fine. i really just wanted to post something relevant today other than mcsmall.
natatawa lang ako kasi kapag palagi akong nagoonline sa YM, may isa hanggang limang taong may to-do list bilang stat message. hindi ko alam kung uso yun o ano pero hindi ko talaga alam kung bakit nila pinopost. di naman makakaapekto sa ibang tao. o siguro reminder na rin para sa iba in case may nakalimutan silang gawin. o kaya naman isa yung polite way sa pagsabi na: "hoy, walangya ka, kita mo na ngang busy ako buzz ka pa ng buzz dyan! get a life! o kung ayaw mo, give me one wherein i won't fail to accomplish my academic requirements!" haha. o baka naman masaya lang talaga gawin. haha.
pero mukhang nagalit ata sakin yung mga tao. nung ginawa kong status message yung tanong ko nawala lahat ng to-do list nila eh. hehe. sorry
kidding aside, nakakalungkot din na makita ang mga ganung status message. lalo na kapag yung mga makikita mo, iba-iba. As in walang pareho kahit isa. makes you think, 'shet, parang kahpon lang, sabay-sabay kaming nagkacram ng str final paper at english write-ups.' ngayon, halos wala nang pakeelamanan. halos wala na ngang may alam kung ano ang ibig sabihin nung ginagawa nung isa and vice-versa.
may nagsabi sakin dati na ang true test ng bond o ng closeness ng dalawang taong taga-pisay na magkaibigan eh kapag nasa college na sila kung saan magkaiba sila ng course o kaya magkaiba talaga sila ng college. tapos kapag nagmeet sila, siyempre magkaiba na sila ng experiences. magkaiba na sila ng direksyon. dun matetest kung amidst the distance, may bond pa rin. lalu na akpag wala nang intersection ang mga bagay sa buhay niyo. kapag totally can't relate na ang isa sa isa. dun. dun masusubukan.
so 'bonded' pa ba kayo ng mga kaibigan mo? kung oo, congrats. kung hindi, sayang.
haha. akala mo walang point ang post na to no?! in your face! hahaha.
No comments:
Post a Comment