12.28.2009

In your face!!!!! (Election Bitterness Post Number 5)


Ayan. Pilipino na ko ulit. No longer disenfranchised. hehe. :)

Dec.28, 2009. Pumila ko ng 715, nagbukas yung office ng 830, natapos ako ng mga 920. :)

So plus 2 hours sa pila hours ko na ginawa to be registered, it becomes 15 hours! Waha.

Kung binasa mo yung kwento ng pagpila namin para sa kapirasong papel na to, makakarelate ka kapag sinabi kong hindi ko mapigilang ngumiti ng sobra-sobra nung nandun na ko sa loob ng office at mga tatlong pilahan na lang matatapos na ko. (yes, bukod sa napakahabang pila sa labas, meron pa ulit sa loob. pero kung galing ka sa labas at pipila ka na lang sa loob, pramis kebs ka na. with all that hard work, alam mong matatapos ka an eh. :P) As in effort na talaga ang pagpigil ko sa bibig ko para hindi ngumiti ng todo kasi hello, ang weird kaya. magpapalagay ka lang ng precinct number, todo ngiti ka na parang may auditions. Hahahaha.

At di matatawarang euphoria ang naramdaman ko nung sinabi saking: "Ok na." at lumabas na ko sa exit nung office. I've never thought those two words could mean so much! LOL.

Sayang lang talaga mag-isa na lang ako kanina. Di kasi nagrereply si haliMAU. Tapos, nasa Cebu pa kasi si JB at 12 pa kanina yung balik niya. Si pito naman, usapan namin 4am. At least ako dumating ng 7. Siya magtu-12 na, papunta pa lang. HAHA. Di ko alam kung natapos sila kasi umuwi na ko eh. Sana. Para Pilipino na rin kayo ulit. Haha. :)


I would like to thank:
JB, Mau, my kuya and Pito for keeping me company the first time.
Rob, Jhing, and all else na hindi ako tinantanan ngayong break para magpareg ulit. Thank you for believing in me. LOL.
Kabataan party-list led by Raymond Palatino for filing the petition to extend the voters' registration
and Associate Justice Conchita Carpio Morales for granting the petition.
(sige na nga, salamat na rin sa COMELEC)

Isa to sa mga di ko malilimutang achievement para sa taong to. :)

No comments: