Do you remember what you felt when you saw the "Ramdam ang Kaunlaran" poster of GMA? Ako ang alam ko nagalit ako. Yung tipo ng galit na sobrang lalim na hindi ako nakagalaw at halos wala na kong naramdaman.
Sa medicine, mas masakit ang acute pain kesa sa chronic pain dahil kapag chronic na, nakapag-adapt na yung katawan mo, kahit papano.
Kung ito ang dahilan kung bakit mas nakakaya na natin ngayon lunukin ang kabalahuraang ginagawa satin, maiintindihan ko. Kaso kapag ba sobrang tagal na rin nating iniinda, patas bang hindi na natin hilinging makalaya mula dito?
Nakakatawa lang kasi may mga tao na nagsasabi sa youtube dati at sa iba pang site na kaya daw ang baba ng tingin satin ng ibang bansa ay dahil ang palaging favorite topic ng indie films, etc. ay yung kahirapan ng bansa. kaya daw third world na third world tayo.
Una, yun kasi talaga ang silbi ng isang pelikula. Magpadala ng mensahe sa manonood at hindi para pakiligin ka o patigasin ang isang parte ng katawan mo.
Pangalawa, sige nga, kung hindi natin sasabihin na naghihirap tayo, anong sasabihin natin? Ramdam ang Kaunlaran?? "Ramdam ang Kaunlaran" ladies and gentlemen. Ramdam na ramdam. Look around, tapos isigaw mo yan.
Tiyak, may sasaksak sayo. Kung wala, hintayin mo ko, i'm coming!
Oh eto, to drive the point:
Please vote wisely. Please.
Kunwari, isipin mo, matindi na climate change tapos pwedeng anytime, malay mo, maletse na ang earth at sirain niya na bansa natin. This may just be the last elections we're gonna have. Tapos hindi ka pa boboto? More so, hindi ka pa boboto ng tama?
No comments:
Post a Comment