5.25.2006

hicks won.

and I like his song.



Taylor Hicks: "Do I Make You Proud"

I've never been
the one to raise my hand
that was not me
and now that's who I am

because of you
I am standing tall

My hart is full
of graditude

You were the one
the one that got me through

now I can see
and I believe

It's only just beginning

Thit is what we dreamed about
but my only question with me now
do I make you proud

stronger then i've ever been
now

Do i make your proud
Everybody needs to rise up
Everybody needs to be loved

This is what we dreamed about
but my only question with me now
do I make your proud
(2x)

Stronger then i've ever been

Do I make your proud?
Do I make your proud?



naks.

isa 'tong friendster testimonial mula kay joji.



DISCLAIMER: Matagal na kong hindi nagbubukas ng friendster account at wala akong balak na gawin yun any time soon. Isang bagay lang ang may kayang magpa-login sa akin sa frienster. at hindi ko sasa bihin kung ano. :P



haii.. sa tagal-tagal ng aming
pagsasama, bakit hindi ko sha ginawan
ng testi? ever?

raix, may tanong lang ako: pano tayo
naging magkaibigan? ako kasi, hindi ko
na matandaan. as in, nung first day,
hindi pa tayo magkakilala, hindi tayo
nag-uusap, tapos bigla na lang tawa
tayo ng tawa na parang baliw. pano
nangyari yun?

nung una kong napansin na buhay ka ay
nung first day ng second year. sabay
tayong umakyat sa stairs, remember?
sabi pa ni jessica (balaquit), "ryan! astig
ng buhok mo! ang haba!"

oo, mahaba ang buhok mo nun. tandang-
tanda ko pa nga nung first comsci
class, sabi ni sir pitagan, "ayoko ng
mala-F4 na buhok" sabay titig ng
masama sayo. natatandaan ko na halos
lahat ng teachers na nagsasabing
imaintain ang proper haircut ay tumititig
meaningfully sayo. oo, mahaba ang
buhok mo nun. at kulot. nakatutuwa.

pero dumating ang panahon na
nagpagupit ka. malimit kang asarin
tungkol sa buhok mo. teka. bakit ako
dumadaldal tungkol sa buhok mo?

cguro dahil yun ang best feature mo. i
mean, kung hindi sa buhok, ano pa ang
magandang tignan sayo? wala. zero.
nada. zilch.

well anyway, sana wag kang magalit
kasi ilang beses mo rin ako biniro
tungkol sa pagiging mataba. pasalamat
ka nga yun lang ang sinabi ko sayo eh.

madalas kang tumawa. sa totoo lang,
namimiss ko na nga yung mga tawa mo
eh. pano ba naman, yung mga tao
(tuladn ni jecay) ay natatawa lang sa
tawa mo at hindi sa pinagtatawanan mo.
actually gustung-gusto kitang biruin kasi
gusto kong marinig yung tawa mo,

isa pa yun. gustung-gusto kitang biruin
kasi kahit super corny ng hirit ko, tawa
ka pa rin ng tawa. langhiya talaga o.
hindi ka ba nagsasawa sa kakatawa
mo? hindi ka ba nauubusan ng tawa?
hindi ka ba nauubusan ng
pagtatawanan?

siguro hindi. bet tayo tumatawa ka ng
malakas ngayon. yung tipong tawa mo
na, "mwahahahahahahahahahahahahaha
haha". alam mo yun?

sige, tama na sa tawa mo. iba naman.

naaalala mo ba yung time na malungkot
ka? friday yun. friday ng hapon. kasama
ko si dani. tapos sabi ko sayo, "ryan,
bakit pag bangag ako malungkot ka?"
so pinatawa kita ng pinatawa tapos hindi
ka tumawa. finally sumuko na ko.

kaya lang may akita akong magandang
pink flower. binato ko. tumawa ka ng
tumawa.

minsan nabababawan talaga ako sayo.
pero hindi kita masisisi. tumawa rin ako
nun eh.

