7.19.2008

Regarding the next two posts

the next two posts are pretty dramatic. but don't worry, they are late posts. i've written them days ago. and mind you they were written when i was really sad so if at any point they would sound cheesy or weird, well, that's not my fault. :P

but, i'm fine now. very fine. :)

i just, you know, failed to post them so, since i already wasted time just to write them anyway, i decided to post them still. besides, late posts aren't at all that bad. especially when they are like the ones below.

see, it amazes me that my requirement for me to write anything is sadness. when i'm sad, i can write (otherwise i can't. hehe). words just come out of me effortlessly. heck, sometimes i even use words i've never used before like as if i had used them all the time. ang galing. this actually justifies why i want to listen to slow songs whenever i write (the most effective of them all is Maria Mena's "Sorry") because i tend to finish writing whatever i write in a shorter span of time.

It's like sadness fuels my thoughts and gives me all the creative juice i need to write. And this is why i'm posting them still even though they're not timely anymore.

i just wish i can also do this when i'm happy.

Kung bakit isa akong malaking gago

*this entry was written two weeks ago ata. late post pa rin. pardon the profanity. i just don't believe that these words should be condemned for use even for literary purposes because i stand by my belief that filipino profane words remain to have much much much impact whenever they are used compared to english profane words. I just think the emotions would be incomplete without them.

Isa akong malaking gago na karapat-dapat ding murahin ng paulit-ulit pa.

Alam mo yung pakiramdam na alam mong dapat yung nakikita mo sa salamin sa tuwing haharap ka rito ay iba na? Yung parang dapat hindi na ganun pero ganun pa rin? Ano kayang pakiramdam nung mga nagpaparetoke ng kung ano mang parte ng katawan nila tapos pagtiningnan nila kalaunan bumalik lang sa dati yung pinaghirapan nilang ipaayos at pinagtayaan nila ng buhay para lang maiba? Katulad kaya ng nararamdaman ko ngayon?

Alam ko isa akong isang taong walang kahabas-habas ang dila kung mamintas at mamuna ng mga tingin kong mali at pinaninindigan kong mali talaga. Alam kong ako yung tipo ng pinuno na walang pakeelam sa nararamdaman ng ibang tao sa grupo ko at mas mahalaga palagi na magawa namin yung dapat naming gawin kahit pa magkasiraan ng pagkakaibigan. Alam kong nakakatakot ako pag nagutos at lakas pa lang ng boses ko hindi mo na mapapantayan kaya imbes na magreklamo tatahimik ka na lang. Aalm ko yun. Alam ko lahat yun.

At nagsimula ako sa pisay na ganyan ako. Sa apat na taon kong ginugol sa pisay, sinubukan ko talagang magbago (oo, kahit maniwala ka o hindi). Kasi alam kong mali. At umalis ako sa pisay na alam kong iba na yung pananaw ko sa pamumuno at iba na rin yung paraan ko sa pamumuno.

Pero alam mo yung pakiramdam na, pagkatapos mong magnilay-nilay, bigla mo lang itatanong sa sarili mo kung anong nangyari at bakit ganun pa rin? Sinubukan kong ipagtanggol ang sarili ko pero nauwi rin sa wala. Sinubukan ko talagang bigyang diin na hindi ako bumalik sa dati na naging makasarili yung motibo ko sa pamumuno. Pero sa huli, napagtanto kong parang ganun pa rin naman – parang naging makasarili pa rin ako.

Punyetang culion kasi yan. Ni hindi ko man lang magawang makahingi ng patawad sa harap ng klase noon. Pano kasi naisip ko na baka pag humingi ako ng patawad, baka ang lumabas lang nagiging papapel pa ko eh natalo na nga kami’t lahat-lahat. Kaya yung sakit noon na ako yung may kasalanan kung bakit nauwi sa wala yung pinaghirapan ng klase, sinarili ko na lang. Kunwari hindi na lang ako nasasaktan noon at kunwari wala lang rin sakin. Nakalimutan kong tao nga rin pala sila, haha, at akalain mo yun, nasaktan rin sila. Tanga ka talaga, ryan, tanga. Eh makakahingi pa ba ko ng patawad ngayon eh medyo matagal nang panahon yun nung nangyari. Eh di lalu nga akong magmumukhang papapel pag nagkataon. Tarantado ka talaga ryan. Hayup ka.

Patawad imed…

Kaya ayan. Dumating tuloy ako sa isang punto na may nanunumbat na sa akin (At oo, kaya nakadiretsong Filipino ito ay para hindi maintindihan ng putanginang iyon. Yikee. May ideya na siya kung sino). Tapos alam mo ba yung masakit dun? Hindi ko mapagtanggol yung sarili ko. Kasi ako yung mali eh. Kahit nasasaktan ako at gusto kong hindi paniwalaan yung mga sinasabi niya, wala akong magawa. Kasi alam kong tama siya. Kung mali ka ba, wala kang karapatang magalit kahit nasasaktan ka? Kahit magalit na lang ng alang-alang sa pagiging tao mo na nasasaktan rin?

Sinumbat niya sakin yung culion. Dominante raw ako. Mapagmanipula. Yung tipong tarantado ba. At kahit hindi niya sinabi, alam kong gusto niya ring isumbat na pagkatapos ng lahat-lahat, nauwi lang rin naman sa wala yung pinaghirapan nila. Alam kong gusto niyang isumbat na wala akong kwenta mamuno.

At iyon ay pagkatapos kong umalis sa pisay na dala ang lahat ng natutunan ko mula sa mga tao doon tungkol sa kung paano tunay na mamuno. Pagkatapos ng lahat ng itinuro sa akin ng buhay, kakalimutan ko lang rin pala. Kundi ba naman tanga.

Alang-alang sa kawalang-hiyaang ginawa ko noong nakaraang pebrero, patawad sa ubod ng panget at walang kwentang dula na pinilit, sinigaw-sigawan, at inapi-api ko kayong gawin. Patawad ng sobra. Sobra sobra.

Dahil sa isang cellphone video na nagtataglay ng isang kahayupang tunay

*this was created a month ago? not sure.. :)

Sa tingin ko, kaya ko nagawang matutoong magsulat ay upang sa mga panahong tulad nito – kung saan ang bawat patak ng ulan ay tila mabigat na kung anong tumatapak sa iyong dibdib at nagpapabigat dito, kung saan sa di malamang dahilan ay biglang dumidilim at lumuluha na lamang ang buwan, kung saan sa malayo’y maririnig ang mahinang pagluha ng mga payaso – magagawa kong mailabas ang aking nararamdaman sa pamamagitan ng salita, ng titik, ng tunog. Kasabay marahil ng pagbigay sa akin ng kakayahang ito ang kaalamang sa maraming mga susunod na sandali’y mararamdaman ko ang ganito. At pasalamat pa nga akong sa pamamagitan nito’y magagawa ko iyong ilabas ng tahimik at di mapapansin ng iba. Pasalamat pa nga akong sa pamamagitan nito’y di ko kailangang umiyak – dahil ang mga salita ang gagawa niyon para sa akin.

Ngunit kung iwawaksi ko ba ang kakayahan ay mawawala rin ang kaakibat na kalungkutan? Kung hahayaan kong maging tanga na lamang akong muli sa paggamit ng mga salita, muli bang babalik ang mga ngiting napapawi? Muli ba akong sasaya?

Dahil kahit pa may paraan upang ito’y mawala, ang kalungkuta’y nararamdaman pa rin, kahit kaunti lamang, sa mga sandaling hindi mo pa ito naisusulat. At hindi ba iyon ang pinakamasakit? Ang maramdaman ang isang lungkot ng sandali lamang – animo’y pinaaasa kang hanggang doon na lamang ito’t di na muling mararamdaman.

O kaya naman marahil ay tanga lamang ang nagsusulat. O kaya’y ingrato sa paraang binigyan na nga ng ikasisiya, ang gusto pa’y mawala ng tuluyan ang nagpapalungkot sa kanya.

7.12.2008

Sa mata ng mga nakakariwasa...

... krisis na nga, itinuturing pang biyaya.

Hindi ko anbasa ang editoryal ng Philippine Daily Inquirer noong nakaraang martes pero sa nabasa ko sa blog ni Cheska, parang buti na lang at hindi na ako nakapagbabasa ng dyaryo ngayon at likas akong hindi mahilig sa mga editoryal.

Ayon sa post ni Cheska, hinanapan ng naturang artikulo ang kasalukuyang krisis (sa langis, ang tumataas na inflation rate, tumataas na pamasahe, at kung anu-ano pang tumataas na nagpapahirap pa lalo sa mahirap na nga Pilipino) ng nakukuha diumanong mabuti ng mga Pilipino mula dito.

Isipin mo un, krisis na ha. Kahirapan na ang pinag-uusapan tapos sasabihin sa iyo ng isang editoryal sa dyaryo na mabuti nga iyon at nakakatulong ka sa kalikasan?!?! Lalu pa't di naman kaila na sa panahon ngayon, halos lahat ng Pilipino di magkaintindihan kung paano kakain!

At para mawindang kayo sa kung paano nagkakamali ang perspektibo at pananaw ng mga "priviledged" sa mga bagay-bagay basahin ninyo ang blog entry ni cheska:

http://areyouafundamentalparticle.blogspot.com/2008/07/hooray-for-inflation.html

Tapos pagnilay-nilayan mo kung bakit halos lahat ng Pilipino ngayon tahimik na lang at halos hindi mo na maririnig ang pag-aray nila sa sunod-sunod na pahirap na dala ng dumadausdos na ekonomiya, para mapagtanto mong hindi na nila magawang umaray dahil marahil ay hindi na kasi iyon sapat sa sobrang hapdi.

Tapos pupurihin pa ang mga latigong humahampas sa kanila? Kundi ba naman tanga.

7.06.2008

Why WORRY when you can PRAY?

Fine. I failed to attend mass for two straight weeks now. Add to that, I think i'm on the verge of spiritual death made worse by the fact that I'm really just relying on CYA and YFC to somehow try to revive me. And don't get me wrong, God has been proving to me these past few months that only He is my happiness - I've been so dead lonely and sad for no reason at all, feeling so defeated and unfulfilled, these past few months. And yes, this has aggravated my desire to actually rejuvenate myself and bring me back to that 4th-year-high-school version of me that spreads his arms wide open for Him (and this makes me miss Pisay and my batch sooo much). But see, doing so is starting to become more challenging too. After all, college life had brougt more things to think about, stealing away priorities and destroying daily schedules. There's just so much to do in so little time that I so regret not putting my faith in stronger foundations prior to college and all this "busy-ness."

More often than not, I find myself envious of Pito reading his Christian books at the dorm and guilty whenever he plays praise songs from his laptop as our background music as we study taxonomy and comparative anatomy.

But you know what, God knows it's my birthday soon. And probably He too knows that I'm also in a position wherein I still have a lot to face (come on, face it, we're yet in our fifth week of school but ALL of us are already tired with the demands of our academic life alone, not to mention our extra-curricular activities in the college and in the university) and a lot to be tired for. I bet He knows that I'm soon to face my worst worries and that I tend to falter and give up whenever I worry.

So, He gave me a gift. And He did even after my two weeks of not attending mass and my being the worst son ever for the past months. (God, why do you always make me feel guilty? You know I don't deserve it.)

The priest at the mass a while ago gave a good sermon, which was very unexpected since a lot of priests nowadays do not give such heartfelt sermons that can help both spiritual and practical. He recalled how he often worries and feels defeated by the changes that come into his life. And he shared that after all of the things he does just to take away the depressions that he feels, only one often proves to be most effective: prayer. And I guess, from now on, I would often pray. :)

Oh and he shared how deaf people tries to escape from the world whenever they want to just stop talking to other people (they use sign language, remember) or just stop worrying even for a while: they close their eyes. And in doing so, they see more of themselves. :)

Kapag nagdesisyon ang tadhana na idikta sa iyong "mature" ka na, kelangan mong sumunod, kahit papano, at panindigan ito. :)

Mahirap makahanap ng isang taong kapareho mo ng "birthday." Pero mas mahirap makahanap ng taong kapareho mo ng "birthdate" - yung kapareho mong ipinanganak sa araw na iyon. Ako nakahanap na at dalawang beses pa. Tapos yung isa, first year imed ngayon. Nakakatawa (at nakakailang) na tatawagin ka niyang 'kuya' dahil lang second year ka na samantalang magkasing-edad lang naman talaga kayo at sakto pa! Haha. Sabik na tuloy akong batiin siya sa araw ng aming kapanganakan. Iba rin naman kasi ang pakiramdam na yung eksaktong binabati sa iyo ng mga tao, ipambabati mo rin sa iba sa parehong araw. Nakakatuwa. :)

Ngunit bukod pa sa realisasyong ito, nakalatay rin sa araw na iyon ang isang tila mabigat na paratang ng tadahana. Kapag kasi nagdesisyon ang tadhana na idikta sa iyong "mature" ka na, kelangan mong sumunod, kahit papano, at panindigan ito dahil kung sabagay, may magagawa ka pa ba? Samantalang tumatakbo ang oras at dumadaan ang mga panahon, alangan namang magdalumat ka muna bago kumilos pasulong. Kaya nga pagdating ng takdang araw, di rin minsan maiiwasan ng isang taong tumingin sa kanyang sarili at itanong: "Tama ba ang tadhana?"

Kung tutuusin kasi, ilang araw na lang, legal na akong bumili ng Playboy (pero kung sabagay Pilipinas nga pala ito noh? at hindi naman talaga masyadong natutupad ang 'for people who are 18 and above' rule dito), alak, sigarilyo, at kung anu-ano pang bisyo. Pwede na rin akong pumasok sa kahit anong bar dito sa malate at manood ng kahit anong pelikulang may explicit content. Haha. Exciting. :)

At dahil pwede na, doon na pumapasok yung bigat na biglang sumasailalim sa bawat desisyon na gagawin mo sa araw-araw. Sa pagkakataon kasi na ito, MAS malaya ka nang gawin ang mga bagay sa mundo dahil sa idinidikta ng "society" na handa ka na. At sa totoo lang, nakakatakot maging malaya dahil nagiging mag-isa ka na lang sa pagtahak sa daang gusto mong suuingin. Kaya nga para sa mga hindi pa handa, si Oble ang pinakanakakatakot na imahe sa lahat.

At dahil nga wala ka naman talagang magagawa kung hindi sumunod at magpatuloy na lang pasulong, isinusuksok mo na lamang sa iyong isipan na kakayanin mo na lang ang mga hamong dadating. Kaakibat nito, sinusubukan mo ring simulang ipakita at patunayan sa sarili na baka nga nga hindi naman mali ang tadhana na maniwalang handa ka na sa kalayaan.

At dahil dito, naisip kong gumawa ng pagbabago. Kung sabagay, halos isa't kalahating taon na rin naman ang lumipas nang talikuran ko ang opinyon ng iba dahil lang sa isang walang kwentang dahilan na di kalaunan ay naging dahilan rin para makasakit ako ng iba. Siguro'y bahagi ng kalayaan ang maipakita sa iba kung sino ka at sa huli'y tanggapin ang pananaw nila sa iyo - masaktan ka man o hindi, matuwa o malungkot mula dito. Kaya marahil ay dapat nang tigilan ang pagiging hipokrito at tuluyang yakapin ang pananaw kong ang mga opinyon ay pinaninindigan ngunit inilulugar sa sariling pananaw at sa pananaw ng iba.