RULE: bawal magcomment sa random posts ko. beh. ang magcocomment panget. at may tae sa pwet. at may putok. tsaka buhok sa leeg. ewww.
-----------------------------
hindi mo to mababasa kasi hindi ka marunong magbasa ng blog-slash-multiply ng ibang tao. waha. (selfish ka! selfish! hahahaha)
The nomination was, at first, a joke. Sabi mo kasi you failed at being a good leader back in high school. Sa loob loob ko naman, gago pala tong tao na to; ang dami kayang tumingala sa kanya nung high school (figuratively) tapos magpapaka-emo na kala mo deserving malungkot. wahaha. And so i nominated you back in first year. Wala namang masama. Everything still relied on the vote.
At akalain mong tama naman kasi ako to trust you in handling the job.
And dude, seriously, you were so fit for the job not because you were such a great leader but because of the little failures as a person that you have, ironically.
Una, you think so differently from anyone else that it's just hard to understand you sometimes. Seriously. Living with you allowed me to see how seriously insane you can be. haha. At dahil dun, you are always able to think out of the box. Hindi ka narerestrict ng conventional ideas at ng traditions sa pagli-lead. Your amazingly insane ideas to attain certain objectives allow people to reassess how they can do things. And people has to learn from you this. The world stagnates when creativity stops. Pag nagsistick na ang mga tao sa isang formula na nagwowork, ibig sabihin nagfefail na ng sobra sobra yung leadership. Kapag wala ka nang creativity and you just do what has been done, then you're merely guiding (na pwede na kung mediocre lang naman ang target mong leadership) and not opening possibilities and leading your people to what you believe they can do and what they want to achieve.
Pangalawa, sobrang makapal ang mukha mo. As in. Marami kang kalokohang ginagawa na hindi ko magagawa sa tanang buhay ko. And this trait allows you to be brave - brave enough to introduce something so wacky as an option for the class; brave enough to push for activities no class has ever done before; brave enough to uphold ideals in front of the classand to stand by it; and brave enough to stand up for the class in matters that we needed to be defended. Masaya minsan magkaroon ng leader na makapal ang mukha kasi alam mong magiging matapang siya to take on challenges. Ang maganda lang sayo, you didn't go overboard and your feet stayed on the ground.
Pangatlo, in line with this, isa kang taklesang nialalang. Mabait ka, oo, pero grabe lang ang katalasan ng dila mo. As in. Believe it or not, mas matalas ang dila mo sakin at mas prangka kang tao kesa sakin. But this allowed you to at least assert a certain amount of responsibility from people. Di mo kasi alam kung paano magsabi ng isang bagay in a kind way minsan eh. Thus, kapag nagbibigay ka ng comment minsan, nagiging straight to the point at nalalabas mo talaga ng buo yung opinyon mo on things - not caring kung anong sasabihin ng iba. At dahil diyan, napapakita mo ng buo sa mga tao yung tingin mo sa mga bagay at napaparating mo rin yung mga tingin mong mali nilang nagagawa at yung mga tingin mong dapat nila mabago.
And of course, you had those hard-to-get characteristics that made you so loved.
Una, sacrifice. Hindi alam ng marami to pero grabe lang naman ang pagprioritize mo sa mga duties mo. Minsan kasi, ang never magegets ng mga tao ay yung fact na sa tuwing maglilead ka, hindi sapat na isang araw mo lang siya iniisip. Iisipin at gagawin mo siya from the day you start leading until tapos na yung kelangan niyong magawa. Lalu pa sa position mo na hindi natatapos. It was very admirable how you make the word sacrifice so real sometimes na nakakabilib talaga. You adjust to make way for your duties at para magawa mo sila ng tama at ng hindi ka nagkukulang sa effort. You resign to do things just so you can accomplish the job at hand. Hindi maraming tao ang kayang mag-lead ng nauuna sa isipan nila yung duties nila. Hindi maraming tao ay may kayang magsacrifice ng mga bagay para sa iba. Hindi lahat ng tao kayang sumalo ng pagkakamali ng constituents niya at itama ito tapos sa huli ay hindi magagalit o magtatanim ng kahit anong sama ng loob sa mga nagkamali. After all, alam mong leadership was never meant to be something na madaling gawin.
Pangalawa, you uphold democracy very well. Nakakatuwa na alam mong you can't please everybody pero ang lagi mong aim ay yung maplease mo ang majority ng mga tao and to compromise for the minority para hindi sila maiiwan. Oo, hindi ka nangiiwan. Hindi ka gumagawa ng desicions at least na hindi mapapanindigan ng class na ginawa nila.
Pangatlo, hindi ka know it all. Alam mong hindi mo alam kung paano gawin lahat ng bagay kaya marunong ka magtanong. Natutuwa ako ng sobra pag naririnig kong nagcoconsult ka sa ibang tao or nagtatanong ka ng opinion ng ibang tao on what to do. Hindi mo inaassume na kaya mong gawin lahat ng bagay based on what you know lang and you seek advice. More importantly, the final decision stays with you. With this, you become part of the class and not a separate entity that is trying to command it.
Pang-apat, you address everyone's problems like as if it was your own. Hindi mo nga rin siguro mapapansin pero napasok mo lahat ng cliques sa buong class (or ginawa mo bang objective yun?). Haha. Kaya ayan, mas nagagawa mong maging close to your constituents and care for them. Naririnig mo rin kasi sila first hand at nakikinig ka. More importantly, you address people's problems with secrecy. Nakakabilib tuloy na kahit yung mga ganitong klaseng detalye sa class ay inasikaso mo at hindi ka nakulong lang sa mga duties mo.
Panglima, you believe in Him so much na ipinasakamay mo kami sa Kanya. Ipinasa-Diyos mo yung pagiging class natin sa Kanya. Dun pa lang, dapat na ata kaming magpasalamat.
I know that you also had so many lapses as a president to the point na feeling mo minsan marami kang pagkukulang. Pero whatever. You influenced us to accept each other at na tayo-tayo rin naman kasi talaga ang magsasama-sama hanggang doktor na tayo kaya dapat maging matibay yung samahan natin. You influenced us to prioritize this class above any other affiliation. Alam kong alam ng 2014 na kung hindi dahil sa'yo, hindi ganito ka-close at hindi ganito kakaiba ang class natin. Kung hindi dahil sa'yo, 2014 wouldn't have been the same.
Thank you for leaving us with a class that we can be very very very proud to be part of. Dahil sa'yo, wala tayong katapat. :)
Thank you for the three years. And goodluck on your new challenges. :)
No comments:
Post a Comment