12.26.2006
at dahil nangako ako kay God
at nagcacast kami ni shayne para sa play ng SK. nakakatuliro. (i got the part that i loved though so okay lang). Nood kayo ah: INTIMATE THEATER 2007 ng maSKara!
at excited na ko sa bagong version ng blogger, pero ayaw niya pa kong ipagswitch. :( lumipat na nga ako eh! bad blogger!
merry xmas sa lahat ng nagbabasa ng blog na to!
i'm officially back inside the snake pit!
12.19.2006
To YOU:
medyo lang pero nakonsiyensya ako eh.
nagalit ako sa sinabi mo. as in galit na galit na gusto ko na sanang maiyak at nagbuhos talaga ako ng sama ng loob kay Cheska. na-offend ako sa sinabi mo. di ko na alam kung bakit at ayaw ko nang basahin pa ulit yung sinulat mo. basta. ayun. nagalit ako, hindi sayo, pero sa sinabi mo.
at nagsinungaling ako sa pagsabing ang yearbook article ko ang dahilan ng hindi ko pagreply sayo. hindi yun totoo. galit pa ko sa sinabi mo nun kaya hindi ako nagrereply kahit sa tagboard man lang.
at nagsinungaling ako kasi kachat kita. somehow, i don't want to tell you directly.
kahit ngayon naman, galit pa rin ako eh.
pero hindi na siguro sa sinabi mo. mas galit na siguro ako sa SARILI ko. kasi napagtanto ko na parang ang sama na talaga ng dating ng blog ko. parang ang dumi-dumi na niya. tapos lahat ng dumi galing sa kin. parang ang panget-panget na niya. tapos wala akong ginagawa para mabago yun. parang ang baho-baho na ng bunganga ko.
nagalit lang siguro ako kasi pinahiya ako ng sinabi mo sa sarili kong blog at kahit dun sa xientian mismo.
ayun. at sa sinabi mong: "the right to say what you think comes with some responsibility, and I just wish you'd exercised more carefulness in doing so.", gusto ko lang sabihin na inaamin kong hindi ako nagiingat sa mga sinasabi ko. pero lahat naman yun pinaninindigan ko. kaya nga ako nagpart 2 dun sa blog entry ko di ba. kasi gusto kong mas nililinaw yung sinasabi ko. naninindigan lang naman ako. at kaya nga nung sa tingin niyo eh naging mayabang na ako, tinago ko na yung dalawang entries. para lang hindi na maging mayabang at para subukang itama ang sinasabi mong maling nagawa ko.
may isa kang tanong dun sa email mo sakin na sa tingin ko may karapatan kang malaman ang sagot: "Tell me how I offended you. Is it when I told you to stop? Or is it when I told you that the entry wasn't in very good taste?"
pareho.
pero napagtanto ko nang hindi mo naman din kasalanan eh. kagaya nga ng sinabi mo: nagyabang ako. kaya ayan. sinubukan ko nang ayusin.
at oo, habang kachat kita, bawat "haha" ko sayo hindi totoo. kasi hindi talaga ako masaya sa nangyari. nasaktan lang talaga ako n sobra. pakiramdam ko natalo ako sa sarili kong blog.
hindi ako nagalit sayo. yun totoo yun. nagalit ako sa sinabi mo.
hindi mo lang kasi talaga alam kung anong pakiramdam ng maging tanging tao sa pamilya na naging taga-pisay. mahirap idefend ang skul mo kapaga tatlong kapatid mo ang magtutulong-tulong para kalabanin ka. hindi mo alam kung paano nila ako kinalaban sa comment nung xientian na yun. kaya hindi mo alam kung bakit sobrang violent ko magreact.
yun hindi mo yun kasalanan.
at oo, hindi na ako halos magboblog. mas okay na din yun. para mas kaunting tao ang maapektuhan ng mga sinasabi ko.
**sana lang matagal mo bago madiskubre ang entries sa blog na to. o kung pwede, sana rin hindi na. sori kung medyo nagsinungaling ako. hindi naman talaga ako nagalit sayo eh. sa sinabi mo lang.
12.18.2006
11344 hits
i would not ultimately stop blogging. i would once in a while. but not that often i guess. (or maybe i would be back if ever i feel like it again). but right now, i really don't.
especially when i found out that my opinions, when exposed for the whole world wide web to see, may start a nuclear war.
so what the hell, dani gave me a new notebook that i could might as well use for my opinions. the hell with blogs. the hell with xientians.
and i would not go back to tabulas for the time being (aww.. 11344 hits!).
12.17.2006
wishlist
i mean, even though they're wishes, they really won't come true unless you make them come true or unless the fate decides to help. santa clause has long been disproved, you know. so the hell with wishes.
christmas is not about wishlists, anyway.
12.16.2006
tabulas ban
this starts my tabulas ban. i hate it now.
i love you snake pit. :D
AND i am now going to imitate garrick's blog. (hehe..)
no comments. no tagboards.
just me, my opinions. nothing else.
kung may gusto kang sabihin, dun ka sa blog mo.
salamat. :)
Cheska: *reaction
Cheska: pagdedefend dahil nasaktan ka
Cheska: paano mapapalala ang sitwasyon kung ang ginawa mo lang naman ay lumaban dahil naargabyado ka at eskwelahan mo?
Cheska: WALANG masama dun. kaya nga hindi umunlad unlad Pilipinas eh
Cheska: marami kasing duwag
Cheska: maraming hindi tumulad sayo na papalag pag nasaktan
Cheska: kaya wag kang mapiss off dahil hindi ka natalo sa sarili mong blog
Cheska: hindi ka ever matatalo sa sarili mong blog dahil IKAW yun
Cheska: yun ka. at kung anuman ang sabihin ng ibang tao, hindi ka na makikielam dahil hindi mo responsibilidad na magbago para sa kanila
12.14.2006
To my SISTER
Ate Rhea, tantanan mo na ang pagbabasa ng blog ko. Wala kang mapupulot na secret dito. It's either rantings about school or fictional stories/essays/poems lang ang nakalagay dito. Hindi mo matutuklasan ang crush ko o kung ano mang gusto mong malaman kapag binasa mo ang blog ko. Haha. Kaya wag mo nang pagaksayahan ng oras tong blog ko. mag-friendster ka na lang! mas masaya yun!
haha. deh. ang tunay na saysay ng post na ito ay hindi lang para sabihin sa ate ko na wag nang basahin ang blog ko (ang daya, di naman siya nagboblog kaya wala akong mabasa! hmph!), gusto ko lang gumawa ng part 2 nung blogentry ko para kay "sumone you don't know"
To "sum1 you don't know":
fine. tama ang ate ko. (na former xientian, btw, so i got a comment from a xientian's point of view) medyo may pagka-offensive nga naman na sabihin na mas malinis ang isang skul kesa sa skul niyo (though hindi ko pa rin gets kung anong offensive dun eh kung ako yun di naman ako ma-ooffend).
Pero sige na, kung ako naman ang taga-quesci, magrereact din ako dun sa sinabi nung PS sa blog entry na yun.
Pero hindi kasing degrading ng pagcomment mo.
tama ang ate ko na hindi ako dapat naglagay ng ganun. kasi kung tutuusin naman, may reason ang quesci kung bakit siya madumi. kesyo konti ang suporta from the government (which is true considering na Regional Science High School sila), mahirap linisin yung place kasi katabi ng kalsada o kung anuman ang dahilan niyo kung bakit madumi yung skul niyo in some ways, the point is yun yung topic ng PS ko.
kung pisay yung pinunterya ng isang blog entry at sinabing madumi ang pisay blah blah whatever, magrereact din ako. sasabihin ko ang mga dahilan kung bakit dapat intindihin na mahirap linisin ang skul namin o kaya magbibigay ako ng examples ng efforts namin para malinis yung skul namin.
Ang point ko lang, hindi ako lalayo dun sa topic. Ang topic ng PS comment ko na yun ay tungkol sa kalinisan ng skul mo. Wala ng iba pa.
Kung dun ka nagcomment, nagbigay ng dahilan, kahit violent pa yun or whatever, magsosorry pa ko sayo.
Pero hindi eh. sinamahan mo ng ibang topic. tinira mo yung skul ko sa isang aspect kung sa'n hindi ko naman tinitira yung skul mo.
bakit, sinabi ko ba na ang bano niyo pagdating sa academics dahil lagi namin kayong talo? sinabi ko ba na first yung representatives namin sa pisikaalaman samantalang kayo second lang? sinabi ko bang sobrang konti lang ng mga contest na napapanalunan niyo kumpara samin?
wala akong sinabing kahit ano bukod sa mas malinis yung campus ng carlos albert kesa sa campus niyo
kaya wala kang karapatang magyabang.
isa pa, blog ko naman to eh. kaya obvious ba na opinions ko ang mga nakasulat dito??!
at oo, pinaninindigan ko na mas malinis yung campus ng caros albert kesa sa inyo. yun lang ang sinabi ko kelangan mo nang magyabang?
eh di kabilang ka pala sa mga mabababang uri ng tao na hindi kayang tumanggap ng mga comment at tinitira ang mga tao sa aspeto kung sa'n alam mong masasaktan sila.
sorry dahil sinabi kong mas malinis ang campus ng carlos albert kesa sa campus niyo (see!? hindi ko sinabing madumi ang campus niyo eh! kinompare ko lang sa iba!).
nagsosorry ako kasi tama ang ate ko na may reasons kung bakit madumi ang skul niyo.
pero ang kapal pa rin ng mukha mo para magbigay ng isang mayabang na comment.
SINO KA para isiping mas magaling ka kesa samin eh pare-parehas lang naman tayong tao?!
Gud lak sa inyo sa nationals.
12.02.2006
to "sum1 u don't know"
who had the guts to post a comment on one of my blog entries: http://www.tabulas.com/~revolutionofnayr/1320372.html#comment
ANG KAPAL NG MUKHA MO.
Your comment didn't really bother me at all. Naiinis lang ako kasi pinagdiinan mo. Natalo ako nung araw na yun. as in yung tipong in your face na pagkatalo kasi gusto ko talaga yung article na sinulat ko. As in. It was probably one of those articles that I actually liked. Yung mga articles ko dati na nanalo, hindi ko masyadong nagustuhan yung pagkasulat. Pero yung article ko na yun, sobrang nagustuhan ko.
for the first time, inexpect kong manalo.
pero hindi eh. di binigay ni God. kaya ang sakit. kasi kung kelan ko gustong manalo, tsaka hindi nangyari.
Oo, 18 points lang kami. pero yung 18 points na un pinaghirapan. sukdulang hindi kami magperio para lang makasali sa contests. sukdulang mamiss namin lahat ng long exams namin para lang makasali. sukdulang bumaba grades namin.
kasi may passion kami sa kung ano mang ginagawa namin para sa journ.
oo, hindi na kami kasing galing niyo kasi naka 69 points kayo. pero wag kang mayabang dahil wala kang karapatang maging.
kung sisimulan namin ang pagmamayabang (gaya ng pagpost ng tarpauline ng mga contest na napanalunan ng mga estudyante sa skul namin, katulad ng ginawa nyo) baka mapuno ang pisay at magmukha pa kaming nagbebenta ng posters. weekly may napapanalunan ang pisay na contest. kaya wag na lang.
pointless ang post na 'to, alam ko. pero nasaktan lang talaga ako sa hulin linya ng comment mo. tanggap ko naman na natalo ako. ang sakit lang kasi talaga dahil nun lang ako nagexpect. di mo na lang sana pinagdiinan. o kaya sana nagcomment ka na lang sa ibang post na may kinalaman sa ibang press con. hindi sa post na yon. kasi masakit sakin nung tinatype ko yun. kasi nandun yun expectation tapos nauwi sa wala. kasi gusto ko talaga yung article ko.
sa dinamidami ng posts ko, bakit dun ka pa nagcomment. nauwi pa tuloy sa ganito.
oo, mas malinis at mas malaki yung campus ng Carlos Albert HS kesa sa campus mo. ang kapal mo naman mag-assume na malinis ang campus niyo eh hindi naman. lalu namang hindi malaki ang campus niyo. wag ka na dahil tatlong kapatid ko na ang nag-aral sa Quesci. nakita ko na lahat ng baho ng eskuwelahan na yan. mas kilala ko pa nga yan kesa sa sarili kong skul eh. at paninindigan ko ang sinabi ko.
oo, nasa puder niyo ko nung panahon na nagcomment ka (november 27 yun). Pero hindi ko gusto yun. at hindi naman porke't nasa puder niyo ko ng mga panahong iyon eh wala na kong karapatan na magbigay ng masamang comment o laitin ang eskuwelahan niyo dahil blog ko to at karapatan kong sabihin ang kahit ano dito. at malaya ang bansa natin kaya sino ka para pigilan ako na magsalita laban sa eskuwelahan mo.
oo, hindi nga yata kita kilala. at ayoko na ring makilala ka.
