If you think cell structure is all about ribosomes, lysosomes, nuclei, etc. and that you've memorized everything about them when you were in high school, think again. Try zonula occludens, macula adherens, dictyosomes' cisternae, glycocalixes, clathrins, and the mucopolysaccharides of cell walls in prokaryotes.
It's nauseating. Grabe. Histology I can handle, but this? Torture! O, yeah, this is a rant. I can't help it see. Ranting is like the most efficient and effortless thing that one can do to fight extreme tiredness and bad schedules like this one:
8-10 am: Bio 22 Lecture Departmental Exam
1-3 pm: Chem 14 Departmental Exam
4-6 pm: Math 100 Departmental Exam
What's worse than two departmental exams on two critical subjects on the same day? Three departmentals on three critical subjects on the same day.
Did I mention the exams are on a saturday?
Where's the spirit of Christmas and the "be merry, have fun" mood on proffesors this season???
12.10.2007
12.08.2007
Kinder pa lang, sugarol na
Maliit ang mundo. Sobra. Haha. At marahil lalong mapapatunayan yan ng isang tao kapag nasa kolehiyo na siya, kung saan dumaan na siya sa pre-school, elementary, at high school na nagbigay sa kanya ng maraming taong nakahalubilo, naging kaibigan, o kahit nakilala lamang ng minsan. At pagtungtong ng kolehiyo, mas lumalaki ang pagkakataong ang bagong mong kakilala ay kakilala rin ng dati mong kakilala, o kaya’y kaibigan din ng kaibigan mo nung high school, o kaya kapatid ng pinsan ng naging girlfriend mo, o minsan pa yung ano ng ano ng inano mo na aanuhin din ng ano mo. Yung ganung tipo. Parang biglang lahat na lang kayo magkakakunekta. Parang bigla na lang yung akala mo mga kaibigan mo nung high school na walang koneksyon sa buhay mo nung elementary o nung pre-school eh magiging kaibigan ang mga taong naging mahalagang parte ng buhay mo.
Yan ang nangyayari sa akin ngayon. Kaya nga ganyan kahaba ang panimula ng sanaysay na ito eh. Gusto ko kasing magpakaseryoso sa kung ano man ang isusulat ko ngayong gabi. Ay teka madaling araw na pala. Oo, produkto ito ng pagrerebelde ng katawan ko na mag-aral tungkol sa pagdami ng basic unit of life. Pero wala na yung kinalaman dito kaya hindi na ako magpapaliwanag pa.
Ngayong mga panahong ito kasi, kaibigan na ng mga kaibigan ko nung high school ang mga kaibigan ko noong bata pa ako. Kaya naman tuluyan nang nasira ang dating ipinagmamalaki kong “compartmentalized life.” Oo, ang buhay ko noon ay hinahati ko sa iba’t-ibang aspeto: pamilya, eskuwelahan-pre-school, eskuwelahan-elementary, eskuwelahan-high school, malalapit na kaibigan, kaaway, Diyos, atbp. At sinisuguro ko noon na walang dalawang aspeto ang magdadaop. Gusto ko kasi ng ganoon. Para maari akong maging kung sino ang gusto ko kapag kasama ko ang pamilya ko o kaya’y kapag kasama ko ang mga kaibigan ko. Para lang hindi magulo at kaya kong ibahin ang pagkatao ko ng hindi ko na kailangan pang intindihin kung ano ang tingin sa akin ng iba. Para kung pakiramdam ng iba masungit ako tapos gusto ko nang maging mabait, tatalon ako sa ibang aspeto ng buhay ko at iibahin ang aking sarili ng walang kahirap-hirap. Pero wala eh, dahil bilog ang mundo, nasira ang aking nakagawian.
Ayos lang naman talaga. Siguro, sa paglaki ko ay unti-unti na rin akong nasanay na makihalubilo sa mga tao kaya nawalan na ng saysay ang pagiging hati-hati ng buhay ko. Nakakatawa lang kasi ngayon na yung mga kakilala ko nung bata ako, kakilala na rin ng malalapit kong kaibigan. Akalain mo nga naman.
Nung nasa pre-school pa lang ako, tandang-tanda ko noon ang hitsura ng isang babaeng may katabaan at laging nakapulbos. Siya yung tipo ng bata noon na talagang bantay-sarado ang pag-aalaga. Wala naman akong gusto sa kanya noon pero ganun yata talaga kapag bata ka tapos gusto mong maging top 1 kaso lang may humahadlang sa mga pangarap mo. Nauuwi ka sa pagtitig at pagmasid sa taong nakakatalo sa iyo sa larangan ng akademiko at iyong iniisip kung may magic ba ang batang iyon at ang galing-galing niya at na kung mayroon man ay hihingi ka. Ang pagkabata nga naman. Pati pala ako naapektuhan noon. Iniisip ko tuloy kung kusang may pagka-creative ang utak ko noon o may pagka-engot lang talaga ako.
Anu’t-anu pa man, hindi naman naging hadlang ng matagal sa aking mga pangarap ang batang tinutukoy ko dahil isang taon lamang (yata?) ang nagdaan at kinailangan niya nang lumipat ng eskuwelahan na siya namang ikipinalakpak ng aking mga tainga. Pero hindi naman ako isang mumunting demonyito noong mga panahong iyon para hindi man lamang malungkot sa kanyang pag-alis. Oo, para ako noong si Ipo Makunochi na ayaw pakawalan ang pinakamagaling na nakalaban at siyang nakatalo sa akin para magkaroon pa rin ako ng pagkakataong matalo siya. Sa totoo lang, kahit hanggang ngayon, para sa akin ay siya pa rin ang nanatiling pinakamatalinong babaeng nakilala ko kahit na noong pre-school ko lang talaga siya nakilala at isang taon lang kami nagkasama. Ganun kataas ang tingin ko sa kanya noon at hanggang ngayon. Kaya sa likod ng pagkatuwa na may pagkakataon na akong maging top 1 (wala eh, competitive talaga ako noong bata ako wala na tayong magagawa don. haha), nanatili ang pagnanais na sana, malay mo, isang araw, magkita kami ulit.
Ngunit ang dahilan ng pagnanais na iyon ay hindi ang upang magawa kong makipagpatalinuhan sa kanya. Hindi naman ako ganoon kababaw at ka-GC. Tao ako, kung iyong mamarapatin. Ang tunay na dahilan ay dahil bata pa lang kasi kami ni Jaimie, ang pangalan ng matabang batang mapulbos na aking kinukwento, sugarol na kami. Haha.
May pustahan kasi kami noon ni Jaimie. Bata pa lang kasi iyan, kakaiba na ang pananampalataya sa Diyos. Pero magkaiba kami ng relihiyon. Katoliko ako at Protestante yata siya, kung hindi ako nagkakamali. At ang pustahan: Sinong mauunang papasukin sa langit, ang mga Kristiyano o ang mga Katoliko?
Astig noh? Kung tutuusin, maaring maging malalim ang tanong. Pero kung seseryosohin, wala siyang sense. Kung konteksto kasi ang pinag-uusapan, na malamang hindi naman namin alam noon, Kristiyano din ang mga Katoliko at dahil “universal” ang ibig sabihin ng “Catholic”, Katoliko rin lahat ng mga Kristiyano. Mga kinder nga talaga oh, kunwari pa ang lalim ng pinag-uusapan.
Nakakatuwa lang dahil matagal na rin palang panahon ang nakakaraan noong nakipagpustahan ako kay Jaimie. At sa matagal na panahong iyon, nakakatawa rin na mismong ang mga Protestant Christians na nakilala ko sa aking paglaki ang naging mahalagang bahagi ng aking buhay at naging isa sa mga bagay na nagtulak sa akin para kilalanin ang aking sariling relihiyon, paniniwala, at ang nag-iisang Diyos na pareho naming sinasamba, pinasasalamatan, minamahal, at itinataas. Naging isa sila sa mga dahilan kung bakit nagkaroon ng malaking pagbabago sa buhay ko, kung bakit nagkaroon ito ng direksyon, kung bakit mas may kahulugan ito ngayon at kung bakit nasa tamang daan ako ngayon dahil lamang sa pagkakaroon ng malalim na paniniwala sa Kanya. Kung tutuusin kasi, dahil sa iisa naman ang Diyos na sinasamba ng mga Katoliko at Protestante at nagkakaiba na lang talaga sa mga ibang paniniwala at ginagawa, napakadaling makihalubilo sa kanila. At napakasaya noon. Kaya nga taos-puso ang pasasalamat ko na sa pagtahak ko sa buhay na ito, nakatagpo ako ng mga taong katulad nila.
Marahil, yun ang gusto kong sabihin kay Jaimie sakali mang bigyan kami ng pagkakataon na magkita muli, lalu pa’t malapit na rin siyang kaibigan ng aking malapit na kaibigan at kabarkada ngayon. Gusto kong sabihin sa kanya na hindi ako nakalimot sa pustahang dapat sana’y sa muling pagkapiling pa namin sa Kanya aming malalaman kung sino ang panalo. Gusto kong magpasalamat dahil iminulat niya ako sa aking mga responsibilidad sa pagkilala sa aking Ama at sa relihiyong noo’y ipinagtatanggol ko na. Gusto kong ipagmalaki ang taas ng pagtingin ko sa mga nakilala kong katulad naming Kristiyano na may di matinag na pagmamahal sa Kanya. Gusto kong sabihin na napagtanto ko nang walang mananalo sa pustahan namin dahil malamang sabay kaming papapasukin ng Diyos sa Kanyang kaharian bilang pantay Niyang mga anak.
Gusto kong sabihin na masaya ako’t walang matatalo sa pustahan dahil kalauna’y aming mapagtatanto na pareho naman pala kaming alagad ng Diyos at na matagal nang maliit ang mundo dahil konektado kami ng aming paniniwala sa Kanya.
At kaya nga marahil anu’t anu pa man, dahil sa Kanya, maliit ang mundo. Sobra.