1.05.2009

ACET at UPCAT

my mom is so anxious now. nagtake kasi kapatid ko sa ateneo at UP. ang bunso kong kapatid. so last na siya. at grabe naman ang susundan niya noh! tatlong UP! haha. deh. i know she'll pass. at hindi talaga ito ang point ko sa post na to.

ANG POINT: nakalista na rin kaya bilang isang "PEAK" season ang paglabas ng entrance exam results ng big three (aka UP, Ateno, at La Salle)? Kasi di ba kapag pumasa ka, automatic blowout yan! kahit nga sa sarili mo lang eh. ako sobrang nagsplurge sa pagkain nun nung pumasa ko sa tatlo. haha. tapos atenistas at la salista pa yung mga yan so malamang big time spending with the clan or something. haha. tapos kahit sa UP ka lang naman pumasa at kunwari dukha ka rin, dahil nakapada ka, i'm sure magcecelebrate ka! kaya pwedeng-pwede talaga siya bilang peak season ng businesses eh.

hay nako, pag ako nagpatayo ng business, magbibigay ako ng discount sa mga UP, ateneo at la salle passers. I'm sure kikita ako. LOL.

At oo, ineemphasize ko na big THREE lang kasi inaaway ako ng isang taga-UST sa isa kong post. as in. feeling. sa cheerdance lang naman magaling. deh joke lang! Go Uste! Wooh! (Ayan aawayin na naman ako pag may usteng nakabasa nito. joke lang po ah! :P)

7 comments:

Anonymous said...

cheerdance lng magaling? hehe. subukan niyo naman kasi maging champion sa UAAP mismo sa basketball. ayun lang. para ndi naman feeling. (joke lng din)hahaha.

rAIx said...

sabi ko na may magrereply kahit na antagal na nitong post na to eh. hahaha.

you just have to prove me right didn't you? hahaha.

i therefore conclude na mas mayabang ang mga taga-UST kesa sa mga taga-UP. at mas defensive. at least hindi naman kami pumapatol sa mga mababaw na post na ganito noh.

alam mo, jokes are half-meant. the same goes with my joke. :)

subukan niyo rin kasing makapasok sa top 3 schools in the philippines para hindi kayo trying hard. hindi naman UAAP ang basehan ng magandang university noh. eh di magchampion kayo sa UAAP. does anyone care? LOL. pag ba nagawa niyo yan ng 100 years, magiging kayo na ang pinakamagaling na university sa buong mundo? okay. kung oo eh di susuportahan namin kayo. di tulad niyo, hindi naman crab ang mga taga-UP na humihila sa kapawa nila Pilipino noh na kapag may naachieve yung ibang university, naiinggit at kailangan kontrahin nila ng todo to the point na ikumpara sa ibang bansa, sabihin na sobrang mas maganda yung sa ibang bansa, not knowing na sarili nilang bansa yung binababa nila. Kaya go. go UST! go UAAP! woohoo!

Anonymous said...

ang dami mo nang sinabi ah.
wala naman akong sinabi na yun nga ang basehan para matawag na best university sa pinas o sa mundo man.

sa sinabi mo palang na hindi mo isasama ang uste sa big three, hindi ka pala mayabang non? nice naman. ang bait bait mo talaga. kitang kita nga naman.

o sige. small nga ang tingin mo sa ust. syempre kasi UP ka eh. astig. pero sana isipin mo rin na may mga prominent people din na naproduce ang uste. hindi lang lahat sa inyo galing or sa ateneo or sa lasalle. kung sa bagay, you attested sa isa mong blog entry na tarantado ang nagsabing pantay-pantay ang mga tao. oh well, i respect your opinion. (so you see, i read some of your posts. wala bang thank you?)

and btw, hindi na ako taga-uste. dun lang ako nag-highschool. nakikibalita na lang ako since 2005. haha. i'm finishing a degree here in the University of Queensland. o hindi ako nagyayabang ha.

go UP! hahaha.:p

rAIx said...

"wala naman akong sinabi na yun nga ang basehan para matawag na best university sa pinas o sa mundo man."

eh kasi hindi ko naman sinabi na sinabi mong UAAP ang bashean. Sinabi ko lang sa comment ko na hindi UAAP ang basehan ng isang magandang university. I didn't even imply in my wording that you said that. so san papasok tong sinabi mo?

"sa sinabi mo palang na hindi mo isasama ang uste sa big three, hindi ka pala mayabang non? nice naman. ang bait bait mo talaga. kitang kita nga naman."

