8.14.2009

Punyeta. Sige putulan niyo kami ng kuryente! Go!

Sige na. Putulan nqa ng kuryente ang PGH. Pati tubig. Mind you, wala naman atang ospital ang kayang gumana ng walang tubig at kuryente kahit pa sabihin mong taga-UP ang mga nagpapatakbo ng PGH at na innovative, resourceful at compassionate towards the underserved sila. Kahit anong compassion at imagination naman ata hindi makakatumbas sa basic necessities.

Sige nga, pag wala nang tubig ang PGH, tingnan natin kung ilang tao ang mamatay sa infection dahil walang staff ang makakapaghugas ng kamay. At since walang doktor ang makakakita ng kahit ano, i-good luck na lang natin ang mga physical examination at diagnosis na magagawa nila sa dilim. Good luck sa pagbabasa ng X-ray, MRI, at CT Scan. Good luck sa pagpapagana ng mga makinang kelangan mo sa pagmonitor ng pasyente. Good luck na lang sa mga bagay na kailangang i-ref. Good luck talaga.

Wag kayong mag-alala. Sanay na naman ata magpaypay ang mga tao sa PGH kaya walang problema kung mainit.

Kung sabagay, ayos din na putulan na nila ng kuryente ang tanging "Hospital of Last Resort" at tanging Tertiary Hospital (layman: hospitals that have specialty doctors) na nagaasikaso sa maraming maraming mahihirap at nang tuluyan nang mamatay ang mga mahihirap sa bansa. Kung 500,000 na mahihirap ang natutulungan (at napapagaling at nababago ang buhay, evidenced by the multiple cases presented to us by our professors) ng PGH taun-taon, isipin mo na lang kung walang PGH.

In a span of ten years, 5 million na mahihirap na ang matatapyas sa statistics ng Pilipinas. Bababa ang unemployment rate, bababa ang poverty rate, at kagaya nga ng sagot ng mga naive at mayayamang-hindi-nagiisip na kabataan ngayon, mawawalan na ng mababaho sa bansa.

Astig yun. Malay mo dahil diyan ma-disillusion ang investors, isipin nilang lumalago na ang ekonomiya natin, at makatulong pa ng malaki sa lalong pag-unlad ng matagal nang naghihikahos na Philippine economy. Sandamukal man na human rights cases ang isampa sa atin, at labagin man natin ng lubusan ang Alma Ata Declaration on Primary Health Care, who cares right? Maski ngayon nga walang pakeelamanan kung naviolate ang human rights mo o napatay ka extrajudicially. Shut up ka lang dyan at tatanggapin mo lang dapat na "ramdam ang kaunlaran."

Sa huli kasi, ang tanong lang naman na hindi na rin kailangang sagutin ng gobyerno dahil alam na naman natin kung anong isasagoit nila ay: "Kung state hospital ang PGH, di ba kapag may utang yung ospital ibig sabihin utang din yun ng gobyerno?"

So kapag naputulan ng kuryente ang PGH, yun ay dahil, in effect, hindi nakakabayad ang gobyerno.

Pero kaya niyang mag-dinner sa New York at gumastos ng 1 million pesos isang bagsakan.

Astig. Palakpakan.


***
Grabe, lumalabas ang pagka-aktibista ko sa balitang to ah! Frustrating!

No comments: