11.12.2007

kaTULAD pa rin NG DATI


"Anong gagawin kung ang bagay na nawala ay hindi mahanap, hindi mapalitan, at hindi makalimutan? Tatanggapin."

-"Tulad ng Dati", Cinemalaya 2006 Best Picture

Nagkaroon ng "mini reunion" ang eme nung wednesday. Bakit? Para i-celebrate, supposedly, ang mga kaarawan nina ed (Oct.7), Ivy (Oct.26), at Jackie (Nov.4). Haha. Take note, Nov. 7 na yung reunion ah! Siguro ganun nga talaga pag magkakaiba na yung buhay niyo. Madalas hanggang happy birthday text message na lang. At kahit ganun lang, masaya ka na dun.

Pero nung wed., sinubukan naming maging unique. nagcelebrate kami kahit sobrang late na. Gusto pa naming sabihing "Better late than never" pero magiging masyado nang halata. Basta ang point lang, gusto lang din talaga naming magkita-kita. Kaya ayun, kahit halos wala naman talagang dahilan (except yung fact na manglilibre si Jackie. haha), nag-reunion kami.

Oo, dani, ginagawa ko ang post na to kasi nag-request ka. Pero totoo lahat ng sinasabi ko dito. Hindi ko na dapat ipopost ito sa blog na'to dahil napagtanto ko na rin naman ang sagot. Pero sige na nga, para sa'yo.

Nalulungkot ako sa imed dahil wala kayo. Kaya nung wed, kahit anong mangyari, sukdulang lakarin ko papunta sa pizza hut sa katipunan para lang makisali sa kulitan. alam kong magiging masaya ao sa araw na yon dahil makikita ko kayo. Di ako nagkamali.

Ayoko kasi talaga ng "changes." at kahit hindi ko masyado pinapansin, nalulungkot ako kasi hindi na kayo yung mga lagi kong kasama. kasi nagkakaroon na tayo ng iba't-ibang buhay. kasi nahihirapan na rin tayo minsan na mag-usap tungkol sa mga bagay-bagay dahil magkakaiba na tayo ng tinatahak na daan. magkakaiba na experiences natin. di na iisa.

titigil na ko sa paggamit ng capital letters. nakakatamad pindutin ang shift eh. pero di tulad ng katamarang nararamdaman ko ngayon, di naman talaga ako tinamad na umasang kayo pa rin yung barkadang magpapasaya sakin kahit wala kayong ginagawang kahit ano.

tinanong ako ni dani nung party nina mara ng: "Aren't you guys glad na tayo ang magbabarkada?" Haha. Di mo lang alam dani, ang tagal ko nang nagpapasalamat. Sobra.

Kahit pilitin ko, hindi ko kayo mahanap sa imed. haha. wala kasi akong choice eh. kayo lang naman talaga yung kumportable akong kasama kasi kilala niyo ako. wala nang adaptations na kailangan. wala nang adjustments.

parang nung nasa bahay tayo ni Ed. wala tayong ginagawa pero masaya tayo. si Rob busy sa pagintindi sa mga responsibilidad niya na kahit dapat nagsasaya na siya all the way, mag-eexcuse talaga siya at gagawin ang dapat niyang gawin. just like why i'm so proud of him. Jackie was her usual self, loud and talkative. may saysay yung mga kinukwento at sinasabi. higit sa lahat, maingay. si Jeriq joke pa rin ng joke. tapos biglang nag-zoning at nag-gitara. tapos matakaw pa rin. si Jake din nagjojoke kahit hindi masyadong napapansin ng mga tao. si Ivy mahalay pa rin at humalay pa nga yata lalo. siyempre maingay din siya buong time at kwento ng kwento. si Joriel nakikipag-wrestling pa rin sa mga tao. Tapos si Ed, being his usual self, humihirit at the most unexpected moments hat makes us laugh hard. At si dani, tahimik at nakangiti, parang kala mo tuloy, katulad ko, nagre-reflect din siya at nao-overwhelm dahil once again, magkakasama kami.

Minsan natatakot ako na balang araw, sa sobrang layo na ng mga nangyayari sa'min, mahihirapan na kaming mag-bonding ulit. Yung bonding na parang ang bilis lang ng oras at wala naman kayo talagang ginagawang kahit ano pero nage-enjoy kayo.

Minsan naman gusto ko nang sipain ang sarili ko dahil ang cheesy talaga nitong mga naiisip ko at nararamdaman.

Kaya siguro hanggang ngayon, si Hopee at si Dane pa rin ang guso kong katabi sa imed. Kasi ayoko pa ring mawala yung barkadang dahilan ng karamihan ng mga ipinapasalamat ko sa buhay. Pero naaalala kong dahil nga rin pala sa inyo kung bakit natuto ako kung paano makisalamuha sa ibang ta, tumanggap ng mga bagong kaibigan, at maging bukas sa mga pagbabago. Dahil nga pala sa inyo kung bakit kahit dati, kahit gaano ako kausapin ng ibang tao, hindi ko sila papansinin lalu na pag hindi ko sila kilala, pero ngayon ako pa ang magsisimula ng pag-uusap.

Katulad nga ng sinabi ni Jett Pangan, kung hindi mahanap sa iba, hindi mapalitan ng iba, at hindi rin makalimutan, kailangan na lang tanggapin. Pero guso kong maniwalang hindi naman kayo nawawala at hindi mawawala. Andyan lang kayo sa may kanto, naligaw lang ng konti kasi hindi niyo alam kung paano lumiko ng medyo U-trn lang.

Sabi ko sayo cheesy eh.

Na-miss ko kayo, eme. Sobra. At wala pa rin kayong palya. Sa kabila ng mga pagbabago, katulad parin kayo ng dati.