1.28.2007

A tribute to PeaNoy's Peanut Butter

The Teenpreneur Challenge was fun. Haha. Besides the fact that we were representing Pisay in a competition like this, I liked the fact that the whole competition has a deep sense of nationality with it. Ang astig nung video ng GK na pinakita nung host. I was overwhelmed by my fellowmen's nationalism. Kala ko kasi dati extinct na ang mga Pilipinong makabayan. Di pa pala. :P

At ang saya din nung ginawa namin. Nauna nga natapos yung Pisay dun sa First part nung challenge eh. For some reason, sobrang nakinig si Gian dun sa orientation na nung binigay na yung clue para dun sa unang puzzle, alam na kaagad niya yung sagot kahit hindi pa kami naglilibot para maghanap ng letters kasi sabi nung instructions yun lang daw ang paraan para malaman namin yung password. Haha.

At pagkatapos nun, dahil sa simpleng context clues, nakuha na rin kaagad nina Gino yung pangalawang password. Hindi man lang sila pinawisan. Tinype lang nila yung kung anumang word dun tapos tada! Haha. Pagbalik namin dun sa station namin after five minutes ng pagtakbo, tapos na kami kaagad. Effortless. Haha.

At siyempre yung final round nung contest, kelangan naming magimprove ng isang product mula sa GK. At ang product: Peanut Butter. Haha. Ang hirap pala gawan ng pangalan ng Peanut Butter. Haha. Ang naisip nung group nina Kat: KnockNuts. Naks naman. Tapos kami: PeaNoy's Peanut Butter. Hahahaha. At, siyempre, may jingle songs pa yang mga yan para makatulong sa advertisement, gaya ng:

sikat na sikat ang PeaNoy
Kahit sa'n magpunta
Kitang-kita mo naman na kinakain 'to.
Iba ang sarap ng PeaNoy
Kahit san magpunta (?)
Ipagmalaki mo ang PEANUT natin!

at....

(tono ng isapageting pababa)
palaman na masarap, masarap na masarap
sa tinapay masarap, masarap na masarap
pampabaon, pampamilya, pampapak-pampapak
peanut butter ng PeaNoy, masarap na masarap na masarap!

haha. galing no. sina Igi yung gumawa nung una tapos galing kay Dane yung isa pa. Haha.

Naasar lang ako dun sa huling tanong nung mga panelist namin. Inaapropriate kasi eh. Sabihin ba naman nila na baka unhygenic yung peanut butter galing sa GK kasi mahihirap yung gumawa. Eh hindi ko nga naiisip yun eh. Ang pangit lang kasi, kagaya nung sinabi ni Cheska, "tinutulungan nila yung mahihirap pero in the process dinidiscriminate din muna nila."

ayun. ang saya. :)

Salamat God.

I realized just now that my Simbang Gabi wish came true. haha. :D Salamat God. At least now, I have more options. Kahit magulo kung saan nga ba ko dapat pumasok, ok lang.

My mom was really happy. And I've never seen her feel so satisfied with my achievements since grade school graduation. At least ngayon, kahit hindi ko matutupad ang With Highest Honors na pangako ko sa kanya, napasaya ko na siya. Hehe.

Thanks God. That was overwhelming. :)

1.15.2007

Defending a faith

haha. i know my sister would still not stop reading my blog.

sige nga. ate rhea, basahin mo 'to :)

WARNING: The following text contains religious matters. If easily offended by such, please stop reading. PLEASE respect the opinion, the beliefs and the religion of the writer regarding this.

wala lang. naalala ko lang kasi yung kwento nung isang preacher nung retreat. yung tungkol dun sa isang lalaki na hinostage. tapos habang nakakulong siya at binabantayan nung hostage takers niya, ginawa niya ang lahat para magkaroon ng holy life - as in araw-araw siyang nagdadasal and all. tapos isang araw, nanaginip siya na nakatayo siya sa harap ni God. Nandun din yung isa sa mga hostage takers niya. Tapos tinuro siya nung nanghostage sa kanya at sinabing: "Ayan God oh. Siya yung taong hindi ako tinulungang makalapit sa'yo."

So nagulat yung lalaki. Akalain mo ba namang mukhang hinihiling pa ni God sa kanya ba ilapit niya yung mga nanghostage sa kanya kay God. E di ang hirap naman nun, di ba? Ang out-of-place tingnan na pagdadasalin mo yung mga, supposedly, "bad guys" dun sa storya. Pero, ayun, ginawa pa rin nung lalaki yung kagustuhan ni God. Eventually, nagawa naman niya at nagdadasal na sila nung mga hostage-takers niya ng sabay.

Ayun. Moral of the story: "Are you helping the people around you to be closer to God? Or are you doing nothing at all and letting them be?"

Dahil dito kaya sobrang thankful ako kay God sa pagbibigay niya sa akin ng mga kaibigan na may mga matatatag na faith at hihilahin ka pataas, papunta sa Kanya.

So anong kinalaman ng kapatid ko dito?

