit ba, may mga taong mas Malaya, kaysa sa iba¡Ä..

Ewan ko¡Ä¡Ä

--> juan crisostomo andaluz

(ito ay mula sa egroup ng sindi-katok)

No comments: