11.03.2009

random number 3 - pet peeves number 2

RULE: bawal magcomment sa random posts ko. beh. ang magcocomment panget. at may tae sa pwet. at may putok. tsaka buhok sa leeg. ewww.

-------

ok this is not really random anymore. kelangan lang talaga ng reply. ayoko namang pahabain yung isa pang entry.

i think the only part that owes an apology was the comment. it does come in somewhat off and was a product of emotions and not thought of actions. or let's just say i was pissed at some of it which validated my actions back then. Thus, sorry on that. Ang obnoxious hindi nagsosorry. ehem. ehem.

Other than that, here's my two cents:

Saying that you believe no one should expect anyone to ride with one's pet peeves contradicts saying that when someone deliberately violates your pet peeves, you'd get pissed.

Pag dineclare mo na pet peeve mo to, sinasabi mo sa ibang tao na wag mo yang gawin dahil mabibwisit ka. In effect, ineexpect mo na hindi niya gagawin yun dahil alam niyang naiinis ka dun. That's imposition.

And that is selfish. Lalu na kung walang kwenta yung iniimpose mo, which is the very definition of pet peeves.

However, imposition also implies that other people ride your pet peeves so that they won't deliberately or not deliberately do it to you. Hindi lang kapag deliberately niya ginawa sa'yo. BAKIT, kapag ba hindi niya sinasadyang maviolate ang pet peeves mo, hindi ka na mabibwisit?!? Kasi kung hindi, you're gonna create a paradox since supposedly ang pet peeve ay isang bagay na kinaiinisan mo regardless of whether the person had intention to piss you off or not.

Kaya nga kaartehan ang pet peeves di ba?!

Meaning stating your pet peeves actually tells the reader the things you don't like and you somehow impose it to them. Oo, pwede mong i-reason out na gusto mo lang malaman nila kung bakit ka naiinis on certain things, but that doesn't exempt them from you getting pissed when they do it undeliberately, which brings me to my next point:

Bakit sa tuwing nabibwisit ka ba sa mga maliliit na bagay na katulad ng pet peeve, ikaw lang ang naapektuhan?

Oo siguro kung ikaw yung tipo ng tao na hindi expressive sa mga kinabibwisitan niya, pwede. That ends there.

Pero pano kung ikaw yung tipo na ang poker face mo eh mataray, at na no hindi mo kayang hindi magexpress ng pagkaasar. Eh di kawawa naman ang taong wala naman talagang ginawang masama dahil naapektuhan ng kasungitan mo over something na kaartehan lang naman talaga on your part.

I'm not against pet peeves, i repeat. I have them too. I just believe they're selfish. At hindi dahil 'personal' at 'opinion' mo ang pet peeves kaya siya selfish kundi dahil it can affect other people in unjust ways.

Buti sana kung yung pet peeve mo talagang isang panget na bagay, not exactly morally wrong, pero panget na bagay lang talaga. At least pag nagreflect yung taong nasungitan mo kung anong mali at nasungitan siya, may makocorrect siya. Eh pano kung hindi?

Another point:

Saying that you wouldn't exactly call it hypocritical if on the same or another extent ay nagagawa mo rin yung pet peeve mo on others is not true. kasi naiimpose mo sila somehow.

tsaka hindi ba ironic na kunwari ang isa sa mga kaartehan mo eh ayaw mong pumapasok sa magulong kwarto tapos yung kwarto mo mismo magulo? Kahit kaartehan lang, isn't that hypocritical still? O kaya kung kunwari ang isa sa mga kaartehan mo eh ayaw mo ng ginugulo yung ayos ng unan mo pero ikaw pag sa kama ng iba ang gulo mo mag-unan. Still not hypocritical?

Again, i'm not against pet peeves. Pero kung may pet peeves kang nagagawa mo rin, wag mong itangging hypocritical ka. Ako hypocritical ako on some instances.


Ang sakin lang talaga, selfishness ang pet peeve, in all its redundancy. kung hindi mo kayang isarili yang pagkainis mo sa mga bagay na kaartehan mo lang, panindigan mo yung consequences sa pagtingin ng ibang tao sa iyo, like maarte ka, feeling, makapal mukha, etc.

------

This will be my last post on this topic. It's so pathetic na nauna pa yung entry ko sa pet peeve kesa sa nangyari sa amin sa comelec. It's so weird na ganito ang laman ng blog ko when i'm not normally the type to express opinions on such things. Or maybe I am. Depende sa pagkakakilala mo sakin. Dahil hindi ka pwede magcomment, ikaw na bahala mag-assume. :)

------

Oo, malaya kang i-assume ang kahit ano sa blog entry na to tungkol sakin. Wala akong pakeelam. Basta bawal ka magcomment. Please. Thank you.

Kung ayaw mo sa mga sinusulat ko, what the hell are you doing reading this last sentence? You had the option minutes ago.

No comments: