10.31.2009

The Tale of A Line And A Stupid Commission

I started the day, Oct 30, at around 7 am. I was late, I know. Pito was not, however, since he arrived there at around 4 am. JB and Mau arrived at around 5 am.

If you don't know, there are two steps to be registered as a voter in the upcoming elections. One, you have to verify your forms. Second, you have to get your biometrics and picture taken. We were able to by pass the first step since we already had verified forms so second step na lang.

The line for the second step for District 2 was like this. There was a waiting shed that is around 2 blocks long. The line loops here twice. Outside the shed, the line continues and loops around thrice. Then the line would continue to the adjacent parking lot (which is around one block long also) wherein it would again loop twice before it continues to the adjacent road (which is the same length as the waiting shed) and would loop SIX times. Guess what, nagsimula kami sa may road kung saan anim na beses nang umi-isaw yung linya. Thank you.

I think we started with 4000 people in front of us and another 2000 behind us. NO JOKE. Nagawa na namin lahat. Nakapagbonding na kami, naglaro kami ng cards, nagtsismisan na kami, nagtawanan, kumain, kumanta, umiyak, magkwentuhan, at kung anu-ano pa. Nakalaklak na ata kami ng tatlong litro ng pinaghalu-halong coke, tubig at juice. Mind you, sobrang init nun. Kulang na lang magreview na kami for an exam para lang once and for all maramdaman namin na may nagagawa kaming productive bukod sa paghintay na umusod ng kaunti yung pila.

But we waited. After all, para sa bansa di ba? At para rin sa karapatan mo.

Wag ka, nakarating kami sa may pila sa waiting shed. When we were there we felt so trimphant. Nasasayangan kami sa pagpipilang ginagawa namin dun pero who cares. At that point, we just want to be registered voters para naman may patunguhan ang mga ginawa namin. Walang reklamo. We just want to end it soon.

Around 530 pm (at this point I have lined up for almost 10 hours, sina JB at Mau 12 hours at si pito at 13 hours), the line stopped already. Hindi na sila ulit kumukuha ng forms para ibigay sa loob ng office at matawag. Then, suddenly, lumabas yung isang taga-Comelec, nagdala slash naglagay ng blue table sa tabi nung pila at ipinaliwanag na hindi na daw lahat ng tao ngayon ay ma-aaccomodate. Kukuhanin na lang daw nila yung forms namin at yung contact number namin tapos tatawagan na lang daw nila kami. What the fuck? Job interview ba to??

Pero kami ok lang, sige. Kaya to. Para at least may mapala tayo. Ang problema nagkaroon ng massive na singitan at imbis na malapit na kami, biglang humaba yung pila namin. Pero sige kebs lang. After such a long wait, WHO WANTS TO GO HOME EMPTY-HANDED?? So nagtiis pa rin kami. Siksikan na yung waiting shed nun pano ang dami sumingit kaya sobrang init at hindi ka pa masyadong makagalaw. Tapos nagkagulo pa yung pila so may isang batalyon ng mga tao ang biglang nagrereklamo at nagkeclaim na lo and behold sila raw ang tamang pila. Pero kebs pa rin. We still wanted to be optimistic and get something out of that REALLY LONG wait. I think at that point, ok na lang din samin ang umuwi ng kahit 11pm just so we can sign our names and contact numbers and give them our forms (mind you, hindi pa rin kami tapos nito ah. kasi tatawagan pa daw nila kami diumano para magpabiometrics so babalik pa rin kami.)

Tapos nagsimula nang umulan. The line was moving nung mga 7 pm pa (Pagpila hours: ako, 12 hours, sina JB at Mau, 13.5 hours, si pito, 15 hours). Malayo pa kami sa pila. Mga isang loop pa ng tao. Tapos ang dami pang nagpapasingit. Ang estimate mga dalawa hanggang tatlong oras pa. Tapos biglang hindi na gumagalaw yung pila. Naglalaro na lang kami ng cards nun. Tapos sabi nung katabi namin nawala na daw yung mga taga-Comelec kaya hindi na gumagalaw yung pila. (Take note, umuulan pa rin, lumalakas na, at may mga nakapila pa rin sa lbas ng waiting shed at naghihintay na gumalaw yung pila.) Sabi namin by 7:30 kapag wala pa rin yung pila, kakausap na kami ng tao at itatanong kung kelan ba nila balak simulan ulit yung pagkuha ng forms kasi ayaw naman naming mag24 hours sa pagpila noh.

7:30 came still no sign of anyone. Nagdecide na kaming gaguhan na iyon at pagod na talaga kami so pumunta kami sa loob ng office para lang itanong kung kelan ulit magsastart. Kung magsastart na ng mga 8, magdedecide kami kung itutuloy pa namin yung pila. Kung later pa, baka hindi na lang kasi dis oras na ng gabi for crying out loud at nandun kami sumisikat pa lang ang araw. Ayaw naman naming abutin ng bukas ang pathetic na nun.

We talked to the guard. Ang bastos niya. Pinapalayas niya kami ay sabi niya "Bumalik na kayo sa pila! Magreresume din kami! Bumalik na kayo" As if namang willing pa kaming bumalik sa pila! Tapos tinatanong namin siya kung mga anong oras nila ulit ibabalik yung pagkuha ng forms, sabi niya: "Basta bumalik na lang kayo do'n! Magreresume din kami pagtigil ng ulan!"

Mind you, hindi tumigil ang ulan ng gabing yun. Signal number 2 nga eh, ang kulit.

Gusto kong murahin ang ina niya nung mga panahon na iyon pero sabi ko wag na lang. He's not worth it. So umalis na kami dahil hindi na talaga namin kaya pang pumila ng sobrang tagal pa. We left at around 8, achieving nothing at all.

I lined up for almost 13 hours. Well, sina JB at Mau 15 hours at si Pito 16 hours.

Ngayon mo sabihin sakin na: "Ayan kasi hindi kayo nagparegister ng maaga" at mumurahin kita sa abot ng aking makakaya. Thank You.

Alam kong matagal na yung registration at na oo kasalanan namin na hindi kami maaga nagparegister kaya kami inabot ng ganun kahabang pila. PERO YUN NGA YUNG DAHILAN KUNG BAKIT KAHIT PARANG HINDI MATATAPOS YUNG PILA NA YUN EH PUMILA PA RIN KAMI, kasi alam namin na yun yung kapalit ng late registration.

The point is, there was injustice because we were still able to make it to the deadline pero na-cut off lang kami. Sa school, kapag nagpasa ka ng project ng maaga may bonus points. Analogy: Kapag nagparegister ka ng maaga wala kang mararanasan na ganun kahabang pila. Pag nagpasa ka beyond the deadline, hindi tatanggapin project mo. PERO PAG NAGPASA KA WITHIN THE DEADLINE, walang bonus, i.e. pipila ka ng mahaba dahil amraming tao, pero TATANGGAPIN PA RIN YUNG PROJECT MO.

Ang problema kasi, kung deadline ngayon and 7000 people lined up, it just means that 7000 people deserved to be registered dahil umabot naman sila sa deadline eh. To cut-off other people dahil lang ang gusto niyong ang iprocess lang for this day ay 2000 people would be violating their right to vote. Kung 7000 ang dumating, 7000 dapat ang maprocess mo.

And the whole thing was so unfair. Dahil walang sistema, ang daming sumingit sa harap kaya yung mga nakapila na dun ng 4am pa lang naunahan pa ng mga pumila dun ng 11pm. There was no numbering system and the whole thing assumed na wala ka nang gagawin for the day at na pwede mong ilaan ang 16 hours mo sa pagpila para lang maging registered voter. Bullshit.

Also, District 2 lang yung may sobrang habang pila na ganun. Yung iba atang district walang pila. Why not redirect some people to those machines? Para naman mabawasan kahit papano yung tao sa district 2??

Tapos pumila ka na ng sobrang tagal, sa dulo sasabihin sayo na kukunin na lang nila pangalan at contact number mo at tatawagan ka na lang nila para BUMALIK. At hindi lang yun, for no reason at all, DAHIL LANG UMUULAN, na as if namang yung mga taong nakapila sa labas ay hindi nauulanan, tinigil nila yung pagkuha ng forms.

AGAIN, ngayon mo sabihin sakin na: "Ayan kasi hindi kayo nagparegister ng maaga" at mumurahin kita sa abot ng aking makakaya at kahit hindi ko na kaya mumurahin pa rin kita. Thank You.

We went home feeling defeated. Nanakawan kami ng isang araw, literally. But we were not really ashamed OR guilty that we went home not registered at all. Nagexert kami ng effort. Sobrang. Daming. Effort. Hindi na naman namin siguro kasalanan kung naviolate ang mga karapatan namin dahil lang sa isang bulok na sistema, di ba? We went there to exercise our rights but we were stopped by a big wall called incompetence.

We also decided not to line up anymore today. We need to rest.

We tried to be good Filipinos. We really did. Pero mukhang allergic nga talaga ang bansang to sa mga mabubuting mamamayan. Kung sistema pa lang sa pagregister ng mga boboto gaguhan na, eh hindi mo na masisisi kung bakit come election time eh sobrang daming anomalyang nagaganap.

Kung ayaw mo akong pabotohin, fine. Ipagdadasal ko na lang ang bansang to.

---

Tnx JB, Mau at Pito for the company. It would have been ten times more agonizing wihtout you guys. Kelangan na talaga magbonding ng 2014 QC people! :)

---

At ngayon-ngayon lang, nabasa kong (CLICK ME for the news article!) isang petition sa supreme court ang ipinasa kaugnay sa diumano'y pagiging unconstitutional ng Oct. 31 deadline para sa registration of new voters lalu pa't ang sabi lang sa constitution ay dapat wala nang registration 120 days prior to an election. This means dapat wala nang registration ng January kung May ang elections at na 2 months earlier and deadline na iniimpose ng COMELEC. Oh great. Kung mapapasa to, pipila ba tayo ulit JB, Mau, at Pito? Sakin okay lang. hahaha. :P (ako na ang stubborn. :P)

random number 2

RULE: bawal magcomment sa random posts ko. beh. ang magcocomment panget. at may tae sa pwet. at may putok. tsaka buhok sa leeg. ewww.

-----------------------

I have a lot of pet peeves too (since last time I checked I'm still a human being). I hate people who disrespects other people's things. Yung kunwari aapakan yung unan ng isang tao lalu na kapag wala yung tao na yun dun. I also hate it when people would suddenly frown for no reason at all and would DELIBERATELY DAMPEN A HAPPY mood for personal reasons kahit walang kinalaman sa mga kasama niya. I also hate people who are hypocritical.

That's the topic. I think pet peeves are selfish. I mean sure it points out possibly wrong habits - most of the time possibly insensitive ones - that people commit and you personally hate. But, sometimes, they can be baseless or not necessarily outright wrong. Wala lang. Minsan nabibwisit ka lang sa isang bagay kahit hindi naman siya mali. And that's where the selfishness comes in. Kung ipapamukha mo sa isang tao na parang mali yung ginagawa niya dahil lang ayaw mo ng ganun, kahit technically hindi naman talaga mali yung ginagawa niya, that makes you selfish.

Case in point: Kunwari may isang tao na gusto niyang palaging ino-off yung ilaw kapag lalabas ng kwarto at pet peeve niya ang mga taong hindi nagsasara ng ilaw. Tapos nakasama niya ang isang tao na ayaw ng madilim. The former would accuse the latter of, most of the time, insensitivity or just plain irritating kahit technically pwedeng wala naman kasalanan yung latter.

At this point, I think it's best to compromise and to know whether your pet peeve still has some bearing. Baka naman pwedeng patayin mo na lang kasi yung ilaw imbes na magexert ka pa ng effort na mabwisit dun sa taong hindi nagpapatay ng ilaw. Malay mo kasi pet peeve niya ang taong nagpapatay ng ilaw kaya siya hindi niya pinapatay. Thus, compromise.

Katulad ng pet peeve ko na ayaw ko sa mga taong bigla na lang sumisimangot o naninira ng masayang mood. Eh paano kung expressive yung tao at hindi niya kayang pigilan? Pushing thorugh with my pet peeve and getting irritated would be outright SELFISH.

But of course, there are pet peeves that are really wrong (and here, it can be argued that morality is relative but i'll stay clear of that para hindi maging kasing haba ng Noli Me Tangere ang sinusulat ko). Katulad ng pet peeve ko sa mga taong hindi rumerespeto ng gamit ng iba I think that's really wrong. Hindi naman sa iyo eh so gumalang ka sa gamit ng iba kahit wala siya, just like how you'd want your things to be respected.

Ang point: Una, reflect. Kung tama yung pet peeve mo walang problema. And hell, I'd even encourage you to tell other people about it so that they would be able to right the wrong things they do. PERO, kung yung pet peeve mo eh hindi naman necessarily all-the-time tama, pwes KAARTEHAN lang yan. And that takes out your right to be mad at other people for it. Pwede sariling preference mo lang pala iyan so wag mong ipilit sa iba. Kung gusto mo chocolate tapos gusto niya vanilla, you cannot persecute the other person for what he or she prefers. Minsan kasi, yung ibang pet peeve, hindi naman talaga mali at maarte lang yung taong nagpeperceive. Sabi nga nila, to each his own. Kung inaapply mo yun sa mga sarili mong pananaw, matuto kang iaapply din sa iba.

