2.04.2006

I'm so dam tired I can't even think of a title!
bakit kamo? aba, sisihin niyo lahat si PI, este, si President of India na dadating sa Pisay sa monday, Feb. 6. Fine, we feel so honored that III-Cesium was chosen (chosen nga ba? o wala nang ibang maipasok??) to be one of the two groups (the other one was himig agham) who are going to perform in front of PI, este, President of India. Pero naman! Una, kasama namin ang SAGALA. waw. SAGALA currently consists of members (except si Revee!) from the two batches I dislike. sige na opinionated na. I shall be held responsible for what I'm saying. pero, still this is my blog. my opinions ARE supposed dominate it. Anyway, hindi naman yun ang rason kung bakit humindi ako kaagad kay ma'am duallo nung sinabi niya na kasama ang SAGALA. Humindi ako dahil SAGALA yun. hello? kelan niyo ba huling nakita ang SAGALA na magperform ng cultural dance? hindi pa nga ata eh. and the point is, TRIBAL ang concept namin. as in cultural dances wounded up together into a single performance. wala lang. I immediately figured they won't like the concept - our concept. Siguradong hahaluan nila n ng modern moves. and they did. it looks good pero it defeats the purpose of being cultural and traditional. antgal din naming ginawan ng paraan paa maging tribal yung tunog nung kanta ah. :P Pangalawa, they (I would not mention who kasi duh I would be in a lot of trouble) are insensitive. Bigla ka na lang nilang tatanggalin sa pagkanta at pasasayawin ka. (waw. so much for my being a part of Himig Agham) sahit sa ego. hehe. pero okay lang naman. tapos ang panget daw nung tunog nung instuments namin sa gym. DUH! walang acoustics ang gym!! sabi nga ni Cy: "The pitch changes every half-step." every half-step for pete's sake! kaya kung nasa likod ka, sabog na talaga yung tunog. eh siyempre hindi na namin kasalanan yun di ba? Maganda naman yung tunog niya kapag nasa audi o kaya sa bio room. Ang laki kaya ng gym. at non-conventional instruments pa yung gamit namin. tapos, they talk to us as if it is our fault that the music sounds bad. naman! kasalanan ng gym! get a good sound system first before you tell us that! nakkairita pa na lahat na lang ng break namin kinuha. hello?? YMSAT week na! due na ang lahat ng requirements na mahihirap! chem project at str for pete's sake! tapos araw-araw, hanggang 6 kami sa gym?? at ngayong friday, 5 hours kaming nagsayaw. non-stop. waw. parusa naman 'tong performance na 'to eh. fine, aaminin ko gusto kong magpresent. pero andami niya rin kasing nadadaling subjects eh. hindi naman graded 'to. at fourth quarter na. sa bio nga lang ata kami may bonus dito eh. eh hindi ko naman na-uuno ang bio kahit 20 points above perfect na yung isa kong LT. so what's the use? and it drains every energy from our forsaken bodies. wah! hay. **** ray2! padala ng malong na blue sa card giving ah! tenchu! *** napansin pa namin, ang taas ng colonial mentality ng mga Pilipino! bakit kamo ulit? sino bang bibisita? di ba taga-India? so malamang alam niya na ang lahat tungkol sa bansa nila. so why make an exhibit presenting India para makita nung president? bakit hindi na lang Philippines o Philippine culture ang i-present sa mga exhibit na yun e samantalang nasa Pilipinas naman yung presidenteng yun. wala lang. *** ang galing "Manila" ng himig. waw. mesmerizing. :P *** nakakatakot maglakad sa Pisay kapag gabing-gabi na. Parang nagiging abandoned building yung SHB at ASTB. yikes! pero kanina, nung naglalakad ako at naririnig ko yung mga kanta galing sa field kung saan naganap ang JRev, hindi ako natakot. :P *** ang astig ng JRev. Kahit sobrang sandali lang ako dun, naramdaman ko talaga na ang lakas ng faith nung mga tao. waw. mabuhay kayo, ACTS! *** "Teach me to trust in You with all of my hearts. To lean not on my own understandings. 'Cause I just forget, You won't give me what I can't bear. Take me out of the dark my Lord, I don't wanna be there alone."

No comments: