8.30.2004

Emerald 07 v.s. Champaca 07

Siguro I should stop saying that I miss Emerald.

No doubt. BONDED ang emerald. Parang compounds yan na chemically bonded ang atoms kay hindi pwedeng paghiwahiwalayin. Nakakatawa pero kung gaano ko kinasuklaman ang emerald nung first day ng classes (dahil hindi ko pa sila kilala.. hehe...) ganun ko sila gustong makasama ulit. Sa emerald kasi, may pagkakaibigan talaga.

Champaca. Ang baho noh? Hindi mo aakalaing isa pala yang bulaklak. Guto ko ngang section rosal eh. Pero hindi naman ako ang nag-aasign kaya no choice. Besides, cream of the crop DAW ng 07 ang champaca. I believe them. Mapapanganga ka naman talaga sa mga talento at kakayahan ng mga kaklase ko. Hindi mo nga maiimagine na kaya pala ng isang tao yun. Kaya manliliit ka talaga sa kanila. Yun.

Dapat talaga tigilan ko na ang pagsabing namimiss ko ang emerald. At tigilan ko na ang pagsasabi sa isip ko na "I could have done better with them" Bakit? Kasi hindi ko nakikita ang kagandahan ng pagiging champaquito eh. Ang pangit naman kung sasayangin ko ang second year ng hindi ko man lang nakilala ang mga kaklase ko di ba?

Pero kasi nakakaintimidate ang champaca. Parang nakakahiyang magsalita dahil baka ma-wrong grammar ko o kaya naman ma-semantic error ka. Nakakahiyang gumalaw dahil baka mali at makaistorbo ka lang. Nakakahiyang magbigay ng opinion kasi baka masyadong NAKAKAPAGOD AT MAHIRAP ang opinyon mo. Nakakahiyang magpakitang gilas dahil baka masapawan ka lang.

Who wins?
ewan. I'm yet to find out.

Sermon: The sequel

Actually, wala pa sila. May gusto lang akong sabihin.

Ano? Well, nasaktan lang ako kanina. Na-realize ko, kahit na ako yung nakagawa ng masama, sila pa rin yung gagawa ng mabuti para sa akin. paano? Well, pagkatapos nila akong pagalitan, umalis sila para bumili ng librong kelangan ko sa english. Bakit? Ewan. Siguro dahil anak nila ko.

Parang gusto kong maiyak. Di ko man lang kasi naisip na anak nila ang kuya ko at kung papaano nila ako pinapahalagahan, ganun din ung sa kuya ko. Ang panget kasi. Parang nagalit pa ako sa kanil nung sinesermonan nila ako. Sino bang hindi? Kahit naman ata sino ayaw ng masermonan.

Pero siguro, ang pagsesermon ng mga magulang natin ay para lang maitago ang lubos nilang pag-aaalala. At para narin siguro maipakita nila na dapat respetuhin natin sila, tanggapin ang pagkakamali. Tama ang nagsabing "Hindi ka mahal ng mga magulang mo kung di ka pinapagalitan"

Ang weirdo talaga ng mga magulang. Pero para na rin siguro sa 'tin 'to.

Ibilad daw ba kami sa araw? Anu kami mangga??

Nakabilad. Mainit. duh?

Bakit ganun? Kahit papaano mo subukan, parang hindi sapat. Ewan. gulong-gulo na ko. Pakiramdam ko patuloy akong nakabilad sa araw at nagpapakamatay sa init ng araw. Gusto kong umalis pero parang ang hirap. Wala kang choice kundi ang ipagpatuloy. Ipagpatuloy hanggang sa matapos. Kalbaryo? Ewan. Siguro. Pero nakasisiguro akong hindi siya langit.

Walang sense? Dapat lang. Dahil sa mga nakaraang araw, blanko ang utak ko. bakit blanko? ewan. cguro sa dami ng gusto niyang isipin napagod kaya tumigil. hehe.

Sermon

asar. nakalimutan kong nagtext sa akin ang nanay ko about kung kelan susunduin ang kapatid ko. hindi siya nasundo, thanks to me. at wala siyang pamasahe. shit. ang sama ko. ang mas masama pa dun, isang mahabang SERMON as in SERMON ang binigay sa akin ng nanay at tatay ko. as in silang dalawa magkaiba ng time. parang ung dad ko part 1 tapos nanay ko part 2. ang saya. pareho lang naman sinabi nila.

"ANU BA YAN!!! TINEXT KA TAPOS KINALIMUTAN MO LANG!!! PANU KUNG MERONG NANGYARING MASAMA SA KUYA MO?? E DI PERWISYO!!! SA SUSUNOD KASI MAGBASA NG TEXT!!!! WALANG KWENTANG CELLPHONE!! NAG-CELLPHONE KA PA!!!!"

haaayyyy...

At least improvement sa part ko. Bakit? Dahil hindi na ako nagreason out kung bakit ko nakalimutan. kasi tiyak kung sinubukan kong mag-explain, may babalik sa aking ganito:

"SUMASAGOT KA NA NAMAN!!!! IKAW TALAGA!!! SUWAIL!!! TAMPALASAN!!!!"

haaayyyy...

stupid ryan...