EH PALAGI NIYO NAMAN TONG SINASABI EH! may training ba kayo sa pagcomment sa mga posts na binabanggit ang UST? consistent eh. in fairness ah.

opinyon ko yan. kung hindi ko isasama ang UST sa big three, yun ay dahil OPINYON kong hindi isama base sa SARILI kong criteria. may magagawa ka ba sa opinyon ko? kung may bias siya, justifiable lang kasi aking opinyon naman yan eh. the mere fact that it is an opinion makes it biased already. so no, hindi siya pagmamayabang. expression siya ng opinion ko. kung ang interporetation mo pagmamayabang, well, hindi ako ang assuming at judgemental.

"o sige. small nga ang tingin mo sa ust"

at nakuha mo to saan?? dahil hindi ko kayo sinama sa top 3 schools in the Philippines ibig sabihin maliit na tingin ko sa inyo? So yung THES-Q rankings, dahil maraming universities sa buong mundo ang hindi nakakapasok kahit sa top 100 niya, ibig sabihin minaliit na niya the rest of the universities in the whole world?? cool!

hindi pangmamaliit kung sabihin ng iba na they prefer other schools than yours. eh sa preference nila yun eh, may magagawa ka ba? pero the preference does not mean minaliit na niya yung iba.

at no, kung pangmamaliit lang, hindi maliit ang tingin ko sa university niyo. mayabang oo, at may crab mentality at misplaced competitiveness.

"i'm finishing a degree here in the University of Queensland. o hindi ako nagyayabang ha."

you know as well as I do na nagyayabang ka sa statement na to. haha. kasi pwede mo namang tapusin ang paragraph na to sa 'I'm finishing a degree in another university' at extraneous information ang kung anong university yun.

AT NAKAKATAWA NAMAN NA FEELING MO MAYAYABANGAN AKO DAHIL SA IBANG BANSA KA NAG-AARAL. Eh ano naman ngayon? your statement implies that you have a connotation na mas mataas ang mga taong nag-aaral sa ibang bansa kesa sa mga taong nag-aaral dito sa sarili nating bansa. and i disagree. I VERY MUCH disagree.

pasensya na ha. hindi ako mayayabangan sa statement mo because I don't share the same sentiments.

--//

oh hindi niya kayang pigilan iyan, magrereply yan ulit! yikee!

Anonymous said...

hehe. alright. take it easy, man.
this all started when you stated in one of your blog entries na: "sa cheerdance lang naman kayo magaling..." (i don't know if that's your exact wording). take note of the word LANG.

wala naman talagang payabangan ha. in the first place kasi, you opened something in this blog post. talagang sinabi mo pa sa bandang huli, na baka may taga-uste na naman na magrereact. that means to say (in my OPINION) na gusto mo ngang may taga uste na makapansin nito.

in your earlier comment, you said subukan ng ust na makapasok sa top 3 schools. haha okay fine. if you're in my place, you'll also find a way on how to defend yourself. and of course, sasabihin mo na naman na hindi ka ganoong klase ng tao. haha. naging thomasian ako, and of course, normal lang na humanap ako ng paraan to defend myself. and kung dati kong paaralan ang tinitira, para na rin akong tinitira non. katulad din ng nararamdaman mo everytime na may nasasabing hindi maganda tungkol sa UP.

well, judging from your very good statements, it shows that you're a brilliant person. you even reiterated yung ibang statements ko sa reply ko, and you made a comment sa bawat isang yun. hahaha. i just wanna laugh it off.

just to remind you, i didn't imply na mayabangan ka sakin. and if you think i did, that's not my fault. charge your very brilliant mind for that.

hahaha. mukhang astig ka ha. promise. no joke. :)

rAIx said...

well, blog ko naman to so i guess libre magopen ng kahit anong opinyon.

i respect yung pangangailangan na magdefend. enough said.

haha. at kung hindi mo man inimply na mayabangan ako (at sinabi ko na nga dun sa comment ko na HINDI NGA AKO NAYABANGAN, which means i don't have to "charge my very brilliant mind"), well, sometimes you just have to learn that words are powerful enough to mean exactly what you don't want it to imply. at hindi mo pwedeng sisihin ang nagbasa kasi wording mo yung nagkamali. next time, para hindi mukhang flame bait comments mo, ingat ka sa wording. powerful ang words sa internet.

yun lang. :)

Anonymous said...

nice exchange of views. views nga ba? hahaha.
peace:)