(well, multiply and blogger, you guys used to be my oh so very good friends with my opinions and all. ngayong lahat naman nasa facebook na, i guess, not posting this on facebook may reduce harm to me)
Hindi ba nakakahiya para sa isang taga-UP na tumanggap ka na lang ng tumanggap, life is unfair anyway?
Kelan pa tayo nagsettle sa kung anong meron na? I refuse to accept the fact na dahil lang may heirarchy ang profession ko at nakadepende ka talaga sa nasa itaas mo eh hindi ka na magrereklamo. Fuck, kaya maraming naabuso eh. Yan, yang mentality na yan ang isa sa may kasalanan ng paghihirap ng mga Pilipino. Just leave the system be, pero blame the system kung wala kang mablame o kung allowed ka magblame. Kung hindi, leave it be.
Eh di ba kaya nga may student evaluation? So ano yun, pautot lang nila? Kunwari kasali tayo sa decision pero hindi naman talaga kasi kapag nagreklamo ka, imamark ka nila as mareklamo tapos matakot ka kasi doomed na ang medical career mo all your life! Halaaa. Eh di nawalan ng point yung student evaluation kung bawal maging mareklamo, lalu pa kung yung mismong ineevaluate mo ang magsasabi kung amreklamo ka o hindi. Nakakalungkot naman yun.
Ok naman ang reklamo basta nasa tama eh. basta hindi ka nagrereklamo na asul ang langit o berde ang logo ng school mo, ayos lang para sakin ang isang reklamo. Lalu pa kung reklamo yun dahil mapanghi yung room mo samantalang kayo ang unang batch na tinaasan ng tuition matapos ang matagal na matagal na panahon. Ang reason pa nila, improvement ng school pero mapanghi pa rin room mo.
At kung sabog exams mo, masama magreklamo? Kung makapagdemand sila at makapaghussga ng kakayahan mo base sa iilang tanong, parang walang bukas, pero ikaw kapag humiling ka lang na maging reflective sa dapat mong malaman yung exam mo, mareklamo ka na. O kaya pag di makatarungan yung scehdule mo, mareklamo ka na.
Kaya stagnant ang Pilipinas eh. Marami kasing lumulunok lang ng kung ano ang nandyan na. Walang nagsasalita, walang lumalaban sa status quo. WALANG NAGSUSUBOK HUMINGI NG PAGBABAGO.
Parang PGH. Ayan na yan eh, why bother wishing for a better state right? Hell, why even think of fighting for one? Parang classroom o schedule o exam lang.
Di mo ba naisip na the same people asking for status quo are the same people benefiting from the current system?
Kung walang mga mareklamo, walang Katipunan. Kung walang mga mareklamo, walang HUKBALAHAP. At kung walang mga mareklamo, walang People Power.
Oo, pwede rin kasing negative ang pagiging mareklamo. Pero lahat naman ng bagay eh pwedeng negative o positive. Kaya hindi dapat tinitignan ang katangiang iyon ng masyadong masama. Dapat nireregulate, hindi ineeradicate.
Nakakalungkot na ang "life is unfair" dati ng mga taga-UP ay sinusundan ng "let's fight for change" pero ngayon ang sinasabi na lang: "tanggap na lang ng tanggap."
Basta ko ayokong tumanggap lang ng tumanggap. Magiging mareklamo ako kung nasa tama. At least, kahit kaunti, maparating ko man lang na hindi ako natutuwa sa estadong nakikita ko.