12.12.2004

Fine...



I just finished my english project... whoo! Yeah! Finally!

Although, I still have to do my lab report on Biology, my group's project on Filipino and another projet on Biology... Then, I have to read a book for english...

It makes me wonder... Are we really on vacation? Because I can't feel it at all...

Oh, and don't ingest mahogany seeds... They are dangerous... :p

12.09.2004

Worthless

yup... ganito pala ang pakiramdam kapag lahat na ng bagay na kayang mong gawin ay magtuturnout na hindi mo pala talaga kaya... stupid world...












oh, yeah.. I'm currently feeling suicidal... hehe...

12.05.2004

teka... Nasa Pilipinas pa ba ako?

Nakakainis.. It's not that it is such a big deal or anything.. naiinis lang ako dahil parang wala ako sa pilipinas..

example, ang magiting na yahoogroup ng pisay07.. Bawat email, english... It's not that I can't understand them or anything pero para sakin ang yabang ng dating.. hello? pilipino 'tong kausap mo.. pinanganak na tagalog ang naririnig, lumaking tagalog ang salitang binibigkas sa paligid niya at higit sa lahat, nakakaintindi ng tagalog! magtagalog ka! tapos ingles ka ng ingles? Anung pinaparating mo ngayon? Na mas magaling ka sakin dahil fluent ka mag-english? Dahil marami kang alam na malalalim na salita? Na wala kang maling grammar? That you are superior to us because you know how to speak the so-called 'universal language' fluently? Damn you.. Ang kapal ng mukha mo... In case you don't know, you neither prove nor show anything at all..


ewan ko kung bakit naiinis ako.. It's either I really do suck in english na wala na kong magawa kundi tumakbo pabalik sa sariling wika, o talagang people are just being stupid enough not to even realize that english, in this country (which is the REPUBLIC OF THE PHILIPPINES, btw), is a foreign language.. eh feeling ko, amerikano yung mga kausap ko eh.. i mean, come on, some people don't even know that payaso is the tagalog word for clown..

Iyan ang problema sa atin... Feeling kasi natin, pag english, ang ganda-ganda, ang formal, ang lakas ng dating... Ang pakiramdam kasi natin, SUPERIOR ang english language kesa sa sarili nating wika... kaya ayaw nating gamitin ang tagalog kasi para sa atin, baduy, panget, "yuck"... Come on, para na rin nating sinabing INFERIOR tayo sa mga kano...

wake up people... kung sakaling hindi niyo alam, WIKA (which is the tagalog word for language, in case you don't know...) ang simbolo ng kalayaan ng Pilipinas (which is Philippines, the tagalog word for the name of our country, in case, again, that you don't know...), hindi ang bandila.. Kaya if you're not using our own language, you're wasting what our national heroes battled for for over 300 years...





Okay.. That was too patriotic... Actually, ang gusto ko lang naman talagang sabihin,
"I can speak english whenever and wherever I want here in this country. I just ought not to for one simple reason: I am a Filipino and part of being one is knowing and USING his own, native language, Tagalog."

12.03.2004

Yoyong has left the Philippines

wala lang... gusto ko lang sabihin na ang daming napinsala..

Anyway, the storm gave me a two-day vacation from school.. Siguro alam ni God na I am close to cracking up.. Kaya yun.. hehe... actually, gusto ko lang magpost para may December 2004 archive na... hehe...

Wala akong masulat nang matino ngayong mga araw na ito eh.. Panu ba naman, I'm still stuck at understanding Kingdom Plantae and Kingdom Fungi for bio at hanapin ang magagandang naitutulong ng Mahogany seeds.. At I'm suppossed to criticize a research paper (about ultrasound as a cockroach repellant) for english... eh wala pa nga akong data eh.. Tapos hindi pa matino yung star project at practical application ko sa geometry.. haaayyy...

Gusto ko nang matulog!!