5.11.2009

Why can't I be a prince?

Sabi sakin ni Carla, I can't be a prince. For reasons she said, i believe her. I don't have that prince material in me. Ang malungkot lang dun, kung anu man ang dahilan kung bakit hinahadlangan ako ng mundo para maging isang prinsipe, hindi ko naman kontrolado - hindi ko hawak.

At hindi ba yun na nga ang pinakamalungkot sa lahat? Kung wala kang magawa sa isang bagay na nagpalungkot sa iyo dahil nilimitahan nito ang kung sino ka - o kung ano ang maaari mong gawin.

Lalu pa't pati pala pagsusulat ko, pwede maapektuhan. Pero kasalanan ba ng manunulat kung ang interpretasyon ng mambabasa'y nakadepende sa sumulat nito? Wala ba akong karapatang magkaroon ng sariling opnyon o kaya'y pagmumuni-muni sa mga bagay na hindi pwedeng maging ako - katulad ng pagiging isang prinsipe?

Kasalanan ba ng manunulat kung ang kapasidad pala para maging mas epektibo ang kanyang isinulat ay idinepende ng nagbabasa sa sariling pagkatao ng nagsulat?

Ang unfair naman ata. Just because the world judges you in a way that is not necessarily true, it drives you into a limitation that may not necessarily exist, but affects you still.

Gusto ko maging prinsipe. Sa totoong buhay at sa mga sinusulat ko.

No comments: