RULE: bawal magcomment sa random posts ko. beh. ang magcocomment panget. at may tae sa pwet. at may putok. tsaka buhok sa leeg. ewww.
----------------------------------------
Nakakalungkot na nagiging pang-rant na lang lahat ng random posts ko. Letse.
Hindi ko alam pero nainis talaga ako sa inyo. Oo, hidni ko kayo pwedeng awayin dahil matagal pa pagsasamahan natin for sure. Pero pramis, hindi ko alam kung kelan kayo gumawa ng ganung desisyon. Wala akong inagreehang kahit ano, ni wala nga akong nabalitaang may pinagusapan pala. Tapos, with all your ngisi powers, sasabihin niyo sakin, ipagmamalaki niyo yung apparently napagusapan natin, as if spitting at my face na kasalanan ko na kinailangan ng ganung arrangement?!
Bakit, sino bang nangiiwan sa ere. Oo, aaminin ko hindi ko rin naman natatapos yung buong thing kapag iniiwan niyo ko sa ere at may mga trabaho pa ring kelangan niyong gawin once dumating na kayo. But I never thought I was meant to finish all of it. Besides, I almost always get overwhelmed by the amount of work I have to do. But I never fail to make a contribution. Sa apat na beses na ginawa natin ang punyetang iyon, wala ni isa dun ang wala akong natulong.
The last time we did it, marami rin naman ako nagawa bago kayo dumating lahat. At oo, nagtampo ako after we have finished doing it. Kasi naman, wala kayong sensitivity sa work at hand. Actually, yung isang tao lang. Marami na nga ako nagawa, and I was working on it habang kayo ay ginagawa ang mga extra curricular activities niyo na lagi na lang dahilan kung bakit laging parang ako lang ang naiiwang gagawa ng punyetang yun, tapos sakin pa napunta yung pinakamahabang part, tapos oo nga tapos na kayo sa part niyo, pero, at least dun sa isang person concerned, hindi niyo man lang magawang magoffer ng tulong sakin. I actually had to assign that person to do a part for me para matapos na rin ako kasi tapos na naman siya. And the person did, tapos umalis at nagliwaliw. Well, tapos na naman nga siya. Pero alam mo yung feeling na wala man lang willngness to actually finish the job muna bago magliwaliw? I mean, bakit ako andun pa rin ako at gumagawa tapos yung kararating lang na natapos kagad kasi maikli lang naman yung nakuha niyang part eh pwede na magliwaliw??
Kung tutuusin nga, kasumbat-sumbat kayo nung gabing yun eh. At oo, alam kong dapat din sisihin yung kawalan natin ng sistema, pero kasalanan ko lang ba yun? Di ba kasalanan niyo rin kasi tayo naman dapat nagiisip nun? So the mere fact na iniiwan niyo ko lagi to do that, apparently kasi kapag gagawa na tayo nun nagsusulputan extra curricular activities niyo na wala naman kayo kapag manonood kayo ng sine or something else. Oo, pwede na ngang coincidence. At oo, yun naman ang turing ko sa mga yun eh. At kaya nga iniintindi ko lang kayo. Kasi dapat. Kasi tama na intindihin ko lang kayo. Kasi tama na pagbigyan ko kayo kasi responsibilidad niyo rin naman yung pinupuntahan niyo eh.
Pero wag niyo namang iparamdam, ni isumbat, sa akin na wala akong karapatang magtampo, o kahit magpasaring lang sa isang bagay na totoo naman. ANG KAPAL NAMAN SIGURO NG MUKHA NIYONG LAHAT KUNG INISIP NIYONG WALA AKONG KARAPATAN MAGTAMPO. Iniiwan niyo naman talaga ako eh. :(
Sana wala namang sumbatan na nagagalit ako. Oo, ako na palaaway at pessismist. Oo, ako na laging nangongontra. At oo, matalas dila ko. Pero hindi naman ibig sabihin nun na sa tuwing magtatampo o magagalit ako, walang dahilan. Na nagpapaka-palaaway lang ako. Na nagiinarte lang ako. Kasi this time around, may karapatan talaga ako magtampo sa inyo.
WAG NIYONG ISUMBAT SAKIN NA KAYA GUSTO NIYO NG BAGONG SISTEMA AY PARA HINDI NA MAGKATAMPUHAN.
Punyeta kayo. Parang wala lang akong karapatan magtampo ah.
Kung pwede lang magalit sa inyo, ginawa ko na.
Oh well, dalawa lang naman ata sa inyo ang makakabasa nito. I'm sure yung iba masyadong busy.
No comments:
Post a Comment