Why? Because its the pentecost today!. Astig kasi may sumayaw pa kanina nung nagsimba kami at may mga decorations pa yung simbahan. Wala lang. :)
And I feel refreshed after Chruch. Ang sarap. :)
***
Panig ako sa Iran when it comes to its rights for the enrichment of uranium. Kahit na sabihin mo pang may malaking posibilidad na gumawa sila ng atomic bomb.
Panig pa rin ako sa kanila kasi bakit ang U.S. mismo na siyang sobrang tutol sa pagkakaroon ng Iran ng nuclear abilities, merong Atomic bomb?
Isa pa, nung nasa PHIVOLCS kami, natutunan namin na mismong U.S. ang hindi pumirma sa isang nuclear test ban treaty na dapat sana ay pipigil sa mga bansa na mag-test ng nuclear weapons mapahimpapawid, mapa-dagat, o mapa-lupa. Hindi sila pumirma kahit halos lahat ng bansa pumirma.
Besides, ano pang karapatan nilang sabihin na dapata sumunod ang Iran sa U.N. Security Council gayong sila mismo, nung sinabihan sila ng council na wag ituloy ang digmaan laban sa Iran, hindi nila ito sinunod?
Ang kapal ng mukha ng U.S.
Agree ako dun sa supreme leader ng Iran: "They (America and its allies) just want to monopolize energy. They want us to beg for energy."
Sana lang talaga gamitin ng Iran sa mabuti yung nuclear abilities nila para maging isang malaking sampal sa Estados Unidos na, di gaya nila, alam ng mga maliliit na bansa kung paano gamitin ang SCIENCE ng tama.
No comments:
Post a Comment