kung hindi mo yun maalala, eto ang
nangyari pagkatapos:

gihan: ang ganda ng sun!
ryan: hindi yan sun, moon yan.
gihan: ay, moon ba yan?

tapos tumawa ka
nung "mwahahahahahaha" mong tawa.
ayan, natatandaan mo na no?

hindi ko alam kung bakit masaya kang
kasama. eawn ko ba, eh tawa ka lang
naman ng tawa kahit walang dahilan. eh
anong masaya dun? aba malay ko.

pero dahil mahal kita, ililista ko ang mga
panahon na masaya kang kasama.

1. nung kumakanta tayo ng "ako'y sayo
at ika'y akin lamang" ng alternate words.
naaalala mo pa ba yung sound effects
ko?

2. nung naglalakad tayo tapos binabatu-
bato mo yung alambreng ginawa
kong "JoJi" tapos pinapaiya mo ko.

3. nung ginulat kita sa 1st floor ng SHB,
tapos tumakbo ako sa kotse tapos hindi
mo ako nahabol kasi mabagal ka
tumakbo.

4. nung nahulog yung pera mo habang
bumibili tayo ng kolee tapos sobra kang
nag-worry.

5. nung tinuruan mo ko magvolleyball
tapos pinawisan ka ng todo kahit mga 5
minutes lang yun. malupit kasi ako eh.

6. nung singkil practice. tinuturuan mo
akong umikot tapos sabi o, "ganito o!"
pero hindi mo naman kaya.

7. nung kasama natin sila jaki tapos
napansin niyo na may malaki akong
pimple sa ilong.

yun lang ang naiisip ko ngayon eh, pero
alam kong madami ka pang
madadagdag. kasi sa lahat ng eme,
ikaw ang super namimiss ko dahil lagi
mo kong inaasar.

ay. ang labo.

sa totoo lang, kaya lang naman ako
gumagawa ng testi ngayon kasi ka-chat
kita kanina. tapos marami kang mga
sinabi sakin tapos na-realize ko a, "uy,
close kami ni ryan!"

kaya yun. salamat na lang sa lahat.
may kilala akong nagkakacrush sayo.
*wenk wenk

last na talaga to prami. may kowt lang
ako na gusto kong isend sayo kaso nga
lang wala pa ko sa pilipinas so post ko
nalang dito:

i may
not be
rico
blanco

or
ira
of
bamboo

or
ebe
of
sugarfree

or even
yael
of
spongecola

but
as long
as u hav
a frnd

named
"joji"

dude,
ang lupet mo!;)

super last na talaga. may isa pa pala
akong kowt.

f death
nided 1
mre
soul
&askd
me 2
chus hu
wil it b..

u or me?


il ask
him2
gve us 1
mremnute
den il
hug u tyt
as i cud
&tel death,
"cge,ready n sya."
hehe

tamo! bagay talaga sayo. mwah!

okei, seryoso na tong last na last na
last na to. may nakalimutan lang kasi
akong sabhin dun sa iba.

salamat sa pagiging isang tao na
nagbabasa ng blog ko on a regular
basis. walang ibang tao na gumawa
niyan ever.

then again, walang ibang tao na nagsabi
na, "gagawan kita ng story" matapos
kong sabihin ang mga hinanakit ng
aking puso.

bye bye! labyush! ingat!!

[cArPe diEm]



See. Mahal ako niyan ni joji eh. Di niya lang inaamin. haha. :D



5.08.2006

mAkE viSiT Ka dIn!

nIcE. In fAIrnesS, nakakApAGod gaWin anG AltErnAtinG CaSeS nA 'To.



haha. astig 'to. must read. pero WARNING: ang daming mura dito. so be prepared to see endless p***I****'s and many more.



http://depedro.blogs.friendster.com/anghel/2006/04/pakyut_by_kuya_.html



5.04.2006

Ang Pinoy Big Brother

             Hindi na lingid sa kaalaman ng mga madalas bumisita at magbasa ng blog ko na dahil sa wala talagaakong magagawa ngayong summer kundi tumunganga at matulog, sumali na lang ako sa isang elective sa Pisay na idinaraos ngayong summer.




