5.07.2010

On Corruption: I will not vote for Noynoy 1 (Election Bitterness Post 9)

Naniniwala akong ang kawalan ng nagawa habang naka-upo sa pwesto ay isa ring uri ng korupsyon.

Dahil kung nakaupo ka sa isang posisyong binabayaran ng taong-bayan at hindi mo halos nagagampanan ang mga tungkulin mo dito ng buong-buo, eh di para ka na rin talagang kumukuha lang ng pera sa kaban ng bayan (i.e. yung sweldo mo) at ginagasta ito ng walang binabalik na kahit ano sa pinanggalingan nito.

Ang pinakaibig-sabihin ng korupsyon ay iyong paggasta ng pera ng taong bayan upang magamit sa mga pansariling interes. Kung tutuusin, kumuha ka lang ng maraming ballpen sa isang opisina ng pamahalaan upang iuwi sa iyong mga anak at magamit nila sa eskuwela ay isa nang mababang uri ng korupsyon - dahil ang ginamit pambili ng mga iyon ay buwis ng mamamayan at kinuha mo lang ito ng walang kapalit. Lalu pa naman marahil ang kumuha ka ng sweldo sa mga mamamayan pero ikaw mismo, wala kang ginagawa at hindi mo ganap na natugunan ang tungkulin mo bilang mambabatas. Eh di halos katumbas nun ang pagnanakaw - yun nga lang sa ganoong paraan, legal kang kumukuha ng pera sa taong bayan pero wala kang binabalik na kapalit nito.

Hindi kasi patas na ipangako niya sa iyong walang korupsyon samantalang ang mismong kawalan niya ng nagawa ay maaaring repleksyon ng isang mababang uri nito.

Given the benefit of the doubt, however, it will be good if he really can stay clean and not corrupt for the whole six years of his term. He may serve as a valiant inspiration, yes.

But does he have enough political will to persecute those people who will commit corruption?

No comments: