Kuya! Multuhin mo nga yung gumawa nung lab exam sa OS 204! Ginaganun ka oh!
Para sa hindi nakakaalam, wala kaming enough creative juices para bigyan ng pangalan ang cadaver namin sa dissection. Tsaka ako personally natatakot/nahihiyang bigyan siya ng ibang pangalan for some reason. I mean, kasi, tao yun dati eh. Di ba kapaga may ibang taong, lalu pa hindi mo kilala, na tinatawag ka sa ibang pangalan na hindi mo naman pangalan, di ba nakakabwisit? For some reason, oo na alam ko patay na siya, pero miski na. Para sakin, ok na yung Kuya. Parang kapag buhay ka pa tapos hindi mo alam o sadyang wala kang kwenta at nakalimutan mo yung pangalan ng nasa harap mo, tatawagin mo na lang siyang "Ate" o kaya "Kuya." Katulad ng:
(mall)
Biglang nakasalubong ni lalaki ang isang babaeng bigla ring nag-hi sa kanya..
Babae: "Uy! Blank! Kamusta na? Anong ginagawa niyo dito?"
Lalaki: "Ah pauwi na po... (tries to think of her name...)"
Babae: "Ah ganun. Uy may event kami next week. Invite your class naman. Masaya yun."
Lalaki: "Ah sige po ate! Sure! (Still tries to think. Wishes for this awkwardness to end.)"
Babae: "Sige una na kami!"
Lalaki: "Sige po ate! (Lets out a big sigh of relief...)"
Hahaha. Ayun. Kaya para sakin, kung hindi mo alam ang pangalan, tawagin mo na lang siyang ate or kuya, applicable to cadavers and real life situations like the one above. Di ba Pito? oooops. LOL.
Anyway, si Kuya ang second teacher namin tuwing dissection. At oo na, kami na ang hindi magaling mag-dissect. Pero kasi ang gugulo tala ng structures ni kuya eh. Kaya nga nung naka-5 points lang kami sa dissection grade nung OS 203, talagang napagkasunduan pa namin ni Jesha na kahit anong mangyari, magiging Netter-like ang itsura ng cadaver namin. complete with labels sa gild parang kay Netter. Itaga pa nila sa bato!
Pero nasira kagad yung bato (ang tangang bato nun) after namin magbalatan si kuya lalu pa't yung mukha niya ay isang homogenous thing at wala kaming madelineate na kahit anong muscle bukod sa nandun sa palibot ng mata (pero duh, iba itsura nun eh kaya talagang makikita mo). Pinalala pa yun ng sumunod na dissection at hinahanap na namin ang Pes Anserinus (layman: nerves sa mukha na ang arrangement ay parang kamay or paa ng duck). WALA KAMING MAKITA. Inuna namin yung isang side pero wala kaming matrace na kahit ano. So, pumunta kami sa kabilang side ng mukha at ang sumalubong sa amin ay isang malaking black mass na hindi namin alam kung parotid gland ba, nabubulok na muscle, tumor o kung anuman. Kaya nagtanong kami:
Ryan: "Sir! Is this the parotid gland?"
Sir: "That's smas."
Ryan: "(hindi narinig ng maayos. sori half-deaf at nasa left side si sir.) Sir, mass?"
Sir: "No smas."
Ryan: "(Punta sa left side ni sir para marinig siya ng maayos) Sir, smas?"
Sir: "Yes, smas. S-M-A-S. Smas."
Ryan: "Sir, what's Smas? (in fairness, nahirapan akong sabihin to ah! tongue twister!)"
Sir: "Ah hindi pa ba nadidiscuss sa inyo yun?"
Ryan: "No sir."
Sir: "Ah okay. (tapos umalis na...)"
Ryan: "(tingin sa groupmates) Ano daw?? So Is this the parotid gland???"
Wahahahaha. The best! Tapos pangit din yung infratemporal fossa namin kasi ang gulo ni kuya technician mag tanggal ng mandible. Ah basta. In the end, wala ka masyadong makikita sa cadaver namin at eventually tinamad na kami. Tanggap naman namin yun.
Pero kasi, dumating ang news na sa lab exam daw sa OS 204, gagamitin lahat ng cadavers! Sa mga hindi nakakaalam, hindi kasi kasya yung lahat ng 27 cadavers dun sa malaking lab room. So may isang maliit na lab room pa na though connected dun sa malaki eh parang isolated pa rin kung saan nandun yung anim na iba pang cadavers. Usually pag exam yung mga nasa malaking room lang yung ginagamit.
Kaya nung nalaman namin na gagamitin lahat, sobrang naexcite kami ng todo-todo. Kinareer na nga ni Jay yung infratemporal fossa ni Kuya at talagang tinrace niya ng todo-todo yung mga veins, arteries, at nerves (by the way, si Jay lang ang suuuppeer nagsipag na ipagpatuloy ang dissection ni kuya nung mga dissection days prior to the lab exam. Ako, personally, dissect at identify ng konti, tapos tulog, tapos dissect at identify ulit. Ahahaha.)
Tapos pinuntahan pa ni Dr. Matubis at Dr. Carillo yung table namin at hinananap pa nila yung recurrent laryngeal artery namin at yung inferior thyroid artery. Akala nga namin yun yung mga iatatanong nila sa cadaver namin eh. Tapos pinaharvest pa samin yung larynx (eh dapat kasama kami sa cadavers na hindi maghaharvest..). So hinarvest pa namin yun. at naexcite talaga kami.
Tapos, exam day. Dahil nagsimula ako dun sa malaking lab room, medyo matagal bago ako nakarating dun sa maliit na lab room. (Layman: move-type ang lab exam. 100 items.) nung malapit na, naeexcite talaga ako. Yung tipong, shucks, kung ano man yung structure na itatanong sa exam, i'm sure gagawin naming crown of glory yun ng dissection group namin! Yung tipong magbibiruan kami ng: "Uy, yikee. Exam question yang structure na yan! Ingatan!" Grabe talaga ang excitement ko nun.
Tapos pagpasok ko sa lab room namin kung nasaan si Kuya, ayun, nakita ko ang kawalang-hiyaan. 26 out of 27 cadavers ng class nagamit o kahit may isang question man lang. Out of all the cadavers, yung samin ang bukod tanging nanatiling nakataklob ng blue plastic at PINATUNGAN LANG NG MODEL NG MALAKING ILONG TAPOS NANDUN SA MODEL YUNG QUESTION!
Walang hiyang malaking ilong yun! Nasaktan talaga ako! I mean, alam ko naman hindi kami 100 percent effort sa pagdidissect. Baka nga nasa 70% lang eh. At alam ko ring mga consultant at kilalang doktor na ang nagsasabing ang panget ng cadaver namin dahil hindi gaanong kita yung structures. Pero naman! Kahit isang tanong lang??? May vestibule naman yung ilong ni Kuya ah! Hello, kitang-kita naman yung sa kanya! Bakit kelangan pa ng malaking ilong!?!??! Hindi ba sapat ang ilong ni Kuya?!
Kuya oh... Inaaway ka... Multuhin mo nga. Pakita mo sa kanilang may ilong ka rin at karapatan mong maging isang exam question. Human rights!
Hay. Pero kung anu't anu pa man, sabi nga nila, hindi ka dapat nagpapatumba sa mga maliliit na paglalapastangan sa iyo. Dapat tumatayo, bumabangon, at muling lumalaban...
Kuya, next time tumayo ka nga mag-isa para mapilitan silang gawin kang exam question!
Deh. Sa susunod talaga, lahat ng kaklase namin luluhod, luluha, tutumbling at magmamakaawa para lang makita ang suuuuuuper ganda naming dissection ng thorax. Pramis. Para naman once and for all, mapabilang na si Kuya sa exams. :)
8.31.2009
8.14.2009
Punyeta. Sige putulan niyo kami ng kuryente! Go!
Sige na. Putulan nqa ng kuryente ang PGH. Pati tubig. Mind you, wala naman atang ospital ang kayang gumana ng walang tubig at kuryente kahit pa sabihin mong taga-UP ang mga nagpapatakbo ng PGH at na innovative, resourceful at compassionate towards the underserved sila. Kahit anong compassion at imagination naman ata hindi makakatumbas sa basic necessities.
Sige nga, pag wala nang tubig ang PGH, tingnan natin kung ilang tao ang mamatay sa infection dahil walang staff ang makakapaghugas ng kamay. At since walang doktor ang makakakita ng kahit ano, i-good luck na lang natin ang mga physical examination at diagnosis na magagawa nila sa dilim. Good luck sa pagbabasa ng X-ray, MRI, at CT Scan. Good luck sa pagpapagana ng mga makinang kelangan mo sa pagmonitor ng pasyente. Good luck na lang sa mga bagay na kailangang i-ref. Good luck talaga.
Wag kayong mag-alala. Sanay na naman ata magpaypay ang mga tao sa PGH kaya walang problema kung mainit.
Kung sabagay, ayos din na putulan na nila ng kuryente ang tanging "Hospital of Last Resort" at tanging Tertiary Hospital (layman: hospitals that have specialty doctors) na nagaasikaso sa maraming maraming mahihirap at nang tuluyan nang mamatay ang mga mahihirap sa bansa. Kung 500,000 na mahihirap ang natutulungan (at napapagaling at nababago ang buhay, evidenced by the multiple cases presented to us by our professors) ng PGH taun-taon, isipin mo na lang kung walang PGH.
In a span of ten years, 5 million na mahihirap na ang matatapyas sa statistics ng Pilipinas. Bababa ang unemployment rate, bababa ang poverty rate, at kagaya nga ng sagot ng mga naive at mayayamang-hindi-nagiisip na kabataan ngayon, mawawalan na ng mababaho sa bansa.
Astig yun. Malay mo dahil diyan ma-disillusion ang investors, isipin nilang lumalago na ang ekonomiya natin, at makatulong pa ng malaki sa lalong pag-unlad ng matagal nang naghihikahos na Philippine economy. Sandamukal man na human rights cases ang isampa sa atin, at labagin man natin ng lubusan ang Alma Ata Declaration on Primary Health Care, who cares right? Maski ngayon nga walang pakeelamanan kung naviolate ang human rights mo o napatay ka extrajudicially. Shut up ka lang dyan at tatanggapin mo lang dapat na "ramdam ang kaunlaran."
Sa huli kasi, ang tanong lang naman na hindi na rin kailangang sagutin ng gobyerno dahil alam na naman natin kung anong isasagoit nila ay: "Kung state hospital ang PGH, di ba kapag may utang yung ospital ibig sabihin utang din yun ng gobyerno?"
So kapag naputulan ng kuryente ang PGH, yun ay dahil, in effect, hindi nakakabayad ang gobyerno.
Pero kaya niyang mag-dinner sa New York at gumastos ng 1 million pesos isang bagsakan.
Astig. Palakpakan.
***
Grabe, lumalabas ang pagka-aktibista ko sa balitang to ah! Frustrating!