12.28.2009

In your face!!!!! (Election Bitterness Post Number 5)


Ayan. Pilipino na ko ulit. No longer disenfranchised. hehe. :)

Dec.28, 2009. Pumila ko ng 715, nagbukas yung office ng 830, natapos ako ng mga 920. :)

So plus 2 hours sa pila hours ko na ginawa to be registered, it becomes 15 hours! Waha.

Kung binasa mo yung kwento ng pagpila namin para sa kapirasong papel na to, makakarelate ka kapag sinabi kong hindi ko mapigilang ngumiti ng sobra-sobra nung nandun na ko sa loob ng office at mga tatlong pilahan na lang matatapos na ko. (yes, bukod sa napakahabang pila sa labas, meron pa ulit sa loob. pero kung galing ka sa labas at pipila ka na lang sa loob, pramis kebs ka na. with all that hard work, alam mong matatapos ka an eh. :P) As in effort na talaga ang pagpigil ko sa bibig ko para hindi ngumiti ng todo kasi hello, ang weird kaya. magpapalagay ka lang ng precinct number, todo ngiti ka na parang may auditions. Hahahaha.

At di matatawarang euphoria ang naramdaman ko nung sinabi saking: "Ok na." at lumabas na ko sa exit nung office. I've never thought those two words could mean so much! LOL.

Sayang lang talaga mag-isa na lang ako kanina. Di kasi nagrereply si haliMAU. Tapos, nasa Cebu pa kasi si JB at 12 pa kanina yung balik niya. Si pito naman, usapan namin 4am. At least ako dumating ng 7. Siya magtu-12 na, papunta pa lang. HAHA. Di ko alam kung natapos sila kasi umuwi na ko eh. Sana. Para Pilipino na rin kayo ulit. Haha. :)


I would like to thank:
JB, Mau, my kuya and Pito for keeping me company the first time.
Rob, Jhing, and all else na hindi ako tinantanan ngayong break para magpareg ulit. Thank you for believing in me. LOL.
Kabataan party-list led by Raymond Palatino for filing the petition to extend the voters' registration
and Associate Justice Conchita Carpio Morales for granting the petition.
(sige na nga, salamat na rin sa COMELEC)

Isa to sa mga di ko malilimutang achievement para sa taong to. :)

12.19.2009

Christmas Wishlist

1.) Sana po hindi na kami mamatayan ng daga sa research sa mga susunod na taon. Please. Para po sa ikapapasa namin. We will be good doctors, promise! (wahahaha. bargaining na eh noh.) :)

2.) Sana po magkaroon ng Chronic Obstructive Pulmonary Disease o kahit Acute Lung Injury lang yung negative control namin.

3.) Sana magkaroon ng significant differences sa acute lung injury sa pagitan nung mga daga namin na may genistein at nung negative control (see, number 2 wish).

4.) Nahiling ko na ba na sana hindi na kami mamatayan ng daga? Sana po hindi na kami mamatayan ng daga. :)

5.) I wish the Copenhagen talks would not end with what happened this year.


Oo, member pa ko ng ygroup ng One Earth kahit hindi na ko nakapagactivate ng membership. Pramis, pag tinopak na ko one day at lumevel na naman ang pagiging proactive ko sa mga orgs, babalik na ko. wahahaha. Anyway, yun ang dahilan kung bakit alam ko na sadly, the Copenhagen talks are not doing so well.

(Kung hindi mo alam, ang Copenhagen ang venue ng UN Climate Change Conference kung saan sinusubukan nilang gumawa ng isang legally binding treaty for the whole world to follow para ma-curb ang effects ng climate change. Ako na ang conyotic.)

Sadly, however, the developed countries are still not giving it their all for a treaty that can probably save the world. The US and China, in particular. (Oo, anti-US forever ako. Pero seryoso ang point ko dito.) They came in late in the talks and now, Obama brokered a deal in closed doors na parang consolation prize lang kasi hindi mapagkasunduan yung key points. So they just created a deal that is not legally-binding anyway. Some see the deal as a stepping stone. I see it as stupid. Why should anyone settle for a consolation prize in issues that concern, say, the annihilation of mankind?

Pero sige na. Sha-shut up na ko. Kasi hindi ko pa masyadong napag-aaralan yung issue. At hidndi ko pa rin napagaaralan ng ganun ka-grabe ang provisions na dapat nasa treaty para maging effective iyon sa pag-curb ng climate change. One thing I'm sure about is, though, that the deal was not legally binding at any point and no concrete commitments were done by the developed countries which almost makes it powerless. But if some believes that it may just be a stepping stone, then I wish that it'd be a beacon of hope so that the next talks on climate change next year would produce something that may help preserve what the earth has. Sana.

5.) I wish US's national health care bill would be passed.

For someone who does not like US, I'm really sincere on this one. Partly because it's just sad that it's such a real country but capitalism prevails too much that even with all that money, they can't spend for their own health. Yet, i want it passed mostly because of the Philippines.

Oo, dahil sa Pilipinas. Aminin mo man kasi o hindi, medyo gaya-gaya pa rin tayo. Kung mapapasa ang national health care bill na to sa US at timing pa na elections din next year, meaning kung mapasa to around a time na may bagong presidente ang Pilipinas, kahit sino pa siya, posibleng konting ingay na lang din ang kailangan at magkaroon na rin tayo sa bansang ito ng mga matagal nang kinakailangang reporma sa mga batas ukol sa kalusugan. Malay mo, manggaya na naman tayo ulit sa US. At sa pagkakataong ito, susuportahan ko ang panggagaya natin.

The passage of that bill may bring an oppurtunity to change the health system of the Philippines. Kahit pa sabihin mong mahihirapan tayong baguhin ang ssistema at magsulong ng mga reporma dito sa Pilipinas (lalu pa't kung Cheap Medicines Act nga lang halos magkanda letse-letse eh), who wouldn't want an oppurtunity?

6.) Tapos, kung pwede pang mag-wish at magkatotoo ang number 5, hihilingin ko na rin na sana, kahit malabo (pero yun naman ang point ng pag-wish di ba?), magkaroon ng pagkakataon ang mga Pilipino na magkaroon ng Universal Health Care - yung toong tipo ng UHC at di yung mapagpanggap na uri.

Aaminin ko, naging teary-eyed ako nung isa sa mga segments nung UHC forum na impromptu nating inattend-an sa UP Diliman. Kung bakit exactly, hindi ko alam. Pero sure akong isa sa mga dahilan ay masaya akong malaman na may paraan naman talaga para sa isang UHC sa Pilipinas at na may mga taong gagamitin ang mga kakayahan upang maisulong ito.

Oo, ako na ang dramatic. Pero kasi naman, the concept of UHC in itself is very fantasy-like especially with the state of the Philippines now. Pero pramis, kung meron man akong wish bago ako mamatay, yun ay ang makitang natupad ang isang UHC para sa Pilipinas.



This is what you call college spirit.

Sa kulang-kulang isang libong tao sa college, sa mga sandaling iyon talaga na naglalakad kami sa kahabaan ng taft, tangan-tangan ang isang lantern na dugo't pawis ata ang ginugol ng mga kaklase mo para matapos, iisipin mo: di ba kulang-kulang 1000 ang estudyante ng med? Nasaan na kaya sila?

Ganito kasi talaga ang college spirit ng med. At siguro, kung hindi ako pagod na pagod nung araw na yun at may lakas pa ko para magblog, my words would be more harsh.

This is not even about being required to support your college at a lantern parade. Alam naman kasi natin na nandito tayo para maging doktor at hindi para magparade. This is about keeping up with your responsibilities.

Di ba part naman ng pagiging responsable ang pag-amin na hindi mo magagampanan ang isang bagay at na sa halip ay iiwan mo na lang ito? The responsible side of you would come in by letting everyone that would be affected know that you're not gonna do your part. People would understand anyway. They have to. Sure, they would frown, roll their eyes and shrug at you, but that's just about it. After that, you can tell them that at least you were responsible enough to let you job go and inform them that that you're doing so.

Kesa naman hindi.

Frustrating kayang mag parade kasama ang dean niyo habang ang mga katabi mong college ay may kung anu-anong gimik tapos kayo wala man lang kahit isa. Yung tipong mukhang (at hindi malayong) hindi man lang magawang maging proud yung dean niyo dahil nakikita niya yung effort nung ibang college tapos kayo halatang 10 seconds bago magparade niyo nadetermine kung anong gagawin. Yung tipong halatang walang college unity yung buong parade niyo dahil lang ang katabi niyong colleges ay nagawang makapagproduce ng pare-parehong t-shirt (na maganda) at mga gimik (kahit cheer man lang na bago) tapos kayo hindi. Sobrang nahiya ako para kay dean.

Oo, mababaw lang lahat ng to. This won't even affect anything that our college was able to achieve in its 104 years of existence. Pero kasi, yun nga yung point. Dapat mababaw lang to kaya dapat kayang-kaya na. Some upperclassman told me nung imed days that he/she (nakalimutan ko na kung sino eh!) believes that it is the students themselves that make this college really great. Hindi yung facilities, hindi lang faculty, at kung anu-ano pa. At that point, I believed him or her. Pero ngayon, medyo na lang.

We didn't need an altogether very elaborate gimik, like those of the other colleges, during those times. Hindi naman kelangan ng props, ng costumes, o ng kahit ano. All we needed were instructions on what to do. kahit sobrang simple lang. More so, all we needed were additional people who would cheer the kolehiyo ng medisina chant - and I'm not talking about the same people who made the lantern because it's a given that they would be there but those weren't really involved at the making.

Yun lang and it would have been fun shouting the same cheers we imed people shouted when we came to Diliman for the centennial parade. Yun lang and the whole parade would have been fun doing again.

Ok lang naman, then again. We still won third place! (at natalo natin ang PH at Pharm! :P)

(kuha ni marcus)
Congrats Jason at Marvie at Hopee! At sa lahat ng taong nagbuhos ng pagod sa lantern na to. It's still the most elegant lantern in that parade. Ang ganda ng execution! Woohoo!

Yey. (Election Bitterness Post Number 4)

Kami rin ang nagwagi. bwahahaha.

I've read comments from people emphasizing that no one should be pissed just because the deadline cut them off so they weren't able to register. Though they have a point and I would probably have the same comment if I were able to register, it's still worthwhile to note that it's so very easy to just blame the so-called Filipino trait of waiting for the last minute before doing anything instead of actually looking at the issue in a deeper perspective. Sure, the people who really exerted effort only when the deadline was near has so much to be blamed for ending up unregistered and disenfranchised. But looking at just that reason and not expanding your view to a wider perspective would make you blind at the flaws of the process of the registration, too.

Oo. Siguro yung ibang lugar naging madali lang at walang problema. Pero base sa mga narinig kong kwento, marami ring nakaranas ng problema na hindi naman kasi dapat nagexist in the first place. At kung yung ibang lugar may problema pero yung iba wala, isn't that a sign that something is wrong and something can be corrected? In the end, don't just blame everything on an individual when you haven't even made sure that he or she has a right to complain.

Hindi excuse na dahil matagal, hinid efficient, at magulo ang proseso ng pagpaparehistro kaya hahabaan mo na lang yung time frame para makapagparehistro ang mga tao. All the more, hindi kasi porke't mahaba yung binigay mong time frame, kung hindi naman kasi talaga rumerespeto sa oras ng isang tao yung proseso ng pagpaparehistro, eh feeling mo may dahilan ka na para sabihing ginawa mo na ang lahat para makapagparehistro ang lahat ng gusto magparehistro.

Buti na lang: http://www.abs-cbnnews.com/nation/12/15/09/supreme-court-extends-voters-registration


Yey. (Election Bitterness Post Number 4)

Kami rin ang nagwagi. bwahahaha.

I've read comments from people emphasizing that no one should be pissed just because the deadline cut them off so they weren't able to register. Though they have a point and I would probably have the same comment if I were able to register, it's still worthwhile to note that it's so very easy to just blame the so-called Filipino trait of waiting for the last minute before doing anything instead of actually looking at the issue in a deeper perspective. Sure, the people who really exerted effort only when the deadline was near has so much to be blamed for ending up unregistered and disenfranchised. But looking at just that reason and not expanding your view to a wider perspective would make you blind at the flaws of the process of the registration, too.

Oo. Siguro yung ibang lugar naging madali lang at walang problema. Pero base sa mga narinig kong kwento, marami ring nakaranas ng problema na hindi naman kasi dapat nagexist in the first place. At kung yung ibang lugar may problema pero yung iba wala, isn't that a sign that something is wrong and something can be corrected? In the end, don't just blame everything on an individual when you haven't even made sure that he or she has a right to complain.

Hindi excuse na dahil matagal, hinid efficient, at magulo ang proseso ng pagpaparehistro kaya hahabaan mo na lang yung time frame para makapagparehistro ang mga tao. All the more, hindi kasi porke't mahaba yung binigay mong time frame, kung hindi naman kasi talaga rumerespeto sa oras ng isang tao yung proseso ng pagpaparehistro, eh feeling mo may dahilan ka na para sabihing ginawa mo na ang lahat para makapagparehistro ang lahat ng gusto magparehistro.

Buti na lang: http://www.abs-cbnnews.com/nation/12/15/09/supreme-court-extends-voters-registration


12.12.2009

44 :)

TRP 2009, Class 2014 song entry. :P




Salamat, 2014, sa pagkanta ng mga salitang ginawa sa MRT at Burger King, produkto ng stress at pressure ng isang deadline, habang ang tanging inspirasyon ay ang nagsasalitang babae sa MRT na nagsasabi kung nasaan ka na.

Sorry, but I would admit that during the performance itself, I stopped singing when we got to the "Konti na lang, hintayin mo..." part. I loved that part of the poem when I wrote it. Kaya yun nasa dulo eh, kasi yun talaga peyborits ko. Waha.

And listening to it be sung was exhilirating and unexplainable. Iba yung pakiramdam. :)

Kumanta na ko ulit nung padulo na, pramis. :P

Salamat 2014. Salamat din ng maraming marami kay na Ate Jana at Anne na pinagtiyagaan ang sinulat ko. Hindi lang ako ang gumawa ng kantang to, remember! Arrangement by Anne, at Melody by Ate Jana with the whole song com. :P

Many thumbs up to the talents na hindi matatawaran ng kahit sino! Go TRP Song Com! :)

Sabi ni Carlos Cuano sakin, it was ironic for an imed to have written the song - this song - about RSA. Eh hindi naman nga kami pumirma sa kahit ano. Natawa ako. Inalala kong muli kung ano yung mga pananaw ko na dati'y buong puso kong pinagmamalaki at na ngayo'y buong puso kong pinaglalaban para manatili. Tapos hindi na ko nagsalita. Bago ko pa isulat yung kanta, alam ko na kung bakit. Pramis may pinaghugutan yun kahit naghihingalo na. :)

To the laterals of 2014: hinintay ko kayo. pramis. kaya salamat. maraming salamat. :)

It was nice to offer lyrics to a song that has a message people will really uphold. Sabi ko dati ayoko nang magsulat ng mga bagay na patriotic kasi nakakafrustrate lang in the end dahil after so many years, pag binalikan mo yung sinulat mo, marerealize mong pareho lang din yung sitwasyon mo nun at ngayon. Thus, it was nice to create a song that speaks and promises to the Filipino people and is truthful at the same time. Wala masyadong writings na nakakagawa nun lalu na ngayon.

A heartfelt thank you for the privilege. Sobra. :)



"Hintayin mo..." - Isang Lagda, by UPCM 2014

Parang awards night lang rin pala ang elections next year eh. (Election Bitterness Post Number 3)

Mula sa The Proffesional Heckler:

ang mga kakandidatong artista sa iba't-ibang posisyon sa 2010:
Aiko Melendez
Roderick Paulate
Ara Mina
Alfred Vargas
Arnell Ignacio
Isko Moreno
Daisy Reyes
Lani Mercado
Rico J. Puno
Jestoni Alarcon
Cesar Montano
Richard Gomez
Anjo Yllana
Joey Marquez
Alma Moreno
Gian Sotto
Dan Fernandez
Marjorie Barretto
Jigo Garcia
Bong Revilla
Lito Lapid <-- for crying out loud!!

...at marami pa atang iba.

Alam mo naging pangarap ko rin kasi talagang maging presidente ng Pilipinas eh. Kung pag-aartista lang naman pala ang kailangan, shet, ano bang ginagawa ko sa med?! LOL.

I do not claim that they're not capable. (Well, si Aiko councilor sa QC pero wala naman ata siyang nagagawa - well, mukha namang walang nagagawa ang kahit sinong councilor dito but that's beside the point) It's just frustrating that the elections in a country so close to its doom still runs like American Idol.

In fairness, kung ganito lang rin, sana hindi na lang automated ang elections noh? Sana ginawa na lang nilang "TEXT your President_space_candidate of choice_etc. to 2366." E di sana mas mabilis. LOL

P.S. For crying out loud! Si Lito Lapid ulit!? Pag siya nanalo, I will lose 50% of my nationalism deliberately. :P

12.03.2009

157. :(

bwisit. bwisit talaga.

sayang. :(

11.22.2009

A Very FUNNY film! As in! Pramis!

this film had me laughing at first. must watch grabe! the kiwi was VERY VERY VERY cute!! at sobrang talino naman ng pagkakagawa at pagkakaconceptualize nito. sobra.







Life is cruel. I know. At least that tear was, besides being a tear of sheer incompletness, also a tear of fulfillment. Isipin mo na lang it dedicated its life to dream even if it meant succumbing to an end and living the dream for only a moment. After all, those who don't try will never know how far they can go, right? :)

11.21.2009

I hate you Class '84

Because you set the standards we are very pressured to break.

Last practice time, I heard 2013's song. It was good. And as of the moment, I'm sort of pessimistic.

Well, pessimist naman talaga ako. Kaya nga minsan magaling akong leader kasi lahat na ng pwedeng mangyaring masama nagawan ko ng back-up plan basta kaya. Kaya siguro normal lang to.

Nakakapressure lang.

I never really realized how big it was for my poem to be used as lyrics. I really thought it all boils down to arrangement and melody anyway. Hindi naman kasi laging naririnig yung lyrics kaya parang wala lang. Now, because of my writing, it seems like I influenced a huge chunk of the creation of the melody (since inuna nila ipagawa yung lyrics bago yung melody).

This puts me in a really pressured position. The last time I wrote something for the class was 1st year mediscene and, well, we lost. The following year, I let Carla wrote everything and only criticized and fixed the script. We almost won.

This time, I wrote for the class AGAIN when it's our first time in the competition. More so, the two things I wrote both are serious and very socially aware.

If we lose this time, I swear, I'm going to believe I'm a bad omen. LOL.

Ok lang naman talaga sakin na matalo kami, lalu pa't mukhang magaganda yung kanta ng 2013 at 2012. ang pangit lang talaga na palaging kapag ako na yung nagsusulat, natatalo. wahahahha. Sana magawan nina Ate Jana ng paraan sa pagkanta namin nung nagawang kanta.

Kapag natalo kami this time, maghahanap na talaga ako ng ibang talent na pwedeng ioffer. Ayoko nang magsulat para sa class! Pressure. Wahahahahaha.

I hope we can bring '84 back. Basta sana lang talaga may makaintindi nung message nung kanta o may makaappreciate man lang.

trial!

trial muna ng no crosspost

11.20.2009

On Edu Manzano's statement (Election Bitterness Post Number 2)

In this(click!) article, Edu Manzano, recently declared running mate of the administration's bet on the upcoming presidential elections, made this statement:

"In questioning my qualifications for the vice presidency simply because of one of my professions, my detractors virtually made a wholesale condemnation of those in the entertainment industry as being unfit and incapable of providing competent leadership to our people."

First of all, the entertainment industry, I believe, has yet to produce leaders that made significant changes in our government. (You can correct me on this one.) Yes they are capable of getting the presidency (with the election of Estrada but we all know where that went to), but it doesn't mean that they are already capable.

Yes they can be. Marami naman atang taga-showbiz na may utak. But it does not mean all of them - or even majority of them. And he has to face the fact that being an actor - and to not have any thing else that may augment that profession, like a bachelor degree or whatever (in which case, hindi ko sure kung kasama pa dito si edu dahil nagaral daw siya ng economics pero hindi stated kung nagtapos siya) - does not give anyone confidence of a capability to lead. Handling a government position SHOULD BE beyond projecting in front of the camera and putting a prefix before your name. It's not an acting job. Look at Sen. Lito Lapid now, for crying out loud.

The point of this whole post is that leadership entails KNOWLEDGE. It is even better if Edu just said that he once was able to handle government positions already so he has experience and a bit of knowledge (if compared to Sen. Lito Lapid and many others). You have to know what you're doing and how you're going to do something.For crying out loud, case in point, if you're going to be a senator, you should at least have to know how to read in english since the constitution is written in that forsaken language (kung san mapapagisip ka bakit ba kasi naka-Ingles ang Konstitusyon). And you actually at least have to know law so that you can make them!

One time, my sister told me that the NDCC during the typhoon Ondoy should have had an operations specialist heading it so that it would have had a chance to help people. Clearly, Gilbert Teodoro, coincidentally Edu Manzano's running mate, was not one. Just like the DOH should be headed by a doctor and just like how departments in the government could be more effective if people specializing in the particular field would head them, government positions should also be run not just by aspirant leaders but those who really have knowledge on how to run things. Actors and talk show hosts are not necessarily leaders and face it, they have nothing in their profession to offer you. At least lawyers know law if ever they'd run for a position.

This is not to downplay capabilities. It's to make things straight. The reason actors get elected is because they're popular, not because people deem they're capable. Don't twist that. Especially in this case, there are only very few exemptions (actors that are actually good leaders), if none at all. So don't go around telling people not to expect the entertainment industry as unfit for leadership because it has a reason. Have you seen developed countries elect actors from the said industry as much as we do in the Philippines? And where are we now?

-----

I swear. Ang boboto kay Erap ay lower life form!

On Edu Manzano's statement (Election Bitterness Post Number 2)

In this(click!) article, Edu Manzano, recently declared running mate of the administration's bet on the upcoming presidential elections, made this statement:

"In questioning my qualifications for the vice presidency simply because of one of my professions, my detractors virtually made a wholesale condemnation of those in the entertainment industry as being unfit and incapable of providing competent leadership to our people."

First of all, the entertainment industry, I believe, has yet to produce leaders that made significant changes in our government. (You can correct me on this one.) Yes they are capable of getting the presidency (with the election of Estrada but we all know where that went to), but it doesn't mean that they are already capable.

Yes they can be. Marami naman atang taga-showbiz na may utak. But it does not mean all of them - or even majority of them. And he has to face the fact that being an actor - and to not have any thing else that may augment that profession, like a bachelor degree or whatever (in which case, you can again correct me if Edu has in fact a bachelor degree) - does not give anyone confidence of a capability to lead. Handling a government position SHOULD BE beyond projecting in front of the camera and putting a prefix before your name. It's not an acting job. Look at Sen. Lito Lapid now, for crying out loud.

The point of this whole post is that leadership entails KNOWLEDGE. It is even better if Edu just said that he once was able to handle government positions already so he has experience and a bit of knowledge (if compared to Sen. Lito Lapid and many others). You have to know what you're doing and how you're going to do something.For crying out loud, case in point, if you're going to be a senator, you should at least have to know how to read in english since the constitution is written in that forsaken language (kung san mapapagisip ka bakit ba kasi naka-Ingles ang Konstitusyon). And you actually at least have to know law so that you can make them!

One time, my sister told me that the NDCC during the typhoon Ondoy should have had an operations specialist heading it so that it would have had a chance to help people. Clearly, Gilbert Teodoro, coincidentally Edu Manzano's running mate, was not one. Just like the DOH should be headed by a doctor and just like how departments in the government could be more effective if people specializing in the particular field would head them, government positions should also be run not just by aspirant leaders but those who really have knowledge on how to run things. Actors and talk show hosts are not necessarily leaders and face it, they have nothing in their profession to offer you. At least lawyers know law if ever they'd run for a position.

This is not to downplay capabilities. It's to make things straight. The reason actors get elected is because they're popular, not because people deem they're capable. Don't twist that. Especially in this case, there are only very few exemptions (actors that are actually good leaders), if none at all. So don't go around telling people not to expect the entertainment industry as unfit for leadership because it has a reason. Have you seen developed countries elect actors from the said industry as much as we do in the Philippines? And where are we now?

-----

I swear. Ang boboto kay Erap ay lower life form!

11.03.2009

random number 3 - pet peeves number 2

RULE: bawal magcomment sa random posts ko. beh. ang magcocomment panget. at may tae sa pwet. at may putok. tsaka buhok sa leeg. ewww.

-------

ok this is not really random anymore. kelangan lang talaga ng reply. ayoko namang pahabain yung isa pang entry.

i think the only part that owes an apology was the comment. it does come in somewhat off and was a product of emotions and not thought of actions. or let's just say i was pissed at some of it which validated my actions back then. Thus, sorry on that. Ang obnoxious hindi nagsosorry. ehem. ehem.

Other than that, here's my two cents:

Saying that you believe no one should expect anyone to ride with one's pet peeves contradicts saying that when someone deliberately violates your pet peeves, you'd get pissed.

Pag dineclare mo na pet peeve mo to, sinasabi mo sa ibang tao na wag mo yang gawin dahil mabibwisit ka. In effect, ineexpect mo na hindi niya gagawin yun dahil alam niyang naiinis ka dun. That's imposition.

And that is selfish. Lalu na kung walang kwenta yung iniimpose mo, which is the very definition of pet peeves.

However, imposition also implies that other people ride your pet peeves so that they won't deliberately or not deliberately do it to you. Hindi lang kapag deliberately niya ginawa sa'yo. BAKIT, kapag ba hindi niya sinasadyang maviolate ang pet peeves mo, hindi ka na mabibwisit?!? Kasi kung hindi, you're gonna create a paradox since supposedly ang pet peeve ay isang bagay na kinaiinisan mo regardless of whether the person had intention to piss you off or not.

Kaya nga kaartehan ang pet peeves di ba?!

Meaning stating your pet peeves actually tells the reader the things you don't like and you somehow impose it to them. Oo, pwede mong i-reason out na gusto mo lang malaman nila kung bakit ka naiinis on certain things, but that doesn't exempt them from you getting pissed when they do it undeliberately, which brings me to my next point:

Bakit sa tuwing nabibwisit ka ba sa mga maliliit na bagay na katulad ng pet peeve, ikaw lang ang naapektuhan?

Oo siguro kung ikaw yung tipo ng tao na hindi expressive sa mga kinabibwisitan niya, pwede. That ends there.

Pero pano kung ikaw yung tipo na ang poker face mo eh mataray, at na no hindi mo kayang hindi magexpress ng pagkaasar. Eh di kawawa naman ang taong wala naman talagang ginawang masama dahil naapektuhan ng kasungitan mo over something na kaartehan lang naman talaga on your part.

I'm not against pet peeves, i repeat. I have them too. I just believe they're selfish. At hindi dahil 'personal' at 'opinion' mo ang pet peeves kaya siya selfish kundi dahil it can affect other people in unjust ways.

Buti sana kung yung pet peeve mo talagang isang panget na bagay, not exactly morally wrong, pero panget na bagay lang talaga. At least pag nagreflect yung taong nasungitan mo kung anong mali at nasungitan siya, may makocorrect siya. Eh pano kung hindi?

Another point:

Saying that you wouldn't exactly call it hypocritical if on the same or another extent ay nagagawa mo rin yung pet peeve mo on others is not true. kasi naiimpose mo sila somehow.

tsaka hindi ba ironic na kunwari ang isa sa mga kaartehan mo eh ayaw mong pumapasok sa magulong kwarto tapos yung kwarto mo mismo magulo? Kahit kaartehan lang, isn't that hypocritical still? O kaya kung kunwari ang isa sa mga kaartehan mo eh ayaw mo ng ginugulo yung ayos ng unan mo pero ikaw pag sa kama ng iba ang gulo mo mag-unan. Still not hypocritical?

Again, i'm not against pet peeves. Pero kung may pet peeves kang nagagawa mo rin, wag mong itangging hypocritical ka. Ako hypocritical ako on some instances.


Ang sakin lang talaga, selfishness ang pet peeve, in all its redundancy. kung hindi mo kayang isarili yang pagkainis mo sa mga bagay na kaartehan mo lang, panindigan mo yung consequences sa pagtingin ng ibang tao sa iyo, like maarte ka, feeling, makapal mukha, etc.

------

This will be my last post on this topic. It's so pathetic na nauna pa yung entry ko sa pet peeve kesa sa nangyari sa amin sa comelec. It's so weird na ganito ang laman ng blog ko when i'm not normally the type to express opinions on such things. Or maybe I am. Depende sa pagkakakilala mo sakin. Dahil hindi ka pwede magcomment, ikaw na bahala mag-assume. :)

------

Oo, malaya kang i-assume ang kahit ano sa blog entry na to tungkol sakin. Wala akong pakeelam. Basta bawal ka magcomment. Please. Thank you.

Kung ayaw mo sa mga sinusulat ko, what the hell are you doing reading this last sentence? You had the option minutes ago.

Half-Hearing. :)

this is a nice read for people who have single sided deafness. makakarelate ka pramis: http://tribalvillages.org/deaf/single-sided-deafness.html

siyempre hindi lang naman disadvantage ang pagiging half-deaf. it has its perks. *grin* you just have to know WHEN to use it. :)

Pisay Diliman 07!!

idedeliver na daw ang yearbook natin sa friday! as in THIS friday! at last! nagpunta kami pisay kaninang hapon at yun ang sabi ni ma'am jean! :D pero baka may launching party pa tayo and stuff kaya ipressure niyo na yung council para ASAP na yun!

YEY!! after two years! grabe, ineffortan ko pa naman ang pagpuproofread ng articles dun dahil sobrang aga ng deadline namin. haha.

10.31.2009

The Tale of A Line And A Stupid Commission

I started the day, Oct 30, at around 7 am. I was late, I know. Pito was not, however, since he arrived there at around 4 am. JB and Mau arrived at around 5 am.

If you don't know, there are two steps to be registered as a voter in the upcoming elections. One, you have to verify your forms. Second, you have to get your biometrics and picture taken. We were able to by pass the first step since we already had verified forms so second step na lang.

The line for the second step for District 2 was like this. There was a waiting shed that is around 2 blocks long. The line loops here twice. Outside the shed, the line continues and loops around thrice. Then the line would continue to the adjacent parking lot (which is around one block long also) wherein it would again loop twice before it continues to the adjacent road (which is the same length as the waiting shed) and would loop SIX times. Guess what, nagsimula kami sa may road kung saan anim na beses nang umi-isaw yung linya. Thank you.

I think we started with 4000 people in front of us and another 2000 behind us. NO JOKE. Nagawa na namin lahat. Nakapagbonding na kami, naglaro kami ng cards, nagtsismisan na kami, nagtawanan, kumain, kumanta, umiyak, magkwentuhan, at kung anu-ano pa. Nakalaklak na ata kami ng tatlong litro ng pinaghalu-halong coke, tubig at juice. Mind you, sobrang init nun. Kulang na lang magreview na kami for an exam para lang once and for all maramdaman namin na may nagagawa kaming productive bukod sa paghintay na umusod ng kaunti yung pila.

But we waited. After all, para sa bansa di ba? At para rin sa karapatan mo.

Wag ka, nakarating kami sa may pila sa waiting shed. When we were there we felt so trimphant. Nasasayangan kami sa pagpipilang ginagawa namin dun pero who cares. At that point, we just want to be registered voters para naman may patunguhan ang mga ginawa namin. Walang reklamo. We just want to end it soon.

Around 530 pm (at this point I have lined up for almost 10 hours, sina JB at Mau 12 hours at si pito at 13 hours), the line stopped already. Hindi na sila ulit kumukuha ng forms para ibigay sa loob ng office at matawag. Then, suddenly, lumabas yung isang taga-Comelec, nagdala slash naglagay ng blue table sa tabi nung pila at ipinaliwanag na hindi na daw lahat ng tao ngayon ay ma-aaccomodate. Kukuhanin na lang daw nila yung forms namin at yung contact number namin tapos tatawagan na lang daw nila kami. What the fuck? Job interview ba to??

Pero kami ok lang, sige. Kaya to. Para at least may mapala tayo. Ang problema nagkaroon ng massive na singitan at imbis na malapit na kami, biglang humaba yung pila namin. Pero sige kebs lang. After such a long wait, WHO WANTS TO GO HOME EMPTY-HANDED?? So nagtiis pa rin kami. Siksikan na yung waiting shed nun pano ang dami sumingit kaya sobrang init at hindi ka pa masyadong makagalaw. Tapos nagkagulo pa yung pila so may isang batalyon ng mga tao ang biglang nagrereklamo at nagkeclaim na lo and behold sila raw ang tamang pila. Pero kebs pa rin. We still wanted to be optimistic and get something out of that REALLY LONG wait. I think at that point, ok na lang din samin ang umuwi ng kahit 11pm just so we can sign our names and contact numbers and give them our forms (mind you, hindi pa rin kami tapos nito ah. kasi tatawagan pa daw nila kami diumano para magpabiometrics so babalik pa rin kami.)

Tapos nagsimula nang umulan. The line was moving nung mga 7 pm pa (Pagpila hours: ako, 12 hours, sina JB at Mau, 13.5 hours, si pito, 15 hours). Malayo pa kami sa pila. Mga isang loop pa ng tao. Tapos ang dami pang nagpapasingit. Ang estimate mga dalawa hanggang tatlong oras pa. Tapos biglang hindi na gumagalaw yung pila. Naglalaro na lang kami ng cards nun. Tapos sabi nung katabi namin nawala na daw yung mga taga-Comelec kaya hindi na gumagalaw yung pila. (Take note, umuulan pa rin, lumalakas na, at may mga nakapila pa rin sa lbas ng waiting shed at naghihintay na gumalaw yung pila.) Sabi namin by 7:30 kapag wala pa rin yung pila, kakausap na kami ng tao at itatanong kung kelan ba nila balak simulan ulit yung pagkuha ng forms kasi ayaw naman naming mag24 hours sa pagpila noh.

7:30 came still no sign of anyone. Nagdecide na kaming gaguhan na iyon at pagod na talaga kami so pumunta kami sa loob ng office para lang itanong kung kelan ulit magsastart. Kung magsastart na ng mga 8, magdedecide kami kung itutuloy pa namin yung pila. Kung later pa, baka hindi na lang kasi dis oras na ng gabi for crying out loud at nandun kami sumisikat pa lang ang araw. Ayaw naman naming abutin ng bukas ang pathetic na nun.

We talked to the guard. Ang bastos niya. Pinapalayas niya kami ay sabi niya "Bumalik na kayo sa pila! Magreresume din kami! Bumalik na kayo" As if namang willing pa kaming bumalik sa pila! Tapos tinatanong namin siya kung mga anong oras nila ulit ibabalik yung pagkuha ng forms, sabi niya: "Basta bumalik na lang kayo do'n! Magreresume din kami pagtigil ng ulan!"

Mind you, hindi tumigil ang ulan ng gabing yun. Signal number 2 nga eh, ang kulit.

Gusto kong murahin ang ina niya nung mga panahon na iyon pero sabi ko wag na lang. He's not worth it. So umalis na kami dahil hindi na talaga namin kaya pang pumila ng sobrang tagal pa. We left at around 8, achieving nothing at all.

I lined up for almost 13 hours. Well, sina JB at Mau 15 hours at si Pito 16 hours.

Ngayon mo sabihin sakin na: "Ayan kasi hindi kayo nagparegister ng maaga" at mumurahin kita sa abot ng aking makakaya. Thank You.

Alam kong matagal na yung registration at na oo kasalanan namin na hindi kami maaga nagparegister kaya kami inabot ng ganun kahabang pila. PERO YUN NGA YUNG DAHILAN KUNG BAKIT KAHIT PARANG HINDI MATATAPOS YUNG PILA NA YUN EH PUMILA PA RIN KAMI, kasi alam namin na yun yung kapalit ng late registration.

The point is, there was injustice because we were still able to make it to the deadline pero na-cut off lang kami. Sa school, kapag nagpasa ka ng project ng maaga may bonus points. Analogy: Kapag nagparegister ka ng maaga wala kang mararanasan na ganun kahabang pila. Pag nagpasa ka beyond the deadline, hindi tatanggapin project mo. PERO PAG NAGPASA KA WITHIN THE DEADLINE, walang bonus, i.e. pipila ka ng mahaba dahil amraming tao, pero TATANGGAPIN PA RIN YUNG PROJECT MO.

Ang problema kasi, kung deadline ngayon and 7000 people lined up, it just means that 7000 people deserved to be registered dahil umabot naman sila sa deadline eh. To cut-off other people dahil lang ang gusto niyong ang iprocess lang for this day ay 2000 people would be violating their right to vote. Kung 7000 ang dumating, 7000 dapat ang maprocess mo.

And the whole thing was so unfair. Dahil walang sistema, ang daming sumingit sa harap kaya yung mga nakapila na dun ng 4am pa lang naunahan pa ng mga pumila dun ng 11pm. There was no numbering system and the whole thing assumed na wala ka nang gagawin for the day at na pwede mong ilaan ang 16 hours mo sa pagpila para lang maging registered voter. Bullshit.

Also, District 2 lang yung may sobrang habang pila na ganun. Yung iba atang district walang pila. Why not redirect some people to those machines? Para naman mabawasan kahit papano yung tao sa district 2??

Tapos pumila ka na ng sobrang tagal, sa dulo sasabihin sayo na kukunin na lang nila pangalan at contact number mo at tatawagan ka na lang nila para BUMALIK. At hindi lang yun, for no reason at all, DAHIL LANG UMUULAN, na as if namang yung mga taong nakapila sa labas ay hindi nauulanan, tinigil nila yung pagkuha ng forms.

AGAIN, ngayon mo sabihin sakin na: "Ayan kasi hindi kayo nagparegister ng maaga" at mumurahin kita sa abot ng aking makakaya at kahit hindi ko na kaya mumurahin pa rin kita. Thank You.

We went home feeling defeated. Nanakawan kami ng isang araw, literally. But we were not really ashamed OR guilty that we went home not registered at all. Nagexert kami ng effort. Sobrang. Daming. Effort. Hindi na naman namin siguro kasalanan kung naviolate ang mga karapatan namin dahil lang sa isang bulok na sistema, di ba? We went there to exercise our rights but we were stopped by a big wall called incompetence.

We also decided not to line up anymore today. We need to rest.

We tried to be good Filipinos. We really did. Pero mukhang allergic nga talaga ang bansang to sa mga mabubuting mamamayan. Kung sistema pa lang sa pagregister ng mga boboto gaguhan na, eh hindi mo na masisisi kung bakit come election time eh sobrang daming anomalyang nagaganap.

Kung ayaw mo akong pabotohin, fine. Ipagdadasal ko na lang ang bansang to.

---

Tnx JB, Mau at Pito for the company. It would have been ten times more agonizing wihtout you guys. Kelangan na talaga magbonding ng 2014 QC people! :)

---

At ngayon-ngayon lang, nabasa kong (CLICK ME for the news article!) isang petition sa supreme court ang ipinasa kaugnay sa diumano'y pagiging unconstitutional ng Oct. 31 deadline para sa registration of new voters lalu pa't ang sabi lang sa constitution ay dapat wala nang registration 120 days prior to an election. This means dapat wala nang registration ng January kung May ang elections at na 2 months earlier and deadline na iniimpose ng COMELEC. Oh great. Kung mapapasa to, pipila ba tayo ulit JB, Mau, at Pito? Sakin okay lang. hahaha. :P (ako na ang stubborn. :P)

random number 2

RULE: bawal magcomment sa random posts ko. beh. ang magcocomment panget. at may tae sa pwet. at may putok. tsaka buhok sa leeg. ewww.

-----------------------

I have a lot of pet peeves too (since last time I checked I'm still a human being). I hate people who disrespects other people's things. Yung kunwari aapakan yung unan ng isang tao lalu na kapag wala yung tao na yun dun. I also hate it when people would suddenly frown for no reason at all and would DELIBERATELY DAMPEN A HAPPY mood for personal reasons kahit walang kinalaman sa mga kasama niya. I also hate people who are hypocritical.

That's the topic. I think pet peeves are selfish. I mean sure it points out possibly wrong habits - most of the time possibly insensitive ones - that people commit and you personally hate. But, sometimes, they can be baseless or not necessarily outright wrong. Wala lang. Minsan nabibwisit ka lang sa isang bagay kahit hindi naman siya mali. And that's where the selfishness comes in. Kung ipapamukha mo sa isang tao na parang mali yung ginagawa niya dahil lang ayaw mo ng ganun, kahit technically hindi naman talaga mali yung ginagawa niya, that makes you selfish.

Case in point: Kunwari may isang tao na gusto niyang palaging ino-off yung ilaw kapag lalabas ng kwarto at pet peeve niya ang mga taong hindi nagsasara ng ilaw. Tapos nakasama niya ang isang tao na ayaw ng madilim. The former would accuse the latter of, most of the time, insensitivity or just plain irritating kahit technically pwedeng wala naman kasalanan yung latter.

At this point, I think it's best to compromise and to know whether your pet peeve still has some bearing. Baka naman pwedeng patayin mo na lang kasi yung ilaw imbes na magexert ka pa ng effort na mabwisit dun sa taong hindi nagpapatay ng ilaw. Malay mo kasi pet peeve niya ang taong nagpapatay ng ilaw kaya siya hindi niya pinapatay. Thus, compromise.

Katulad ng pet peeve ko na ayaw ko sa mga taong bigla na lang sumisimangot o naninira ng masayang mood. Eh paano kung expressive yung tao at hindi niya kayang pigilan? Pushing thorugh with my pet peeve and getting irritated would be outright SELFISH.

But of course, there are pet peeves that are really wrong (and here, it can be argued that morality is relative but i'll stay clear of that para hindi maging kasing haba ng Noli Me Tangere ang sinusulat ko). Katulad ng pet peeve ko sa mga taong hindi rumerespeto ng gamit ng iba I think that's really wrong. Hindi naman sa iyo eh so gumalang ka sa gamit ng iba kahit wala siya, just like how you'd want your things to be respected.

Ang point: Una, reflect. Kung tama yung pet peeve mo walang problema. And hell, I'd even encourage you to tell other people about it so that they would be able to right the wrong things they do. PERO, kung yung pet peeve mo eh hindi naman necessarily all-the-time tama, pwes KAARTEHAN lang yan. And that takes out your right to be mad at other people for it. Pwede sariling preference mo lang pala iyan so wag mong ipilit sa iba. Kung gusto mo chocolate tapos gusto niya vanilla, you cannot persecute the other person for what he or she prefers. Minsan kasi, yung ibang pet peeve, hindi naman talaga mali at maarte lang yung taong nagpeperceive. Sabi nga nila, to each his own. Kung inaapply mo yun sa mga sarili mong pananaw, matuto kang iaapply din sa iba.

Pangalawa, don't be hypocritical. May iba akong kilala, marami sila, na may pet peeves na sila rin mismo vina-violate nila to some degree. Maybe not the same way na maaasar sila pero pareho yung effect. Like ako pet peeve ko ang mga gumagamit ng table, kama, at laptop ko ng hindi man lang nagpaalam kahit konti or hindi man lang inacknowledge ang presence ko pagdating ko. Pero sa mga pagkakataong ito, pinipigilan ko mainis. Kasi ako rin naman naviviolate ko to. Not the same things like gagamitin ko ang kama, table, at laptop ng iba but other things like minsan nakakagamit ako ng stapler o playing cards ng hindi ako nakakapagpaalam. In which case, I also decide not to be pissed with this kind of pet peeve anymore. Kasi nava-violate ko rin eh. Ang kapal naman ng mukha ko kung iimpost ko sa iba ang isang bagay na nagagawa ko rin.

10.25.2009

May pananabik pang natitira...

Favorite line! (kasi ang ganda ng melody niya dun sa song. haha. isang line lang!)

TRP song's almost over. Actually, gusto ko lang ito i-blog kasi sabi ko dati kapag nakapagcontribute ako ng kahit ano sa paggawa ng isang kanta ituturing ko siyang milestone. Yun lang. LOL.

Deh. I realized it takes so much talent to create a song and now I actually have much more respect for song writers. As in. It takes a great deal of inspiration, too, to create music and lyrics that jive and present the same meaning slash the same feeling together. Sobrang experience sa akin mapanood ang song com na gumawa ng kanta. haha. kahit most of the time clueless ako sa mga nangyayari like kapag nagtatalo sila kung bababa ba o tataas o kung bakit sa part na to ganito na tapos may ganito sa isa pang part. wahahahaha. Jargon grabe. Pero kasi bigla silang kakanta at nagpoproduce ng melody. Sobrang cool!

Which is why I also respect the song com a lot now. Grabe ang talent. Woohoo.

Kung hindi man tayo manalo, no matter, what the song com was able to pull off something different. Arrangement na lang tapos ok na. :)

Sana nga magustuhan ng class eh. :) And I hope this post will make you guys excited. :P

Tell me I am not writing into an abyss, or that is what will become of my heart

must watch. A kid's love letter. *kilig*

i don't think i even knew what abyss was when i was his age. haha.





Kung kaya ko magsulat ng ganito nung bata ako, hindi na ko nagmed. wahahaha. kinarir bigla. deh. i always believe words are still the most effective way to make someone fall in love. and with the eloquence of something like the letter in this video, you will be the sexiest man alive. LOL.


10.18.2009

"Matalino ako, bobo ang exam!"

from dane.

bwahahahaha. pero totoo naman eh. it's not that we're stupid. matalino nga tayo eh. tanga lang talaga yung exams. hindi niya tinatanong kung ano yung alam natin eh! :P

putik sembreak bat ang tagal mo?
kay tagal ko nang hinintay ang iyong mga yakap!
kay tagal ko nang gustong hagkan ang mga araw na iyong maibibigay!
bakit mo ako pinapahirapang ika'y makamit,
iniiwan kay Salome at pinipilit mag-isip?

Di pa ba sapat ang pagdurusang narating?
Tapusin mo na to maawa ka na sakin!
Sabik na akong ika'y mapasaakin!

bow.

neuro break over..

10.14.2009

random number 1

RULE: bawal magcomment sa random posts ko. beh. ang magcocomment panget. at may tae sa pwet. at may putok. tsaka buhok sa leeg. ewww.

---//

age brings wisdom. true true. but for me, age brings wisdom, but not necessarily always.

the point is, if you request for equality, it'd be easy to give. treating someone like there is nothing between you would be a breeze especially since you'd be able to relay your whole self to the person without actually caring whether he or she would like it or not.

the case:

if you are with your peers, you can do anything. if they don't like it, they go away. if they like it, they stay. PERIOD. it ends there.

but if you are with someone demanding your respect, you CAN'T do anything because you have to stay clear of that air of respect he or she is putting between you two. If they don't like what you're doing, they'd tell you to change.

THAT'S THE DIFFERENCE. DEAL WITH IT.

Thus, do not ask for equality if you still want to have that air of respect from the other person. Bestowing the right to be treated equal to the other person involves giving that person the right to express himself or herself to you. AND IF HE OR SHE DOES, you do not tell the person: "hey, you're crossing the line here. i think you should change that." When you're on equal footing, it does not give you the right to tell the other person to change because he or she would not have any reason why he or she would do so. Bakit siya magbabago? Para ma-impress ang kaninong standard? Sa'yo? Eh pareho lang naman kayo ng kalagayan.

This changes when you have a person demanding some respect. In Filipino customs and traditions, it is but normal to pay respect to people who are older. At kung ganun nga, hindi niyo makikita yung "full-blown" na kami kasi hindi namin yun ibibigay sa iyo dahil kailangan naming kahit papaano, kahit kakaunti, magbigay ng respeto. Kasi kapag pareho lang kayo ng footing, hindi ka magaalangan gumalaw dahil hindi kailangan. Kapag mas matanda sa'yo, magaalangan ka dahil baka makabastos ka so magiging careful ka.

Asking us for equality is like telling us that no, we do not have to be careful anymore because you won't mind. Kung ayaw mo, lalayo ka lang. Kung gusto mo, ok lang. Hindi ka magpapakadiva na: "omg, that is so offensive. give me some respect naman kahit papano." kasi nga you already asked for equality.

Kami naman yung disadvantaged eh. Sa Filipino norm, kapag kaedad mo ang nakaaway mo, kebs lang. Pero pag mas bata sayo, mapang-api ka. Kapag mas matanda sa'yo, bastos ka.

Thus, if you want to still cage us into being the younger ones, stop telling us that we're on equal footing. Diretsahin niyo kaming gusto niyo pa ring maturing na mas matanda o na upper classmen kung yun talaga di ba. BECAUSE THERE IS A DIFFERENCE. Mahirap naman na may ineexpect pala kayo samin eh kami naman nagassume lang na equal footing na. Wala naman kaming magagawa dun eh. Tatanggapin lang namin yun if ever. But be clear with what you ask of us. We can give you respect if that's what you want pero wag kang magassume na pwede ka rin naming ituring na patas lang at the same time. Life is already unfair with all that Filipino norm, you don't have to make it more so.

10.02.2009

Idol. As in. Pag ako nagkaroon ng kapangyarihan, siya ang unang nanakawan ko ng talent.

enough said.

sa isang miss engg dati, may isang comedy group, UP Samaskom ata, ang nagperform ng isang skit kung saan may nag-introduce na: "Ladies and Gentlemen, the UP Samaskom Choir!" tapos may isang lalaki at isang babae na lumabas. Yung lalaki nagconduct. Tapos yung babae kumanta. Ang babaw pero tawa ako ng tawa. Natuwa ako sa concept ng sinabi na choir tapos isa lang yung tao...

But now, I'm amazed.

Binanggit na ata sakin ni Ben tong si Sam Tsui nung nagreunion yung eme. Nakalimutan ko ata, though. hahaha. Well, kung hindi mo magegets, sa dalawang video na to, si Sam lang yung kumanta ng lahat ng parts. At yung editing ng video at arrangement (at least for the MJ medley) ay pakana naman nung kaibigan niya na si Kurt (basta siya yung lalaki sa left most sa MJ video).

Kurt, kelangan ka namin sa pagarrange ng TRP song. hahahahaha.

sorry. I really just have to post this para tantanan ko na ang pagreplay sa kanya. hahahaha.

The Michael Jackson Medley:


(for Glee fans; manonood na ko ng Glee soon! pramis!) Don't Stop Believing:


10.01.2009

I found model IVAN.

credits: raab hizon.

with a little help from my sister. :)

ivan! grabe magpose! parang walang bukas!

http://ryhizon.multiply.com/photos/album/44/PHOTOP_OP_UP_CAS_Part_2

sori. ayoko kuhanin yung picture mula sa site (pero nagnakaw ako ng isa. may citation naman! :P). hindi kami magkakilala nung may-ari eh. naging kaklase siya ng kapatid ko though. at sa mga taga-pisay, isa siya sa mga taga-repro na umaayos ng pics natin nung grad, yearbook, etc. si kuya raab. :) ang galing niya kumuha ng picture in fairness. :P

Laya's indecent proposal. As in mahalay.

Laya is seducing/bribing me with her body. grabe, iba na talaga ang effect ko. bwahahahahaha. ayaw mo maniwala?! eto ang chat conversation namin!

Ryan Magtibay: matakot ka kung pati ako kelangan mo suhulan!
Ryan Magtibay: ibig sabihin fail ka na!
Ryan Magtibay: fail!
Ryan Magtibay: =))
laya zamora: hahaha.
laya zamora: yun nga eh.
laya zamora: tapos anong isusuhol ko sa iyo?
laya zamora: di puwede katawan ko?
laya zamora: =))


wahahahaha. grabe lang laya! hindi ako nakareact! so totoo pala ang hidden desire mo sakin?!? bata pa ko! wag po! wag!

take note: wholesome ako sa chat na to. as in. tapos ganyan!? hahahahaha.

deh. pero bahala na si laya ang magexplain. hahahaha. pero totoo yan talaga. binigyan niya talaga ako ng indecent proposal. hahaha.

9.20.2009

May bago na kong requirement sa magiging girlfriend ko...

kelangan marunong / magaling kang sumayaw ng contemporary (o jazz ba to? alam ko contemporary to eh) at mamahalin na kita mula sa dulo ng aking apex beat. :)




don't worry, you can dance your way into my heart... hahahahahahahahahhahahaha. shet. sorry kelangan ko talagang humirit eh. :P


btw, kung isa ka sa mga babaeng nandito: i love you! can we have dinner some time? my treat... *grins* please? *pouts*

9.14.2009

I need

May nabasa ako dati sa isang youtube video. the video was just a simple (well, ang galing niya so hindi simple yung dance haha) dance video na improv lang. kumbaga, hindi choreographed at wala lang, gumagawa lang siya ng kung anu-anong step. the uploader tried to explain why he created the video. ang sabi niya: "I just needed to move."

I so need to write now. I don't like needing to do so. Feeling like this means that I have something that I want to let out pero hindi ko alam kung ano ang problema ko kaya ayan. I just need to write. I just badly need to write pero hindi ko naman alam kung anong isusulat. Hindi tuloy matapos tapos ang punyetang to. Letse.

Gusto ko na tuloy matutong magsayaw. At least, kapag naman siguro gumalaw-galaw ka lang, kahit walang sense, ok lang. Basta maisayaw mo.

Eh kapag nagsusulat ka, tapos walang sense, lalo ka lang naguguluhan eh. Nyeta talaga.

Kaya susubukan kong magkasense to. Sorry. I just need to write.

***

Alam ko naman na isa siyaa sa mga insecurities ko. Bakit ba? Konti lang naman insecurities ko sa katawan ah. Konti lang din naman kasi yung talagang napagmamalaki ko eh. Konti lang. So kung magiging insecured ako, o highly affected, sensitive, o kung ano man, pwes wag mo nang idiin. AWARE ako. I'm really trying to work on it. Wag mo nang idiin. Hindi mo ko kilala. Hindi mo ko ganun kakilala para husgahan mo ko sa mga galaw ko. TAO rin ako. Oo na, highly negative na, laging nakikipagdebate, malakas ang boses, palaaway na lang palagi, at demanding. I really try to do something about it. Kaya nga inaayos ko rin priorities ko sa buhay eh. Alam ko lahat to. Pero tao rin ako. Tinatablan rin naman ako ng insecurities minsan. Kaya kung magrarant ako, magiging bastos, magiging sensitive, o kung ano man, sorry. I do have limitations and shortcomings. Marami nga eh. Pero hindi mo naman ako kelangan ganunin. Hindi mo kelangang idiin lalu pa't sinusubukan ko naman gawan ng paraan. Pero mahirap kasi. At hindi mo yun maiintindihan. Kaya wag kang umastang nagmamarunong.

***

Hindi ko na alam kung anong mararamdaman ko sayo. Pinapagulo pa ng lahat ng tao sa paligid natin. Pinapagulo mo pa kasi hindi ka nagrereact sa kanila. I feel so stupid whenever you just ignore them. Feeling ko hindi man lang ako worth iexplain. Kahit man lang ireject mo yung idea. Please ireject mo naman yung idea. Para naman alam nila na nagmamatter ako. Para naman kapag may pang-aasar alam kong hanggang dun nga lang kasi at masyado lang talaga akong nagiisip kaya nagiiba yung mga bagay-bagay. Hayaan mo, lumalayo na naman ako eh. Unti-unti. Alam ko hindi mo anman mararamdaman. Dadating ang araw, malalayuan din kita ng ganap. Pero ang hirap pala kasi kapag hindi ka na talaga naghanap ng iba pang taong bibigyan mo ng attachment kasi satisfied ka na na sa isang tao ka lang attached at alam mong isa lang ang kailangan mong tunay kaibigan para maging satisfied sa buhay. Ang hirap kasi kapag nangyari yung tulad nito, ayan, wala ka nang ibang close. Hindi mo tuloy mabawi. Shet. Shet ka talaga. Pinapakomplikado pa kasi ng ibaang tao eh. Bwisit. Pero wag ka mag-alala. Nararamdaman ko naman na ayaw mo. Pramis. Hindi lang ako sanay na baguhin kung anuman ang meron. At hindi ko rin gusto baguhin. Pero alam ko na fed up ka na kahit papano. Sorry. Sorry ang bagal ko magbago. Pramis. Alam kong hindi pwede. Hayaan mo, isang araw, malalayuan na kita. Pramis.