Well, I know my sister is starting to be lenient to another religion. Christian pa rin naman. Protestant. At maganda naman epekto sa kanya. And there's nothing wrong with that. Pero yun nga. Naalala ko yung kwento na kababanggit ko lang. At yung mga sinabi ni Rob na para sa mga taong hindi kinagisnan ang Catholicism, hindi kasalanan ang maging parte ng ibang religion. Kumbaga kung ang pamilya niyo eh likas na protestante at hindi niyo naman talaga nakilala kailan man ang pagiging katoliko, hindi iyon kasalanan.

Pero kung Katoliko ka, tapos lilipat ka sa ibang relihiyon, kasalanan yun. At, well, ayoko namang magkasala ang kapatid ko.

Kasi, masyado nating minamaliit ang Catholic Chruch, in the first place. Dahil na rin siguro sa The Da Vinci Code at kung anu-ano pang controversy, masyado nang nadumihan yung pangalan ng Simbahang Katoliko. Pakiramdam ko tuloy ang tngin ng iba sa relihiyon ko ay isang malaking joke.

But in the first place, the Catholic Church is the only Church founded by Christ, Himself. So if you have a strong belief in Christ, why are you doubting the Catholic Church?

Dyan papasok ang linyang: "Wala naman sa bible yan eh!" As in lahat na lang ata ng ginawa ng Simbahan, sinabihan ng linyang yan. But, then again, yung mga salita naman sa Bible kelangan pa rin ng interpretation, di ba? Kasi galing kay God yun. At yung knowledge ni God ay hindi kayang pantayan ng sinumang tao. Kaya kung anu man ang sabihin niya, yung makukuha lang natin o maiintindihan dun eh konti lang. Parang kapag nagsalita si einstein tungkol sa nuclear bomb. Malamang mawala tayo sa katinuan kapag sinubukan nating intindihin ang mga sinabi niya. Kaya kelangan natin ng isang interpreter na magsasabi sa atin na: nakakamatay ang atomic bomb.

Kaya sa Salita ng Diyos, kelangan pa rin natin ng interpreter. At isa yun sa mga trabaho ng Catholic Church - ang maging SOLE interpreter ng Salita ng Diyos. And being the Church founded by Christ, siyempre nandyan yung Holy Spirit para gabayan ang Simbahan sa trabaho na to.

Oo, lahat ng bagay na sinasabi ng iba na "wala sa Bible" ay interpretation ng Catholic Church. At buong puso akong naniniwala (with all due respect to all other religions), na ito ang tamang interpretasyon.

It's a shame the Catholic youth, somehow, tend to be blind when it comes to their own religion. Lagi na lang pag sinabing Catholic, para sa karamihan: corrupt, masyadong traditional, wala sa bible ang pinaggagagawa, etc. Ang pathetic. Kasi mas tinitingnan yung mga dark spots ng Catholic Church kesa sa kung ano talaga ito.

(Para kay Ate Rhea. Pasintabi sa ibang relihiyon ulit. Inuulit ko, opinyon at paniniwala ko ito.)
Tsaka hindi ako naniniwala sa sinabi mo na kapag Evangelical ka eh magiging mas religious / spiritual ka or something like that. Walang epekto ang relihiyon kapag talagang naniniwala ka sa Diyos. I have proven that. I have classmates that praise so wholeheartedly that you would feel their intense love for Christ. They also read the Bible. Hindi man nila saulo, they still do read the Bible. Hindi rin sila "traditional" mag-isip, kagaya ng iniisip ng marami. Moreover, they're all Catholics.

Hindi pa ako magaling sa pageexplain at pagdedefend. Madami pa kasi akong nakalimutan sa mga sinabi ni Rob (na, btw, ay inexplain sa kanya ng chaplain ng Pisay. :) ). Ayun. Eto na yung tulong ko. You still have the choice. I have made mine, already, and I'm happy about it. Gusto ko lang na, at least, may ginawa ako tungkol dito. :) Gud lak. :)


Masaya ako at naging Katoliko ako. Lalu na nung mas nabuksan yung isip ko sa kung ano ang totoo tungkol sa relihiyon. At mas lalu na nung binigyan ako ni God ng mga taong tutulong sakin para mas maintindihan ko 'to.

Kaya, God, salamat sa mga hinostage ko ah. :)

world without friction

...is chaotic.

seriously. bakit ba naman kasi ang lakas mang-trip ng eme at imbes na nanood na lang kami ng movie kung saan naging payapa pa marahil ang buhay namin eh nagpumilit na magice skating na lang para maiba naman daw.

masakit siya sa paa ah. at talagang maappreciate mo ang mu-sub-k sa physics. talagang pasasalamatan mo si God at binigyan niya tayo ng friction. well, at least, kaming mga hindi marunong ganun yung naramdaman. hehe.

it was fun though. i actually learned how to do it after some time. yun nga lang, kelangan kong matumba ng tatlong beses. at pinagpapawisan ako nun ah. imagine, sweating on top of ice! weird. haha.

and Dane is funny. hehe.

yun ang isa sa pinakamasayang eme gimmicks. salamat iel (happy birthday!!). at sa buong eme. :)