9.27.2004

Long time no see

I have been away from blogger for about two weeks now. Marami-rami rin palang nagbabasa ng mga kaululan dito. Hehe..
Anything from my corrupted mind today? None. I'm too tired to think. I have lots to do. Naawa na lang ako sa blog ko kaya ako nagpost ulit. I can't even type anything sensible. My rotten mind is becoming more rotten.

9.17.2004

Nilalang mula sa kailalim-laliman ng lupa

Hindi mo naiintindihan,
Dahil ayaw mong intindihin.

Sinisisi kita sa lahat-lahat ng nararamdaman kong kalungkutan ngayon.
Sinisisi kita kung bakit gusto kong maiyak ngayong mga panahong ito.
Sinisisi kita kung bakit hindi ako makaharap sa salamin ng hindi nakakahanap ng mali sa sarili kong pagkatao.
Sinisisi kita kung bakit hindi ako makuntento sa kung ano ako.
Sinisisi kita kung bakit gusto ko nang tumalon sa isang mataas na gusali nayong mga panahong ito.
Sinisisi kita ng buong galit
Punong-puno ng galit.

Kinamumuhian kita.
Kinamumuhian ko ang lahat ng nagawa mo sa akin masama man ito o mabuti.
Kinamumuhian kong nakilala kita.
Kinamumuhian kita dahil sa pagtanggal mo ng aking dangal.
Kinamumuhian kita.
Walang bahid na hesitasyon.
Namumuhi ako sa iyo.

Hindi ko naririnig?
Hindi mo ipinaparinig?
Punyales!
Pinipigilan ko na ang sarili ko na marinig ito!
Ayoko na!
Sawa na ako.
Paulit-ulit mong sinasabi iyan tungkol sa akin at nasanay na ako.
Ngunit sa bawat pagkakataon pa rin ay lumuluha ako.
Lumuluha dahil nabawasan na naman ang aking dangal.
Lumuluha dahil natapiyasan na naman ang aking kumpiyansa sa sarili.
Lumuluha dahil muling dumugo ang aking pagkatao.
Dahil sa iyo.

Hindi mo alam kung ano ang nagagawa ng mga iyon sa akin.
Wala kang alam!
Animo’y pati pakiramdam ay wala ka rin!
Wala ka ng kahit anu!
Isa ka lamang manhid na mang-mang!
Walang pakeelam sa kung ano ang iba at kung paano ang iba.
Wala kang pakeelam.
Dahil isa kang demonyo.

Respeto?
Punyales…
Anong karapatan mong humingi ng respeto?
Ikaw mismo ang nagtatanggal nito sa iba.
Hindi ka karapat-dapat respetuhin.
Tama sila.
Isa kang suwail.
Tampalasan.
Maka-mundo.
Maka-sarili.
Manahid.
Demonyo.

Kaya tama ang ginagawa kong hindi pagtanggap sayo sa mundo ko.
Hindi kita kailangan.
Hindi kita kailanman kinailangan.
Sino ka ba?

9.13.2004

Ouch...

Pakiramdam ako isa akong pagong.
Isang pagong na nagpursiging umakyat sa isang pader at, sa hindi sinasadyang pagkakamali ay bumitaw.
At dahil sa taas na ng naakyat ko sa mahabang oras na ginugol ko,
malayo rin ang kinabagsakan ko.
Masakit.
Tama sila.
"The higher you go up, the farther you will fall."
at
"The farther you fall, the harder it is to accept."
Kaya ouch.
Kasi kalalaglag ko lang mula sa isang napakataas na lugar.
Ang hirap pala.
Pero alam ko na karapat-dapat naman para sa akin.
Kasalanan ko naman talaga.
Ang masakit dun, halos wala na yata akong mukhang maihaharap sa mga kaklase ko bukas.
Para sakin kasi madali lang lunukin.
Lalu na dahil alam ko na deserving akong malaglag.
Pero ang hindi ko matanggap,
yung pagka-disappoint nila.
kahit paano rin pala, umasa na sila na mananatili ako sa tuktok.
ang sakit kasi nung pakiramdam na kapag tinanong nila ako:
"ryan, dl ka?"
hindi ako makasagot.
Hindi ko naman pedeng isagot na 'oo' dahil pagsisinungaling yun.
At hindi ko naman masabing 'hindi' dahil alam kong madidisappoint sila.
Kung pede lang na masabi kong 'maybe' gagawin ko.
ang kaso hindi.
kaya i'm stuck answering 'no' to the stupid question and recieving a:
"Ganoon?! (with matching sobrang disappointed na hitsura)"
for a comment.
Nakakahiya.
Nakakahiya ako.
Yun.
At hindi ko alam kung paano itatago.

Gusto kong maiyak.
Pero may boses na bumubulong sa akin na sinasabing:
"Bakit ka iiyak? Ang kapal mo naman! Kasalanan mo naman di ba?! Alam mo naman na di ka nag-aral, kaya wala kang karapatang iyakan ang nangyari sayo dahil deserve mo yan! Buti nga!"
Nakakaasar siya.
Kung hindi lang yan nakatira sa loob ng utak ko,
nabaril ko na yan.


Anyway, baka eto na ang huli kong blog sa susunod na tatlong buwan.
Ako na mismo ang magbaban sa sarili ko sa computer.
Para wala nang disturbances.
Magfofocus muna ako.

Para sa susunod, hindi na ouch ang nakalagay na title.

Sa susunod, hopefully, 'YEHEY!!' na yan.

9.10.2004

frowning is a crime.

Lagi akong nakangiti.

Tipong kapag dinescribe mo sa isang tao na may nakita kang lalaking dumaan na nakangiti, sasabihin nila ako yun. Distinct characteristic ko na ata yun. Besides, hindi ko rin naman mapigilin. Parang ginlue na sa mukha ko ang isang smiley face. Hindi ko nga kayang malungkot ng sobra kapag depressed na ako eh. Somehow, my mind finds a reason for me to smile.

Hindi naman masama. Ayos lang sa akin ang laging nakangiti. Nakakahawa din kasi sa ibang tao yung ganun. Pag ngumingiti ka, napapangiti mo rin sila. And since gusto ko rin na masaya ang mga tao sa paligid ko, ngumingiti ako. Para mahawa sila.

Pero nakakaasar naman ata kung ikaw ngumingiti kahit gaano kabigat yung problema mo tapos yung iba pinupuri na nga sumisimangot pa. What's wrong with being praised? Parang nakakaasar naman ata kasi kung pinupuri ka na nga, galit ka pa. It's like your not appreciating what you have. Parang nakakagago ka naman ata nun.

Kaya pag nakakakita ako ng nakasimangot, gusto ko silang sigawan. Wala na silang karapatang sumimangot. Ako nga tumatawa kahit sobrang lungkot eh. Tapos sila na napapasakanya na ang lahat-lahat, sisimangot pa. I don't know if he wants more or something is just wrong. Kasi kung ako siya, I can die now for I have it all.

Frowning is a crime. Gusto mo ng reason para tumawa? Harap sa salamin. Igalaw mo ang kahit anong parte ng katawan mo at yun na.
Buhay ka.
Humihinga.
Tumatawa.
Pwedeng gawin ang kahit ano.
At may kakayahang maging masaya.

bakit lahat gusto ng butterfly?

hehe...
butterflies.
The term used by my ever-faithful friend to describe his loved one.
Actually, astig siya.
Medyo bagay.
Kung tutuusin, butterflies represent beauty.
Parang yung minamahal mo (kung mahal mo nga talaga), para sayo siya na ang pinakamaganda sa lahat.
Naastigan nga ako nung ginamit niya 'to eh.

