7.29.2006

Happy 2nd Birthday Snake Pit!

Happy Birthday, happy birthday, happy birthday snake pit!

Naks. I'm so proud na nakadalawang taon na ang blog kong 'to! At naka 3000+ visitors na siya ever since.

Itong blog na 'to ang nagsimula ng blogging habit ko. Kaya naman kahit halos hindi na talaga ako pumupunta dito at hindi na rin ako masyadong nagpopost dito (crosspost na lang sa pamamagitan ng tabulas), di ko pa rin siya magawang mabura. ang hirap eh. may sentimental value na siya sa akin.

Kaya naman, two days before its birthday, inayos ko na kagad ang layout niya. tada!

Happy Birthday blog!

isang malaking sampal para sa mga stereotype na taong walang ibang alam kundi INGLES

"Kung Bakit Nagmura Ako ng Putang Ina sa Buwan ng Wika O ang Diskurso ng Kapangyarihan/Pulitika ng Tunggalian sa Filipino Bilang Wikang Pambansa"

(Ibinabahagi bilang selebrasyon ng Buwan ng Wika ang panayam na ibinigay ni Nelson Turgo sa mga mag-aaral ng Manuel S. Enverga University Foundation, Inc. noong ika-17 ng Agosto)

Magandang umaga sa ating lahat. Nagpapasalamat ako sa paanyayang ipinaabot sa akin bilang tagapanayam sa programang ito. Nais kong banggitin na ang programa ay parehong nakakatuwa at nakakalungkot. Huwag kayong magugulat sa sinabi kong ito. Ako man minsa’y nagugulat din sa mga sinasabi ko. Natutuwa ako sapagkat may inilaang panahon ang pinakamalaking unibersidad sa Timog Katagalugan upang ipagdiwang ang Buwan ng Wika. Ibig sabihin, sa aking palagay, mahalaga sa inyong unibersidad ang anda (function) ng wika sa pagsusulong ng kahusayang pang-akademya. Nalulungkot ako dahil ipinagdiriwang pa natin ito. Ibig sabihin lamang, mabuway pa ang ating Pambansang Wika. Kinakailangang taon-taon, paalalahanan tayo na Filipino ang ating wikang pambansa. Sa mga bansang Hapon, Pransya, Thailand, Malaysia, Rusya at iba pa, wala silang katulad na pagdiriwang. Hindi dahil sa wala silang pagmamahal sa kanilang pambansang wika kung hindi dahil sa ganap ng pambansa ang kanilang wika kung kaya’t hindi na kinakailangan pa ang mandato ng estado upang ipagdiwang ang kayamanan at kapangyarihan ng kanilang wika. Astig na ang mga wika nila, kumbaga.

Kanina, habang sakay ako ng JAC Liner, may nakasakay akong nagtapos ng nursing sa isa sa mga paaralan dito sa Lucena. Nakapasa na raw siya sa board. Ang inaatupag niya ngayo’y pagrereview ng kanyang Ingles upang makatungo na sa Estados Unidos. Kukuha siya ng TESL at iba pang pagsusulit. Habang nagkukuwentuhan kami, panay ang kanyang Ingles. Nang dumaan ang konduktor, dahil hindi pa siya nasusuklian, bumanat siya ng: Excuse me, I have not received my change yet. Hmmm. Sabi ko, my cockney accent na ang epal. Mukhang nag-aral sa Dela Salle sa Maynila. Bumaba siya sa malapit sa Diversion samantalang ako’y tumungo ng Grand Central Terminal. Habang nagpapalipas ako ng oras sa Greenwhich at ginagawa ang papel kong ito, naisip ko, sadya nga yatang napakahalaga na ng Ingles. Kung hindi ka marunong mag-Ingles, limitado ang iyong oportunidad. Ang wika’y sandata at ang Ingles ay bazooka.

Tayo ay nasa panahon na di-maampat na globalisasyon. Sa Philcoa, lugar na sakayan patungong Unibersidad ng Pilipinas, sangkatutak ang nakabalandrang ponkan. Wala ng nagtitindang dalanghita. Nang minsang mapagawi ako sa isang bilihan ng sapatos sa Rockwell, isang upscale shopping mall sa Maynila, ang Nike at Adidas ay gawa sa China, Vietnam at Indonesia. Sa isang linang sa aming bayan, habang binabagtas namin ang daan patungong bundok, nakakita ako ng isang basyo ng mineral water, Evian ang tatak. Imported galing Pransya ang mineral water na ito. At ng minsan namang dalahin ako ng aking mga paa mulang Maharlika Hi-Way patungong SM City Lucena, ang Lander na handwash na nabili ko sa SM City North Edsa'y naroroon din. Tila nga wala ng pinipiling lugar ang globalisasyon.

Sa pambansang sandali ng ating kasaysayang ito, bakit kinakailangan pa nating palakasin ang ating pambansang wika habang nag-aaral tayo ng iba pang mga wika?

Himatong ng aking argumento na dapat tayong makialam sa pagbubuo ng pambansang identidad. Ito’y hamong kailangang tugunan nating lahat. Sa pagkatunaw ng mga muhon ng pagkakaiba bunsod ng walang humpay na Hollywoodization at McDonaldization ng ating bansa, laging angkop na pagpursigihan ang paggamit ng wikang Filipino upang itampok ang ating pambansang kaakuhan. Naririyan na ang globalisasyon. Walang makakatakas dito. Testamento nito ang SM City Lucena at ang mga shop na nasa loob nito. Pinapatay nito ang lokal na industriya. Noong maliit pa ako, ang puntahan namin ay Padillo, Ramchand, Recio, Hacienda Inn at kapag kakaiin ng siopao, ang tungo’y sa Kachina. Ngayon, iisa na ang takbo ng paa: SM City Lucena.

Noong nakaraang taon, nagpalabas ng kautusan si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na lalo pang pasiglahin ang pagtuturo ng Ingles sa mga mag-aaral sa elementarya at hayskul. Ang atin daw kasing kahusayan sa wikang ito ang ating advantahe sa iba pang mga bansa sa Asya. Ang sabi pa ng kanyang mga chuwariwap, mahalaga daw ito sa pagpapahusay ng ating ekonomiya. Ibig sabihin, sa simpleng termino, kapag napakahusay natin sa Ingles, malaki ang posibilidad, yes, citizens of Enverga Republic, believe it or not, uunlad ang ating bansa. Nang marinig ko ito, nautot ako.

Ang kahusayan sa Ingles ay hindi katapat ng kaunlaran sa ekonomiya. Hindi ko alam kung bakit sangkatutak ng datos ang lumabas ay hindi pa rin ito matanggap ng marami sa ating mga Filipino, partikular na yaong mga nasa gobyerno. Hindi ko batid kung nag-jo-joke-joke lamang sila o talagang ang mga IQ nila ay IQ ng lamok.

Walang duda na kailangan natin ang Ingles. Walang duda na mahalaga ang Ingles. Subalit, dito man ay marami nang mga maling akala tungkol sa kahalagahan ng wikang ito. Isa sa mga maling akalang ito ay ang maling paniniwalang ang Ingles ay ang susi sa kaunlarang pang-ekonomiya.

Ating tingnan halimbawa ang ilang datos ng ating kontemporanyong kasaysayan na magpapabulaan sa guni-guing ito

Nilagpasan na tayo ng Thailand, maniwala man kayo o hindi. Noong magkapalad akong mabisita ito noong 2000 bilang grantee ng Pamahalaang Hapon, kapag lalabas ako ng hotel room ko at mag-iiwan ng impormasyon sa front desk, lumalabas ang kagalingan ko sa pagdo-drawing. Hindi kasi sila mahusay mag-Ingles. Minsan sa inis ko, hindi lang ako nagdrawing upang ipaliwanag ko sa front desk na aalis ako sandali, pero babalik din at kung may dumating ay sabihing maghintay, kinulayan ko pa ang aking drawing with matching smiley. Paglumabas naman ng hotel, ang babalandra sa iyo ay mga direksyong nakasulat sa kanilang wika, sulat-bulate, sabi nga. Ang mga nakasama ko mulang Chulalongkorn University, pagnag-uusap kami, sign language. Pero, anak naman ng pating, tingnan ninyo ang kanilang ekonomiya ngayon. Kung sila ay tiger economy na, tayo, kuting pa rin. Ang isang taong bilang ng ating mga turistang bumibisita, isang buwan lang sa kanila. At Ripley’s Believe it or Not, ang Thailand ang ikalawa sa Japan sa buong Southeast at South Asia pagdating sa computer technology. Ang website halimbawa ng Chulalongkorn University, dalawa ang version: isang nasa Ingles at isang nasa kanilang wika. Sa atin, kabilang na ang UP, ang website lahat nasa Ingles.

Sa mga nakalipas na taong pilit na isinasaksak sa atin ng mga baliw nating opisyal sa pamahalaan na Ingles ang gamiting wika sapagkat ito ang magsasalba sa atin sa kahirapan, ito ang ating kinasadlakan.

Malinaw sa ating kasaysayan na ang Ingles ay hindi lamang naging paraan ng komunikasyon kundi paraan ng kolonisasyon. Ang Ingles ay hindi naging paraan para sa pag-uusap ng mga mamamayan. Naging paraan ito para sa paghahati-hati ng mga mamamayan. Ang tanging diyalogo na ginawa nito ay ang diyalogo sa pagitan ng pamahalaang kolonyal at ng lokal na naghaharing uri. Kasunod sa kaputian ng lahat, ang galing sa paggamit ng Ingles ay naging pasaporte sa sirkulo ng kapangyarihan.

Matagal ng sinasabi ng mga dalubhasa sa wika na mahalagang maituro ang mga batayang kaalaman sa matematika, agham at teknolohiya sa sariling wika, Filipino man o Cebuano. Subalit hanggang sa ngayon, iilan pa lamang ang gumagawa nito. Sa UP Integrated School halimbawa, itinuturo ang matematika, pisika, kemistri at ekonomiya sa wikang Filipino. Nang magsagawa ng pagsusulit, yaong mga nag-aaral gamit ang Filipino ay mas mataas ang nakuha kasya sa yaong ang gamit ay Ingles. Ayon din sa mga guro, biglang dumami ang tanong ng mga mag-aaral sa inertia, equilibrium at thermodynamics sapagkat mahusay nilang naipapaliwanag ang kanilang mga sarili. Sa mga klaseng ang gamit ay Ingles, boses lamang ng guro ang naririnig.

Magbanggit pa ako ng isang halimbawa. Palasak na ang usapin tungkol sa Third International Math and Science Study (TIMMS) pero gagamitin ko pa rin itong halimbawa para makita natin ang halaga ng sariling wika kaugnay ng pagtuturo ng agham at matematika.

Noong 1997, binigyan ng test sa agham at matematika ang ilang piling estudyante sa hay-iskul mula sa 71 bansa kasama ang Pilipinas. Ang resulta, sa Math, walang bansang nagsasalita ng Ingles ang napabilang sa TOP 10. Samantala sa Science, tanging ang Inglatera lamang ang pumasok at pangsampu pa. Nanguna sa eksameng ito ang mga non-English speaking na bansa katulad ng Japan, South Korea, Czech Republic, Slovakia at Bulgaria. Ang US ay pang 28 sa Math at ika-17 naman sa Science. Ang Pilipinas ay hindi umabot sa listahang inilathala. Nasa likod tayo ng South Africa, Kuwait at Colombia. Nakakaiyak Kuya Cesar.

Sa mga bansang mauunlad, kahanga-hanga ang kanilang pagmamahal sa kanilang wika. Sa Malaysia, ang mga pabatid sa trapiko ay nasa wikang Bahasa Malaysia. Sa kanilang mga bookstore, ang mga aklat ay nasa wika nila. Ang tawag sa Silicon Valley nila, Cyber Jaya at ang sentro ng kapangyarihan, Putra Jaya. Tayo, panay Ingles ang titulo, no left turn, industrial park at no swerving. Nang makabisita ako sa Alemanya at Pransya para sa kumperensya, ang mga aklat na mayroon sila ay nasa kanilang wika. Mayroon pa nga akong nakitang aklat ni F. Sionil Jose, isa mga higante ng ating panitikan, na nasa wikang Pranses. Nang dumalo ako sa magkahiwalay na panayam sa Universite de Paris-Sorbonne at College de France, nagbigay ng panayam ang pangunahing intelektwal nila na si Peirre Bourdieu sa Pranses kahit pa nga kalimitan ng nakikinig ay mga banyaga. Ang kanilang dahilan, aralin mo ang aming wika kung nais mong alamin ang nais naming sabihin. Nasa wika namin ang aming karungunan at wala sa iba. Wala man akong naitindihan kundi ang mga salitang maidemoselle, moinseur at, comment sava, naramdaman ko naman ang kanilang pagmamaghal sa wika.

Sa ating bansa, ramdam natin ang valorisasyon o sobrang pagpapahalaga wikang Inggles. Naghuhumiyaw ang katotohanang ito. Kapag magaling ka sa Ingles, matalino ka, at pag hindi, bobo. Muli, gusto kong mautot. Kapag balubaluktot ang Filipino katulad ng Filipino ni Vanessa del Bianco, cute, kapag balubaluktot ang Ingles, tumataginting na The Coconut-nut is a giant nut, BOBO. Kilitiin nyo ako, ayaw kong maiyak. Ipinaliwanag na ni Renato Constantino ang implikasyon ng ganitong kaisipan sa kanyang sanaysay na “The Miseducation of the Filipino”, subalit hanggang ngayon, hindi pa rin tayo matuto.

Kalimitan, sa mga unibersidad, second class citizen ang mga nagtuturo ng Filipino. Mas mataas ang pagkilala sa mga nagtuturo ng Ingles. Lagi’t lagi, sila ang ipinapadala sa mga kumperensya at pinapakinggan sa mga pagpupulong at pagbibigay ng desisyon. Ito ang reklamo ng mga guro sa ilang unibersidad na aking nabisita sa Visayas. Kalimitan daw, kapag Filipino ang subject, ibinibigay na lamang kahit kanino. Ang reklamo ng isa, PE ang kanyang tinapos, bigla siyang pinagturo ng Filipino. Paano nga naman siya magtuturo ng mahusay kung hindi naman niya gamay ang subject? Naranasan ko na rin ito minsan. Sa isang kumperensya, may nakalapit akong babaeng guro. Paumanhin sa mga babae pero babae talaga siya, may makapal na salamin, pinahiran ng crayola ang mukha, nakapusod na buhok at masansang na amoy ng pabango, amoy albatross. Teacher daw siya ng Ingles. And she likes daw Shakespeare ang James Joyce and all those western writers, hahahaha. Ano ba daw ang itinuturo ko at sino ang favorite writer ko, sabi ko Flipino. Namilog ang kanyang mga mata, humikab, tinanggal ang salamin at nagwikang: Oh really, so you teach sugnay, pang-uri, pangdiwa, at Balarila ni Lope K. Santos, hahahahaha. Ano ba daw ang Filipino sa French fries, piniritong Pranses, Hahahaha. Kung may hawak akong bomba atomika, ginawa ko ng Nagasaki at Hiroshima ang bunganga niya. Pero dahil gumagalang ako sa matatanda partikular na yaong mga amoy lupa, ngumiti ako. Ang sabi ko, walang literal na translation kasi wala naman sa ating kultura ang pagpipirito ng patatas. Eh di gamitin ang French Fries, sabi ko. Bilang pagresbak, sinabi ko naman na itranslate niya sa Ingles ang bikang-bikang, minukmok at sinaludsod. Bigla siyang natahimik. Ako naman ang nagtawa. Hahahahaha. Maya-maya, tinawag na ako para sa pagbasa ng aking papel. Ang papel ko’y ukol sa problematisasyon ng espasyo bilang larang ng pulitika gamit ang dalumat sa lunan ni Henri Lefebvre isang teorisistang Franses. Nang matapos na akong magbasa, muli akong nilapitan ni Miss Tapia. Nakangiting-nakangiti siya. Ang ganda-ganda raw ng papel ko. Hindi niya naintindihan. Malalim daw kasi ang Filipino ko. Ngayon, hindi na ako mabait, gusto ko na siyang ilibing ng buhay. Ang sagot ko sa kanya. “Hindi po malalim ang aking Filipino. Mababaw lang talaga kayo.”

Ito ang kasawian ng ating bansa. Hanggang ngayon, ang tingin sa Filipino’y wika ng mga katulong, pahinante sa dyip, kargador sa pier, maglalako ng pansit at taho. Hindi maisip ng mga Ingleserang Frankenstein at Dona Victorina na maaari ng gamitin ang Filipino sa mga diskurso at larang nga teorisasyon katulad ng hermenyutika, semiotika, post-istrukturalismo, post-kolonyalismo, konseptong habitus ni Pierre Boudieu, panopticon ni Michel Foucault at gahum/hegemonya ni Antonio Gramsci. Kawawa naman ang mga taong ito. Gusto kong maiyak para sa kanila.

Subalit hindi ko sinasabi na kalimutan na natin ang Ingles. Mali kasi ang pag-iisip ng marami na sa pagpapalakas ng Pambansang Wika, pinapahina ang Ingles. Tumataginting itong kauluan at kabobohan na walang kapantay. Dagdagan ko pa, super duper mega katangahan. Ayon nga kay F. Sionil Jose, wala ng makakapigil sa pagtatampok sa Filipino bilang pambansang wika. Laganap na ito sa media. Paano ba nakilala ng mga taga Visayas at Mindanao sina Dao Ming Zhi, San Chai, Marinara at Mulawin? Sa telebisyon at ano ang gamit na wika? Filipino.

Ito ang hamon sa ating lahat, ang pagtatampok sa wikang Filipino bilang pambansang wika sa lahat ng aspeto ng buhay, mulang akademya hanggang bahay. Sa panahon ng rumaragasang globalisasyon at homogenisasyon ng mga kultura, tanging Filipino ang ating pag-asa. Kaya naman, kapag ako’y nagagalit, hindi ako sumisigaw ng Fuck You, Putang Ina ang sinasabi ko.

Hindi po ako nagmumura. Fish Tayo. Maraming salamat.

****

Kinuha ang artikulong nasa taas sa website na ito: http://www.mauban.net/news/archives/000061.htm

Happy Birthday EIC!!!

Maligayang bati, maligayang bati, maligayang maligayang, maligayang bati!!!

Happy Birthday sa pinakamagaling na news writer at blog designer, cerified Lysolista at kasalukuyang editor-in-chief ng English newspaper sa Pisay,

si rayray!

Happy Birthday! at sana nakuha mo na yung pantalon na ginawa naming card. haha. in fairness, talagang nag-"travel from one person to another" ang travelling pants na yun ah!

sana lagi kang masaya at sana makapasok ka (sana rin kasama kami.. hehe..) sa nationals this year!!

continue WRITING FOR CHRIST! :D

7.22.2006

NATIONALISTIC mode: ON

nakakatawa yung ibang comment / tags sa blogs ng ibang tao.

yung blog ni domo, merong comment ng isang swedish girl na tinatanong kung anong language daw ba ang gamit ni domo. haha.

tapos kahit sablog ni krishna may nagtatanong kung anong language ang gamit niya. haha.

i wonder how it feels like to read Filipino blogs when you do not really know how to speak Filipino.

iba kasi ang pinoy blogs eh. since dalawa ang official languages ng bansa natin, inabuso natin masyado. in such a way na pinaghahalo natin yung english at tagalog.

kung english lang ang alam mo, e di weird yun basahin kasi yung ibang parts lang ang magegets mo. tapos may mga salita pang parang: nagadjust na hindi mo talaga alam kung english o filipino o ibang language pa ulit kasi nga pinaghalo.

kaya kung gusto mong maging unique. Maging iba. magkaroon ng sariling pagkakakilanlan (in short, identity). pwes gamitin mo ang mga bagay na Pilipinong Pilipino. ang wika mo, ang tradisyon at kultura mo, ang musika mo, ang puso mo. ITUON MO LAHAT SA PAGIGING PILIPINO.

gusto niyang sumayaw*
dirty kitchen

paulit-ulit
sa aking ulo
parang sirang plaka
nakakabobo

makinig ka sa radyo
wala na bang pagbabago?
hindi nagsasawang manggaya
kahit hindi nababagay

sariling kulay ay di na makita
tulad ng toyo ni aling maria
walang pagnanasang lasahan ang iyong pinanggalingan
ang lahat ng ginagawa ay para maabot ang langit

gusto niyang sumayaw
ng sariling sayaw
gusto niyang kumanta
ng sariling kanta

tuloy ang tawag ng aking gitara
ginigising ang aking alaala
samahan niyo akong bumalik sa pinanggalingan
samahan mo akong bumalik sa katotohanan

gusto niyang sumayaw ng sariling sayaw
gusto niyang kumanta ng sariling kanta

yehiyehiyeh...

*sayaw int song ng electron.

ngiti. tawa. halakhak. smile.

i have always wanted to smile. ever since i was a kid, i knew that amidst everything that would happen, i would still smile.

simply because i knew it wasn't for me, but for others.

seryoso. subukan mong ngitian ang tindera sa caf o kahit yung katabi lang ng bahay niyo. subukan mong ngitiian yung babaeng naglalagay ng mga pinamili mo sa isang plastic bag sa SM. subukan mong ngitian yung guard sa school o kaya yung babae sa counter sa mcdo.

subukan mo. kasi ang sarap ng pakiramdam.

ang sarap ng pakiramdam na ngingiti sila pabalik at na KAHIT SANDALI lang at kahit pagod na pagod sila dahil sa trabaho nila, napangiti sila. DAHIL SA'YO.

tama si krishna:

"kasi, sa bawat simangot na ipakita ko sa mundo, isang ngiti ang nawawala. ikaw ba, pag nakasalubong ka ng isang taong parang galit na galit sa mundo ay makakangiti pa sa kanya? pero kung ikukumpara mo iyon sa panahong makakasalubong ka ng isang taong nakangiti at maaliwalas ang mukha.. di ba't mas gagaan ang loob mo sa pangalawang nabanggit? sa bawat pagsimangot kasi, at least isang tao ang maaapektuhan mo. sayang naman kung dahil lang malungkot ka ay nabawasan ang saya ng iba. langya ka."

kaya ok lang para sa akin na itago ang lungkot na nararamdaman, kahit sa mga matalik ko pang kaibigan.

para sa akin, kapalit ng lungkot na 'yon ang pagngiti nila. ok na ko do'n.

Learn from these words, ryan.

"Your life, while you don't have everything you want, you have everything you need."

--> garrick

"The more anger towards the past you carry in your heart, the less capable you are of loving the present."

--> domo

7.15.2006

to the long weekend that I wasted. AGAIN.

anu ba. ang dami ko palang dapat gawin. grr. bad trip.

***

the COCC training last thursday was supposed to have a blog entry of its own. pero, kasi naman, alam niyo namang hindi ako masyadong nagsusulat tungkol sa mga pangyayari sa buhay ko unless NABAGO nun ang kung anu man sa buhay ko.

eh anu ba kasing nangyari nung thursday? isa lang: NAPAGOD kami. SOBRA. SOBRA SOBRA. AS IN GRABE. did i say sobra? anyway, we were able to get our prize though.

yap, ladies and gentlemen, lahat ng member ng COCC ay kasal na. We now have our lovely wives. kilig!

***

PERFECT ang aming capsule proposal! can you believe it? ako din eh, hindi makapaniwala!

Finally, after 1 whole year, nakakuha rin ako ng uno galing kay Tafaleng. shet achievement to! seryoso, at walang halong pagmamayabang, ACHIEVEMENT 'to!!

CELEBRATE!! CELEBRATE!! CELEBRATE!! CELEBRATE!!

***

i have been reading the blogs of lower batches. haha. wala lang. puro rants. about high school. about their broken love. about practically things that I would never write about except when it's my topic for a fiction story (or siguro exception yung high school part. hehe. i love to express my deepest hate on pisay requirements through this blog).

ayun. wala lang. siguro naghahanap lang ako ng blogs mula sa lower batches na may katuturan yung posts. yung tipong maiinspire kang magblog dahil sa posts niya. parang yung kay garrick (yikee. papalakpak ang mga tenga niyan kapag nabasa niya 'to.) at yung kay mithi. tsaka yung kay ray2 (pero madami ka ring rants eh. pero most of the time naman may lesson fr the day ang mga posts mo. haha.) at reish.

wala lang. haha, in fairness, kasali ang post na to sa category ng mga rants ah. hehe.

the TAPE

sa lahat ng taong bumati, kumanta, at umorder ng bigmac at large fries sa tape na yun, MARAMING salamat.

sobrang natuwa din ako kasi napakanta ng tape recorder na yun ang dalawang future Philippine Idols - sina Ben at Krishna. Wow. Fan niyo na ko ngayon. Pramis.

Salamat ng maraming-marami krishna at dani. It made me smile. wow.

just so you know, that green tape made my birthday EXTRA EXTRA special.

7.12.2006

Alay sa teatro, sining, kultura at PAGKAPILIPINO

*wow. o eto, basahin mo. nang tuluyan ka nang mauntog sa pader at magising sa katotohanan. maraming salamat sa pagsulat nito ginoong juan crisostomo andaluz.

Mon Jul 10, 2006 9:45 pm (PST)
Kung si Superman RETURNS, ang OYAYI ganun din.

(Sa SM din, megamall. Pero hindi IMAX kaya mas mura, hindi 3D, pero
LIVE, walang daya.)

Sa lahat po ng mga artista, artistahin, mukhang artista, nagpipilit
maging artista, pormang artista lang at kahit yung pawang mga
maaarte lang. Paanyaya po sa inyo.

Superman, Batman, at iyong iba pang mga man, Mcdo, Adidas, NBA,
Julia Roberts,RENT, Da vinci Code, X men, Cats, Harry potter, Miss
Saigon, Hillfiger, La coste, Ford, Dwayne Wade, George Bush, Tom
Hanks, New York, Mickey Mouse, Jay Leno, Oprah Winfrey, Levis,
Amway... At maraming, marami, mmmmaaaarrrraaaammmmiiiii.... pang
iba.

Lahat ng nabanggit ay mga bukambibig natin dahil mas magaling, mas
sikat, mas maganda, mas sosyal, WORLD CLASS, at lahat ng hindi
katunog nito ay walang kwenta, baduy, cheap, pangit, jologs. lalo na
yung mga katunog ng OYAYI, Pag-Ibig, Sinisinta, Jolina, Jollibee,
pidro shirt, magandan umaga, darna, minsan pati nga bayang magiliw
eh,nasanay tayo, o sinanay ng lipunan o kultura na ganito ang pag
trato sa kahit anung gawang pinoy, Unang una na ang maling pagtingin
sa ating wika, at mababang pagtingin sa mga hindi nakakapagsalita ng
ingles. Pansinin ang dalawang pumasok na tao sa isang fast food
restaurant, Yung una, sabi niya, " Can i order that and that and
that..." ok ma'm, anymore order, it will just take a while.. and
your bill is.... sagot ng crew.(with all smile and very respectful)
Yung pangalawa, " miss, isa nga nun, at saka dagdagan mo pa nito, at
pahingi ng tisyu ha,... sandali lang! P 358.99 nga pala ang bill
ninyo, sagot ng crew.( siguro alam ninyo na ang hitsura ng tindera.
Kahit saan ka magpunta, ganito ang tingin sa kanila, Ilang beses
nating pinagtawanan ang mga beauty contestant sa pagsagot ng pilipit
na ingles, habang kilig na kilig tayo sa turista at balikbayan na
bulol mag tagalog. " "Expected daw sa atin kasi second language na
natin ang Ingles," At sinuman na magsalita nito ng mali ang grammar
at intonation pattern ay mortal sin. Oo nga pala, Globalization na
ang uso, kaya dapat daw mataas ang "English Proficiency," natin,
kasi nakakahiya at hindi tayo makakkuha ng trabaho, At lalo tayong
manguguleleat sa industriyang kahit ano, kung tanga tayo dito,, tsk¡Ä
tskkk. Tsss..kkk. Hhmm. Kuleleat na kaya ang bansang Hapon?,¡Ä
China?...... Hmmm, Germany?,,, France¡Ä.? Rome¡Ä. Hmmm, ¡Ä¡Ä.
Pansinin ang mga kasali sa beauty pageant ng mga bansang ito, hindi
ba may mga interpreter? Pero kahit ako, hindi ko nakitaan sila ng
pagkahina ng ulo, or sabihin na nating bobo. Kumpara sa mga Pinay at
Pinoy na kailangang matatas sa Ingles. Dahil pag nagkamali ka ng
sagot siguradong sa kangkungan ka na pupulutin. Nasanay na tayo na
ang basehan ng talino, ay ang galing sa pag ingles..

Tama kayang isipin na siguro kaya hindi tayo umuunlad kasi, may
problema sa komunikasyon? Partikular na ang paggamit sa wika,
Marahil kasi hindi naiintindihan ng iba ang kanilang mga binabasa at
sinasabi.

Bakit kaya tanggap ang mga salitang Fuck, Shit, Ass, bitch, kesa
putang ina, pwet, puke.? Nakakahiya naman yata pati mura mas gusto
natin ang ingles.

MAs gusto nating gawin ang sa banyaga, Mas gusto natin siyang
ipalabas, Mas gusto natin ang kulay, amoy, tingin, pag-iisip,
pananaw, buhay. Sana nga State of Philippines, ng AMERICA na lang
tayo, para wala ng isyu, maliwanag na Amerkano na tayo at yeheeyyy
magkakaroon na siguro ng snow.

Anu na kaya ang ating kultura? Naiisip mo ba kung bakit walang
makuhang material ang Hollywood sa Pinas? Hindi katulad sa China,
Japan, Malaysia, Taiwan, na pinupuntahan at hinhiraman na ng kultura
at impluwensiya ng Amerika . (The Last Samurai, Memoirs of a Giesha
etc.) Siguro kasi nakikita nito ang mabababang klaseng replica ng
kanilang kultura.. Tingin ko lang ha, baka naman mali ako.

Minsan iniisip ko , Anu ba ang tunay na kahulagan ng Globalization?
Ang sabi kailangan daw na ang produkto natin ay pumapasa sa Quality
at World Standard, kailangan kapareho ng produkto nila. Praktikal,
matibay, maasahan, maganda, makulay at kapakipakinaabang upang
magamit at tankilikin ng husto. Ahhh , siguro, kaya tayo nangagaya..
Alam ko na¡Ä Yun pala yun, hindi naman pala masama. Pero, teka,,
hindi kaya mali yun? Yun ba talaga ang nais sabihin ng
globalization?... Hindi kaya ganito:
Maglilikha tayo ng sarili nating produkto( industryal,
kommersyal,sining at kultura) na kasing tibay, maasahan, mas makulay
at maganda at lalaong makabuluhan at kapakipakinabang, upang
tankilikin, alamin, pag-aralan, matutuahan, GAYAHIN ng Mundo. Siguro
mas tama yun. Kesa tayo ang mangagaya.

Mabibilang sa daliri kung kelan dinumog ang mga dula sa CCP ng
Tanghalang Pilipino, kung kelan dinayo ang PETA sa E. Rodriguez, at
kung kelan pinilahan ang mga pelikula ng mga bagong punla ng
CINEMANILA. Hindi maikakaila ang impluwensiya ng MEDIA, pero
nakakalungkot isipin na katulong ito particular na ang TV sa paglala
ng problema, dahil hindi ka bibigyan ng malaking espasyo sa
kanilang programa, kung hindi kasali si Sharon Cuneta, at Lea
Salonga at iba pang malalaking artista, misan madadaan sa pakiusap,
at pagbibigyan ka ng isang minuto sa ere, dahil para sa kanila mas
mahalaga ang boypren ni madam auring, love affair ni Mahal at Mura,
pati na siguro sa pagmamaktol ni Booba. Kailan pinansin at binigyan
ng oras ang makabuluhang sining, isa, dalawa, tatlo? Hindi ko na
matandaan kasi abala ang telibisyon sa pagaya sa Big Brothers,
pagpapsikat sa mga telenobelang chekwa, at pabili na lamang ng mga
naka kahon ng banyangag programa, Kaya wala tayong magawa, kundi
tumunganga at mabilog ang nakatutok na malaking mata. Habang ang
karapat dapat ay nanatiling namamalimos ng pansin, pagkilala,
pagpugay at pera.

Kailan pinansin sa magasin ang mga magagaling na Artista? Kailangan
mo munang pumila at kumita sa Broadway at West End. Kailangan mo
munang manalo ng award, para pagkaguluhan ka kasi sabi nila WORLD
CLASS ka daw. Pero iyong iba na kakarampot lamang ang sahod sa
teatro at pelikula minsan naloloko pa at hindi nababayaran. Matapos
maholdap, dahil sa pag uwin ng gabi dahil naka dyip lamang, matapos
masuntok, matadyakan, at mabatukan sa pelikula ni Direk_ _ _ _ _ ,
kawawa naman. Kadalasan hindi na natin napapansin ang kanilang
paglisan dahil abala ang karamihan kina Judy Ann.

Natural na ito, araw araw nangyayari, hindi napapansin, para ngang
walang epekto, mukhang tanggap na lahat natin ang ganitong sistema,
at para baguhin mo ito kakailanganin mo ang malakas na paghila
pabababa sa mga nagtataasang kilay ng mga tao.. At sinu ka para
baguhin at pakialaman ito. Ang laging reaksyon ay kibit- balikat na
Lamang, konting iling, at maglalakd na lamang palayo habang
nakatingin sa hindi malaman.

ISang buod ng ideolohiya ng dulang Oyayi ang nalahad. Mga pananaw,
mga ugali, maling pagtingin, matigas na pagtutol, maririing
pagtanggi, walang magawang pagtangqap sa nakasanayan. Ilang mga
kaisapan na masusuri sa dulang OYAYI, na humhanap ng solusyon sa
wastong pagtuklas sa tunay na kultura at sining at PAGKAPILIPINO
natin. Mahirap ang adhikain. madaling isulat, madaling isayaw at
kantahin, pero mahirap gawin. Subalit kailangan simulan... at
tukuyin, matagal na panahon ang gugugulin. Maraming isyu at tao ang
kakalabanin.

Kaya po, panyaya muli, kung wala kayong gagawin sa 5, Agosto, 2006,
Puntahan at panoorin ang dulang OYAYI, 2005 Aliw Awards Best Musical
Play, ni Frank G. Rivera at idinirehe ni CJ Andaluz, pinagungunahan
nina Bodjie Pascua, Carlo Maceda, Winnie Cordero, Danny Magisa,
Richard Arellano, Joan Co, Krista Taclan at Mark Pedirigan,
suportado naman ng dalawang pu pang mga artista, sa SM Megamall,
Cinema 4, 10:00am, 1:00 p.m., at 4:00 p.m.handog ng PIXEL ART MEDIA
PRODUCTION CO. sa interesado po na manood, magtanong, makitsimis,
makitambay, matuto at magising tumawag lang po sa 845-26-59, sa
diskwento sa tiket lalo na po ang mga taga CINEMANILA, ALYANSA, at
lahat ng Makikibaka. At kung mabobola ninyo ang sasagot sa telepono,
baka libre pa.

Oyayi, huling hirit sa entablado, na sana ay sa disyembre maging
pelikula na ito... Abangan..

Lahat ng tao ay nakakulong sa isang hawla, hindi nakikita ng tulad
mo, tulad ko¡Ä
Ngunit bakit ba, may mga taong mas Malaya, kaysa sa iba¡Ä..

Ewan ko¡Ä¡Ä

--> juan crisostomo andaluz

(ito ay mula sa egroup ng sindi-katok)

7.07.2006

SOri Rob.

sobrang sori, Rob. :(

7.03.2006

The EMERALD that was.

Natatandaan mo pa ba
Nang tayong dalawa ay unang nagkita
Panahon ng kamusmusan
Sa piling ng mga bulaklak at halaman
Doon tayo nag simulang
Mangarap at tumula

Nakakalungkot isipin na minsan sobrang solid nitong grupo na 'to. Na minsan rin siyang hinangaan dahil sa lakas ng pagkakaibigan na nabuo nila. Na minsan ko ring inisip na, finally, thank you Lord!, because this is the kind of friendship that I wanted.

Siguro kasi kahit na sabihin na rin nating dumami na yung kaibigan ko sa pisay, itong grupong 'to lang talaga ang mapagkakatiwalaan ko sa lahat. kasi ito lang yung tumanggap sakin bilang ako at bilang tao.

dramatic 'to alam ko. pero ganito yata talaga yung masasabi mo kung malalaman mo na marami na rin palang lamat yung emerald na minsan mong hawak.

Natatandaan mo pa ba
Inukit mong puso sa punong mangga
At ang inalay kong gumamela
Magkahawak-kamay sa dalampasigan
Malayang tulad ng mga ibon
Ang gunita ng ating kahapon

Una si silent_grip. those were hurting words. at kahit pakiramdam ko walang credibility yung sinabi niya, ang lakas pa rin ng impact na may na-"outcast" sa grupo.

Panagalawa yung isang blog. May strikethrough yung eme sa description niya sa sarili niya. ang sakit sa pakiramdam kasi siya yung isa sa mga tao na sobrang pinagmamalaki ko na naging emeraldian.

Pangatlo yung mga taong napalayo na ng tuluyan. Bakit ilang beses ka na bang nakapag-hi kay Gian Acedo? o kahit kay Lia man lang? Ilang beses ka na bang nakipagkwentuhan kay Llyza, o kahit kay Mari lang?

Pang-apat yung mga taong napalayo na hindi mo man lang napansin. Yung mga taong pakiramdam nila ngayon di mo na sila kaibigan. Oo, may ganun. At alam kong hindi mo napapansin. Ako rin mismo hindi ko namalayan.

Panlima, andami nang mga nangyayari na naglalayo sa dalawang tao sa loob ng grupong to. alam niyo na kung ano yun.

Ang mga puno't halaman
Ay kabiyak ng ating gunita

Nagseselos ako sa'yo. Period. Siguro kasi ang galing mong makisama na parang ang daling maka-attach ng ibang tao sayo. Kaya pakiramdam ko tuloy pinalitan mo na ko sa barkada. No big deal, actually, pero ewan. Ganun yung feeling eh. Pero alam mo, naaawa ako sa iba mo pang bestfriends. Kasi sila mismo, pakiramdam ko, nagseselos sa mga bago mong kaibigan ngayon. Tama si **********, in a mater of life and death, baka nga mas piliin ka pa nila.

Hindi naman sa selfish, pero ganun yung pakiramdam eh. You have the big tendency to make someone feel replaced.

Sa pag-lipas ng panahon
Bakit kailangang din lumisan?

Miss ko na kayo. Sobra.

Panapanahon ang pagkakataon
Maibabalik ba ang kahapon?

Chaos.

Oh yeah. you said so. ang dami kong depressions ngayong mga panahong ito.

AS IN.

Nakakalungkot isipin na ginusto ko pa namang simulan yung school year ng tama pero parang i'm still powerless over those things that I should have control with..

Nakakainis. at nakakaiyak. kasi wala na akong sanctuary.

sa tuwing nagiging hell ang mga bagay-bagay dito sa bahay, pisay ang aking takbuhan.

kapag pisay naman ang nakakaiyak, sa bahay ako nagpapahinga.


PERO PAANO KUNG SABAY NA?

Shet. wag naman kayong ganyan. sobrang nahihirapan na kong maka-cope-up. di ko na alam kung ano dapat ang uunahin kong isipin.

Depressed mode: ON.

Jesus, Kaw na bahala. di ko na alam...