=======================================
Commercial muna:
2007 Lady Med: The Gaia Project
Friday. August 24, 2007. 6 pm.
BSLR-East, University of the Philippines-Manila
Please support UPCM Class 2014's representative, Nico Rogelio, a.k.a Shanikwa, as Miss Fire!
We do accept donations (money or toletries) that would go to UPCM-MSC environmental projects and the Elsie Galves Village for the Disabled.
=======================================
At dahil lahat ng tao sa dorm aalis at may pupuntahan except si pito, nahatak din namin siya para sumama. pero bago pa kami sumakay ng dyip para mag-divisoria, may dilemma na.
Dilemma # 1: What to bring, how to bring them.
Sa totoo lang, nakakatakot pumunta ng divisoria kasi lantaran ang kalokohan dun eh - snatcher, holdaper, at marami pang -er. Tapos ang dami pang babala na kesyo wag ka daw magtatanong sa mga tao dun kasi baka lokohin ka, at kung anu-ano pa na mas lalung nakapagpatakot sakin. Hindi ko naman first time sa divisoria. Si pito yun. pero nung una kasi, takot na takot din ako eh.
Lalu naman kahapon. May dala lang naman kaming 5000 pesos na hindi namin pera dahil kelangan naming ipambili yun ng mga tiara, crown at scepter. Sa takot, hinati ang pera. 3000 kay pito, tapos tig-isang libo kami ni shayne. at least pag may na-holdup or sumthing, may masasalba kami kahit konti. Tapos wala nang bag. talagang sukdulang wallet at cellphone lang. dapat nga di na rin kami magdadala ng cellphone eh. kaso baka mawala kami sa divi kaya no choice. As in todo-todo ang pagiging cautious namin.
Ayun. sakay sa jeep. andar. tapos dilemma # 2.
Dilemma #2: Paano naman namin malalaman na nasa divisoria na kami??
Natawa nga ako sa tanong ni Pito eh. Nasa divisoria na ba tayo? Ano ba hitsura nun? hahaha. Sa pagkakaalam ko, marami lang tindahan yun eh. tapos marami ding tao. yun lang. wala naman talagang land mark na bubulaga sayo para iparating na, hoy, divisoria na to!
Pero yun nga yung catch, basta pala bumagal na yung dyip tapos madami nang tao sa labas at sandamukal na ang mga stall na nagbebenta ng kung anu-ano, divisoria na yun. hahaha.
Dilemma #3: Buying the stuff we came there for.
At ito yung pinaka-mahirap. Pero ito yung pinakamasaya. Kabaligtaran kasi ng naisip kong kahihinatnan namin sa pagpunta sa divisoria, mababait yung mga taong nakausap at tumulong samin. at walang nangyaring masama. There were five people who magically helped us buy the things we needed. Yung babae dun sa dyip na pinagtanungan namin kung nasa divisoria na ba kami at tinuro samin kung san pwedeng makabili ng mga tiara. Binigyan pa nga niya kami ng mga babala katulad ng kuhanin muna ang bibilhin bago ibigay ang bayad, etc. Tapos sobrang linaw talaga ng mga directions niya patungo dun sa mga pwede naming mahanapan ng mga hinahanap namin. Andyan din si Manong na nagbabantay ng shop nung mga tiara na sobrang bait mag-entertain at yung boss niya na binigyan pa kami ng discount. At siyempre yung baklang tumulong saming magconceptualize para dun sa sash at yung kaibigan niya na binigyan din kami ng tawad.
Ayun. Nakauwi kami ng maayos. Walang nangyaring masama samin. Nag-enjoy pa nga kami kahit papano dahil nakita namin ang isa pang mukha ng Maynila. Nabili din namin ang mga dapat naming bilhin at nakabalik ng matiwasay.
So anong point? Nagsimula ang araw na yun na akala ko sobrang daming masamang bagay na mangyayari. Pero hindi eh. May mababait at matulungin pa ring mga tao sa mundo. Sa mga pagkakataong akala mo puro masasamang tao na lang ang masasalubong mo - puros mga makasarili at walang pakeelam sa kapwa - may limang taong ibabato si God sayo para tulungan ka at hindi mapahamak.
Akala ko talaga mahohold-up kami or sumthing bago kami makauwi. nakalimutan ko, may Bantay nga pala ako. :)
(title from shayne. :P )
No comments:
Post a Comment