RULE: bawal magcomment sa random posts ko. beh. ang magcocomment panget. at may tae sa pwet. at may putok. tsaka buhok sa leeg. ewww.
-----------------------
I have a lot of pet peeves too (since last time I checked I'm still a human being). I hate people who disrespects other people's things. Yung kunwari aapakan yung unan ng isang tao lalu na kapag wala yung tao na yun dun. I also hate it when people would suddenly frown for no reason at all and would DELIBERATELY DAMPEN A HAPPY mood for personal reasons kahit walang kinalaman sa mga kasama niya. I also hate people who are hypocritical.
That's the topic. I think pet peeves are selfish. I mean sure it points out possibly wrong habits - most of the time possibly insensitive ones - that people commit and you personally hate. But, sometimes, they can be baseless or not necessarily outright wrong. Wala lang. Minsan nabibwisit ka lang sa isang bagay kahit hindi naman siya mali. And that's where the selfishness comes in. Kung ipapamukha mo sa isang tao na parang mali yung ginagawa niya dahil lang ayaw mo ng ganun, kahit technically hindi naman talaga mali yung ginagawa niya, that makes you selfish.
Case in point: Kunwari may isang tao na gusto niyang palaging ino-off yung ilaw kapag lalabas ng kwarto at pet peeve niya ang mga taong hindi nagsasara ng ilaw. Tapos nakasama niya ang isang tao na ayaw ng madilim. The former would accuse the latter of, most of the time, insensitivity or just plain irritating kahit technically pwedeng wala naman kasalanan yung latter.
At this point, I think it's best to compromise and to know whether your pet peeve still has some bearing. Baka naman pwedeng patayin mo na lang kasi yung ilaw imbes na magexert ka pa ng effort na mabwisit dun sa taong hindi nagpapatay ng ilaw. Malay mo kasi pet peeve niya ang taong nagpapatay ng ilaw kaya siya hindi niya pinapatay. Thus, compromise.
Katulad ng pet peeve ko na ayaw ko sa mga taong bigla na lang sumisimangot o naninira ng masayang mood. Eh paano kung expressive yung tao at hindi niya kayang pigilan? Pushing thorugh with my pet peeve and getting irritated would be outright SELFISH.
But of course, there are pet peeves that are really wrong (and here, it can be argued that morality is relative but i'll stay clear of that para hindi maging kasing haba ng Noli Me Tangere ang sinusulat ko). Katulad ng pet peeve ko sa mga taong hindi rumerespeto ng gamit ng iba I think that's really wrong. Hindi naman sa iyo eh so gumalang ka sa gamit ng iba kahit wala siya, just like how you'd want your things to be respected.
Ang point: Una, reflect. Kung tama yung pet peeve mo walang problema. And hell, I'd even encourage you to tell other people about it so that they would be able to right the wrong things they do. PERO, kung yung pet peeve mo eh hindi naman necessarily all-the-time tama, pwes KAARTEHAN lang yan. And that takes out your right to be mad at other people for it. Pwede sariling preference mo lang pala iyan so wag mong ipilit sa iba. Kung gusto mo chocolate tapos gusto niya vanilla, you cannot persecute the other person for what he or she prefers. Minsan kasi, yung ibang pet peeve, hindi naman talaga mali at maarte lang yung taong nagpeperceive. Sabi nga nila, to each his own. Kung inaapply mo yun sa mga sarili mong pananaw, matuto kang iaapply din sa iba.
Pangalawa, don't be hypocritical. May iba akong kilala, marami sila, na may pet peeves na sila rin mismo vina-violate nila to some degree. Maybe not the same way na maaasar sila pero pareho yung effect. Like ako pet peeve ko ang mga gumagamit ng table, kama, at laptop ko ng hindi man lang nagpaalam kahit konti or hindi man lang inacknowledge ang presence ko pagdating ko. Pero sa mga pagkakataong ito, pinipigilan ko mainis. Kasi ako rin naman naviviolate ko to. Not the same things like gagamitin ko ang kama, table, at laptop ng iba but other things like minsan nakakagamit ako ng stapler o playing cards ng hindi ako nakakapagpaalam. In which case, I also decide not to be pissed with this kind of pet peeve anymore. Kasi nava-violate ko rin eh. Ang kapal naman ng mukha ko kung iimpost ko sa iba ang isang bagay na nagagawa ko rin.
No comments:
Post a Comment