***

Lord, balik Ka na. I feel empty without you. You take away these useles feelings. Dahil sa Iyo, alam kong walang kwenta tong mga to. Dahil sa Iyo, sumasaya ako. Please. I don't want to write anymore.

9.13.2009

Basta kami, 14 YEARS UNBEATABLE

5 peat what? bwahaha. basta kami hindi natatanggal sa top 3!

Congrats UP Pep! Sineryoso naman nila yung campaign ng iba na go for Tres. LOL.

Congrats Ateneo! Nung nanalo kayo, nagtatalon kami. Para na ring nagchampion. :)

At in fairness, effective naman pala kapag hindi members ng schools yung judges eh. Talagang mapepredict mo kung sino ang mananalo. Though hoping pa rin kami na magchampion ang UP, alam namin na sa FEU na. Galing eh. Clap clap.

UP Pep Squad
5-time Champions
4-time 1st Runner Up
5-time 2nd Runner Up
14 Wins - 0 Loses

:)


9.12.2009

Lyrics. Lyrics. Pakshet lyrics!

austine, pwede magquit?? :)

deh joke lang. papatayin ako ni ate jana. or not? (yey!) :P

ang hirap gumawa ng lyrics para sa TRP. lalu na kasi pressured ka na makagawa ng isang malupit na lyrics (hay nako, kahit sabihin niyo pa na no pressure siyempre i'm sure gusto niyo naman ng magandang lyrics noh! kaya wag ka na!). and i really can't write anymore. kelangan ko ng sadness. sadness where art thou?? hmm. gayahin ko kaya si nick joaquin? maglalasing muna ko. bwahahaha. sabagay, nakakabawas naman ng risk of dying ang alcohol. :)

deh. si austine naman in charge dito eh. bwahahaha. siya may problema nito. basta chorus lang akin. (oops. dapat siguro hindi ko sinasabi kung anong part yung akin. hehe.)

at napepressure ako talaga kasi ang ganda ng lyrics nung past winners. pasok na pasok dun sa melody. eh ako walang melody. hay. tapos ang lalim pa ng message na kelangan iportray. sige nga gumawa ka ng metaphor sa choices! ang hirap kaya. waah.

deh. alam niyo ginagawa ko lang naman to kasi baka habang sinusulat ko to topakin ang utak ko at makaisip ako ng chorus. pero hindi gumagana! carla kasi tulungan mo na ko. waah.

mahirap kasi magsulat kapag may magbabasang iba na may ineexpect mula sa sinulat mo. malamang 90% of the time hindi mo magagawa yung ineexpect niya kasi hindi naman kayo pareho ng utak. so malamang madidisappoint siya. to some extent. hay. pag ako nainis, twinkle twinkle little star na!

trial lyrics:

Come on in look at what we've got
There's so much more, there's such a lot
Here at CM, we got it all!
(We got it all...) Lot's of excitement one to one!
(We got it all...) Health convenience for everyone!
Here at CM.
It's all at CM.
Here at CM!
We got it all for you!

hay. wala pa rin. :P

9.05.2009

Imed will never be a joke again.

Congrats Intarmed 2015! First LU2 class to win the Ladymed Competition!

Grabe, sobrang saya at proud namin na nagawa niyo yun! Go class spirit! Finally! At may cheer na rin kayo! Waw! Grabe talaga! Ang saya na bonded na rin kayo ng super at na kaya niyo nang magawa yun.

At alam na ang formula para manalo sa ladymed. Dapat Beyonce ang talent mo. Di ba Nico?!

Siyempre congrats din sa Intarmed 2016! Clinching third place was not an easy feat. At sobrang galing niyo rin. (*bows down to Gio's hand stand* in fairness, nakakapagod siyang panoorin)

Napakita niyo na hindi na dapat minamaliit ng upperclassmen ang IntarKIDS! woohoo! Dati kasi parang joke lang lagi kapag imed na. Ngayon, kamusta naman! Nananalo na! Woohoo! Go imed!

That was the best Ladymed competition i've watched! As in ang taas ng level ng performances at ng entertainment. Yun lang ata ang ladymed na naentertain ako. haha. :)

At para kay Tonicci at Jean, that was one hell of a fight! Congrats! We are proud of you guys! 2014 pride! Woohoo! Kay Minaden, U na den! Hahaha! Labing Apat Walang Katapat! 2014 Hot na Hot!

8.31.2009

Ang Paglalapastangan kay Kuya

Kuya! Multuhin mo nga yung gumawa nung lab exam sa OS 204! Ginaganun ka oh!

Para sa hindi nakakaalam, wala kaming enough creative juices para bigyan ng pangalan ang cadaver namin sa dissection. Tsaka ako personally natatakot/nahihiyang bigyan siya ng ibang pangalan for some reason. I mean, kasi, tao yun dati eh. Di ba kapaga may ibang taong, lalu pa hindi mo kilala, na tinatawag ka sa ibang pangalan na hindi mo naman pangalan, di ba nakakabwisit? For some reason, oo na alam ko patay na siya, pero miski na. Para sakin, ok na yung Kuya. Parang kapag buhay ka pa tapos hindi mo alam o sadyang wala kang kwenta at nakalimutan mo yung pangalan ng nasa harap mo, tatawagin mo na lang siyang "Ate" o kaya "Kuya." Katulad ng:

(mall)
Biglang nakasalubong ni lalaki ang isang babaeng bigla ring nag-hi sa kanya..

Babae: "Uy! Blank! Kamusta na? Anong ginagawa niyo dito?"
Lalaki: "Ah pauwi na po... (tries to think of her name...)"
Babae: "Ah ganun. Uy may event kami next week. Invite your class naman. Masaya yun."
Lalaki: "Ah sige po ate! Sure! (Still tries to think. Wishes for this awkwardness to end.)"
Babae: "Sige una na kami!"
Lalaki: "Sige po ate! (Lets out a big sigh of relief...)"

Hahaha. Ayun. Kaya para sakin, kung hindi mo alam ang pangalan, tawagin mo na lang siyang ate or kuya, applicable to cadavers and real life situations like the one above. Di ba Pito? oooops. LOL.

Anyway, si Kuya ang second teacher namin tuwing dissection. At oo na, kami na ang hindi magaling mag-dissect. Pero kasi ang gugulo tala ng structures ni kuya eh. Kaya nga nung naka-5 points lang kami sa dissection grade nung OS 203, talagang napagkasunduan pa namin ni Jesha na kahit anong mangyari, magiging Netter-like ang itsura ng cadaver namin. complete with labels sa gild parang kay Netter. Itaga pa nila sa bato!

Pero nasira kagad yung bato (ang tangang bato nun) after namin magbalatan si kuya lalu pa't yung mukha niya ay isang homogenous thing at wala kaming madelineate na kahit anong muscle bukod sa nandun sa palibot ng mata (pero duh, iba itsura nun eh kaya talagang makikita mo). Pinalala pa yun ng sumunod na dissection at hinahanap na namin ang Pes Anserinus (layman: nerves sa mukha na ang arrangement ay parang kamay or paa ng duck). WALA KAMING MAKITA. Inuna namin yung isang side pero wala kaming matrace na kahit ano. So, pumunta kami sa kabilang side ng mukha at ang sumalubong sa amin ay isang malaking black mass na hindi namin alam kung parotid gland ba, nabubulok na muscle, tumor o kung anuman. Kaya nagtanong kami:

Ryan: "Sir! Is this the parotid gland?"
Sir: "That's smas."
Ryan: "(hindi narinig ng maayos. sori half-deaf at nasa left side si sir.) Sir, mass?"
Sir: "No smas."
Ryan: "(Punta sa left side ni sir para marinig siya ng maayos) Sir, smas?"
Sir: "Yes, smas. S-M-A-S. Smas."
Ryan: "Sir, what's Smas? (in fairness, nahirapan akong sabihin to ah! tongue twister!)"
Sir: "Ah hindi pa ba nadidiscuss sa inyo yun?"
Ryan: "No sir."
Sir: "Ah okay. (tapos umalis na...)"
Ryan: "(tingin sa groupmates) Ano daw?? So Is this the parotid gland???"

Wahahahaha. The best! Tapos pangit din yung infratemporal fossa namin kasi ang gulo ni kuya technician mag tanggal ng mandible. Ah basta. In the end, wala ka masyadong makikita sa cadaver namin at eventually tinamad na kami. Tanggap naman namin yun.

Pero kasi, dumating ang news na sa lab exam daw sa OS 204, gagamitin lahat ng cadavers! Sa mga hindi nakakaalam, hindi kasi kasya yung lahat ng 27 cadavers dun sa malaking lab room. So may isang maliit na lab room pa na though connected dun sa malaki eh parang isolated pa rin kung saan nandun yung anim na iba pang cadavers. Usually pag exam yung mga nasa malaking room lang yung ginagamit.

Kaya nung nalaman namin na gagamitin lahat, sobrang naexcite kami ng todo-todo. Kinareer na nga ni Jay yung infratemporal fossa ni Kuya at talagang tinrace niya ng todo-todo yung mga veins, arteries, at nerves (by the way, si Jay lang ang suuuppeer nagsipag na ipagpatuloy ang dissection ni kuya nung mga dissection days prior to the lab exam. Ako, personally, dissect at identify ng konti, tapos tulog, tapos dissect at identify ulit. Ahahaha.)

Tapos pinuntahan pa ni Dr. Matubis at Dr. Carillo yung table namin at hinananap pa nila yung recurrent laryngeal artery namin at yung inferior thyroid artery. Akala nga namin yun yung mga iatatanong nila sa cadaver namin eh. Tapos pinaharvest pa samin yung larynx (eh dapat kasama kami sa cadavers na hindi maghaharvest..). So hinarvest pa namin yun. at naexcite talaga kami.

Tapos, exam day. Dahil nagsimula ako dun sa malaking lab room, medyo matagal bago ako nakarating dun sa maliit na lab room. (Layman: move-type ang lab exam. 100 items.) nung malapit na, naeexcite talaga ako. Yung tipong, shucks, kung ano man yung structure na itatanong sa exam, i'm sure gagawin naming crown of glory yun ng dissection group namin! Yung tipong magbibiruan kami ng: "Uy, yikee. Exam question yang structure na yan! Ingatan!" Grabe talaga ang excitement ko nun.

Tapos pagpasok ko sa lab room namin kung nasaan si Kuya, ayun, nakita ko ang kawalang-hiyaan. 26 out of 27 cadavers ng class nagamit o kahit may isang question man lang. Out of all the cadavers, yung samin ang bukod tanging nanatiling nakataklob ng blue plastic at PINATUNGAN LANG NG MODEL NG MALAKING ILONG TAPOS NANDUN SA MODEL YUNG QUESTION!

