May nabasa ako dati sa isang youtube video. the video was just a simple (well, ang galing niya so hindi simple yung dance haha) dance video na improv lang. kumbaga, hindi choreographed at wala lang, gumagawa lang siya ng kung anu-anong step. the uploader tried to explain why he created the video. ang sabi niya: "I just needed to move."
I so need to write now. I don't like needing to do so. Feeling like this means that I have something that I want to let out pero hindi ko alam kung ano ang problema ko kaya ayan. I just need to write. I just badly need to write pero hindi ko naman alam kung anong isusulat. Hindi tuloy matapos tapos ang punyetang to. Letse.
Gusto ko na tuloy matutong magsayaw. At least, kapag naman siguro gumalaw-galaw ka lang, kahit walang sense, ok lang. Basta maisayaw mo.
Eh kapag nagsusulat ka, tapos walang sense, lalo ka lang naguguluhan eh. Nyeta talaga.
Kaya susubukan kong magkasense to. Sorry. I just need to write.
***
Alam ko naman na isa siyaa sa mga insecurities ko. Bakit ba? Konti lang naman insecurities ko sa katawan ah. Konti lang din naman kasi yung talagang napagmamalaki ko eh. Konti lang. So kung magiging insecured ako, o highly affected, sensitive, o kung ano man, pwes wag mo nang idiin. AWARE ako. I'm really trying to work on it. Wag mo nang idiin. Hindi mo ko kilala. Hindi mo ko ganun kakilala para husgahan mo ko sa mga galaw ko. TAO rin ako. Oo na, highly negative na, laging nakikipagdebate, malakas ang boses, palaaway na lang palagi, at demanding. I really try to do something about it. Kaya nga inaayos ko rin priorities ko sa buhay eh. Alam ko lahat to. Pero tao rin ako. Tinatablan rin naman ako ng insecurities minsan. Kaya kung magrarant ako, magiging bastos, magiging sensitive, o kung ano man, sorry. I do have limitations and shortcomings. Marami nga eh. Pero hindi mo naman ako kelangan ganunin. Hindi mo kelangang idiin lalu pa't sinusubukan ko naman gawan ng paraan. Pero mahirap kasi. At hindi mo yun maiintindihan. Kaya wag kang umastang nagmamarunong.
***
Hindi ko na alam kung anong mararamdaman ko sayo. Pinapagulo pa ng lahat ng tao sa paligid natin. Pinapagulo mo pa kasi hindi ka nagrereact sa kanila. I feel so stupid whenever you just ignore them. Feeling ko hindi man lang ako worth iexplain. Kahit man lang ireject mo yung idea. Please ireject mo naman yung idea. Para naman alam nila na nagmamatter ako. Para naman kapag may pang-aasar alam kong hanggang dun nga lang kasi at masyado lang talaga akong nagiisip kaya nagiiba yung mga bagay-bagay. Hayaan mo, lumalayo na naman ako eh. Unti-unti. Alam ko hindi mo anman mararamdaman. Dadating ang araw, malalayuan din kita ng ganap. Pero ang hirap pala kasi kapag hindi ka na talaga naghanap ng iba pang taong bibigyan mo ng attachment kasi satisfied ka na na sa isang tao ka lang attached at alam mong isa lang ang kailangan mong tunay kaibigan para maging satisfied sa buhay. Ang hirap kasi kapag nangyari yung tulad nito, ayan, wala ka nang ibang close. Hindi mo tuloy mabawi. Shet. Shet ka talaga. Pinapakomplikado pa kasi ng ibaang tao eh. Bwisit. Pero wag ka mag-alala. Nararamdaman ko naman na ayaw mo. Pramis. Hindi lang ako sanay na baguhin kung anuman ang meron. At hindi ko rin gusto baguhin. Pero alam ko na fed up ka na kahit papano. Sorry. Sorry ang bagal ko magbago. Pramis. Alam kong hindi pwede. Hayaan mo, isang araw, malalayuan na kita. Pramis.
***
Lord, balik Ka na. I feel empty without you. You take away these useles feelings. Dahil sa Iyo, alam kong walang kwenta tong mga to. Dahil sa Iyo, sumasaya ako. Please. I don't want to write anymore.
No comments:
Post a Comment