Ang kaso, heart-broken siya.
Bakit parang lahat ng tao may heart matters ngayong mga panahong 'to?
Nakakatawa.
Kasi believe it or not, I've been through it.
At hindi siya parang yung sinasabi sa movies na sobrang saya mo kapag may minamahal ka at may nagmamahal sayo.
Kasi ganun din ako.
I was madly in-love. (since grade 2 pa nga ata yun eh... hehe... *wink*)
Pero siyempre hindi naman ako gago.
Kaya nung grade 6 ko lang niligawan.
Crush din ata ako (hehe... ang kapal... *wink*) kaya napasagot ko.
Naging kami.
8 straight months.
At hanggang ngayon guilty pa rin ako.
Dahil sinayang ko.
Having a relationship means more responsibilities.
Oo masaya ka.
Masaya ka dahil mahal mo yung kasama mo.
Masaya ka dahil nandyan siya sa tabi mo.
Pero alam mo ba kung gaano kahirap ang magmahal?
Alam mo ba na dapat ay handa ka sa kung ano man ang pwedeng mangyari?
Kasi, kung nagmamahal ka lang ng hindi nag-iisip,
baka isang araw, maka-recieve ka din ng text na ganito:

"ryan... gusto mo bang makipagbreak?"


O cge nga.
Paano mo rereplyan ang message na yan?
Tama.
Mahirap.
Alam ko.
Dahil isang oras ang kinailangan para makapagreply ako dyan.

Kaya bago mo problemahin ang pagmamahal, isipin mo muna:
"Handa ka ba?"

Tama si pito.
Hindi pa natin kelangan ng "love" ngayon.
Kasi kahit hanggang ngayon, nagtatanong pa tayo tungkol sa tunay na kulay ng mundong kinabibilangan natin.
At ang isang bagay na tulad ng pag-ibig ay masyado pang komplikado para sa atin.
Yung mga matatanda nga nagiging tanga sa pag-ibig,
tayo pa kaya?
Eh nagsisimula pa lang tayong mamulat sa tunay na mundo.

Identity Crisis

Nakakatamad magsulat ng blogs.
Para kasing ang dami kong gustong isulat pero hindi ko magawa.
Ang hirap na kasi para sa akin ngayon ang ihayag ang nararamdaman sa pamamagitan ng prose writing.
Asar.
Parang bigla na lang naging sobrang complex ng buhay ko na kahit ako hindi na makahabol.
Katulad ngayon.
I'm typing (this is a guess) 100 words per minute tapos bigla ko na lang ihihighlight at sabay delete.
Nakakainis dahil parang bawat isulat ko walang sense.
Nakakainis dahil sinusubukan ko nang intindihan ang kung paano mabuhay pero lalu lang akong naguguluhan.
Kung dati isip ako nang isip tungkol sa kung sino ba ako,
ngayon ayaw magisip ng utak ko.
Gusto ko na rin naman kasing malaman.
Sabi nga nila: "Character is Destiny"
Paano kung wala kang character?
E di wala kang destiny?
O di ba ang labo?!
Kaya nga kahit gusto ko nang magcollapse,
sinusubukan ko pa rin.
Pero ang hirap talaga.
Kung di mo kasi kilala ang sarili mo,
malabu-labo na ring magawa mo pa talagang makilala ito.
Kasi kahit ang definition ko ng identity ang labo eh.
Kung dun pa lang malabo na,
paano ko pa hahanapin yun?
Eh di mo nga alam kung ano yung hinahanap mo,
tapos hahanapin mo pa siya para makamit ang isang bagay na hindi mo nga alam kung anu?
Kung di mo ko naiintindihan,
wala kang identity crisis.
Buti ka pa.
Kung ako sayo ngingiti na ako.
I-appreciate mo yan.
Pinadali ng Diyos ang buhay mo.

9.04.2004

short post

I'm tired.
But I still have lots to do.
I hate my life...