10.25.2008

i watch lipgloss...

(oo, tungkol sa TV shows ang blog entry na to, haha, napapansin ko kasi na masyado nang dense ang paguutak ko eh. stressed na ng ako, dense pa ko mag-isip. kamusta naman. kaya ayan. para maiba naman. :P tsaka para may remembrance ako ng tanging bagay na ginagawa ko ngayong sem break bukod sa pagtatrabaho: ang manood ng TV. :P)

simula pa lang, sinabi ko na kagad na magiging malaking 'sayang' ang palabas na to simula nung mapanood ko yung 'launch' ng TV5. bakit? kasi, guess what, isa siyang show tungkol sa angst at buhay pag-ibig ng high school students! napaka-novel ng concept di ba? haha. tsaka kita kagad na yung mga artistang kinuha nla hindi man lang marunong ikislot yung mukha para magmukhang malungkot. kahit nga yung masayang emotions hindi nila kaya eh. LOL. kung gusto mo ng matinong show, kumuha ka rin ng matitinong gaganap. kasama pa rin naman sa execution ang pag-arte ng mga artista eh. kung hindi sila aarte ng matino, kahit ano pang ganda ng pag-ilaw at paggalaw ng camera, papalya pa rin yung show.

may creativity ang story-telling at producion design. PERO, mababaw ang plot. haha. ano ba kasi ineexpect mo. kung sabagay kasi ang target market niya yung teenagers. eh, aminin na natin, pag teenager ka hindi pa ganap ang pagtingin mo sa mundo. naive ba. at papatok talaga sa kanila ang mga kwentong pag-ibig at kwentong may tangay-tangay na angst.

speaking of plot, ang talagang dahilan kung bakit ito ang paksa ng blogentry na to ay dahil sa bukod sa pag-ibig at angst, isa pa sa 'recurring theme' ng palabas na ito ay, guess what: SEX.

yup. sa kwento, may isang character na nakipagex sa nanay ng kaibigan niya. meron ding nakipagsex (habang lasing) sa bextfriend ng girlfriend niya. at meron pa yatang isang lalaki na namolestiya ng mas nakakatandang kaibigang lalaki na nagbalik bilang coach niya sa swim team at muli atang nakipagsex sa kanya.

o di ba!? sex kung sex. at ang trato ng mga character sa bagay na ito ay hindi isang bagay na mahalaga, kundi isang 'private activity' lang. inayon nga talaga nila yung buong show sa 'Gossip Girl' ng amerika. waw.

anung mali? well, kung ang show na ito ang salamin ng tunay na estado ng pag-iisip ng kabataang Pilipino ngayon, pwes hindi na nga nakakagulat na maraming teenage pregnancies.

normal naman siguro na maging paksa ng usapan ng mga kabataan ang sex. agham na mismo ang nagsasabing hindi mo yun maaaring pigilan dahil sa mga 'secondary sex characteristics' na dala ng hormones. at sa teknolhiya ng kasalukuyang panahon, maipagkakaila pa ba na hindi na mga batang naive at 'walang alam' ang kabataan ngayon?

Pero para kasi ipakita na isa yung bagay na pwede mo lang gawin basta-basta, at para ipakita ito sa isang show na ang target market ay yung mga teenager na ang pananaw sa mundo eh mababaw pa ng lubusan at pag ipinakita mo sa kanila na okay lang gawin ang sex ng walang kahit anong implication eh susunod naman sila, hindi ba mas lalo nitong pinalalala ang miseducation pagdating sa sex. sex has a lot of implications. dapat napag-iisipan ito nang mabuti. mas lalong mahirap magkaroon ng sex educaion kung hinahayaan lang na yung mind set ng kabataan ngayon sa sex ay isang bagay lang na ginagawa for sheer pleasure (or for love, if you prefer the romantic point of view).

ewan ko ba. bakit ba kasi hindi magets ng mga punyetang gumagawa ng TV shows na iba ang pagkakakilanlan natin sa mga amerikano at lalong iba ang kultura natin kesa sa kanila (kung maituturing na kultura yung meron sila ngayon). for one, we still have values that we continue to safeguard (kahit halos pawala na) unlike the americans na naubos na nang tuluyan mahabang panahon na ang makakaraan. haha.

pero bago pa paghinalaang anti-american post lang to, babalik na ko sa topic. nanonood pa rin ako ng lipgloss dahil sa timeslot nila sa saturday, yun na yung pinakamagandang panoorin (o di ba ang pathetic ng philippine TV haha) at ganun talaga dahil hindi kami cable. at dahil nasundan ko na rin yung kwento, eh di pinanood na rin. kaya ako nagimbala eh. haha.

ang maganda lang na naidulot sa akin nung show ay naging interesado na tuloy akong panoorin ang gossip girl. gusto kong malaman kung papatok sakin yung series. nung una kasi insip ko na baka para lang siyang 'chick flick.' Pero dahil sa lipgloss, at dahil medyo rip-off lang naman siya nung american show, at dahil palaging mas maganda yung original, gusto ko na tuloy mapanood yung gossip girl. pero wala naman akong time eh, kaya bahala na. haha.

---***

pero hindi naman lipgloss lang ang palabas sa TV5. marami pang iba. at, in fairness, alternative nga yung mga show nila sa masyado nang 'formulaic' na shows ng abs at gma.

ang paborito ko: Rakista. haha. nakakatawa kasi eh. tapos maayos yung script. at shet inlove ako sa style nung camera na nanginginig. yung parang amateur na cameraman ang may hawak tapos nangingig at gumagalaw pa yung kamay habang nagtetake. wala lang. masyadong indie yung feel nung show tapos magaling yung pag-arte nung main charcters. may ilang artista lang na medyo hilaw pa yung facial at vocal expressions. nakakatuwa siya.

---***

haha. nadagdagan na rin pala ang mga pangarap-slash-mga bagay na dapat magaa ko bago ako mamatay:

1. magkaroon ng palanca award-winning short story
2. makagawa ng documentary
3. makagawa/makasulat ng TV series.

ewan. gusto ko kasi magsulat ng tv series na TGIS at g-mik like pero matalino/scientific/'nerd' yung setting at script. haha. pag may oras ako, kakaririn ko to. :)

10.15.2008

Miracles happen when you believe

Astig. Tuwing dumadating kasi ang punto na nagbabagsakan ang exams ko, nagpapaka-GC talaga ako at nagcocompute ng grades kasi klangan kong malaman kung pano ako babawi para mamaintain ko an scholarship ko. ayoko naman kasing maging out-of-school youth. Kaya gumagawa ako ng target grade at wow grades. yung wow grades pangarap lang yun. para magawa kasi yun kelangan ko ng sobrang tataas na exams eh.

pero alam mo yung pakiramdam na kapag nakita mo yung grade mo nakapost sa bulletin board tapos hindi ka talaga makapaniwala at binabasa mo ng paulit-ulit yung student number mo para lang makasiguro na oo ikaw nga yun? wala lang. tatlong beses nangyari sakin yun sa tatlong subject. at nakakabilib na minsan talaga, kapag pinaghirapan mo, may bumbalik lalu pa't ang blessings ni God mas madalas na unexpected.

Salamat God! :)

10.12.2008

Ooooppppsss!! Sori Snake Pit!! :P

My blog celebrated its 4th birthday a month ago. Pathetic. I was even too busy to remember! Hay.

Belated happy birthday Snake Pit! Waw 4 years! :P

Finally, a post.

This semester proved to be a very CHALLENGING one for me.

The first few weeks of the semester immediately brought me wondering whether I should ontinue doing something I really like doing. I ended up deciding against it just to stand firm for the convictions I earlier made. I had to quit the culture com at a point where I was already tasked to lead the culture week (something I was really excited about) this coming feb. And I wouldn't probably go back anytime soon. Probably not even next year. But quitting didn't end the agony because I was led into doubting waht I did. It started a struggle which was both pathetic and painful.

That beame the reason why this semester is probably the ONLY point in my life when I actually had ZERO extra-curricular activities. I even stopped blogging, for crying out loud. Neither did I write even for leisure purposes. And that's weird and undoubtedly hard considering the fact that I believed these activities are what fuel me to continue studying.

But I guess, when what you think fuels you to d something else becomes the very thing that hinders you from doing so, you're forced to rethink of your priorities and see the bigger picture:

What am I here for?

And in the end, I figured I'm here to become a doctor so if I'm to prioritize it should be a no-brainer.

---***

I also figured that this is the semester is the first time I've really dedicated my time to studying, with eating and watching TV as the only activities I do to detox. Really. And my gades are no better. But that's because my subjects this sem are either too toxic when it comes to requirements, too hard for a normal human being, or both. I even think I have a great chance of dropping out of the CS this sem. I just really hope I'd make it with the GWA 2.0 requirement. (This means that the org chem exam should be created so that students would PASS, for crying out loud!)

I also realized that what I told Lovely might have been true. God wanted me to drop all those extra-curricular activities so that I'd still be able to maintain my schlarship.

---***

Well, at least the hell sem is ending. Goodbye 2,4-dinitrophenol and Grignard's reagent. :)