2.16.2007

makaBANSA

haha. ang laki ng epekto ng salitang ito sa akin. ang galing talaga ni Sir Vlad.

dahil bakit ng ba naman hindi makaBANSA at sa halip ay makabayan ang ginagamit natin bilang salitang katumbas ng salitang ingles na nationalism sa Filipino.

mas lalu tuloy naging malinaw na sa konsepto pa lamang ng nationalism, watk watak na kaagad ang pananaw ng mg aPilipino. mas nais nitong maging makabayan (ang bayan, tandaan ay mga maliliit na gurpo lamang. Halimbawa: Manila, Negros,, etbp.) kaysa maging makabansa na mas nagsasabi sa kung ano dapat ang maging ugali ng mga Pilipino.

grabe. mukhang ang mga huling talakayan sa asignaturang "Economics" ang magiging mga paborito ko sa lahat.

at oo, hanggang ngayon ay buong puso ko pa ring ipinagpapatuloy ang pagtupad sa hamon na ibinigay ni Sir Vlad sa amin kanina: ang magsalita gamit ang purong Filipino ng hindi nanghihiram ng mga salita mula sa wikang Ingles.

No comments: