Nakakainis.. It's not that it is such a big deal or anything.. naiinis lang ako dahil parang wala ako sa pilipinas..
example, ang magiting na yahoogroup ng pisay07.. Bawat email, english... It's not that I can't understand them or anything pero para sakin ang yabang ng dating.. hello? pilipino 'tong kausap mo.. pinanganak na tagalog ang naririnig, lumaking tagalog ang salitang binibigkas sa paligid niya at higit sa lahat, nakakaintindi ng tagalog! magtagalog ka! tapos ingles ka ng ingles? Anung pinaparating mo ngayon? Na mas magaling ka sakin dahil fluent ka mag-english? Dahil marami kang alam na malalalim na salita? Na wala kang maling grammar? That you are superior to us because you know how to speak the so-called 'universal language' fluently? Damn you.. Ang kapal ng mukha mo... In case you don't know, you neither prove nor show anything at all..
ewan ko kung bakit naiinis ako.. It's either I really do suck in english na wala na kong magawa kundi tumakbo pabalik sa sariling wika, o talagang people are just being stupid enough not to even realize that english, in this country (which is the REPUBLIC OF THE PHILIPPINES, btw), is a foreign language.. eh feeling ko, amerikano yung mga kausap ko eh.. i mean, come on, some people don't even know that payaso is the tagalog word for clown..
Iyan ang problema sa atin... Feeling kasi natin, pag english, ang ganda-ganda, ang formal, ang lakas ng dating... Ang pakiramdam kasi natin, SUPERIOR ang english language kesa sa sarili nating wika... kaya ayaw nating gamitin ang tagalog kasi para sa atin, baduy, panget, "yuck"... Come on, para na rin nating sinabing INFERIOR tayo sa mga kano...
wake up people... kung sakaling hindi niyo alam, WIKA (which is the tagalog word for language, in case you don't know...) ang simbolo ng kalayaan ng Pilipinas (which is Philippines, the tagalog word for the name of our country, in case, again, that you don't know...), hindi ang bandila.. Kaya if you're not using our own language, you're wasting what our national heroes battled for for over 300 years...
Okay.. That was too patriotic... Actually, ang gusto ko lang naman talagang sabihin,
"I can speak english whenever and wherever I want here in this country. I just ought not to for one simple reason: I am a Filipino and part of being one is knowing and USING his own, native language, Tagalog."
6 comments:
Hey Ryan! Alam ko ibig mo sabihin at alam ko talaga kung saan ka bumabangga. I don't want to offend you or anything pero naniniwala ako na anybody can use any damn language they want ANYTIME. And besides, nagkakaintindihan naman tayo diba? So, no problem. Anyhow, feeling ko rin imposible na makalimutan ng isang tao yung native language niya. Unless na lang kung pinanganak siya sa ibang bansa nung bata pa lang siya at nagtagal siya dun. At muntik ko na makalimutan I can't remember any law restricting us not to speak english. Siguro nga mas makakabuti muna kung ito ang linguahe natin. Not that I don't like Tagalog pero feel ko lang talaga nung araw na yun e!! Hahaha... So, cool down dude! Just stop, and smell the coffee first. :) PEACE OUT!!! :)
Maisie, hindi ikaw yun... naman.. seryoso... hindi ikaw yun...
Besides, i don't think "mas makakabuti muna kung ito ang linguahe natin".. Maisie? hello? mas makabubuti na ingles na lang ang gamitin natin? bakit??! Dahil mas formal??! ganun? I don't think so...
At, wala akong sinabing merong law na nagbabawal sa atin na gumamit ng english. Actually, ang gusto ko nga eh magkaroon ng law na ganon. Hindi dahil english has done me something wrong or anything pero dahil POSIBLE "na makalimutan ng isang tao yung native language niya". Walang imposible, maisie. Any language can die the moment na hindi siya gamitin. Example ng mga nakalimot? Yung mga tao na simpleng tagalog eh hindi maintindihan. Yung mga taong lumaki sa Pilipinas pero hindi man lamang ata nagawang makarinig ng isang salitang Tagalog. Have a look around and you'll see.
And i agree that "anybody can use any damn language they want ANYTIME". And that is what I am trying to say.. Bakit kelangang english pa ang gamitin natin ng mas madalas? Bakit hindi Tagalog? Dahil ba mas formal at mas maganda sa tenga?
I don't mean any harm.. Akala mo lang ata ikaw yung tinutukoy nito dahil dun sa continuous debate niyo about kay sir cip... Well, hindi.. Hindi ikaw yun... Someone else made me crack.. :p
Raix.. you said somehting like "a bitch" in your other blog. Obviously, babae yun. Yung isa pang iningles ka lalaki yun. hehehe... natatawa ako sa mga pangyayari. Ang pagka-inis mo, nag pagkabangag ko at kugn anu-ano pang bagay. Pero anyways, i have to say na it really is impossible to completely forget your mother tongue. I'm telling you, even people who speak english all the time na pilipino, marunong parin naman sila at di nila yun makakalimutan for as long as dito sila titira. hehehehe... natutuwa talaga ako.. akala ko you were talking about me. Sabi mo kasi girl yun, e yung sumagot sayo sa pisay07 guy... hehehehe
Current Mood:
confused, lito, delusional, bangag
maisie, i am not saying na it is makakalimutan as in he or she won't even remember just a single tagalog word.. now that is impossible.. what i meant was makakalimutan niya na yung GAMITIN because he or she would always prefer to use the 'universal language' dahil sa tingin niya mas "cool".. at, face it, some people don't really know what the payaso mean... o kahit nga sumbatan di nila alam kung anu yun eh... simpleng tagalog? yung iba ang alam na lang atang tagalog ay "oo" at "hindi" (exxaggeration 'to)... besides, hindi naman ako nainis or nabangag dahil may sumagot sa akin ng english sa pisay 07... I get that all the time... Napansin ko lang talaga na lahat ng nageemail sa pisay07, english ang ginagamit... as if namang hindi natin maiintindihan kung tagalugin nila yung mga pinagsasasabi nila... eh kahit si rob english nang english eh... at hindi ako naasar... Don't believe everything written here especially sa kung anung nararamdaman ko during the time na sinulat ko yun... minsan exxageration ko na lang yun bilang writer... para makagrab ng attention... Minsan nga, yung sinusulat ko galit na galit habang ako naman tawa nang tawa... hehe...
Remember, you're in the snake pit... :p
Oww.. I get it now. I thought ibig mong sabihin totally forget. Ibig mo pala sabihin totally forget TO USE. Okay, so I get it now. And yeah, I have to admit another boo boo I made. I am in the snake pit!!! (surprised look). Hehehehe... Happy vacation! Sana nga lang happy, pero di ko ma-feel na vacation e. Feel mo ba? Merry Christmas na rin para advance! hehehehe... Gift mo January na ha. Kasi wala akong time last week e... Oi, gift ko rin ha?!! :D Kudos!!!
Post a Comment