6.17.2006

Why the "Cars" movie SHOULD be controversial.

haha. hahaha. hahahaha.

grabe, tawang-tawa ko dito. ang galing mo pito. haha.

galing kay pito:

"Nanood kami ng Cars. Ganda ng sine, akala ko dati corny kasi tungkol sa mga buhay na car - parang lahat ng tao ginawang car. At hindi lang yon, may mga hayup din na car. (Hindi hayup as in "haaayuup!!". Hayup talaga, 'yung may buntot/pakpak) Nagustuhan ko. Pero may mga tanong kami na hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan. Nakakagulo. Nakakabaliw. *say it with me* Nakakapagpabagabag.
1. Paano nanganganak ang cars? Paano sila nagpapakita ng affection in the first place?
2. Paano lumalaki ang mga batang cars?
3. Kapag pinanganak ang car, ang trabaho ba niya paglaki niya nakatakda na dahil sa itsura/uri niya?
4. Ano ang mga inaaral ng batang cars habang na sa school sila?
5. Bakit may mga cow na cars(tractors)? Para saan yung pagsasaka?
6. Sino ang nakikinabang sa mga bangketa?
7. Bakit may parking lot sa labas ng race stadium, e lahat ng cars nanonood sa loob? Ano 'yun, para sa mga alipin?
8. Saan nililibing yung cars kapag namatay na sila?
9. Ano itsura ng asong car?
10. Racing lang ba ang sport ng mga cars?
11. Ano itsura ng cars noong panahon ng mga Dinosaur?
12. Ano ang hinahatak ng kalesang car? Car din ba???"

haha. ayos.

waw


There are two ways to live your life.
One is as though nothing is a miracle. The other is as though everything is a miracle.

- Albert Einstein

6.07.2006

What's with chinese people?

Well, apparently, mukhang "in" maging chinese ngayong mga panahon na 'to. Bakit? ewan, pero apparently, magaling ka sa math, matalino ka, magaling ka sa basketball, at sweet ka.

haha.

anlabo.

rob kasi eh. deh. tingin ko epekto lang ng AJSS yan eh. Sa mga nag-AJSS ngayong taong 2006: Anong ginawa niyo kay rob? Lalu ka na Ms. Mau? Di na naman makatulog yung kaibigan ko dahil sayo! haha.

pero di nga, bakit in yata yung chinese thing ngayon?

i mean, come on, chinese ang crush kong si "kim". :P

****

to cheska and rob, I don't like the hotseat thing. haha. It makes us sound like pathetic stereotype high school girls cheering for their crushes while they wacth them play basketball.

Haha. So not like us. epekto ng AJSS sa inyo!

****

anyway, successful ang SK play namin. naks! congrats katoks! galing!

REPLY to the 06-Sagala dude

the COMMENT of the 06-SAGALA dude:

hello! i know super old na nung entry mo about the president of india thing, pero i came across it sa google e. yung tungkol sa sagala, mejo masasakit yung sinabi mo about the club. nasaktan ako kasi sobrang mahal ko ang club na yun. part ako nung present

*presentation na yun and i think the whole group (cesium and sagala) did pretty well, dont you think?

hindi lang naman dahil nakasanayan niyo na ang sagala ay puro modern moves, hindi ibigsabihin nun ay hindi rin namin kaya yung ethnic dances e. sayaw parin yun, diba?

and we never complained about how sucky the instruments sounded sa gym. if there were a couple of comments heard from certain members, hindi yun opinion ng buong club. another thing, about getting all your breaks during YMSAT

..we had no choice ok. we were told to practice with you, and hindi lang breaks niyo ang kinuha.. samin rin.

nakakabwiset lang na tingin niyo kayo lang ang nagssacrifice dyan. alam kong luma na tong issue na toh and there's no use to fight about this pero..

i just thought it would be better if i gave you a piece of my mind about this. kesa naman itago ko lang til i boil over and explode.

i cant help but take this personally because i honestly love the club. but hey, this is your blog and you can say whatever you like

*******

My REPLY:


naks naman. anyway...

First of all, I HATE ANONYMOUS TAGS AND COMMENTS. lalu na kung may gusto kang sabihin/kontrahin/laitin na kahit ano dito sa post ko. kasi para sakin, kung ano ung palagay o opinyon mo, dapat panindigan mo. ikaw nagsabi niyan eh. kung hindi mo ilalagay ang pangalan mo, para mo na rin sinabing ayaw mong matali sa kung ano yung binibitawan mong salita.

Kaya kung mababasa mo pa to, magsabi ka ng pangalan, magbigay ng link o kung anu man.

Second of all, sana nagcomment ka na lang. Para kyut tingnan. E di sana may comment yung post na yun di ba?

Third, waw ang tagal na nun. Feb 3, 2006?!?! ang layo na nun! I never thought google would give away my link to people. tsktsk. bad google. I don't care if someone from sagal would read it though. Involved naman kayo eh, so why not di ba?

Fourth, hindi lahat ng nakasulat dun eh kayo ang tinutukoy. Hell no. Katulad na lang nung topic na "may nagsabing pangit yung tunog ng instruments namin." Eh hindi naman kayo yun eh! Kaya ko nga sinabing: "I would not mention who kasi duh I would be in a lot of trouble".

Yun, pasensya na kung vague pero yung third at fourth paragraph lang talaga yung para sa inyo. Hindi na kayo yung iba so wala nang saysay na mag-react kayo dun.

In short, hindi ko sinabing sinabi niyo na ang "sucky" nung instruments namin, na kinuha niyo ang breaks namin, at lalung hindi namin inisip na KAMI lang ang nagsacrifice dun sa presentation na yun. Hindi kayo yung tinutukoy ko, period.

Wala lang. Para malinaw. Ang nagyari kasi inakala mo na sinisi ko kayo sa lahat ng kamalasan ng section namin nung mga panahon na yun eh pero hindi naman talaga. Ayun, I hope you feel better after knowing that.

Fifth, pinaninindigan ko ang sinabi ko na hindi k pa kayo nakikitang sumayaw ng ethnic/cultural o kung anu man bago ang presentation na yun. Unfortunately, sa statement ko na yan dinerive yung opinions ko. And I humbly say sorry. Pero medyo modern naman talaga yung IBANG moves niyo, di ba? So yun. I even said it looked good. Pero yun nga, PARA SA AKIN, it defeats the our concept of having a SOLID cultural dance.

Opinyon ko yun. hindi ng cesium at hindi ng batch 07. And i hope you can respect that.

Sixth, yes, Cesium and Sagala did pretty well. I agree. Medyo hindi nga lang tayo napansin dahil nagmamadali yung presidente ng india pero what the heck, maganda pa rin.

THE SEVENTH, and most important of them all, I believe hindi ka dapat nasaktan sa mga sinabi ko pero kung nakakasakit nga talaga yung mga yun, I say sorry. Pero paninindigan ko na hindi naman talaga kayo dapat masaktan. Kasi yung iba mong sinabi na nasaktan ka hindi talaga kayo ung tinutukoy ko eh. And I explained why my opinion about Sagala's modern dancing bothered me. So yun.

And I have personal reasons why I dislike some of the members kaya misan nadadamay yung buong club. But I never hated the club. Yun lang.

Salamat, kasi nagreply ka. At salamat kasi nirespeto mo yung opinyon ko. Yun yung pinakamahalaga dun.

6.04.2006

The Church is on fire.

Why? Because its the pentecost today!. Astig kasi may sumayaw pa kanina nung nagsimba kami at may mga decorations pa yung simbahan. Wala lang. :)



And I feel refreshed after Chruch. Ang sarap. :)



***



Panig ako sa Iran when it comes to its rights for the enrichment of uranium. Kahit na sabihin mo pang may malaking posibilidad na gumawa sila ng atomic bomb.



Panig pa rin ako sa kanila kasi bakit ang U.S. mismo na siyang sobrang tutol sa pagkakaroon ng Iran ng nuclear abilities, merong Atomic bomb?



Isa pa, nung nasa PHIVOLCS kami, natutunan namin na mismong U.S. ang hindi pumirma sa isang nuclear test ban treaty na dapat sana ay pipigil sa mga bansa na mag-test ng nuclear weapons mapahimpapawid, mapa-dagat, o mapa-lupa.  Hindi sila pumirma kahit halos lahat ng bansa pumirma.



Besides, ano pang karapatan nilang sabihin na dapata sumunod ang Iran sa U.N. Security Council gayong sila mismo, nung sinabihan  sila ng council na wag ituloy ang digmaan laban sa Iran, hindi nila ito sinunod?



Ang kapal ng mukha ng U.S.



Agree ako dun sa supreme leader ng Iran: "They (America and its allies) just want to monopolize energy. They want us to beg for energy."



Sana lang talaga gamitin ng Iran sa mabuti yung nuclear abilities nila para maging isang malaking sampal sa Estados Unidos na, di gaya nila, alam ng mga maliliit na bansa kung paano gamitin ang SCIENCE ng tama.




 





omg, ben!! ang ganda niya!! sana naging classmate ko rin siya nung elementary! bakit ba kasi hindi ako pinanganak sa Tacloban??



:)



Currently Listening: Peng You.. haha.. joke lang..

6.01.2006

ELECTRON ako.

electron ang unique na section ngayong fourth year dahil:



  1. nandun ako. :)
  2. yun lang ang tanging sub-atomic particle. yung iba kasi sub-sub-atomic particle na.
  3. yun lang ang may negative charge.

ayun. but no matter how unique it is, i don't feel too happy about it. MAsaya lang ako kasi kasama ko dun si iel, clar, fatima, ivy at greggy. sila lang kasi close ko dun eh.



besides, I wanted to have other people as my classmates. last year na eh. tapos di pa natupad. I worry a lot because I want my last year in Pisay to be a blast, with my closest friends nearby. oh well.



hay. guess I must not judge them yet, right? malay mo maging bonded kami. naks!



sa lahat ng kabilang sa ELECTRON 2007:
sali na kayo dito --> http://groups.yahoo.com/group/electron07



let the fourth year begin!



Currently Listening: First Day High - Kamikaze