Tandaan mo, hanggang Electron lang ang alam niyo. Science Scholar kami.
12.01.2006
If you have tears, prepare to shed them now.
I know I would. :P
Rob! sabi ko sayo act 2 na lang ako ng Julius Ceasar eh! Di pa ko umaabot sa Act 3! Grr. Soliloquy lang ni Mark Anthony ang alam ko sa Act 3. At lalo namang wala akong kahit anong alam sa Act 4 at 5. waw. mapipilitan tuloy akong magbasa. kaw talaga. :P
My life is pretty much pathetic right now. I can't resist computer games. (must... play...) And everytime I start reading, I fall asleep after two minutes. So how the hell would I be able to cope up with so much thing to do? Hay. And there's no more drive. Nothing. Just requirements. I'm starting to hate what I do.That's why I need the Christmas vacation. You now, to wear out the negative marginal utility I have. I want to actually miss being in school before I can go back to my study habits because right now, my body just resist everything Pisay is trying to tell me to do. And I mean EVERYTHING. Even with the threat of losing my precious 1.47 average. Seriously, I need the xmas break. But no.
I have the numerous Yearbook writeups. I have "Of mice and men", "Les Miserbles", and "Magnda pa ang umaga". I have numerous palancas to write.
O sige nga. Kahit nga ata 2 months, hindi ko pa tapos lahat iyan eh.
I want to cry now. Really. :(
Sige na. As if naman kasing mawawala yang mga yan kapag sinumbong ko sila sa blog ko. Fine.
This post is pointless.
But when the noble Ceasar saw him stab, ingratiude, more strong than traitors arms, quite vanquished him, then burst his mighty heart.
Found this.
I actually used this as my Ateneo Application Essay. Hehe. And I only read it again just now. I liked it so I'm posting it. Hehe.
Not Just An Ordinary BirthdayRyan Magtibay
It was totally unexpected. I never really thought it would happen to me. I thought of doing it to someone but never really the other way around. After all, what they did was pretty much a cliché already; you would see the same thing a lot in movies and television shows. But never, in my entire life, had I thought that someday, I would be that special.
Way back, before it happened, I knew who I was or, rather, I knew that I didn’t know who I was. I knew that I was in constant search of who I was as a person. Yes, the same old process that every teenager pass through. But I guess it was different with me. I wanted more than just knowing who I was. I wanted a mark. I wanted a distinction. I wanted a definition. I wanted something that would not just tell people who I was, but would also make me standout. I expected that God gave me something that would make me more of a person than any one else. And I guess I expected too much.
I wanted to know who I was, but deep inside me I was scared that maybe I wasn’t that great. I was afraid that the real me – the one I’m looking for – would just be another ordinary face in the street. This was why I kept on trying to make something significant or achieve something great that people would start to label me after it. In the end, all I really wanted was not to end up in the list of ordinary people that lived in this world.
I went from happily searching to desperate to depressed. As I look back now, I guess it was pretty normal for me to feel that way. After all, I was in an identity crisis and every one, in many ways, pass through the same stages of life. It was part of growing up. But the depression inside me stayed. The sadness continued to devour my being. I just felt so heart-broken that I don’t like who I was. The feeling stayed with me and no one knows about it. It was then that they came into the picture.
I never really thought that birthdays are fun. I always thought that they are only to remind you that you’re growing older and to give you reason to demand for gifts from your friends. Birthdays are just like every other day, only that they make you special. And that would be exactly what I felt when I heard that loudest birthday greeting I’ve ever heard.
I was walking with my friend that afternoon and we were talking about almost anything. It was a cell phone call that made us stop. After which, she took me the cafeteria, where I was supposed to treat her anything. After all, according to her, it was my birthday. She continued walking around the cafeteria. I was unconsciously following her, baffled at what she was doing. She stopped in a corner and turned to me. That was when everyone else suddenly showed up and simultaneously shouted “Happy Birthday!” and one of them was even carrying a big chocolate birthday cake.
It happened in the cafeteria, in front of practically almost the whole school. But at that moment, I didn’t notice that. All I knew was that in front of me are almost more than 40 people who had just made me feel that, hey, they love and have always been there for me and for them, I’m not just an ordinary person. I am a friend. And for that, I’m special.
The identity crisis ended there. Somehow, those people reminded me that I don’t need a mark. I don’t need distinction. I don’t definition. All I really needed to know was that I can do something great someday and that I have friends to help me in the process. God, after all, did give me something that would make me feel more of a person than any one else.
Right now, because of that birthday surprise, I’m contented with the fact that I have talents and accomplishments and that I have the determination to do what I want to do. Who I am or will be is still in the works. But right now, I’m just another ordinary person that has friends who make me glow in a crowd.
11.20.2006
Caring more about the Senate than the Senators
haha. tama si dane. the hell. bakit kami dapat kabahan saharap nila, eh mga corrupt sila! we are actually angels when placed beside them. haha.
The Senate session hall was smaller than what is shown on TV. haha. And mind you, those senators are not early birds. Si Kiko Pangilinan lang at si Flavier ang sakto sa 330 na usapan ng start ng session. Late nga si Loi Estrada eh. haha.
And Pia Cayetano's hair is BIG. and her make-up is thicker than the Earth's crust. Pinalakpakan niya kami though. Yung sincere na palakpak ah. hehe. Go Pia!
Tapos ginawa naming waiting room yung place kung saan ginaganap yung blue ribbon committee sessions. haha. waiting room lang pala yung ng Himig Agham eh! ang comfy nung chairs, though. :P
Tapos may nagpapic samin na senator na hindi ko kilala. haha. talk about current events on eng journ, ryan!
Pero still, mas masaya pa yung trips papunta at pabalik kesa nung nandun talaga kami. masaya lang dun kasi nasa isang lugar ka na sikat. at di yun dahil sa senators kundi dahil yun ang place kung saan maraming batas yung ginagawa. kumbaga, masy nagenjoy kami sa dahilang nasa isang lugar kami na may katuturan at may kasaysayan at di dahil makikita namin ang asawa ni Sharon o kung sino mang senador na naging corrupt kahit isang beses lang.
haha. ang sungit kaya nung elevator lady. boo.
***
"Yes! Nalawayan ko na ang Senate!" --> Ben Lopez
hahahahaha.
11.19.2006
krishna
eto yung 15 people oh:
http://www.tabulas.com/~revolutionofnayr/833323.html
haha. try to guess them. i doubt umabot ka ng 5 na mahulaan though.
11.18.2006
ang pinakamimithi, ang pinakaaalay
boo.
"I know you" my ass. You guys don't know me. No one does. So don't act like it. I'm happy this way. Let me be.
boo.
Now I wish I'm fully deaf. Words are really harsh. Especially those from people who judge you in every way possible. Grr.
***
Himig will sing tomorrow! Yey. Kahit alam kong konti lang ang naitutulong ko (kasi kaya naman ni Ben mag-isa. camon. haha.), I'm still happy. I really want to sing you know. Hay.
***
Salamat Cesium, salamat. Fun-loving nga talaga kayo. Fun-producing, making, at lahat na din.
Salamat din promil kid. ganda ng bahay mo. :D
***
I'm still asking myself what I told Ivy after CAT.
Why did God made me half-deaf? Kung hindi kaya ako half-deaf, meron kaya akong narinig na kahit ano na makakapagpabago sa buhay ko?
***
The hell with ears anyway.
11.10.2006
grats ALPHA!
no rob, i'm not angry. haha. so like you. nagpanic ka pa. haha. nagloko yung YM. and you should know me by now. I don't get angry with hose kind of things. Ganun din ako mangasar eh. Di naman patas kung maaasar ako sa mga bagay na ginagawa ko rin sa iba. :P
and no, i don't care if she says yes to someone else. and say no to another one. haha. poor another one. pero kasi, desidido akong magstag ngayon. I don't view prom as a romantic thing. Unless I'm inlove with someone right now. Unfortunately, I'm not. haha. So prom will still be somewhat like a bonduing time with my friends. In a very sophisticated manner, that is. Tsaka, the hell with romantic things. In the end, if you're not so sure about the romance, it would just end up to be a serious heartbreak.
if there is one thing I'm sure about it would be that I really have a BIG crush on that Dia 2010 girl. waw. haha. She looks like as if she's so fragile and yet, her eyes express that strength that every woman possess but is seldom seen. Most especially her lips, that pouts in a way more sexier than how Angelina Jolie does and yet, no matter how much it makes her look so hot, it also somehow makes her look like a pure-hearted female - someone who has a golden heart and soul. ambait niya kaya tingnan. at ang ganda rin.
Now, I'm really proud of my company. Hindi ko inexpect ang creativity niyo at yung galing niyo sa pasulong. Go Alpha! congrats sa mga bagong niyong asawa!
Putting white spaces between operators and operands in one string are equally strenuous and irritating becasue it seems useless. haha.
Electron's paskorus practices are depressing. Magaling ang electron. Oh yes. Talented kung talented. Pero naman. Hindi daw ba mapractice dahil wala ako?! Eh sinabi ko naman na may practice SILA. Kasi nga hindi ako makakapunta. Tapos hindi sila nagpractice dahil lang wala ako?! Wala lang. It makes me feel like I'm more burdened. Ang labo lang na sobrang dumedepende naman sila ngayon. Kaya naman nila eh. Ayaw lang nilang sa kanila manggaling yung initiative. Sayang naman. They become better everytime they practice. Tapos hindi sila nagpapractice. :(
so, WHAT HAVE YOU LEARNED ABOUT LIFE TODAY?
Life is something you can't control and is most of the time, unpredictable. But you have to go with it, simply because there is no way out but to face it and show to it that, hey, no matter how hard the challenges it poses to you, you would be able to survive it.
Even in the presence of tears, pain and shame.
11.08.2006
Bankruptcy. Super moneyless.
I rushed to the DepEd-NCR yesterday just to pass our Intel forms, research plan and final paper. Basta yung Intel Requirements. Ayun. Ang dami ngang mali nun eh. Puros walang pirma, tapos mali-mali din yung mga pinipirmahan nung mga tao, kung saan-saan sila pumipirma at kung anu-ano pa. haha. funny. basta sobrang sabog nun. I doubt our chance for the Intel elminations.
Oh, and I took a cab from Pisay to that place. Mind you, after paying the cab driver, I became moneyless. As in wala na kong pera. As in 0. haha. buti na lang line ang fone ko at natawagan ko mom ko. haha.
***
oi, look! I'm blogging again! that's fun! ang haba pa ng entries ko! waw! :P
Congrats!
To the people who made us achieve 18 points. :P
Clarrise Ligunas - 8th Place(Editorial Writing)
Ivy Razel Ventura - 6th Place(Pagsulat ng Balita)
Ericson Jericho Pacaba - 1st Place(Sports Writing)
**YMCA Search for Outstanding Campus Journalist, Nov. 8, 2006, Carlo Albert High School.
-----
P.S. In fairness, Carlos Albert High School's campus was much bigger, and CLEANER than the Xientian Campus. Haha.
To the new Pisay English tabloid: The Ovary
and the new Pisay tabloid for Filipino would be dubbed as: Ang Init. haha. So we'll not be called the SS-LL anymore. More like the O-I. haha.
And yes, this was how pathetic we felt after Carlos Albert decided to destroy our lives and take away the medals and that huge trophy we wanted to have. haha. Poor Pisay Journ.
We actually decided to stop producing quality, spreadsheet school newspapers and resort to make school tabloids where Ricky Lo would be the official feature editor and the banner stories would be blind items composed in a language understandable only by the pink community.
That sucks. And to think we actually achieved 3rd place last year. Now I think Sir Chris doubts my being the representative of Pisay for feature writing in presscons. Then again, he always doubts his students' ablities. He doesn't really care. Most of the time he's sarcastic and when he's not, he would threaten to lower your grade in journ if you won't stop pestering him. As if that would work when grades have finally achieved what they wanted long ago and made Pisay scholars so affected with their low grades they won't care if they get a 5.00. I know, i know. He's not really such a bad teacher. Actually, he's not bad at all. He's pretty good. And it's really fun to talk to him about stuff that makes you feel like he belongs to your age group. But I guess, at times when we're all pressured with school work and all that, we just have no other option but to be mad at him and make him our way of "expressing" our anger. like now. I'm all mad and depressed and all that so once again, I try to backstab him. Poor Sir Chris.
Yeah, yeah. This is one blog entry of a stupid bitter student who just experienced his first time to lose in a press conference. Pathetic much? Not quite.
Maybe I'm just tired and all that with everything that I'm doing that, for the second time in my entire life, and I actually can't believe I'm saying this, I want to be a Tiglao. Or a Pascua. Or EVEN an Atom. Face it. They actually had the chance to move out of Pisay and assume new identities and have new oppurtunities once more. They are currently even the best in their own new schools right now. They are sure to make every other student work hard just to get the grades that they would get there. They would be an intelligent somebody before they leave high school. And that's a good thing. Really. For once, I want my academically excellent self back. The person that I once was in elementary. That person that seems to be utterly impossible here in Pisay. I want to not review for a math exam and actually get a perfect score in it.
But then again, dreams are meant to be dreams forever. Because if they would come true, then they would cease to be a dream because you have finally achieved it.
I'm not really mad or anything. Just disappointed. Nothing more, nothing less. It was actually okay for me. It's just that I really liked my article this time. It was nice for me. Really.
Still, I'm very much thankful to God. Before the announcement of winners, I actually told him that it would very okay for me if I would lose. And after I figured out that I lost, I felt nothing. No sadness whatsoever. I just smiled. It was as if he actually helped make my promise to him come true: That I would be okay despite everything. So thanks God. Thanks a lot. :)
11.05.2006
di mo lang alam
i just read ben's blog entry about things that he miss. and i tried making one. but then again, i haven't even started yet and i already feel like it would be one of those useless things that i would post here. and mind you, i HATE meaningless blog entries (which actually means this blog entry should have meaning. haha.). and you might also wonder why. seriously i don't know.
i don't know what i miss simply because it feels like i don't miss any. as in.
ang pathetic noh? i mean, what kind of person are you if you don't miss anything? seriously. ibig sabihin ba nun ikaw yung tipo ng taong hindi marunong lumingon sa pinanggalingan or sumthing?
pero kasi, come to think of it, never naman akong umalis sa isang lugar. lagi kong kasama family ko. at si ben ay dormer.
pero miski na di ba? i should miss something. or even someone else.
but then again, i HATED my elementary life. kahit na sabihin pa nating i was regarded as one of the few very brilliant kids nun. at kahit na walang sinuman ang nagtatangkang mangbully sakin dahil may pangalan ako sa skul ko non. I still hate it. everything about it. as in. i would never go back there. and all because of a reason i never even dare disclose to anyone. si God lang may alam. :D
all i really have is pisay. and i still have it. kaya hindi ko siya masyadong namimiss.
so. what's there to miss??
only three things: i miss reciting poems again (declamation and stuff), i miss writing short stories everyday, and i miss being kid and the times when you have nothing to worry about except cartoons and food.
11.04.2006
yey.
this blog entry actually means that i'm back. I'm back on the list.
which means my blog ban is also over. yey.
that was a more than 0.3 jump. the highest jump i've done so far. haha. ang saya. 11 steps up yun!!!!
i now feel jumpy. hehe. :P
10.27.2006
Making sacrifices for people who tell you "Mamaya na po!"
bakit mabait kami? cause we practically give those stupid sections everything they need for the stinking fair! As in kami ang nagisip ng booths nila (na intertwined, by the way, in such a way na pag kumita yung isa, kikita na din yung isa pa.), ang mechanics, ang prices ng kung mang ibebenta nila - mapagoods man yan o services - at, take note, ang PRIZES nila sa kung sinu mang kakagat ng pakulo namin. Ano na lang gagawin nila? magbabantay ng booth, tatanggap ng pera, at magreremit sa amin. may kita pa sila. WAW.
Akalain mo ba namang shinoulder ng FairCom ang buong Redemption Booth kung saan ka makakakuha ng prizes. Ultimong tables and chairs, mangagaling sa FairCom. Tapos mura na ang wall climbing at inflatables. Dinagdagan pa ng velcro wall at mga stiltmen at clown sa opening. May fireworks pa nga daw eh. At siyempre pati yung decor ng nung lugar. At take note, hindi na Coca-Cola "booths" ang gagamitin namin, TENT na. as in yung malaki.
Samantalang dati, ang matatangap mo lang mula sa FairCom ay isang Coca-cola "booth" thingy na hindi kasya ang dalawang tao sa loob at paalala na magbabayad ka ng P500 pesos na quota kada araw. Yun lang.
Tapos ngayon sobrang daming bonus. At dahil yan sa FairE na hindi naman talaga fair dahil wala namang kahit ano nung mga panahong ito, sa Zoobix Cubed na hindi din naman namin na-appreciate dahil pumalpak din yung majority ng booths, at sa inFairno na inspirasyon namin sa paggawa ng isang masayang fair dahil masaya noon ang fair na yan, di nga lang namin alam kung dahil effective yung mga sistema na ginawa nila o dahil first year kami nun at hindi talaga namin alam kung nauuto na lang kami or something.
Grabe. Sa ngalan ng masayang fair na iiwan namin bilang legacy, sukdulang gumastos ng malaki at magmeeting hanggang 7 ng gabi. haha. Go FairCom. Go BATCH 2007!
10.05.2006
sori sa mga "binagsak" ko.
sobrang sorry. waw naguilty ako. in fairness, kahit naman kasi mukhang madali lang magpakagago at magpower trip sa mga cadets, mabigat talaga sa pakiramdam lalo na pag-alam mong nahihirapan sila.
seriously, being a member is way better than being a leader. may puso kasing kasama pag ikaw na ang in charge. at least kung member ka lang, susunod ka lang talaga. walang kahit ano.
waw naman. sana pala nag Corps Adjutant na lang ako. imbes na Alpha Company Commander. :(
***
anyway, congrats pa rin sa mga pumasa! welcome sa model company!!
10.02.2006
The Freaky FAIRday dillema
Astig. kahit saan may application ang econ. lalu na sa pagaadvertise ng fair.
rob: grabe we're up against miriam.
rob: so we are actually constricted to schools na malapit sa a=spectrum natin
rob: wait lang ang school of the holy spirit, malapit lang ba yun>
rAIx: di ko alam
rAIx: miriam??
rAIx: sinabayan nila tayo?
rAIx: bastusan
rAIx: haha
rob: we are not exactly on the fair hopping map
rob: so sinabayan natin sila ang mas appropriate.
rob: jasms?
rAIx: Fair hopping map??
rAIx: may ganun??
rAIx: haha.
rAIx: uhm
rAIx: si lia siguro.
rAIx: JASMS si lia remember?
rAIx: so baka may contact siya
rAIx: at hindi ko alam kung malapit lang yun
rAIx: ikaw
rAIx: AJSS connections mo.
rAIx:
rob: ahhh
rob: AJSS?
rob: eh
rob: siyempre
rob: dun sa miriam over sa pisay
rob: i mean
rob: ateneans
rob: and povedans
rob: and xavierians
rob: would prefer high class miriam
rob: over nerdy pisay
rob: pero thats just me
rob: kaya we will try pa rin
rAIx: high class miriam
rAIx: haha
rAIx: discrimination
rAIx: parang Podium at SM example ni sir vlad sa econ
rAIx: haha
rAIx: eh sus naman
rAIx: marami kayang schools na hindi high class
rAIx: in short, mas malaki ang target market natin
rob: at usually wala silang pera. :P
rAIx: yun na nga
rAIx: yun lang ang negative
rAIx: rAIx: ang mahal pa naman ng booth prices
rAIx: haha
rAIx: pulubi sila paglabas
rAIx: haha
rob: haha
rob: pero yun
rob: we will try them p arin
rob: we have a better concert kahit dalawa ung kanila
rAIx: dalawa yung sa kanila??
rAIx: waw
rAIx: eh two days lang naman tayo eh
rAIx: sila ba ilan?
rob: 3
rob: pero wala silang BOTB
rAIx: haha
rAIx: dalawa naman yung sa kanila
rAIx: sino bang magpeperform sa concert natin??
rob: pero corny
rob: tigalawang bands lang ata
rob: up dharma down, giniling, radioactive sago, urban dub, brown man and other indie bands
rAIx: waw!
rAIx: may dirty kitchen ba?
rAIx: :P
rAIx: andami naman
rAIx: exciting
***
naks. excited na ko sa fair. :D
9.06.2006
Gusto kong sumayaw
i wasn't able to sing yesterday with Himig Agham because of my sore throat.
but it was still worth it.
I was bruised many times.
but it was still worth it.
I slept so little these past few days.
but it was still worth it.
I surenderred every ounce of dignity I had just to choreograph.
But it was still worth it.
after all, GOD proved to me that indeed, the bruises and sweat are all WORTH it.
Gusto kong sumayaw ng sariling sayaw!
Electron 2007
"Gusto Niyang Sumayaw"
2nd Place
Paligsahan sa Sayaw Interpretasyon
Patimpalak sa Filipino 2006
***
Salamat God,sobra!
Salamat din ng marami kay Sir de Ocampo: ang suuuper nanlibre samin ng walang kamatayng pagkain nung practices, kay Jecay: ang aming uber galing na lights person, pati na rin kay darren: na tumulong kay Jecay, sa buong Tau: ang aming sister section na sobrang nagcheer samin (4th ang Tau! Yes! congrats!!!), kay Ma'am Cion: ang aming supportive Filipino Teacher at sa lahat ng tumulong at nagencourage sa electron para gawin ang kanilang makakaya, salamat!
9.01.2006
95%
I am actually officially depressed over the fact that there is 95% chance that I'm not gonna make it into the DL. Mind you, if that would happen, it would be the second time. And it won't be pretty since that simple fact can actually take every ounce of happiness in my body.
95% chance. wow.
No, I won't create a blog entry about it if ever my forsaken prediction comes true. Rather, if you would see a very large gap between this entry and the next one, chances are it came true.
God forbid.
wah. It's so sad. :(
***
I figured out just moments ago that I have a short story about angels which I never finished. I would try to finish it, but hey, not now. hehe.
***
I have a stupid article deadline today. waw. I HAVE to interview Egg tomorrow.
***
Btw, Egg, happy birthday!!! Hope you get taller when you reach 18. :P
***
After I shouted got angry at Electron during our sayaw int practice earlier, Sir Args lectured about tolerance and understanding, people. Great. God REALLY has ways in order to tell you what you should need to know. Hay nako.
***
Ang dami namang kailangan nung Wesleyan Freeman Asian Scholarship Programs Application Form. Nakakatamad gawin. haha.
8.29.2006
Write for Christ!
Salamat ng sobra, God. As in.
District I Secondary Schools Press Conference
E. Rodrigues, Jr. High School
Aug. 28, 2006
News
Ray2 Alcantara - 4th (English)
Ivy Ventura - 3rd (Filipino)
Copyreading and Headline Writing
Henson Turalde - 6th (English)
KJ Cenidoza - 10th (Filipino)
Marcgene...? - 9th (Filipino)
Editorial Writing
Clarisse Ligunas - 3rd (English)
Kristine Mortega - 2nd (Filipino)
Jerome David - 1st (Filipino) !!!
Sports
Max Gana - 2nd (English)
Marc Lancion - 3rd (Filipino)
Feature
Tami Reyes - 5th (English)
Ryan Magtibay - 3rd (English)
Jerome David - 7th (Filipino)
Honey Dela Cruz - 5th (Filipino)
Editorial Cartooning
Regina Estrada - 9th (English)
Dani de Leon - 7th (English)
Photojournalism
Gino Gomez - 9th (English)
Joanna Cuayo - 6th (Filipino)
Radio Broadcasting
Best Anchors - Egg Aherrera and Jiano ____
Best Script - Philippine Science High School Team
*copy paste mula kay rayray :P
In fairness, ang galing ng feature writers ng SS-LL ah! panalo kami lahat! hehe. :P
Pero siyempre, above all, eto ang pinakaastig na award!:
Philippine Science High School
3rd Place overall
naks naman!
Go PISAY JOURN!
8.26.2006
press con!
waw. wala pala akong pasok sa monday. may competition nga pala kami. haha.
astig. i'm gonna write again! tapos libre ulit lunch ko! yipee!
haha. in fairness, hindi na rin ako masyadong kinakabahan ngayon. siguro kasi nagawa ko na siya dati.
i just hope sir chris won't get disappointed on me if ever i would lose (wag naman sana...). kasi naman, features editor pala siya dati. and guess what, feature writing ang category ko. tapos ang babaw pa ng vocabulary ko. don't get me wrong, i really do want to use words like "erudition" or "berblonging". i just don't know what they mean. haha.
sana Filipinism ulit ang topic namin. hehe.
gudlak satin ray2, clar, rob, henson, egg, jeric, dani, gino at Eng Journ 1 students!!
powerless.
nice. very nice. this is today's bloghop quote of the day.
"'God makes himself powerless in the face of our freedom.' He does this so we can love. He lets us do whatever we want, even if it hurts. Ang sakit noh? I just can't believe how much God loves us, and how much we all hurt him and abuse this love of His."
8.18.2006
Recieve the gift.
grabe ang econ. i never thought dun pa sa econ class ko marerealize na sobrang mahal ako ni God. haha.
yun na ang favorite econ class ko. as in sobra. wow. wow.
grabe, pwede nang preacher si sir vlad. kasi kahit hindi niya alam at talagang nagdidiscuss lang naman talaga siya, ang lakas ng impact sa mga taong katulad ko.
i think i'm starting to receive the gift that i asked for during the camp. wow. sana tuloy-tuloy na. ang sarap ng pakiramdam eh.
receive the gift, ryan. recieve the gift. binayaran Niya yan para sayo. tatanggapin mo na lang. wow.
One way. Jesus.
8.14.2006
Lord, you're more than enough for me.
yfc na ko. haha. astig. este chada pala.
Thanks God. For the camp. And for making way for me to change everything about me.
100% pure. pramis. i'll try my best.
And now that You're near, everything is different. Everything so different, Lord. I know I'm not the same; my life You've changed. I want to be with You. I WANT TO BE WITH YOU.
8.06.2006
ang pataas na pusa.
tama si rayray.
Jesus, take the wheel.
seriously, i'm really scared.
nagpapasalamat ako kay God kasi nung hiniling ko na sana matapos ko yung exam nang hindi nauubusan ng oras, yun nga yung nangyari. thanks God.
pero weird yung pakiramdam after nung UPCAT eh. parang wala lang. ang peaceful. nahirapan ako, pero di tulad ng dati, hindi ko masyadong naramdaman yun after exam. i'm scared.
lalu na nung inaayos na nung proctor yung mga test papers. yun yung tapos na talaga yung exams tapos na ipasa mo na. NAKAKATAKOT. sobra. kasi yun yung point na wala ka na talagang control sa kung ano nang susunod na mangyayari. wala ka nang control sa kinabukasan mo. lahat nakasalalay na lang sa papel na ipinasa mo.
gud luck sa buong batch 07. maraming maraming gud luck.
***
may dalawa akong weird na katabi nung upcat. yung isa, nangungulangot. tapos yung isa naman, ang BILIS niyang matapos. naalala ko nga yung kwento ni sir chris eh. na mabilis daw magsagot ang mga estudyanteng nagaaral sa science high schools. tapos na-realize ko, eh dapat ako yung mabilis magsagot di ba? kasi ako yung estudyanteng nagaaral sa science high school?? haha.. tapos ang bagal. wehehe..
at pagkatapos kong maisip yung tungkol sa mga weird kong katabi, naisip ko: "kung sila rin may blog, malamang nasabi rin nila dun na: 'meron akong weirdong katabi nung nag-upcat ako'". bakit?
bigla kasi akong tumatawa eh. as in yung halakhak na walang tunog. feeling ko nga pakiramdam nung mga proctor, nababaliw na ko eh. pano naman kasi, nakakatawa kaya yung ibang options. lalu na dun sa Filipino part. haha.
7.29.2006
Happy 2nd Birthday Snake Pit!
Naks. I'm so proud na nakadalawang taon na ang blog kong 'to! At naka 3000+ visitors na siya ever since.
Itong blog na 'to ang nagsimula ng blogging habit ko. Kaya naman kahit halos hindi na talaga ako pumupunta dito at hindi na rin ako masyadong nagpopost dito (crosspost na lang sa pamamagitan ng tabulas), di ko pa rin siya magawang mabura. ang hirap eh. may sentimental value na siya sa akin.
Kaya naman, two days before its birthday, inayos ko na kagad ang layout niya. tada!
Happy Birthday blog!
isang malaking sampal para sa mga stereotype na taong walang ibang alam kundi INGLES
(Ibinabahagi bilang selebrasyon ng Buwan ng Wika ang panayam na ibinigay ni Nelson Turgo sa mga mag-aaral ng Manuel S. Enverga University Foundation, Inc. noong ika-17 ng Agosto)
Magandang umaga sa ating lahat. Nagpapasalamat ako sa paanyayang ipinaabot sa akin bilang tagapanayam sa programang ito. Nais kong banggitin na ang programa ay parehong nakakatuwa at nakakalungkot. Huwag kayong magugulat sa sinabi kong ito. Ako man minsa’y nagugulat din sa mga sinasabi ko. Natutuwa ako sapagkat may inilaang panahon ang pinakamalaking unibersidad sa Timog Katagalugan upang ipagdiwang ang Buwan ng Wika. Ibig sabihin, sa aking palagay, mahalaga sa inyong unibersidad ang anda (function) ng wika sa pagsusulong ng kahusayang pang-akademya. Nalulungkot ako dahil ipinagdiriwang pa natin ito. Ibig sabihin lamang, mabuway pa ang ating Pambansang Wika. Kinakailangang taon-taon, paalalahanan tayo na Filipino ang ating wikang pambansa. Sa mga bansang Hapon, Pransya, Thailand, Malaysia, Rusya at iba pa, wala silang katulad na pagdiriwang. Hindi dahil sa wala silang pagmamahal sa kanilang pambansang wika kung hindi dahil sa ganap ng pambansa ang kanilang wika kung kaya’t hindi na kinakailangan pa ang mandato ng estado upang ipagdiwang ang kayamanan at kapangyarihan ng kanilang wika. Astig na ang mga wika nila, kumbaga.
Kanina, habang sakay ako ng JAC Liner, may nakasakay akong nagtapos ng nursing sa isa sa mga paaralan dito sa Lucena. Nakapasa na raw siya sa board. Ang inaatupag niya ngayo’y pagrereview ng kanyang Ingles upang makatungo na sa Estados Unidos. Kukuha siya ng TESL at iba pang pagsusulit. Habang nagkukuwentuhan kami, panay ang kanyang Ingles. Nang dumaan ang konduktor, dahil hindi pa siya nasusuklian, bumanat siya ng: Excuse me, I have not received my change yet. Hmmm. Sabi ko, my cockney accent na ang epal. Mukhang nag-aral sa Dela Salle sa Maynila. Bumaba siya sa malapit sa Diversion samantalang ako’y tumungo ng Grand Central Terminal. Habang nagpapalipas ako ng oras sa Greenwhich at ginagawa ang papel kong ito, naisip ko, sadya nga yatang napakahalaga na ng Ingles. Kung hindi ka marunong mag-Ingles, limitado ang iyong oportunidad. Ang wika’y sandata at ang Ingles ay bazooka.
Tayo ay nasa panahon na di-maampat na globalisasyon. Sa Philcoa, lugar na sakayan patungong Unibersidad ng Pilipinas, sangkatutak ang nakabalandrang ponkan. Wala ng nagtitindang dalanghita. Nang minsang mapagawi ako sa isang bilihan ng sapatos sa Rockwell, isang upscale shopping mall sa Maynila, ang Nike at Adidas ay gawa sa China, Vietnam at Indonesia. Sa isang linang sa aming bayan, habang binabagtas namin ang daan patungong bundok, nakakita ako ng isang basyo ng mineral water, Evian ang tatak. Imported galing Pransya ang mineral water na ito. At ng minsan namang dalahin ako ng aking mga paa mulang Maharlika Hi-Way patungong SM City Lucena, ang Lander na handwash na nabili ko sa SM City North Edsa'y naroroon din. Tila nga wala ng pinipiling lugar ang globalisasyon.
Sa pambansang sandali ng ating kasaysayang ito, bakit kinakailangan pa nating palakasin ang ating pambansang wika habang nag-aaral tayo ng iba pang mga wika?
Himatong ng aking argumento na dapat tayong makialam sa pagbubuo ng pambansang identidad. Ito’y hamong kailangang tugunan nating lahat. Sa pagkatunaw ng mga muhon ng pagkakaiba bunsod ng walang humpay na Hollywoodization at McDonaldization ng ating bansa, laging angkop na pagpursigihan ang paggamit ng wikang Filipino upang itampok ang ating pambansang kaakuhan. Naririyan na ang globalisasyon. Walang makakatakas dito. Testamento nito ang SM City Lucena at ang mga shop na nasa loob nito. Pinapatay nito ang lokal na industriya. Noong maliit pa ako, ang puntahan namin ay Padillo, Ramchand, Recio, Hacienda Inn at kapag kakaiin ng siopao, ang tungo’y sa Kachina. Ngayon, iisa na ang takbo ng paa: SM City Lucena.
Noong nakaraang taon, nagpalabas ng kautusan si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na lalo pang pasiglahin ang pagtuturo ng Ingles sa mga mag-aaral sa elementarya at hayskul. Ang atin daw kasing kahusayan sa wikang ito ang ating advantahe sa iba pang mga bansa sa Asya. Ang sabi pa ng kanyang mga chuwariwap, mahalaga daw ito sa pagpapahusay ng ating ekonomiya. Ibig sabihin, sa simpleng termino, kapag napakahusay natin sa Ingles, malaki ang posibilidad, yes, citizens of Enverga Republic, believe it or not, uunlad ang ating bansa. Nang marinig ko ito, nautot ako.
Ang kahusayan sa Ingles ay hindi katapat ng kaunlaran sa ekonomiya. Hindi ko alam kung bakit sangkatutak ng datos ang lumabas ay hindi pa rin ito matanggap ng marami sa ating mga Filipino, partikular na yaong mga nasa gobyerno. Hindi ko batid kung nag-jo-joke-joke lamang sila o talagang ang mga IQ nila ay IQ ng lamok.
Walang duda na kailangan natin ang Ingles. Walang duda na mahalaga ang Ingles. Subalit, dito man ay marami nang mga maling akala tungkol sa kahalagahan ng wikang ito. Isa sa mga maling akalang ito ay ang maling paniniwalang ang Ingles ay ang susi sa kaunlarang pang-ekonomiya.
Ating tingnan halimbawa ang ilang datos ng ating kontemporanyong kasaysayan na magpapabulaan sa guni-guing ito
Nilagpasan na tayo ng Thailand, maniwala man kayo o hindi. Noong magkapalad akong mabisita ito noong 2000 bilang grantee ng Pamahalaang Hapon, kapag lalabas ako ng hotel room ko at mag-iiwan ng impormasyon sa front desk, lumalabas ang kagalingan ko sa pagdo-drawing. Hindi kasi sila mahusay mag-Ingles. Minsan sa inis ko, hindi lang ako nagdrawing upang ipaliwanag ko sa front desk na aalis ako sandali, pero babalik din at kung may dumating ay sabihing maghintay, kinulayan ko pa ang aking drawing with matching smiley. Paglumabas naman ng hotel, ang babalandra sa iyo ay mga direksyong nakasulat sa kanilang wika, sulat-bulate, sabi nga. Ang mga nakasama ko mulang Chulalongkorn University, pagnag-uusap kami, sign language. Pero, anak naman ng pating, tingnan ninyo ang kanilang ekonomiya ngayon. Kung sila ay tiger economy na, tayo, kuting pa rin. Ang isang taong bilang ng ating mga turistang bumibisita, isang buwan lang sa kanila. At Ripley’s Believe it or Not, ang Thailand ang ikalawa sa Japan sa buong Southeast at South Asia pagdating sa computer technology. Ang website halimbawa ng Chulalongkorn University, dalawa ang version: isang nasa Ingles at isang nasa kanilang wika. Sa atin, kabilang na ang UP, ang website lahat nasa Ingles.
Sa mga nakalipas na taong pilit na isinasaksak sa atin ng mga baliw nating opisyal sa pamahalaan na Ingles ang gamiting wika sapagkat ito ang magsasalba sa atin sa kahirapan, ito ang ating kinasadlakan.
Malinaw sa ating kasaysayan na ang Ingles ay hindi lamang naging paraan ng komunikasyon kundi paraan ng kolonisasyon. Ang Ingles ay hindi naging paraan para sa pag-uusap ng mga mamamayan. Naging paraan ito para sa paghahati-hati ng mga mamamayan. Ang tanging diyalogo na ginawa nito ay ang diyalogo sa pagitan ng pamahalaang kolonyal at ng lokal na naghaharing uri. Kasunod sa kaputian ng lahat, ang galing sa paggamit ng Ingles ay naging pasaporte sa sirkulo ng kapangyarihan.
Matagal ng sinasabi ng mga dalubhasa sa wika na mahalagang maituro ang mga batayang kaalaman sa matematika, agham at teknolohiya sa sariling wika, Filipino man o Cebuano. Subalit hanggang sa ngayon, iilan pa lamang ang gumagawa nito. Sa UP Integrated School halimbawa, itinuturo ang matematika, pisika, kemistri at ekonomiya sa wikang Filipino. Nang magsagawa ng pagsusulit, yaong mga nag-aaral gamit ang Filipino ay mas mataas ang nakuha kasya sa yaong ang gamit ay Ingles. Ayon din sa mga guro, biglang dumami ang tanong ng mga mag-aaral sa inertia, equilibrium at thermodynamics sapagkat mahusay nilang naipapaliwanag ang kanilang mga sarili. Sa mga klaseng ang gamit ay Ingles, boses lamang ng guro ang naririnig.
Magbanggit pa ako ng isang halimbawa. Palasak na ang usapin tungkol sa Third International Math and Science Study (TIMMS) pero gagamitin ko pa rin itong halimbawa para makita natin ang halaga ng sariling wika kaugnay ng pagtuturo ng agham at matematika.
Noong 1997, binigyan ng test sa agham at matematika ang ilang piling estudyante sa hay-iskul mula sa 71 bansa kasama ang Pilipinas. Ang resulta, sa Math, walang bansang nagsasalita ng Ingles ang napabilang sa TOP 10. Samantala sa Science, tanging ang Inglatera lamang ang pumasok at pangsampu pa. Nanguna sa eksameng ito ang mga non-English speaking na bansa katulad ng Japan, South Korea, Czech Republic, Slovakia at Bulgaria. Ang US ay pang 28 sa Math at ika-17 naman sa Science. Ang Pilipinas ay hindi umabot sa listahang inilathala. Nasa likod tayo ng South Africa, Kuwait at Colombia. Nakakaiyak Kuya Cesar.
Sa mga bansang mauunlad, kahanga-hanga ang kanilang pagmamahal sa kanilang wika. Sa Malaysia, ang mga pabatid sa trapiko ay nasa wikang Bahasa Malaysia. Sa kanilang mga bookstore, ang mga aklat ay nasa wika nila. Ang tawag sa Silicon Valley nila, Cyber Jaya at ang sentro ng kapangyarihan, Putra Jaya. Tayo, panay Ingles ang titulo, no left turn, industrial park at no swerving. Nang makabisita ako sa Alemanya at Pransya para sa kumperensya, ang mga aklat na mayroon sila ay nasa kanilang wika. Mayroon pa nga akong nakitang aklat ni F. Sionil Jose, isa mga higante ng ating panitikan, na nasa wikang Pranses. Nang dumalo ako sa magkahiwalay na panayam sa Universite de Paris-Sorbonne at College de France, nagbigay ng panayam ang pangunahing intelektwal nila na si Peirre Bourdieu sa Pranses kahit pa nga kalimitan ng nakikinig ay mga banyaga. Ang kanilang dahilan, aralin mo ang aming wika kung nais mong alamin ang nais naming sabihin. Nasa wika namin ang aming karungunan at wala sa iba. Wala man akong naitindihan kundi ang mga salitang maidemoselle, moinseur at, comment sava, naramdaman ko naman ang kanilang pagmamaghal sa wika.
Sa ating bansa, ramdam natin ang valorisasyon o sobrang pagpapahalaga wikang Inggles. Naghuhumiyaw ang katotohanang ito. Kapag magaling ka sa Ingles, matalino ka, at pag hindi, bobo. Muli, gusto kong mautot. Kapag balubaluktot ang Filipino katulad ng Filipino ni Vanessa del Bianco, cute, kapag balubaluktot ang Ingles, tumataginting na The Coconut-nut is a giant nut, BOBO. Kilitiin nyo ako, ayaw kong maiyak. Ipinaliwanag na ni Renato Constantino ang implikasyon ng ganitong kaisipan sa kanyang sanaysay na “The Miseducation of the Filipino”, subalit hanggang ngayon, hindi pa rin tayo matuto.
Kalimitan, sa mga unibersidad, second class citizen ang mga nagtuturo ng Filipino. Mas mataas ang pagkilala sa mga nagtuturo ng Ingles. Lagi’t lagi, sila ang ipinapadala sa mga kumperensya at pinapakinggan sa mga pagpupulong at pagbibigay ng desisyon. Ito ang reklamo ng mga guro sa ilang unibersidad na aking nabisita sa Visayas. Kalimitan daw, kapag Filipino ang subject, ibinibigay na lamang kahit kanino. Ang reklamo ng isa, PE ang kanyang tinapos, bigla siyang pinagturo ng Filipino. Paano nga naman siya magtuturo ng mahusay kung hindi naman niya gamay ang subject? Naranasan ko na rin ito minsan. Sa isang kumperensya, may nakalapit akong babaeng guro. Paumanhin sa mga babae pero babae talaga siya, may makapal na salamin, pinahiran ng crayola ang mukha, nakapusod na buhok at masansang na amoy ng pabango, amoy albatross. Teacher daw siya ng Ingles. And she likes daw Shakespeare ang James Joyce and all those western writers, hahahaha. Ano ba daw ang itinuturo ko at sino ang favorite writer ko, sabi ko Flipino. Namilog ang kanyang mga mata, humikab, tinanggal ang salamin at nagwikang: Oh really, so you teach sugnay, pang-uri, pangdiwa, at Balarila ni Lope K. Santos, hahahahaha. Ano ba daw ang Filipino sa French fries, piniritong Pranses, Hahahaha. Kung may hawak akong bomba atomika, ginawa ko ng Nagasaki at Hiroshima ang bunganga niya. Pero dahil gumagalang ako sa matatanda partikular na yaong mga amoy lupa, ngumiti ako. Ang sabi ko, walang literal na translation kasi wala naman sa ating kultura ang pagpipirito ng patatas. Eh di gamitin ang French Fries, sabi ko. Bilang pagresbak, sinabi ko naman na itranslate niya sa Ingles ang bikang-bikang, minukmok at sinaludsod. Bigla siyang natahimik. Ako naman ang nagtawa. Hahahahaha. Maya-maya, tinawag na ako para sa pagbasa ng aking papel. Ang papel ko’y ukol sa problematisasyon ng espasyo bilang larang ng pulitika gamit ang dalumat sa lunan ni Henri Lefebvre isang teorisistang Franses. Nang matapos na akong magbasa, muli akong nilapitan ni Miss Tapia. Nakangiting-nakangiti siya. Ang ganda-ganda raw ng papel ko. Hindi niya naintindihan. Malalim daw kasi ang Filipino ko. Ngayon, hindi na ako mabait, gusto ko na siyang ilibing ng buhay. Ang sagot ko sa kanya. “Hindi po malalim ang aking Filipino. Mababaw lang talaga kayo.”
Ito ang kasawian ng ating bansa. Hanggang ngayon, ang tingin sa Filipino’y wika ng mga katulong, pahinante sa dyip, kargador sa pier, maglalako ng pansit at taho. Hindi maisip ng mga Ingleserang Frankenstein at Dona Victorina na maaari ng gamitin ang Filipino sa mga diskurso at larang nga teorisasyon katulad ng hermenyutika, semiotika, post-istrukturalismo, post-kolonyalismo, konseptong habitus ni Pierre Boudieu, panopticon ni Michel Foucault at gahum/hegemonya ni Antonio Gramsci. Kawawa naman ang mga taong ito. Gusto kong maiyak para sa kanila.
Subalit hindi ko sinasabi na kalimutan na natin ang Ingles. Mali kasi ang pag-iisip ng marami na sa pagpapalakas ng Pambansang Wika, pinapahina ang Ingles. Tumataginting itong kauluan at kabobohan na walang kapantay. Dagdagan ko pa, super duper mega katangahan. Ayon nga kay F. Sionil Jose, wala ng makakapigil sa pagtatampok sa Filipino bilang pambansang wika. Laganap na ito sa media. Paano ba nakilala ng mga taga Visayas at Mindanao sina Dao Ming Zhi, San Chai, Marinara at Mulawin? Sa telebisyon at ano ang gamit na wika? Filipino.
Ito ang hamon sa ating lahat, ang pagtatampok sa wikang Filipino bilang pambansang wika sa lahat ng aspeto ng buhay, mulang akademya hanggang bahay. Sa panahon ng rumaragasang globalisasyon at homogenisasyon ng mga kultura, tanging Filipino ang ating pag-asa. Kaya naman, kapag ako’y nagagalit, hindi ako sumisigaw ng Fuck You, Putang Ina ang sinasabi ko.
Hindi po ako nagmumura. Fish Tayo. Maraming salamat.
****
Kinuha ang artikulong nasa taas sa website na ito: http://www.mauban.net/news/archives/000061.htm
Happy Birthday EIC!!!
Maligayang bati, maligayang bati, maligayang maligayang, maligayang bati!!!
Happy Birthday sa pinakamagaling na news writer at blog designer, cerified Lysolista at kasalukuyang editor-in-chief ng English newspaper sa Pisay,
si rayray!
Happy Birthday! at sana nakuha mo na yung pantalon na ginawa naming card. haha. in fairness, talagang nag-"travel from one person to another" ang travelling pants na yun ah!
sana lagi kang masaya at sana makapasok ka (sana rin kasama kami.. hehe..) sa nationals this year!!
continue WRITING FOR CHRIST! :D
7.22.2006
NATIONALISTIC mode: ON
nakakatawa yung ibang comment / tags sa blogs ng ibang tao.
yung blog ni domo, merong comment ng isang swedish girl na tinatanong kung anong language daw ba ang gamit ni domo. haha.
tapos kahit sablog ni krishna may nagtatanong kung anong language ang gamit niya. haha.
i wonder how it feels like to read Filipino blogs when you do not really know how to speak Filipino.
iba kasi ang pinoy blogs eh. since dalawa ang official languages ng bansa natin, inabuso natin masyado. in such a way na pinaghahalo natin yung english at tagalog.
kung english lang ang alam mo, e di weird yun basahin kasi yung ibang parts lang ang magegets mo. tapos may mga salita pang parang: nagadjust na hindi mo talaga alam kung english o filipino o ibang language pa ulit kasi nga pinaghalo.
kaya kung gusto mong maging unique. Maging iba. magkaroon ng sariling pagkakakilanlan (in short, identity). pwes gamitin mo ang mga bagay na Pilipinong Pilipino. ang wika mo, ang tradisyon at kultura mo, ang musika mo, ang puso mo. ITUON MO LAHAT SA PAGIGING PILIPINO.
gusto niyang sumayaw*
dirty kitchen
paulit-ulit
sa aking ulo
parang sirang plaka
nakakabobo
makinig ka sa radyo
wala na bang pagbabago?
hindi nagsasawang manggaya
kahit hindi nababagay
sariling kulay ay di na makita
tulad ng toyo ni aling maria
walang pagnanasang lasahan ang iyong pinanggalingan
ang lahat ng ginagawa ay para maabot ang langit
gusto niyang sumayaw
ng sariling sayaw
gusto niyang kumanta
ng sariling kanta
tuloy ang tawag ng aking gitara
ginigising ang aking alaala
samahan niyo akong bumalik sa pinanggalingan
samahan mo akong bumalik sa katotohanan
gusto niyang sumayaw ng sariling sayaw
gusto niyang kumanta ng sariling kanta
yehiyehiyeh...
*sayaw int song ng electron.
ngiti. tawa. halakhak. smile.
i have always wanted to smile. ever since i was a kid, i knew that amidst everything that would happen, i would still smile.
simply because i knew it wasn't for me, but for others.
seryoso. subukan mong ngitian ang tindera sa caf o kahit yung katabi lang ng bahay niyo. subukan mong ngitiian yung babaeng naglalagay ng mga pinamili mo sa isang plastic bag sa SM. subukan mong ngitian yung guard sa school o kaya yung babae sa counter sa mcdo.
subukan mo. kasi ang sarap ng pakiramdam.
ang sarap ng pakiramdam na ngingiti sila pabalik at na KAHIT SANDALI lang at kahit pagod na pagod sila dahil sa trabaho nila, napangiti sila. DAHIL SA'YO.
tama si krishna:
"kasi, sa bawat simangot na ipakita ko sa mundo, isang ngiti ang nawawala. ikaw ba, pag nakasalubong ka ng isang taong parang galit na galit sa mundo ay makakangiti pa sa kanya? pero kung ikukumpara mo iyon sa panahong makakasalubong ka ng isang taong nakangiti at maaliwalas ang mukha.. di ba't mas gagaan ang loob mo sa pangalawang nabanggit? sa bawat pagsimangot kasi, at least isang tao ang maaapektuhan mo. sayang naman kung dahil lang malungkot ka ay nabawasan ang saya ng iba. langya ka."
kaya ok lang para sa akin na itago ang lungkot na nararamdaman, kahit sa mga matalik ko pang kaibigan.
para sa akin, kapalit ng lungkot na 'yon ang pagngiti nila. ok na ko do'n.
Learn from these words, ryan.
"Your life, while you don't have everything you want, you have everything you need."
--> garrick
"The more anger towards the past you carry in your heart, the less capable you are of loving the present."
--> domo
7.15.2006
to the long weekend that I wasted. AGAIN.
anu ba. ang dami ko palang dapat gawin. grr. bad trip.
***
the COCC training last thursday was supposed to have a blog entry of its own. pero, kasi naman, alam niyo namang hindi ako masyadong nagsusulat tungkol sa mga pangyayari sa buhay ko unless NABAGO nun ang kung anu man sa buhay ko.
eh anu ba kasing nangyari nung thursday? isa lang: NAPAGOD kami. SOBRA. SOBRA SOBRA. AS IN GRABE. did i say sobra? anyway, we were able to get our prize though.
yap, ladies and gentlemen, lahat ng member ng COCC ay kasal na. We now have our lovely wives. kilig!
***
PERFECT ang aming capsule proposal! can you believe it? ako din eh, hindi makapaniwala!
Finally, after 1 whole year, nakakuha rin ako ng uno galing kay Tafaleng. shet achievement to! seryoso, at walang halong pagmamayabang, ACHIEVEMENT 'to!!
CELEBRATE!! CELEBRATE!! CELEBRATE!! CELEBRATE!!
***
i have been reading the blogs of lower batches. haha. wala lang. puro rants. about high school. about their broken love. about practically things that I would never write about except when it's my topic for a fiction story (or siguro exception yung high school part. hehe. i love to express my deepest hate on pisay requirements through this blog).
ayun. wala lang. siguro naghahanap lang ako ng blogs mula sa lower batches na may katuturan yung posts. yung tipong maiinspire kang magblog dahil sa posts niya. parang yung kay garrick (yikee. papalakpak ang mga tenga niyan kapag nabasa niya 'to.) at yung kay mithi. tsaka yung kay ray2 (pero madami ka ring rants eh. pero most of the time naman may lesson fr the day ang mga posts mo. haha.) at reish.
wala lang. haha, in fairness, kasali ang post na to sa category ng mga rants ah. hehe.
the TAPE
sa lahat ng taong bumati, kumanta, at umorder ng bigmac at large fries sa tape na yun, MARAMING salamat.
sobrang natuwa din ako kasi napakanta ng tape recorder na yun ang dalawang future Philippine Idols - sina Ben at Krishna. Wow. Fan niyo na ko ngayon. Pramis.
Salamat ng maraming-marami krishna at dani. It made me smile. wow.
just so you know, that green tape made my birthday EXTRA EXTRA special.
7.12.2006
Alay sa teatro, sining, kultura at PAGKAPILIPINO
*wow. o eto, basahin mo. nang tuluyan ka nang mauntog sa pader at magising sa katotohanan. maraming salamat sa pagsulat nito ginoong juan crisostomo andaluz.
Mon Jul 10, 2006 9:45 pm (PST)
Kung si Superman RETURNS, ang OYAYI ganun din.
(Sa SM din, megamall. Pero hindi IMAX kaya mas mura, hindi 3D, pero
LIVE, walang daya.)
Sa lahat po ng mga artista, artistahin, mukhang artista, nagpipilit
maging artista, pormang artista lang at kahit yung pawang mga
maaarte lang. Paanyaya po sa inyo.
Superman, Batman, at iyong iba pang mga man, Mcdo, Adidas, NBA,
Julia Roberts,RENT, Da vinci Code, X men, Cats, Harry potter, Miss
Saigon, Hillfiger, La coste, Ford, Dwayne Wade, George Bush, Tom
Hanks, New York, Mickey Mouse, Jay Leno, Oprah Winfrey, Levis,
Amway... At maraming, marami, mmmmaaaarrrraaaammmmiiiii.... pang
iba.
Lahat ng nabanggit ay mga bukambibig natin dahil mas magaling, mas
sikat, mas maganda, mas sosyal, WORLD CLASS, at lahat ng hindi
katunog nito ay walang kwenta, baduy, cheap, pangit, jologs. lalo na
yung mga katunog ng OYAYI, Pag-Ibig, Sinisinta, Jolina, Jollibee,
pidro shirt, magandan umaga, darna, minsan pati nga bayang magiliw
eh,nasanay tayo, o sinanay ng lipunan o kultura na ganito ang pag
trato sa kahit anung gawang pinoy, Unang una na ang maling pagtingin
sa ating wika, at mababang pagtingin sa mga hindi nakakapagsalita ng
ingles. Pansinin ang dalawang pumasok na tao sa isang fast food
restaurant, Yung una, sabi niya, " Can i order that and that and
that..." ok ma'm, anymore order, it will just take a while.. and
your bill is.... sagot ng crew.(with all smile and very respectful)
Yung pangalawa, " miss, isa nga nun, at saka dagdagan mo pa nito, at
pahingi ng tisyu ha,... sandali lang! P 358.99 nga pala ang bill
ninyo, sagot ng crew.( siguro alam ninyo na ang hitsura ng tindera.
Kahit saan ka magpunta, ganito ang tingin sa kanila, Ilang beses
nating pinagtawanan ang mga beauty contestant sa pagsagot ng pilipit
na ingles, habang kilig na kilig tayo sa turista at balikbayan na
bulol mag tagalog. " "Expected daw sa atin kasi second language na
natin ang Ingles," At sinuman na magsalita nito ng mali ang grammar
at intonation pattern ay mortal sin. Oo nga pala, Globalization na
ang uso, kaya dapat daw mataas ang "English Proficiency," natin,
kasi nakakahiya at hindi tayo makakkuha ng trabaho, At lalo tayong
manguguleleat sa industriyang kahit ano, kung tanga tayo dito,, tsk¡Ã„
tskkk. Tsss..kkk. Hhmm. Kuleleat na kaya ang bansang Hapon?,¡Ã„
China?...... Hmmm, Germany?,,, France¡Ã„.? Rome¡Ã„. Hmmm, ¡Ã„¡Ã„.
Pansinin ang mga kasali sa beauty pageant ng mga bansang ito, hindi
ba may mga interpreter? Pero kahit ako, hindi ko nakitaan sila ng
pagkahina ng ulo, or sabihin na nating bobo. Kumpara sa mga Pinay at
Pinoy na kailangang matatas sa Ingles. Dahil pag nagkamali ka ng
sagot siguradong sa kangkungan ka na pupulutin. Nasanay na tayo na
ang basehan ng talino, ay ang galing sa pag ingles..
Tama kayang isipin na siguro kaya hindi tayo umuunlad kasi, may
problema sa komunikasyon? Partikular na ang paggamit sa wika,
Marahil kasi hindi naiintindihan ng iba ang kanilang mga binabasa at
sinasabi.
Bakit kaya tanggap ang mga salitang Fuck, Shit, Ass, bitch, kesa
putang ina, pwet, puke.? Nakakahiya naman yata pati mura mas gusto
natin ang ingles.
MAs gusto nating gawin ang sa banyaga, Mas gusto natin siyang
ipalabas, Mas gusto natin ang kulay, amoy, tingin, pag-iisip,
pananaw, buhay. Sana nga State of Philippines, ng AMERICA na lang
tayo, para wala ng isyu, maliwanag na Amerkano na tayo at yeheeyyy
magkakaroon na siguro ng snow.
Anu na kaya ang ating kultura? Naiisip mo ba kung bakit walang
makuhang material ang Hollywood sa Pinas? Hindi katulad sa China,
Japan, Malaysia, Taiwan, na pinupuntahan at hinhiraman na ng kultura
at impluwensiya ng Amerika . (The Last Samurai, Memoirs of a Giesha
etc.) Siguro kasi nakikita nito ang mabababang klaseng replica ng
kanilang kultura.. Tingin ko lang ha, baka naman mali ako.
Minsan iniisip ko , Anu ba ang tunay na kahulagan ng Globalization?
Ang sabi kailangan daw na ang produkto natin ay pumapasa sa Quality
at World Standard, kailangan kapareho ng produkto nila. Praktikal,
matibay, maasahan, maganda, makulay at kapakipakinaabang upang
magamit at tankilikin ng husto. Ahhh , siguro, kaya tayo nangagaya..
Alam ko na¡Ã„ Yun pala yun, hindi naman pala masama. Pero, teka,,
hindi kaya mali yun? Yun ba talaga ang nais sabihin ng
globalization?... Hindi kaya ganito:
Maglilikha tayo ng sarili nating produkto( industryal,
kommersyal,sining at kultura) na kasing tibay, maasahan, mas makulay
at maganda at lalaong makabuluhan at kapakipakinabang, upang
tankilikin, alamin, pag-aralan, matutuahan, GAYAHIN ng Mundo. Siguro
mas tama yun. Kesa tayo ang mangagaya.
Mabibilang sa daliri kung kelan dinumog ang mga dula sa CCP ng
Tanghalang Pilipino, kung kelan dinayo ang PETA sa E. Rodriguez, at
kung kelan pinilahan ang mga pelikula ng mga bagong punla ng
CINEMANILA. Hindi maikakaila ang impluwensiya ng MEDIA, pero
nakakalungkot isipin na katulong ito particular na ang TV sa paglala
ng problema, dahil hindi ka bibigyan ng malaking espasyo sa
kanilang programa, kung hindi kasali si Sharon Cuneta, at Lea
Salonga at iba pang malalaking artista, misan madadaan sa pakiusap,
at pagbibigyan ka ng isang minuto sa ere, dahil para sa kanila mas
mahalaga ang boypren ni madam auring, love affair ni Mahal at Mura,
pati na siguro sa pagmamaktol ni Booba. Kailan pinansin at binigyan
ng oras ang makabuluhang sining, isa, dalawa, tatlo? Hindi ko na
matandaan kasi abala ang telibisyon sa pagaya sa Big Brothers,
pagpapsikat sa mga telenobelang chekwa, at pabili na lamang ng mga
naka kahon ng banyangag programa, Kaya wala tayong magawa, kundi
tumunganga at mabilog ang nakatutok na malaking mata. Habang ang
karapat dapat ay nanatiling namamalimos ng pansin, pagkilala,
pagpugay at pera.
Kailan pinansin sa magasin ang mga magagaling na Artista? Kailangan
mo munang pumila at kumita sa Broadway at West End. Kailangan mo
munang manalo ng award, para pagkaguluhan ka kasi sabi nila WORLD
CLASS ka daw. Pero iyong iba na kakarampot lamang ang sahod sa
teatro at pelikula minsan naloloko pa at hindi nababayaran. Matapos
maholdap, dahil sa pag uwin ng gabi dahil naka dyip lamang, matapos
masuntok, matadyakan, at mabatukan sa pelikula ni Direk_ _ _ _ _ ,
kawawa naman. Kadalasan hindi na natin napapansin ang kanilang
paglisan dahil abala ang karamihan kina Judy Ann.
Natural na ito, araw araw nangyayari, hindi napapansin, para ngang
walang epekto, mukhang tanggap na lahat natin ang ganitong sistema,
at para baguhin mo ito kakailanganin mo ang malakas na paghila
pabababa sa mga nagtataasang kilay ng mga tao.. At sinu ka para
baguhin at pakialaman ito. Ang laging reaksyon ay kibit- balikat na
Lamang, konting iling, at maglalakd na lamang palayo habang
nakatingin sa hindi malaman.
ISang buod ng ideolohiya ng dulang Oyayi ang nalahad. Mga pananaw,
mga ugali, maling pagtingin, matigas na pagtutol, maririing
pagtanggi, walang magawang pagtangqap sa nakasanayan. Ilang mga
kaisapan na masusuri sa dulang OYAYI, na humhanap ng solusyon sa
wastong pagtuklas sa tunay na kultura at sining at PAGKAPILIPINO
natin. Mahirap ang adhikain. madaling isulat, madaling isayaw at
kantahin, pero mahirap gawin. Subalit kailangan simulan... at
tukuyin, matagal na panahon ang gugugulin. Maraming isyu at tao ang
kakalabanin.
Kaya po, panyaya muli, kung wala kayong gagawin sa 5, Agosto, 2006,
Puntahan at panoorin ang dulang OYAYI, 2005 Aliw Awards Best Musical
Play, ni Frank G. Rivera at idinirehe ni CJ Andaluz, pinagungunahan
nina Bodjie Pascua, Carlo Maceda, Winnie Cordero, Danny Magisa,
Richard Arellano, Joan Co, Krista Taclan at Mark Pedirigan,
suportado naman ng dalawang pu pang mga artista, sa SM Megamall,
Cinema 4, 10:00am, 1:00 p.m., at 4:00 p.m.handog ng PIXEL ART MEDIA
PRODUCTION CO. sa interesado po na manood, magtanong, makitsimis,
makitambay, matuto at magising tumawag lang po sa 845-26-59, sa
diskwento sa tiket lalo na po ang mga taga CINEMANILA, ALYANSA, at
lahat ng Makikibaka. At kung mabobola ninyo ang sasagot sa telepono,
baka libre pa.
Oyayi, huling hirit sa entablado, na sana ay sa disyembre maging
pelikula na ito... Abangan..
Lahat ng tao ay nakakulong sa isang hawla, hindi nakikita ng tulad
mo, tulad ko¡Ã„
Ngunit bakit ba, may mga taong mas Malaya, kaysa sa iba¡Ã„..
Ewan ko¡Ã„¡Ã„
--> juan crisostomo andaluz
(ito ay mula sa egroup ng sindi-katok)
7.07.2006
7.03.2006
The EMERALD that was.
Natatandaan mo pa ba
Nang tayong dalawa ay unang nagkita
Panahon ng kamusmusan
Sa piling ng mga bulaklak at halaman
Doon tayo nag simulang
Mangarap at tumula
Nakakalungkot isipin na minsan sobrang solid nitong grupo na 'to. Na minsan rin siyang hinangaan dahil sa lakas ng pagkakaibigan na nabuo nila. Na minsan ko ring inisip na, finally, thank you Lord!, because this is the kind of friendship that I wanted.
Siguro kasi kahit na sabihin na rin nating dumami na yung kaibigan ko sa pisay, itong grupong 'to lang talaga ang mapagkakatiwalaan ko sa lahat. kasi ito lang yung tumanggap sakin bilang ako at bilang tao.
dramatic 'to alam ko. pero ganito yata talaga yung masasabi mo kung malalaman mo na marami na rin palang lamat yung emerald na minsan mong hawak.
Natatandaan mo pa ba
Inukit mong puso sa punong mangga
At ang inalay kong gumamela
Magkahawak-kamay sa dalampasigan
Malayang tulad ng mga ibon
Ang gunita ng ating kahapon
Una si silent_grip. those were hurting words. at kahit pakiramdam ko walang credibility yung sinabi niya, ang lakas pa rin ng impact na may na-"outcast" sa grupo.
Panagalawa yung isang blog. May strikethrough yung eme sa description niya sa sarili niya. ang sakit sa pakiramdam kasi siya yung isa sa mga tao na sobrang pinagmamalaki ko na naging emeraldian.
Pangatlo yung mga taong napalayo na ng tuluyan. Bakit ilang beses ka na bang nakapag-hi kay Gian Acedo? o kahit kay Lia man lang? Ilang beses ka na bang nakipagkwentuhan kay Llyza, o kahit kay Mari lang?
Pang-apat yung mga taong napalayo na hindi mo man lang napansin. Yung mga taong pakiramdam nila ngayon di mo na sila kaibigan. Oo, may ganun. At alam kong hindi mo napapansin. Ako rin mismo hindi ko namalayan.
Panlima, andami nang mga nangyayari na naglalayo sa dalawang tao sa loob ng grupong to. alam niyo na kung ano yun.
Ang mga puno't halaman
Ay kabiyak ng ating gunita
Nagseselos ako sa'yo. Period. Siguro kasi ang galing mong makisama na parang ang daling maka-attach ng ibang tao sayo. Kaya pakiramdam ko tuloy pinalitan mo na ko sa barkada. No big deal, actually, pero ewan. Ganun yung feeling eh. Pero alam mo, naaawa ako sa iba mo pang bestfriends. Kasi sila mismo, pakiramdam ko, nagseselos sa mga bago mong kaibigan ngayon. Tama si **********, in a mater of life and death, baka nga mas piliin ka pa nila.
Hindi naman sa selfish, pero ganun yung pakiramdam eh. You have the big tendency to make someone feel replaced.
Sa pag-lipas ng panahon
Bakit kailangang din lumisan?
Miss ko na kayo. Sobra.
Panapanahon ang pagkakataon
Maibabalik ba ang kahapon?
Chaos.
Oh yeah. you said so. ang dami kong depressions ngayong mga panahong ito.
AS IN.
Nakakalungkot isipin na ginusto ko pa namang simulan yung school year ng tama pero parang i'm still powerless over those things that I should have control with..
Nakakainis. at nakakaiyak. kasi wala na akong sanctuary.
sa tuwing nagiging hell ang mga bagay-bagay dito sa bahay, pisay ang aking takbuhan.
kapag pisay naman ang nakakaiyak, sa bahay ako nagpapahinga.
PERO PAANO KUNG SABAY NA?
Shet. wag naman kayong ganyan. sobrang nahihirapan na kong maka-cope-up. di ko na alam kung ano dapat ang uunahin kong isipin.
Depressed mode: ON.
Jesus, Kaw na bahala. di ko na alam...
6.17.2006
Why the "Cars" movie SHOULD be controversial.
haha. hahaha. hahahaha.
grabe, tawang-tawa ko dito. ang galing mo pito. haha.
galing kay pito:
"Nanood kami ng Cars. Ganda ng sine, akala ko dati corny kasi tungkol sa mga buhay na car - parang lahat ng tao ginawang car. At hindi lang yon, may mga hayup din na car. (Hindi hayup as in "haaayuup!!". Hayup talaga, 'yung may buntot/pakpak) Nagustuhan ko. Pero may mga tanong kami na hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan. Nakakagulo. Nakakabaliw. *say it with me* Nakakapagpabagabag.
1. Paano nanganganak ang cars? Paano sila nagpapakita ng affection in the first place?
2. Paano lumalaki ang mga batang cars?
3. Kapag pinanganak ang car, ang trabaho ba niya paglaki niya nakatakda na dahil sa itsura/uri niya?
4. Ano ang mga inaaral ng batang cars habang na sa school sila?
5. Bakit may mga cow na cars(tractors)? Para saan yung pagsasaka?
6. Sino ang nakikinabang sa mga bangketa?
7. Bakit may parking lot sa labas ng race stadium, e lahat ng cars nanonood sa loob? Ano 'yun, para sa mga alipin?
8. Saan nililibing yung cars kapag namatay na sila?
9. Ano itsura ng asong car?
10. Racing lang ba ang sport ng mga cars?
11. Ano itsura ng cars noong panahon ng mga Dinosaur?
12. Ano ang hinahatak ng kalesang car? Car din ba???"
haha. ayos.
waw
There are two ways to live your life.
One is as though nothing is a miracle. The other is as though everything is a miracle.
- Albert Einstein
6.07.2006
What's with chinese people?
Well, apparently, mukhang "in" maging chinese ngayong mga panahon na 'to. Bakit? ewan, pero apparently, magaling ka sa math, matalino ka, magaling ka sa basketball, at sweet ka.
haha.
anlabo.
rob kasi eh. deh. tingin ko epekto lang ng AJSS yan eh. Sa mga nag-AJSS ngayong taong 2006: Anong ginawa niyo kay rob? Lalu ka na Ms. Mau? Di na naman makatulog yung kaibigan ko dahil sayo! haha.
pero di nga, bakit in yata yung chinese thing ngayon?
i mean, come on, chinese ang crush kong si "kim". :P
****
to cheska and rob, I don't like the hotseat thing. haha. It makes us sound like pathetic stereotype high school girls cheering for their crushes while they wacth them play basketball.
Haha. So not like us. epekto ng AJSS sa inyo!
****
anyway, successful ang SK play namin. naks! congrats katoks! galing!
REPLY to the 06-Sagala dude
the COMMENT of the 06-SAGALA dude:
hello! i know super old na nung entry mo about the president of india thing, pero i came across it sa google e. yung tungkol sa sagala, mejo masasakit yung sinabi mo about the club. nasaktan ako kasi sobrang mahal ko ang club na yun. part ako nung present
*presentation na yun and i think the whole group (cesium and sagala) did pretty well, dont you think?
hindi lang naman dahil nakasanayan niyo na ang sagala ay puro modern moves, hindi ibigsabihin nun ay hindi rin namin kaya yung ethnic dances e. sayaw parin yun, diba?
and we never complained about how sucky the instruments sounded sa gym. if there were a couple of comments heard from certain members, hindi yun opinion ng buong club. another thing, about getting all your breaks during YMSAT
..we had no choice ok. we were told to practice with you, and hindi lang breaks niyo ang kinuha.. samin rin.
nakakabwiset lang na tingin niyo kayo lang ang nagssacrifice dyan. alam kong luma na tong issue na toh and there's no use to fight about this pero..
i just thought it would be better if i gave you a piece of my mind about this. kesa naman itago ko lang til i boil over and explode.
i cant help but take this personally because i honestly love the club. but hey, this is your blog and you can say whatever you like
*******
My REPLY:
naks naman. anyway...
First of all, I HATE ANONYMOUS TAGS AND COMMENTS. lalu na kung may gusto kang sabihin/kontrahin/laitin na kahit ano dito sa post ko. kasi para sakin, kung ano ung palagay o opinyon mo, dapat panindigan mo. ikaw nagsabi niyan eh. kung hindi mo ilalagay ang pangalan mo, para mo na rin sinabing ayaw mong matali sa kung ano yung binibitawan mong salita.
Kaya kung mababasa mo pa to, magsabi ka ng pangalan, magbigay ng link o kung anu man.
Second of all, sana nagcomment ka na lang. Para kyut tingnan. E di sana may comment yung post na yun di ba?
Third, waw ang tagal na nun. Feb 3, 2006?!?! ang layo na nun! I never thought google would give away my link to people. tsktsk. bad google. I don't care if someone from sagal would read it though. Involved naman kayo eh, so why not di ba?
Fourth, hindi lahat ng nakasulat dun eh kayo ang tinutukoy. Hell no. Katulad na lang nung topic na "may nagsabing pangit yung tunog ng instruments namin." Eh hindi naman kayo yun eh! Kaya ko nga sinabing: "I would not mention who kasi duh I would be in a lot of trouble".
Yun, pasensya na kung vague pero yung third at fourth paragraph lang talaga yung para sa inyo. Hindi na kayo yung iba so wala nang saysay na mag-react kayo dun.
In short, hindi ko sinabing sinabi niyo na ang "sucky" nung instruments namin, na kinuha niyo ang breaks namin, at lalung hindi namin inisip na KAMI lang ang nagsacrifice dun sa presentation na yun. Hindi kayo yung tinutukoy ko, period.
Wala lang. Para malinaw. Ang nagyari kasi inakala mo na sinisi ko kayo sa lahat ng kamalasan ng section namin nung mga panahon na yun eh pero hindi naman talaga. Ayun, I hope you feel better after knowing that.
Fifth, pinaninindigan ko ang sinabi ko na hindi k pa kayo nakikitang sumayaw ng ethnic/cultural o kung anu man bago ang presentation na yun. Unfortunately, sa statement ko na yan dinerive yung opinions ko. And I humbly say sorry. Pero medyo modern naman talaga yung IBANG moves niyo, di ba? So yun. I even said it looked good. Pero yun nga, PARA SA AKIN, it defeats the our concept of having a SOLID cultural dance.
Opinyon ko yun. hindi ng cesium at hindi ng batch 07. And i hope you can respect that.
Sixth, yes, Cesium and Sagala did pretty well. I agree. Medyo hindi nga lang tayo napansin dahil nagmamadali yung presidente ng india pero what the heck, maganda pa rin.
THE SEVENTH, and most important of them all, I believe hindi ka dapat nasaktan sa mga sinabi ko pero kung nakakasakit nga talaga yung mga yun, I say sorry. Pero paninindigan ko na hindi naman talaga kayo dapat masaktan. Kasi yung iba mong sinabi na nasaktan ka hindi talaga kayo ung tinutukoy ko eh. And I explained why my opinion about Sagala's modern dancing bothered me. So yun.
And I have personal reasons why I dislike some of the members kaya misan nadadamay yung buong club. But I never hated the club. Yun lang.
Salamat, kasi nagreply ka. At salamat kasi nirespeto mo yung opinyon ko. Yun yung pinakamahalaga dun.
6.04.2006
Why? Because its the pentecost today!. Astig kasi may sumayaw pa kanina nung nagsimba kami at may mga decorations pa yung simbahan. Wala lang. :)
And I feel refreshed after Chruch. Ang sarap. :)
***
Panig ako sa Iran when it comes to its rights for the enrichment of uranium. Kahit na sabihin mo pang may malaking posibilidad na gumawa sila ng atomic bomb.
Panig pa rin ako sa kanila kasi bakit ang U.S. mismo na siyang sobrang tutol sa pagkakaroon ng Iran ng nuclear abilities, merong Atomic bomb?
Isa pa, nung nasa PHIVOLCS kami, natutunan namin na mismong U.S. ang hindi pumirma sa isang nuclear test ban treaty na dapat sana ay pipigil sa mga bansa na mag-test ng nuclear weapons mapahimpapawid, mapa-dagat, o mapa-lupa. Hindi sila pumirma kahit halos lahat ng bansa pumirma.
Besides, ano pang karapatan nilang sabihin na dapata sumunod ang Iran sa U.N. Security Council gayong sila mismo, nung sinabihan sila ng council na wag ituloy ang digmaan laban sa Iran, hindi nila ito sinunod?
Ang kapal ng mukha ng U.S.
Agree ako dun sa supreme leader ng Iran: "They (America and its allies) just want to monopolize energy. They want us to beg for energy."
Sana lang talaga gamitin ng Iran sa mabuti yung nuclear abilities nila para maging isang malaking sampal sa Estados Unidos na, di gaya nila, alam ng mga maliliit na bansa kung paano gamitin ang SCIENCE ng tama.
6.01.2006
electron ang unique na section ngayong fourth year dahil:
- nandun ako. :)
- yun lang ang tanging sub-atomic particle. yung iba kasi sub-sub-atomic particle na.
- yun lang ang may negative charge.
ayun. but no matter how unique it is, i don't feel too happy about it. MAsaya lang ako kasi kasama ko dun si iel, clar, fatima, ivy at greggy. sila lang kasi close ko dun eh.
besides, I wanted to have other people as my classmates. last year na eh. tapos di pa natupad. I worry a lot because I want my last year in Pisay to be a blast, with my closest friends nearby. oh well.
hay. guess I must not judge them yet, right? malay mo maging bonded kami. naks!
sa lahat ng kabilang sa ELECTRON 2007:
sali na kayo dito --> http://groups.yahoo.com/group/electron07
let the fourth year begin!
Currently Listening: First Day High - Kamikaze
5.29.2006
[01] I have read a lot of books.
[ ] I have been on some sort of varsity team.
[ ] I have run more than 2 miles without stopping.
[ ] I have been (or wanted to go to) to Canada.
[02] I have been (or wanted to go to) to Europe.
[03] I have watched cartoons for hours.
[04] I have tripped UP the stairs. //Lots of times.
[ ] I have fallen down an entire flight of stairs.
[ ] I have been snowboarding/skiing.
[05] I have played ping pong.
[ ] I swam in the ocean.
[ ] I have been on a whale watch.
[06] I have seen fireworks.
[07] I have seen a shooting star.
[] I have seen a meteor shower.
[08] I have almost drowned.
[09] I have been so embarrassed I wanted to disappear.
[] I have listened to one CD over and over and over again.
[ ] I have had stitches.
[ ] I have had frostbite.
[ ] I have licked a frozen pole and got stuck there.
[10] I have stayed up 'til 2 doing homework/projects.
[] I currently have a job. //I'm a businesswoman! Haha.
[ ] I have been ice skating.
[ ] I have been roller blading.
[ ] I have fallen flat on my face.
[11] I have tripped over my own two feet.
[12] I have been in a fist fight.
[13] I have played video games for more than 3 hours straight.
[14] I have watched the Power Rangers.
[15] I attend Church regularly.
[16] I have played truth or dare.
[ ] I have already had my 16th birthday.
[ ] I have already had my 17th birthday.
[17] I've called someone stupid.
[18] I've been in a verbal argument.
[19] I've cried in school.
[20] I've played basketball on a team.
[ ] I've played baseball on a team.
[ ] I've played football on a team.
[] I've played soccer on a team.
[] I've done cheerleading on a team.
[21 I've played softball on a team.
[22] I've played volleyball on a team.
[ ] I've played tennis on a team.
[ ] I've been on a track or cross country team.
[23] I've been swimming more than 20 times in my life.
[ ] I've bungee jumped.
[ ] I've climbed a rock wall.
[] I've lost more than $20.
[24] I've called myself an idiot.
[25] I've called someone else an idiot.
[26] I've cried myself to sleep.
[27] I've had (or have) pets.
[ ] I've owned a spice girls CD.
[ ] I've owned a Britney Spears CD.
[ ] I've owned an N*Sync CD.
[ ] I've owned a Backstreet Boys CD.
[ ] I've mooned someone.
[ ] I have sworn at someone of authority before.
[28] I've been in the newspaper.
[29] I've been on TV.
[30] I've been (or wanted to go to) to Hawaii.
[31] I've eaten sushi.
[32] I've been on the other side of a waterfall.
[] I've watched all of the Lord of the Rings movies.
[33] I've watched all the Harry Potter movies.
[ ] I've watched all of the Rocky movies.
[] I've watched the 3 Stooges.
[] I've watched "Newlyweds" Nick & Jessica.
[34] I've watched Looney Tunes.
[ ] I've been stuffed into a locker/I have stuffed others into lockers.
[35] I've been called a geek.
[36] I've studied hard for a test and got a bad grade.
[37] I've not studied at all for a test and aced it.
[ ] I've hugged my mom within the past 24 hrs.
[ ] I've hugged my dad within the past 24 hours.
[ ] I've met a celebrity/music artist.
[38] I've written poetry.
[ ] I've been arrested.
[ ] I've been attracted to someone much older than me.
[39] I've been tickled till I've cried.
[40] I've tickled someone else until they cried.
[41] I've had/have siblings.
[42] I've been to a rock concert.
[43] I've listened to classical music and enjoyed it.
[44] I've been in a play.
[ ] I've been picked last in gym class.
[ ] I've been picked in that middle-range in gym class.
[] I've cried in front of my friends.
[] I've read a book longer than 1,000 pages
[ ] I've played Halo 2.
[] I've freaked out over a sports game.
[ ] I've been (or wanted to go to) to Alaska.
[ ] I've been (or wanted to go to) to China.
[ ] I've been (or wanted to go to) to Spain.
[ ] I've been (or wanted to go to) to Japan.
[ ] I've had a fight with someone on AIM.
[45] I've had a fight with someone face-to-face.
[46] I've had serious conversations on any IM.
[47] I've forgiven someone who has done something wrong to me.
[48] I've been forgiven.
[] I've screamed at a scary movie.
[ ] I've cried at a chick flick.
[49] I've watched a lot of action movies.
[] I've screamed at the top of my lungs.
[ ] I've been to a rap concert.
[ ] I've been to a hip hop concert.
[ ] I've lived in more than 2 houses.
[50] I've driven on the highway/been on the highway.
[] I've driven more than 40 miles in a day/been in a car that went more than 40 miles in a day.
[] I've been in a car accident.
[ ] I've done drugs.
[51] I've been homesick.
[52] I've thrown up.
[ ] I've puked on someone.
[53] I've been horseback riding.
[ ] I've filled out more than 10 myspace/LJ surveys.
[54] I've spoken my mind in public.
[55] I've proved someone wrong.
[56] I've been proven wrong by someone.
[57] I've broken a leg.
[ ] I've broken an arm/fingers.
[58] I've fallen off a swing.
[ ] I've swung on a swing for more than 30 minutes straight
[] I've watched Winnie the Pooh movies.
[ ] I've forgotten my backpack when I've gone to school.
[ ] I've lost my backpack.
[59] I've come close to dying.
[ ] I've seen someone die.
[60] I've known someone who has died.
[61] I've wanted to be an actor/actress at some point.
[ ] I've done modeling.
[62] I've forgotten to brush my teeth some mornings.
[63] I've taken something/someone for granted.
[64] I've realized how good my life is.
[65] I've counted my blessings.
[66] I've made fun of a classmate.
[] I've been asked out by someone and I said no.
[ ] I've slapped someone in the face.
[ ] I've been skateboarding.
[67] I've been backstabbed by someone I thought was a friend.
[68] I've lied to someone to their face.
[69 ] I've told a little white lies.
[ ] I've taken a day off from school just so I don't go insane.
[ ] I've fainted.
[ ] I've had an argument with someone about whether cheerleading is sport or not.
[70] I've pushed someone into a pool.
[71] I've been pushed into a pool.
[72] I've been (or am) in love.
ayan rayray. ginawa ko to. amboring.. :P