Pangalawa, don't be hypocritical. May iba akong kilala, marami sila, na may pet peeves na sila rin mismo vina-violate nila to some degree. Maybe not the same way na maaasar sila pero pareho yung effect. Like ako pet peeve ko ang mga gumagamit ng table, kama, at laptop ko ng hindi man lang nagpaalam kahit konti or hindi man lang inacknowledge ang presence ko pagdating ko. Pero sa mga pagkakataong ito, pinipigilan ko mainis. Kasi ako rin naman naviviolate ko to. Not the same things like gagamitin ko ang kama, table, at laptop ng iba but other things like minsan nakakagamit ako ng stapler o playing cards ng hindi ako nakakapagpaalam. In which case, I also decide not to be pissed with this kind of pet peeve anymore. Kasi nava-violate ko rin eh. Ang kapal naman ng mukha ko kung iimpost ko sa iba ang isang bagay na nagagawa ko rin.

10.25.2009

May pananabik pang natitira...

Favorite line! (kasi ang ganda ng melody niya dun sa song. haha. isang line lang!)

TRP song's almost over. Actually, gusto ko lang ito i-blog kasi sabi ko dati kapag nakapagcontribute ako ng kahit ano sa paggawa ng isang kanta ituturing ko siyang milestone. Yun lang. LOL.

Deh. I realized it takes so much talent to create a song and now I actually have much more respect for song writers. As in. It takes a great deal of inspiration, too, to create music and lyrics that jive and present the same meaning slash the same feeling together. Sobrang experience sa akin mapanood ang song com na gumawa ng kanta. haha. kahit most of the time clueless ako sa mga nangyayari like kapag nagtatalo sila kung bababa ba o tataas o kung bakit sa part na to ganito na tapos may ganito sa isa pang part. wahahahaha. Jargon grabe. Pero kasi bigla silang kakanta at nagpoproduce ng melody. Sobrang cool!

Which is why I also respect the song com a lot now. Grabe ang talent. Woohoo.

Kung hindi man tayo manalo, no matter, what the song com was able to pull off something different. Arrangement na lang tapos ok na. :)

Sana nga magustuhan ng class eh. :) And I hope this post will make you guys excited. :P

Tell me I am not writing into an abyss, or that is what will become of my heart

must watch. A kid's love letter. *kilig*

i don't think i even knew what abyss was when i was his age. haha.





Kung kaya ko magsulat ng ganito nung bata ako, hindi na ko nagmed. wahahaha. kinarir bigla. deh. i always believe words are still the most effective way to make someone fall in love. and with the eloquence of something like the letter in this video, you will be the sexiest man alive. LOL.


10.18.2009

"Matalino ako, bobo ang exam!"

from dane.

bwahahahaha. pero totoo naman eh. it's not that we're stupid. matalino nga tayo eh. tanga lang talaga yung exams. hindi niya tinatanong kung ano yung alam natin eh! :P

putik sembreak bat ang tagal mo?
kay tagal ko nang hinintay ang iyong mga yakap!
kay tagal ko nang gustong hagkan ang mga araw na iyong maibibigay!
bakit mo ako pinapahirapang ika'y makamit,
iniiwan kay Salome at pinipilit mag-isip?

Di pa ba sapat ang pagdurusang narating?
Tapusin mo na to maawa ka na sakin!
Sabik na akong ika'y mapasaakin!

bow.

neuro break over..

10.14.2009

random number 1

RULE: bawal magcomment sa random posts ko. beh. ang magcocomment panget. at may tae sa pwet. at may putok. tsaka buhok sa leeg. ewww.

---//

age brings wisdom. true true. but for me, age brings wisdom, but not necessarily always.

the point is, if you request for equality, it'd be easy to give. treating someone like there is nothing between you would be a breeze especially since you'd be able to relay your whole self to the person without actually caring whether he or she would like it or not.

the case:

if you are with your peers, you can do anything. if they don't like it, they go away. if they like it, they stay. PERIOD. it ends there.

but if you are with someone demanding your respect, you CAN'T do anything because you have to stay clear of that air of respect he or she is putting between you two. If they don't like what you're doing, they'd tell you to change.

THAT'S THE DIFFERENCE. DEAL WITH IT.

Thus, do not ask for equality if you still want to have that air of respect from the other person. Bestowing the right to be treated equal to the other person involves giving that person the right to express himself or herself to you. AND IF HE OR SHE DOES, you do not tell the person: "hey, you're crossing the line here. i think you should change that." When you're on equal footing, it does not give you the right to tell the other person to change because he or she would not have any reason why he or she would do so. Bakit siya magbabago? Para ma-impress ang kaninong standard? Sa'yo? Eh pareho lang naman kayo ng kalagayan.

This changes when you have a person demanding some respect. In Filipino customs and traditions, it is but normal to pay respect to people who are older. At kung ganun nga, hindi niyo makikita yung "full-blown" na kami kasi hindi namin yun ibibigay sa iyo dahil kailangan naming kahit papaano, kahit kakaunti, magbigay ng respeto. Kasi kapag pareho lang kayo ng footing, hindi ka magaalangan gumalaw dahil hindi kailangan. Kapag mas matanda sa'yo, magaalangan ka dahil baka makabastos ka so magiging careful ka.

Asking us for equality is like telling us that no, we do not have to be careful anymore because you won't mind. Kung ayaw mo, lalayo ka lang. Kung gusto mo, ok lang. Hindi ka magpapakadiva na: "omg, that is so offensive. give me some respect naman kahit papano." kasi nga you already asked for equality.

Kami naman yung disadvantaged eh. Sa Filipino norm, kapag kaedad mo ang nakaaway mo, kebs lang. Pero pag mas bata sayo, mapang-api ka. Kapag mas matanda sa'yo, bastos ka.

Thus, if you want to still cage us into being the younger ones, stop telling us that we're on equal footing. Diretsahin niyo kaming gusto niyo pa ring maturing na mas matanda o na upper classmen kung yun talaga di ba. BECAUSE THERE IS A DIFFERENCE. Mahirap naman na may ineexpect pala kayo samin eh kami naman nagassume lang na equal footing na. Wala naman kaming magagawa dun eh. Tatanggapin lang namin yun if ever. But be clear with what you ask of us. We can give you respect if that's what you want pero wag kang magassume na pwede ka rin naming ituring na patas lang at the same time. Life is already unfair with all that Filipino norm, you don't have to make it more so.

10.02.2009

Idol. As in. Pag ako nagkaroon ng kapangyarihan, siya ang unang nanakawan ko ng talent.

enough said.

sa isang miss engg dati, may isang comedy group, UP Samaskom ata, ang nagperform ng isang skit kung saan may nag-introduce na: "Ladies and Gentlemen, the UP Samaskom Choir!" tapos may isang lalaki at isang babae na lumabas. Yung lalaki nagconduct. Tapos yung babae kumanta. Ang babaw pero tawa ako ng tawa. Natuwa ako sa concept ng sinabi na choir tapos isa lang yung tao...

But now, I'm amazed.

Binanggit na ata sakin ni Ben tong si Sam Tsui nung nagreunion yung eme. Nakalimutan ko ata, though. hahaha. Well, kung hindi mo magegets, sa dalawang video na to, si Sam lang yung kumanta ng lahat ng parts. At yung editing ng video at arrangement (at least for the MJ medley) ay pakana naman nung kaibigan niya na si Kurt (basta siya yung lalaki sa left most sa MJ video).

Kurt, kelangan ka namin sa pagarrange ng TRP song. hahahahaha.

sorry. I really just have to post this para tantanan ko na ang pagreplay sa kanya. hahahaha.

The Michael Jackson Medley:


(for Glee fans; manonood na ko ng Glee soon! pramis!) Don't Stop Believing:


10.01.2009

I found model IVAN.

credits: raab hizon.

with a little help from my sister. :)

ivan! grabe magpose! parang walang bukas!

http://ryhizon.multiply.com/photos/album/44/PHOTOP_OP_UP_CAS_Part_2

sori. ayoko kuhanin yung picture mula sa site (pero nagnakaw ako ng isa. may citation naman! :P). hindi kami magkakilala nung may-ari eh. naging kaklase siya ng kapatid ko though. at sa mga taga-pisay, isa siya sa mga taga-repro na umaayos ng pics natin nung grad, yearbook, etc. si kuya raab. :) ang galing niya kumuha ng picture in fairness. :P

Laya's indecent proposal. As in mahalay.

Laya is seducing/bribing me with her body. grabe, iba na talaga ang effect ko. bwahahahahaha. ayaw mo maniwala?! eto ang chat conversation namin!

Ryan Magtibay: matakot ka kung pati ako kelangan mo suhulan!
Ryan Magtibay: ibig sabihin fail ka na!
Ryan Magtibay: fail!
Ryan Magtibay: =))
laya zamora: hahaha.
laya zamora: yun nga eh.
laya zamora: tapos anong isusuhol ko sa iyo?
laya zamora: di puwede katawan ko?
laya zamora: =))


wahahahaha. grabe lang laya! hindi ako nakareact! so totoo pala ang hidden desire mo sakin?!? bata pa ko! wag po! wag!

take note: wholesome ako sa chat na to. as in. tapos ganyan!? hahahahaha.

deh. pero bahala na si laya ang magexplain. hahahaha. pero totoo yan talaga. binigyan niya talaga ako ng indecent proposal. hahaha.