8.30.2004

Emerald 07 v.s. Champaca 07

Siguro I should stop saying that I miss Emerald.

No doubt. BONDED ang emerald. Parang compounds yan na chemically bonded ang atoms kay hindi pwedeng paghiwahiwalayin. Nakakatawa pero kung gaano ko kinasuklaman ang emerald nung first day ng classes (dahil hindi ko pa sila kilala.. hehe...) ganun ko sila gustong makasama ulit. Sa emerald kasi, may pagkakaibigan talaga.

Champaca. Ang baho noh? Hindi mo aakalaing isa pala yang bulaklak. Guto ko ngang section rosal eh. Pero hindi naman ako ang nag-aasign kaya no choice. Besides, cream of the crop DAW ng 07 ang champaca. I believe them. Mapapanganga ka naman talaga sa mga talento at kakayahan ng mga kaklase ko. Hindi mo nga maiimagine na kaya pala ng isang tao yun. Kaya manliliit ka talaga sa kanila. Yun.

Dapat talaga tigilan ko na ang pagsabing namimiss ko ang emerald. At tigilan ko na ang pagsasabi sa isip ko na "I could have done better with them" Bakit? Kasi hindi ko nakikita ang kagandahan ng pagiging champaquito eh. Ang pangit naman kung sasayangin ko ang second year ng hindi ko man lang nakilala ang mga kaklase ko di ba?

Pero kasi nakakaintimidate ang champaca. Parang nakakahiyang magsalita dahil baka ma-wrong grammar ko o kaya naman ma-semantic error ka. Nakakahiyang gumalaw dahil baka mali at makaistorbo ka lang. Nakakahiyang magbigay ng opinion kasi baka masyadong NAKAKAPAGOD AT MAHIRAP ang opinyon mo. Nakakahiyang magpakitang gilas dahil baka masapawan ka lang.

Who wins?
ewan. I'm yet to find out.

Sermon: The sequel

Actually, wala pa sila. May gusto lang akong sabihin.

Ano? Well, nasaktan lang ako kanina. Na-realize ko, kahit na ako yung nakagawa ng masama, sila pa rin yung gagawa ng mabuti para sa akin. paano? Well, pagkatapos nila akong pagalitan, umalis sila para bumili ng librong kelangan ko sa english. Bakit? Ewan. Siguro dahil anak nila ko.

Parang gusto kong maiyak. Di ko man lang kasi naisip na anak nila ang kuya ko at kung papaano nila ako pinapahalagahan, ganun din ung sa kuya ko. Ang panget kasi. Parang nagalit pa ako sa kanil nung sinesermonan nila ako. Sino bang hindi? Kahit naman ata sino ayaw ng masermonan.

Pero siguro, ang pagsesermon ng mga magulang natin ay para lang maitago ang lubos nilang pag-aaalala. At para narin siguro maipakita nila na dapat respetuhin natin sila, tanggapin ang pagkakamali. Tama ang nagsabing "Hindi ka mahal ng mga magulang mo kung di ka pinapagalitan"

Ang weirdo talaga ng mga magulang. Pero para na rin siguro sa 'tin 'to.

Ibilad daw ba kami sa araw? Anu kami mangga??

Nakabilad. Mainit. duh?

Bakit ganun? Kahit papaano mo subukan, parang hindi sapat. Ewan. gulong-gulo na ko. Pakiramdam ko patuloy akong nakabilad sa araw at nagpapakamatay sa init ng araw. Gusto kong umalis pero parang ang hirap. Wala kang choice kundi ang ipagpatuloy. Ipagpatuloy hanggang sa matapos. Kalbaryo? Ewan. Siguro. Pero nakasisiguro akong hindi siya langit.

Walang sense? Dapat lang. Dahil sa mga nakaraang araw, blanko ang utak ko. bakit blanko? ewan. cguro sa dami ng gusto niyang isipin napagod kaya tumigil. hehe.

Sermon

asar. nakalimutan kong nagtext sa akin ang nanay ko about kung kelan susunduin ang kapatid ko. hindi siya nasundo, thanks to me. at wala siyang pamasahe. shit. ang sama ko. ang mas masama pa dun, isang mahabang SERMON as in SERMON ang binigay sa akin ng nanay at tatay ko. as in silang dalawa magkaiba ng time. parang ung dad ko part 1 tapos nanay ko part 2. ang saya. pareho lang naman sinabi nila.

"ANU BA YAN!!! TINEXT KA TAPOS KINALIMUTAN MO LANG!!! PANU KUNG MERONG NANGYARING MASAMA SA KUYA MO?? E DI PERWISYO!!! SA SUSUNOD KASI MAGBASA NG TEXT!!!! WALANG KWENTANG CELLPHONE!! NAG-CELLPHONE KA PA!!!!"

haaayyyy...

At least improvement sa part ko. Bakit? Dahil hindi na ako nagreason out kung bakit ko nakalimutan. kasi tiyak kung sinubukan kong mag-explain, may babalik sa aking ganito:

"SUMASAGOT KA NA NAMAN!!!! IKAW TALAGA!!! SUWAIL!!! TAMPALASAN!!!!"

haaayyyy...

stupid ryan...

8.27.2004

The English Language

I remember that time when I emailed something at the yahoogroup, pisay07, about why they are using the group as some sort of a battledome with profane language as their weapon. Well, someone commented on what I said. And, well, he commented on my grammar. I was kind of shocked. I became angry at him but I didn't do anything violent. I admit I am not that good on using this language. I never was.

I was making a speech in front of my classmates that day. I was in the middle of attacking the point I'm trying to contradict when all of them suddenly laughed. I was dumbfounded. I don't know what's happening at all. I continued, though. I tried to be proffesional. After the speech, I was able to find out why. I committed an error in grammar.

Maybe God made me a filipino so that I would have an excuse whenever I would make an error. I could just simply say "I love my own language better and making other languages a priority would be a betrayal to your own country."

So what if I cannot use the universal language properly? So what if I suck in speaking english? So what if I don't know when to use have or had in a sentence? So what? It's not a big deal if the people from other countries would not be able to read what I write in my blog because it's in Taglish. I don't care. I don't give a damn.

English does not measure how intelligent a person is. It does not measure how far one can go. So we better start changing our way of thinking that one who is fluent in the said language is very intelligent. Anyone who is flawless in speaking english can be beaten by someone who cannot speak it properly. English is a language. Nothing more.

Filipinos treat english as if it is their own. You would be surprised that people who speak english, a language from other countries, are favored more than those who speak spotless Tagalog. It's pathetic how we treat something our own as if its nothing but a slave's language.

Perhaps, that guy who criticized what I wrote on the yahoogroup was right.
I suck in english.
And I'm glad I do.

Bangag

Ayos. Alam niyo bang napakabilis sumikat ng salitang yan? Parang kelan lang nung sinumulan kong gamitin iyan at hanggang ngayon ay ginagamit ko pa rin. Ano nga ba ang ipinapahiwatig ng salitang yan? Ang alam ko ang ibig sabihin niyan sabog o wala sa tamang pagiisip.

Ako kasi ginagamit ko yan kahit ano na lang. Pag na-weiweirdohan sa akin ang mga tao, sinasabi ko na bangag ako. At kahit yung iba ganun din ang paggamit nila sa salitang bangag. Ewan. Nabura na tila ang tunay nitong ibig sabihin.

So? Ano ngayon?

Wala lang. Para sa akin, dalawa ang ibig sabihin niyan.
Una, nabuksan na talaga tayo ng tuluyan sa mundo ng mga taong gumagamit ng droga. Wala na tayong pakeelam kung masama pa ba ang sinasabi niyan.
Pangalawa, ang mga salita ay hindi talaga nagdadala ng isang bagay na certain. Instrumento lang talaga ang mga ito. Instrumento para kahit papaano ay maiparating natin ang kung anu ang laman ng ating isipan at malaman natin na naiparating natin iyon. Words are dead. Pwede ko naman kasing sabihin sa iyo na maganda ang nakita kong babae kanina pero hindi mo pa rin maiisip ang tunay na itsura niya sa pamamagitan nito. Magkaiba ang maiisip natin pag sinabing maganda kasi magkaiba naman tayo ng perception sa kung anu nga talaga ang maganda. Parang ang bangag. Kapag sinabi mo yan sa isang nakakatanda (yung hindi talaga alam na isang "expression" lang naman ang bangag), magugulat siya kahit para sayo wala lang.

tama na nga... nababangag na ko.

Pisay Life

naks! ganda naman ng una kong post... talagang tungkol sa mataas na paaralan ng pilipinas sa agham... Pano kasi, sabi ni joji (ok lang, right?):

kaya wag na wag niyong sasabihin sa sarili niyo na, "@%&*!$#%^@&$^*! nag-pisay pa kasi ako eh!" kasi ang pagiging estudyante ng mataas na paaralan ng pilipinas sa agham ay isang opportunity na isang beses lang kakatok sa pinto niyo.. tandaan niyo yun, okei? swerte nyo you're one of us.. parang natatakot na nga ako grumaduate sa pisay eh.. kahit alam kong matagal pa.. you never know, time passes so fast.. ayokong iwan ang pisay.. i've grown attached to it.. inlove na ko sa pisay.. wahaha..

Kung tutuusin naman kasi, oppurtunity nga ang pisay... Nagreview pa nga ako ng todo para lang pumasa dito eh... At nang nalaman ko na lumabas na yung listahan ng mga nakapasa, kinabahan ako ng todo... Gusto kong makapasa eh... Gusto kong mapabilang sa pisay... Ewan ko na nga lang ngayon kung bakit tila parang pinagsisisihan ko siya...

Nagtataka nga ako nung first year kung bakit may may ayaw sa pisay (Hindi ko na imemention kung sino.. ehehe). Para kasi sa akin noon, place of the bright ones ang pisay. Who wouldn't want to be called one of the bright ones?



Actually, pag sinasabi ng iba na ayaw na nila sa pisay, nakiki-ayaw na din ako... Bakit? Ewan. Siguro dahil Pisay ang nagbigay ng twist sa buong buhay ko. Siguro dahil hinamon ako ng pisay na imulat ang sarili ko sa kung ano ang totoo at hindi sa kung ano ang gusto kong maging totoo. Siguro dahil ayaw ko at gusto ko ang pisay all at the same time. Ang hirap iexplain pero parang gusto kong kumawala sa mga kadenang iginapos sa akin ng pisay pero gusto ko pa ring manatiling nakakabit dito. Ganun. Ang labo.