I promised to blog about this. Haha.
Situation: We were with 15 JAPANESE (and 1 Chinese) medical students and we were touring them around Intramuros.
Setting: Fort Santiago
Ryan: "We are now in Fort Santiago. This was once owned by a datu, which was what we call a king back in the Pre-Spanish era. When the Spaniards saw it, they realized its strategic place and made it into a fortress where they imprisoned Chinese pirates and Spanish political prisoners. During the World War II, this was USED BY THE JAPANESE AS A TORTURE CHAMBER."
*blink*blink*
wahaha. benta. pero sabi ko sa sarili ko noon papanindigan ko na. nasabi ko na eh. kaya naman:
Japanese student: "Do you mean Japanese soldiers lived here or they used it?"
Ryan: "They USED it."
Japanese student: "How?"
Ryan: "They used this, the whole intramuros, as their citadel when they conquered the Philippines."
Naisip ko kasi, bakit ko kelangang baguhin ang kasaysayan ng isang lugar para lamang magpasintabi sa ibang lahi. It's not like I'm telling lies or I'm rewriting history. Totoo namang ginahasa at pinagpapapatay nila ang mga kababayan natin noong panahong iyon dahil lang gusto nilang maghari sa buong Asya. Totoo namang sa Fort Santiago nila winasak ang sandamukal na karapatang pantao ng maraming Pilipino. Totoong naging saksi ang Intramuros sa madaming krimen na ginawa nila.
Kung hindi nila alam iyon, pwes kung ano mang nasyonalismo o pagiging makabansa ang meron sila, peke iyon. Kasama ng totoong pagmamahal sa bansa ang paglunok sa dumi at baho nito at pagmamahal dito kahit pa alam mong nakakahiya ito (at kaya nga mapapaisip ka kung may amerikano kayang talagang mahal ang bansa niya? haha. eh di nga nila mahanap ang US sa mapa, kasaysayan pa kaya nila? Alam kaya nilang barumbado manakop at walang habas manapak ng karapatang pantao ang bansa nila?).
Kaya kung tutuusin, bakit ba ko mahihiyang sabihin sa mga hapon na iyon na pinatay at binaboy nila ang aking lahi? Totoo naman. Hindi ka naman nagagalit sa kanila dahil hindi na sila ang kanilang mga ninuno pero dapat, matapang kang pinapaalam na sa lupang tinatayuan nila ay may mga umapak na hapon at nanamantala sa ganda ng Pilipinas.
At dapat matapang kang sabihin (at ipaglaban) na sa lupang iyon, may namatay kang kababayan, na walang ginawang kasalanan kundi ang mabuhay sa isang bansang pinagsamantalahan ng mga dayuhan.
------
At timely rin pala ang realization na to. Oo na wala nang kwenta ang kapulisan ng bansang to. Pati media walang habas sa paghahabol ng rating kaya kahit nakakasagabal sila ay sige pa rin. Oo na di na kami safe.
Pero matapos nito, hindi ako naapektuhan. Naisip kong nakakalungkot ang buong pangyayari na sana hindi na lang siya nangyari. Ngunit dahil tapos na, inisip ko na lang na at least nakita na ng lahat ngayon ang matagal nang isinisigaw ng taong bayan - WALA NA PO KASING KWENTA ANG MGA PULIS NGAYON. Kaya nga nagtataka ako na nagtataka sila noon ilang taon na ang nakaraan sa isang survey kung bakit walang tiwala ang mga Pilipino sa mga pulis natin. Kelangan pa ba talaga ng isang mahabang hostage drama para magising ang mga nasa taas sa tunay na sitwasyong ng mga tagapagtanggol natin?
Naisip ko rin na mas lalu nga nating dapat mahalin ang bansa natin eh. Kung mapapansin mo kasi, wala naman talaga tayong kakampi sa international scene. Imbes na ikahiya mo ang 'sang kapulisan, mas tamang aksyon naman ata na isulong mong magkaroon ng pagbabago dito. Sa huli, wala naman kakampi sa atin kung hindi tayo-tayo lang rin.
Mahal ko ang bansang 'to, kahit alam kong wala ni isang lugar nito ang walang problema. At sa puntong ito, tingin ko, totoong pagmamahal ang mayroon ako. :)
No comments:
Post a Comment