 

            At dahil sa elective na ito kung bakit ako kasalukuyang nag-o-on-the-job-training sa PHIVOLCS. At dahil din dito kaya ko isinulat ito.




 

PHIVOLCS




 

            Hindi pa talaga ako nakakahanap ng isang tao na hindi talaga alam kung ano ang ibig sabihin ng acronym na ito. Pero nakakasiguro ako na karamihan sa inyo hindi alam na nageexist pala ang isang ahensiya ng gobyerno na katulad nito.




 

            Oo. Ito ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology. Sa madaling salita, isang institusyong ibinubuhos ang buong lakas nila at talino para pag-aralan ang mga bulkan at mga pagyanig ng lupa na, kung tutuusin, ay hindi naman ganun kadalas kung maganap.





            Pero akala mo lang yun.





            Alam mo bang halos 5 lindol ang nararanasan ng Pilipinas araw-araw (hindi nga lang ito nararamdaman)?





            At alam mo rin bang naka-alert level 1 ang Bulkang Taal at bulusan ngayon?





            Importante sila. Akala mo lang hindi.





            Kilala ang institusyong ito para sa mga estudyante ng Pisay dahil dito, asahan mo na ang mga napakasayang field work. Asahan mo na rin na sa mga field work na yan, magiging malapit kayo ng mga kasama mong mag-OJT. Bonding Session ika nga.





            Pero para sa akin, hindi yan ang dahilan kung bakit ako nagagalak na pinili ko ang PHIVOLCS.





            Bakit?





            Kanina kasi, nagkaroon ng symposium na isa ring pagbibigay pugay para sa mga namatay na empleyado ng PHIVOLCS. May namatay? Oo.





            Kung madalas kang makinig ng balita, hindi mo sigurado naiwasang mabasa ang tungkol sa pagbagsak ng helicopter na sinasakyan ng kilalang director ng PHIVOLCS na si R. S. Punongbayan mga isang taon na ang nakalipas. May kasama pa siyang apat na taga-PHIVOLCS din. Nasa isa silang field work noon. Nagtatrabaho.





            Doon ko nakita ang isa pang mukha ng pagiging isang siyentipiko – ng pagiging isang tao.





            Pag namatay ka, lalu na sa mga siyentipiko, ang mga tanging bagay na mananatili sa mga tao ay ang kung ano ang nagawa mo para sa kanila – kung paano sila tinulungan at pinakisamahan. Hindi na sa kung paano ka manumit o kung anong type ng music ang pinapakinggan mo. Kundi paano mo nagamit ang iyong kaalaman para makagawa ng pagbabago.





            Nakakatuwa kasi nung una, yung mga namatay na ‘yon mistulang mga pangalan lang na sumusunod sa salitang “Deceased”. Pero bago pa man matapos yung symposium, mapagtatanto mo na na yung mga taong yun, hindi lang basta pangalan, dahil daig pa nila si Darna sa dahilang sila rin ay nakapagligtas na ng libu-libong tao. Sila rin gumawa ng pagbabago. Parang unti-unting magkaroon ng mukha yung mga pangalan. Parang unti-unti silang nabuhay dahil sa mga nagawa nila.



 





 

            Masaya ako na naabutan ko ang PHIVOLCS sa ganitong estado, kung saan makikita mo kung paano nila pinapahalagahan ang mga taong ktrabaho nila. Makikita mo kung paano nila nirerespeto ang talino’t galling ng isa’t-isa.





 

            At ang lahat ng iyan, hindi para sa kanila. Para sa iba. Pero kahit hanggang sa kanilang sariling kamatayan, nakangiti pa rin nilang gagawin ang mga ito.





Habang Pauwi





            Habang pauwi ako kanina, sa pagsakay ko sa dyip, ay minalas-malas ako nang makatabi ko ang isang mamang malayo pa lang eh amoy mo nang may putok siya. Lalu pang patitibayin ang nanuna mo nang akala kapag nakita mo siya nang malapitan kung saan maiiitim ang kanyang mga kuko, nakasuot ng maduming T-shirt at shorts at ubod ng gasgas nang tsinelas. Samahan mo pa ng gulo-gulong buhok at maitim na kutis na parang hindi pa naliligo ng isang linggo. Mukha siyang mabaho at mabaho talaga siya.





            Ang sama ko? Hindi naman. Kahit ikaw naman siguro ang nasa kalagayan ko ay hindi mo maiiwasang pumasok sa isip mo ang pagnanais na lumipat na lang ng upuan lalu na’t siksikan sa dyip.





            Pero hindi lang iyon. Dahil sa may karanasan na rin akong mawalan ng cellphone sad yip, panay ang kappa ko sa aking cellphone sa bulsa. Sa totoo lang, wala namn talaga akong pakialam kung mawala ang cellphone ko. Kung tutuusin, 2100 lang yun. Tapos di ko rin masyadong ginagamit dahil hindi na ako nag-tetext pwera na lang kung kailangan. Kaya sa totoo lang, ok lang na mawala yung cellphone ko. Pero ayaw kong mawala dahil sesermonan ako ng nanay ko ng mahabang-mahaba tungkol sa pag-aalaga ng gamit.





            Kaya kahit anong mangyari, panay ang kapa ko.





            Pero siyempre yung mabahong mama rin kumapa sa sarili niyang bulsa. Pagkatapos ay inilabas ang isang cellphone na akalain mo eh colored na nga, may camera pa! Kasabay nito, napansin ko ring meron siyang suot na earphones na nakakonekta sa isang mp3 player!





           



To Ryan:



“Ayan, pahiya ka no! Ano namang masasabi ng 2100 mong camera-less at black-and-white sa cellphone nung lalaking yun?! Tsaka bakit, ikaw ba may mp3 player?!”





 



Hindi ko na inisip pa kung kesyo ninakaw niya iyon, napaulot niya, o talagang inalayan niya ng dugo’t pawis iyon para lang makuha niya. Ang malaking puntong dumungaw sa akin ay nang husga ako ng tao.





Inakala ko kaagad na mas mababang uri ng tao ang lalaking yun kaysa sa akin. Minaliit ko siya kaagad bago ko pa malaman kung ano ang tunay na kwento ng buhay niya. Hinusgahan ko siya agad.





Yun pala, magkaiba lang talaga kami ng priorities: ako - hygiene; siya – gadgets.





Sariling biyahe





            Dahil sa elective rin na ito, pinayagan na ako ng mga magulang ko na mag-commute o bumiyahe papunta sa PHIVOLCS at pauwi sa bahay.





            Nakakatuwang isiping sa simpleng pagco-commute eh marami ka na rin palang matututunan. Katulad ng pagtitipid ng pera mo para may matirang pamasahe pauwi. Pagtawid ng maayos. Pagsakay sa tamang dyip o kaya ay bus. Pagiging alerto para hindi lumampas sa dapat babaan. At pag-alaga sa sarili.



 




 

 



            Kaya sa totoo lang, kung ang pag-uusapan lang ay ang mga matututunan ukol sa realidad ng buhay, tiyak na mas marami pa akong matututunan sa isang elective na katulad ng Summer Science Internship Program (SSIP) kaysa sa pagsuot ng isang lapel mic at pagkulong sa sarili sa isang bahay kung saan maraming camera sa paligid at may isang dikatador at misteryosong boses na pinipilit kang kumbinsihin na magkadugo talaga kayo kaya dapat mo siyang tawaging Kuya.