Walang hiyang malaking ilong yun! Nasaktan talaga ako! I mean, alam ko naman hindi kami 100 percent effort sa pagdidissect. Baka nga nasa 70% lang eh. At alam ko ring mga consultant at kilalang doktor na ang nagsasabing ang panget ng cadaver namin dahil hindi gaanong kita yung structures. Pero naman! Kahit isang tanong lang??? May vestibule naman yung ilong ni Kuya ah! Hello, kitang-kita naman yung sa kanya! Bakit kelangan pa ng malaking ilong!?!??! Hindi ba sapat ang ilong ni Kuya?!

Kuya oh... Inaaway ka... Multuhin mo nga. Pakita mo sa kanilang may ilong ka rin at karapatan mong maging isang exam question. Human rights!

Hay. Pero kung anu't anu pa man, sabi nga nila, hindi ka dapat nagpapatumba sa mga maliliit na paglalapastangan sa iyo. Dapat tumatayo, bumabangon, at muling lumalaban...

Kuya, next time tumayo ka nga mag-isa para mapilitan silang gawin kang exam question!

Deh. Sa susunod talaga, lahat ng kaklase namin luluhod, luluha, tutumbling at magmamakaawa para lang makita ang suuuuuuper ganda naming dissection ng thorax. Pramis. Para naman once and for all, mapabilang na si Kuya sa exams. :)

8.14.2009

Punyeta. Sige putulan niyo kami ng kuryente! Go!

Sige na. Putulan nqa ng kuryente ang PGH. Pati tubig. Mind you, wala naman atang ospital ang kayang gumana ng walang tubig at kuryente kahit pa sabihin mong taga-UP ang mga nagpapatakbo ng PGH at na innovative, resourceful at compassionate towards the underserved sila. Kahit anong compassion at imagination naman ata hindi makakatumbas sa basic necessities.

Sige nga, pag wala nang tubig ang PGH, tingnan natin kung ilang tao ang mamatay sa infection dahil walang staff ang makakapaghugas ng kamay. At since walang doktor ang makakakita ng kahit ano, i-good luck na lang natin ang mga physical examination at diagnosis na magagawa nila sa dilim. Good luck sa pagbabasa ng X-ray, MRI, at CT Scan. Good luck sa pagpapagana ng mga makinang kelangan mo sa pagmonitor ng pasyente. Good luck na lang sa mga bagay na kailangang i-ref. Good luck talaga.

Wag kayong mag-alala. Sanay na naman ata magpaypay ang mga tao sa PGH kaya walang problema kung mainit.

Kung sabagay, ayos din na putulan na nila ng kuryente ang tanging "Hospital of Last Resort" at tanging Tertiary Hospital (layman: hospitals that have specialty doctors) na nagaasikaso sa maraming maraming mahihirap at nang tuluyan nang mamatay ang mga mahihirap sa bansa. Kung 500,000 na mahihirap ang natutulungan (at napapagaling at nababago ang buhay, evidenced by the multiple cases presented to us by our professors) ng PGH taun-taon, isipin mo na lang kung walang PGH.

In a span of ten years, 5 million na mahihirap na ang matatapyas sa statistics ng Pilipinas. Bababa ang unemployment rate, bababa ang poverty rate, at kagaya nga ng sagot ng mga naive at mayayamang-hindi-nagiisip na kabataan ngayon, mawawalan na ng mababaho sa bansa.

Astig yun. Malay mo dahil diyan ma-disillusion ang investors, isipin nilang lumalago na ang ekonomiya natin, at makatulong pa ng malaki sa lalong pag-unlad ng matagal nang naghihikahos na Philippine economy. Sandamukal man na human rights cases ang isampa sa atin, at labagin man natin ng lubusan ang Alma Ata Declaration on Primary Health Care, who cares right? Maski ngayon nga walang pakeelamanan kung naviolate ang human rights mo o napatay ka extrajudicially. Shut up ka lang dyan at tatanggapin mo lang dapat na "ramdam ang kaunlaran."

Sa huli kasi, ang tanong lang naman na hindi na rin kailangang sagutin ng gobyerno dahil alam na naman natin kung anong isasagoit nila ay: "Kung state hospital ang PGH, di ba kapag may utang yung ospital ibig sabihin utang din yun ng gobyerno?"

So kapag naputulan ng kuryente ang PGH, yun ay dahil, in effect, hindi nakakabayad ang gobyerno.

Pero kaya niyang mag-dinner sa New York at gumastos ng 1 million pesos isang bagsakan.

Astig. Palakpakan.


***
Grabe, lumalabas ang pagka-aktibista ko sa balitang to ah! Frustrating!

7.23.2009

ang pagkalalaki ni DANE. hahaha.

haha. papatayin niya ko for this. pero kasi, i stumbled upon this sa website namin nung first year. at natawa naman ako ng sobra.

presenting: ang pagkalalaki ni Dane. :)





7.17.2009

Angels

We had our first OSCE exam (layman: an exam wherein you get graded at how you examine a patient) yesterday. Ang napunta sakin ay isang batang babaeng ang pangalan ay ANGEL na ayaw sumunod. Putek. Tipong: "Ma'am the patient is conscious, alert... and somewhat unresponsive..." I should have said: "The patient is conscious, alert, irritating and is ignoring me completely."

Nagpanic pa ko at sobrang unsystematic ng ginawa ko. As in tumatalon ako from examining the hair to the arms to the nails kasi ang kulit nung bata. So much for being an ANGEL. Sayang. Tapos, for the first time ever in my entire life, nagkaroon ng disadvantage ang pagiging half-deaf ko dahil nasa left side ko yung consultant at hindi ko alam kung may mga sinasabi siyang hindi ko naririnig at baka nabastos ko pa siya ng hindi ko naman sinasadya. As in. Tapos dahil nagpanic ako, nawala na sa isip ko ang palipatin yung bata sa side ko (na amlamang hindi niya naman ako sundin). Bwisit talaga. Ang ganda pa naman ng consultant ko (Dr. Cubillan ata.. basta letter C yung start ng apelyido niya). Matanda na siya pero alam mong kung babalik siya sa 20's niya ngayon na, magiging crush mo siya. Hahaha. At mabait naman siya. Ngayon, umaasa na lang ako sa kabaitan niya para ipasa ako.

At hindi lang yan ang tragedy ng buhay ko. Yung pesteng written exam sa derma ay hindi ko rin natapos at hanggang number 50 lang ako (mind you, hanggang 100 yun! 100!). buti na lang hindi pinasubmit yung scantron (layman: answer sheet) habang nagkokodachrome exam (layman: exam kung san magpapakita sila ng picture at magiidentify ka) kaya nagawa kong magshotgun ng letter C. hahahaha. At BUTI NA LANG nakita ko na ang numbers 61 - 75 ay tumataginting na true or false kaya A or B lang ang sagot. Haha. Nanghiram talaga ako kay pito ng liquid paper at binura ko ang sampung letter C sa answer sheet ko na kamusta naman automatic mali na pala kasi wala namang option na letter C! haha.

Sana lang talaga, nagwork ang literal na last minute na paghahabol ko sa exam na yun para man lang maka 50 percent. Grabe. Imagine, I survived one of the hardest exams of LU3 which was Neurology last week and now, I DRAMATICALLY FAILED ONE OF THE EASIEST. Ang pathetic ko grabe.

At nalungkot naman ako. Pero sa di inaasahang dahilan, mas nalungkot ako na nagago ko na't lahat yung tatlong exam ko nung umagang yun, as in wala akong ginawang matino, pero ok lang sakin. Yung tipong kung hindi ko nga ata kinuwento sa mga kaklase ko ang tragedy ng buhay ko nung mgaa panahong yun at sinabi kong ok lang yung exam, they would have believed me and I WOULD HAVE BELIEVED myself kasi ok lang talaga ako. Mas masama pa yung naramdaman ko after nung OSCE kesa nung written kahit na mas sayang at mas nagago yung written. As in talagang feel na feel kong wala akong pakeelam at ang mindset ko talaga deep inside ay kaya kong bawiin yun eventually. Nagpakalungkot na lang ako kasi somehow alam kong dapat malungkot ako at may sinayang akong isang bagay at na mahirap bawiin ang Dermatology grade kung Orthopedics ang kasama niya sa isang subject. Somehow, alam kong ang panget talaga nung nangyari pero deep inside, may calming presence lang na parang walang nangyaring masama and everything's going to be fine. Yung ganun.

Pero hindi yan yung cool thing na naganap. Siyempre dahil nga nagpakadepress ako, feel na feel ko namang walang nangyaring maganda nung araw na yun. Sabi ko nga kay God, grabe lang God ah! ang tindi naman nito! In fairness naman sa Kanya, sa mga pagkakataong feeling mo wala Siya at all, pag binalikan mo ulit at tiningnan mo ng mabuti, makikita mo na hindi ka Niya iniwan. Una, sa OSCE, nagpanic at nagkalat ako at para mabawi yun, kahit papano mabait yung consultant na binigay niya sakin. At ngayon, umaasa na lang ako sa kabaitan niya. haha. Pangalawa, yung written exam, kahit hindi ko siya natapos tragically, unlike sa naunang batch, hindi kagad pinasubmit yung scantron namin at nagawa kong makasagot ng ilang items habang nagkokodachrome. Pangatlo, yung kodachrome, dahil kailangan ko ngang balikan yung written, kailangan isang tingin lang dun sa lesions sa skin alam ko na kagad yung sagot. True enough, hindi ako nahirapan magidentify masyado, which was weird kasi alam ko nung nagrereview ako hirap na hirap ako eh (so either mataas ako dun or bagsak ako sa exam na yun. haha.). Imagine, without these three instances eh di sana sure na na bumagsak ako.

Narealize ko naman na oo nga, minsan kahit sa mga pagkakataong sobrang hirap nung pinagdaanan mo at feeling mo talaga wala si God dun para tulungan ka, marerealize mo na amli ka and that, in fact, everything would have been worse if He was not there at all. There are things to be thankful for even during bad times. And these are the real angels, sent by Him, of those moments.

Salamat God. :)

7.11.2009

Lesions.

Natatawa ako sa fact na prior to medicine proper ang pagkakaintindi ko talaga sa salitang lesion ay hiwa. As in pagnahiwa ka ng kutsilyo, for example, meron kang lesion. Pero nagbago yan nung nagaral na kami ng neurology at, eventually, ng dermatology. The doctors started blurting out things referring to lesions of the different parts of the brain, etc. Now, that would have been fine until they started talking about lesions of the nerves and other parts of the brain thin enough that i am quite sure something close to a hiwa would cut it for good. At siyempre nagtaka rin naman ako kung bakit simpleng hiwa lang sa ilang gyrus (layman: part ng utak mo, as in yung mga kulubot)eh magdudulot na ng sobrang daming effect. I mean, that would have been a pretty deep cut. Pinalala pa yan ng fact na kahit maipit lang ng tumor, pwede ng magka-lesion! Sabi ko, aba walang hiya naman pala tong utak natin. sobrang fragile naman ata niya. naipit lang, nahiwa na?!

pero buti naman early on nasabi rin samin kagad na hindi hiwa lang ang lesion. It means damage. So if you have a lesion in your brain, you have a part that is damage. At kaya nga sa derma lessons namin ngayon, ultimong skin may lesion. Buti na lang alam ko na ang ibig sabihin ng lesion kung hindi magtataka ako kung bakit ultimong pimple considered as lesion of the skin eh hindi naman hiwa ang pimple. pimple nga eh! pimple!

What's the point? I had a tradition of blogging during my brithdays. Kahit anong topic. Usually tungkol sa coming of age (na favorite kontrahin ni Ian) at current dilemmas with friends, family, etc. Today is not my birthday anymore, which means something bad happened prior or after my bday (yikee issue! haha. don't ask. a lot of things made me upset which equaled the things that made me happy). But that's not the topic..

This post will be more of a rant. First, a rant on how the OSI curriculum would probably drain every ounce of energy left on my body everytime there'll be an exam. MIND YOU, there is an exam EVERY week. So I'm gonna die. yey! See, in UP Med's curriculum, everything is integrated so if you started studying about the brain, which we did a week ago, you're gonna study EVERYTHING about it - from its anatomy to its physiology AND histology, and even some of its clinical applications, which means the diseases and radiology (since you have to know how to interpret MRI's, CT scans, etc.). Hindi pa naman hardcore ang lalim nung pinag-aralan namin the past week and the amount of information would have been fine, but the need to integrate everything?! Grabe. When I was reviewing, I would constantly glance back to what I studied earlier and then try to remember the things I studied days ago.

Okay naman ang results. The almost-1-week-review (na never ko pang ginawa ever. ang pinakamalapit na ata dito ay yung tatlong araw akong nagreview for an exam - dalawang araw dun natulog lang ako...) paid off. Now, I'm never doing that again (unless, God forbid kelangan na naman...) kasi nauubos ang kaligayahan ko sa katawan pati pera ko sa bulsa kakabili ng kape at coke at mountain dew at cheesy beef ng 7-11.

Second, I think I have more things bothering me now than when I was in first year imed. Alam ko naghohomeostasis na naman ako kasi sandamukal na naman ang mga bagay na nagbago sa buhay ko (which includes family dynamics kasi nagtrabaho na ate ko, graduating na kuya ko, at si rizza all of a sudden nagdodorm na kasi sa UPLB na siya nagaaral). I understand that I'm resisting change. Pero pwede bang matapos na? Nasestress na ko eh. At unproductive stress siya. Dati sa imed, I would be able to write. Now, I don't have the time, energy, or imagination (inubos lahat ng neuro kakaimagin ko sa brain) left.

Third, people are changing. I know I haven't. Hindi ako ganung tao eh na biglang nagbabago (or siguro pwede rin pero I doubt it...). At least, I'm not aware of changing anything in me. So I guess, yung ibang tao nga sa imed ang nagbabago. Dahil ba sa presence ng lats? Sana naman positive ang changes...

Fourth, nung mga times na nagtetext si jhing at iba pang tao sakin na itext ko si ganito kasi birthday niya etc., sinusunod ko yun. Sabi ko kasi, iba na rin ang saya kapag maraming bumati sayo, kilala mo man o hindi. Nung birthday ko, salamat sa YFC at CYA, sandamukal ang bumati sakin to the point na palaging 7 messages received ako per half-hour at nagwawala na yung fone ko kasi daw inbox full na siya. Puro mga brothers and sisters pero marami hindi ko kilala. Natuwa ako. sobra. Lalu na kasi alam kong galing yun sa mga taong kilala ko at kinalat na birthday ko. At sobrang thankful naman ako.

Pero alam mo yung pakiramdam na kapag may nagtetext, nageexpect ka ng mga tao na magtetext sayo sa birthday mo pero hindi sa kanila galing yung text kundi mga taong hindi mo kilala pero nakaalala? Yung tipong every message na hindi magreregister mag-huhu u ka hoping na sila yun at nagiba lang sila ng number? Hay, sana talaga 12mn sila nagtext at hindi ko lang nareceive kasi naginbox full yung fone ko...




So ryan, sa buhay mo ngayon, where is the lesion?
what is the lesion?
and what can you do about the lesion?

short films! short films!

SPECIAL MENTION kay shayne at maisie! (at austine? kaso hindi ko alam kung may multiply siya...)

haha. imbis na nagaaral ng histology.. tsktsk. pasaway.

dati love stories at films-with-moving-ideals-slash-lessons... ngayon, thrillers naman.

in fairness, mahirap mangthrill in less than ten minutes. so these films have done their job WELL. :)

game!

--///

eto, very very interestingly created..



eto, nicely done! I love the camera work at the start. at magandang storytelling...


waw. ETO ANG PINAKAMAGANDA SA TATLO. Very well put together! astig! as in! haha. i was very impressed! ito ang must-watch!



7.04.2009

Coke

I am tempted to buy 1.5 liters of coke at the store outside the dorm. Paubos na ang dinalang 1.5 coke ng parents ko kahapon eh. Mind you, si mervyn lang ang taong kasama ko sa bahay at hindi siya umiinom ng coke kaya, oo, ako ang nakaubos. Another bottle would get me 3 liters of coke for just one day, which is bad...

pero kelangan kong magising eh...

Nasa dorm ako ngayon. Studying neurology for an exam on tuesday. Grr. Alam mo, gusto ko talaga mag-neuro eh. Kaso... haha... bahala na. Pero pag wala na kong maisip at kelangan na magdecide, magiimmunology na lang ako, tapos sasali ako sa mga organization laban sa AIDS at iimbento ng gamot. hahahahaha...

Anyway, the exam would have been fine if all this are happening in a condition similar to last year's. sanay na ko sa mga exam na sunod-sunod. I've adapted to imed life already...

pero iba pala ang med life. akala ko pareho lang. haha. i'm currently adapting to the stupid "non-routine-like" schedule we have now, meaning everyday we have different schedules alloted to different subjects discussing different topics everyday! This is sooo different from the routine-like schedule of normal college people.

Add to that the fact that we only have a single one-hour break everyday: 12-1, lunchbreak. Grabe, literal na 8-12 at 1-5 kaming may class! Tapos, madalas plenary pa kami, kung san nakaupo ka lang forever sa isang maliit na upuan na may pangalan mo at halos hindi ka makagalaw. Pathetic...

Dahil dyan, hindi ako makapagcommit ng time sa kahit anong org na gusto kong maging active. At kapag may gagawin akong org-related for the day, super stress dahil kelangan kong matapos at magawa lahat in just one hour. Ang sakit sa ulo...

Tapos, unlike before, I have 122 NEW classmates. Ewan ko. nasestress ako sa fact na andami dami namin. Andaming pangalan, andaming mukha, andaming personalities na kelangan mong pakisamahan... nakakapagod. Yung iba pa ang labo. Hindi mo alam kung galit o naka-poker face. Hindi mo alam kung naoffend mo na ba o hindi ka lang narinig. Ang labo talaga...

Add to that ang dynamics ng bago naming klase na pinalala ng fact na andaming strong personalities samin at andaming gustong pumapel...

Ako lang ba, o parang gusto ng lahat ng tao na magsalita sa mic?? Ako nga ayaw ko ipromote yung CYA event sa tuesday kasi nahihiya talaga ako kaya baka sa monday na lang... pero yung iba parang may obsession sa mic...

ayan wala na kong maisip. babalik na ko sa neuro...

6.12.2009

I'm sorry Maisie

i think it was my fault. nope, scratch that. I believe it IS my fault. haha. nadamay ka pa nagsabi ka lang ng saloobin.

so for people who would try to be mad at her, try being mad at me na lang. ako may kasalanan, pramis. ok na?

i stand firm with my convictions and my JUDGEMENTS though.

at idedelete ko ang lahat ng comment.

6.11.2009

Supplementing a post on environment, penguins, paper, ducks, mathematics, biochemistry, and chickens.

no. i just put environment, math, biochem, and the flying creatures on the title so that people who only read blog titles would be mislead.

i hate IT when people make someone feel like as if a blog entry can destroy the world and that merely expressing your feelings towards a certain topic is already an act of blowing things out of proportion.

NO. blogging is personal. I can say here that I hate every single person that walks slowly in front of me and no one SHOULD give a damn about it. yes, you can comment all you want on how i should not hate etc. but you're already crossing the line if you're gonna tell me not to post anything about how i should feel towards people.. no, you don't have that right. anyone can post anything about how they're feeling because that is their RIGHT. after all, a blog is a person's virtual property. and you can tell the blogger how wrong he or she is or how he should not be like that. but you can't tell, AND YOU SHOULD NOT TELL, the person that he or she should not post an entry that relates to how he or she feels because that is not your right.

kaya pwede kong murahin ang kahit sino sa blog na to. pwede kong tawaging plastik, gago, tanga, manhid, walang hiya, walang kwenta, sira ulo, papapel, mapagkunwari, tarantado, hayup, at kung anu-ano pa ang KAHIT SINO sa blog na to LALU na kung yun ang talagang ang talagang nararamdaman ko. at yung makakabasa, ang pwede niya lang gawin na hindi ako masasaktan ng sobra-sobra ay sabihin sa akin na mali ako sa nararamdaman ko o kaya pag-isipan ko ulit ang nararamdaman ko o kaya pwede niya rin akong murahin pabalik in retaliation. pero hindi niya pwedeng sabihing hindi ako dapat nagpost ng ganun kasi para niyang sinabing dapat hindi ako makaramdam ng ganun.

pwede ba yun? nabibwisit ka tapos pag sinulat mo nararamdaman mo magkukunwari kang hindi nabibwisit? ano ka hipokrito?

hindi naman ibig sabihin na kapag nagpost kang walang kwenta ang isang tao sinisiraan mo na siya eh. opinyon mo yun eh. respetuhin dapat ng iba. pwede nilang kontrahin pero hinddi nila pwedeng sabihin sa iyo na bawiin.

hindi rin nangiissue ang isang blog entry kung ang layunin mo lang naman talaga nung sinulat mo yun eh maglabas ng saloobin. there is a question of intention. at kung hindi mo alam ang intensiyon nung nagsulat, o kung hindi obvious sa sinulat niya, you should take it as if he or she wrote that to express what he or she feels.

kung ma-blow out of proportion ang isang issue dahil sa isang blog entry, pwes kasalanan yun nung mga nagbasa. kung may sobrang nabwisit at sinabing nakakabwisit ang isang tao sa blog entry tapos naging malaking issue na, malamang yun ay dahil pinagtsismisan yun nung mga nakabasa. yes, the author would have some liability pero masasabi mo bang kasalanan niyang nabwisit siya kaya niya yun nasulat? blogs are like diaries anyway, you can write personal thoughts. kasalanan niya pa bang tsismoso yung mga nagbabasa AT PINALAKI yung issue?

kasi aminin na natin. kapag nagpost ang isang tao tungkol sa isang bagay na kinaiinisan niya, ang usually comment ng mga tao: "tungkol san to??" o kaya "sino to?". o di ba pagiging tsismoso yun? eh kung hindi ka na lang nakekeelam after mo basahin yung post? eh di hindi lalaki yung issue di ba?

at oo, nakakainis naman siguro kung may pipigil sa iyo dahil lang gusto mong sabihin sa isang blog entry na naiirita ka sa isang taong gumugulo ng isang bahagi ng internet life mo. masama bang sabihing nakakairita siya? i don't think so. eh naiirita ako eh. pakelam ng kung sinong magbabasa?


*** kung tinapos mo ang pagbabasa nito. astig ka. ignore this after you read it.