I know, I know. Last Cinemalaya season pa 'tong film na 'to. Pero wala kasi akong time noon. Buti na nga lang at "sumikat" siya at eventually mapapanood mo na sa sine at pirated DVDs eh because I really wanted to watch this film ever since I read its synopsis from the cinemalaya site last year.
First, Mylene Dizon for the lead role was perhaps the first best thing that the makers of this film came up with. She was perfect. As in. Sobrang bagay. Tapos hindi lang naman basta-bastang artista rin si Mylene (unlike artistas of today) at magalng talaga siya. So picking her for the role was excellent. Kasi sobrang bagay.
Kahit Kay Tessie Tomas nagalingan ako. Her acting was way different from her acting on television programs.
100 was beautiful. It successfully tells the audience of how life is too short to be wasted on crying over spilled milk. I think this is why it won as audience choice - because it hits you where it should. It tries to give you a movie as an answer to the infamous question of "how will you live your life/what will you do if you're about to die in (insert time span here)?"
After all, many people would answer the question by enumerating the things they soooo want to do so this movie gives you a glimpse of what it's like and how it feels since many fail to realize that the essence of the question relies on how prepared you are to leave this world. The struggle of wanting to do something is more often shadowed by the pain of the expected death. This film, shows how bravery, and acceptance, can let you have a good farewell to the world.
It also shows the essence of family ties in the Filipino culture.
The concept of the post-its was also brilliant. After all, if it's in a post-it and it's not a message, it's more often than not, a "thing-to-do." Thus, it immediately drives the point and adds cuteness to the film. Haha.
The film, however, succumbed into being dragging a few times and it lacked a few more interesting twists that could have made the film better.
my mom is so anxious now. nagtake kasi kapatid ko sa ateneo at UP. ang bunso kong kapatid. so last na siya. at grabe naman ang susundan niya noh! tatlong UP! haha. deh. i know she'll pass. at hindi talaga ito ang point ko sa post na to.
ANG POINT: nakalista na rin kaya bilang isang "PEAK" season ang paglabas ng entrance exam results ng big three (aka UP, Ateno, at La Salle)? Kasi di ba kapag pumasa ka, automatic blowout yan! kahit nga sa sarili mo lang eh. ako sobrang nagsplurge sa pagkain nun nung pumasa ko sa tatlo. haha. tapos atenistas at la salista pa yung mga yan so malamang big time spending with the clan or something. haha. tapos kahit sa UP ka lang naman pumasa at kunwari dukha ka rin, dahil nakapada ka, i'm sure magcecelebrate ka! kaya pwedeng-pwede talaga siya bilang peak season ng businesses eh.
hay nako, pag ako nagpatayo ng business, magbibigay ako ng discount sa mga UP, ateneo at la salle passers. I'm sure kikita ako. LOL.
At oo, ineemphasize ko na big THREE lang kasi inaaway ako ng isang taga-UST sa isa kong post. as in. feeling. sa cheerdance lang naman magaling. deh joke lang! Go Uste! Wooh! (Ayan aawayin na naman ako pag may usteng nakabasa nito. joke lang po ah! :P)
“Me quota ang pag-ibig. Sa bawat limang umiibig, isa lang ang magiging maligaya. Ang iba, iibig sa di sila iniibig. O iibig nang di natututo. O iibig sa wala. O di iibig kailanman… Pero merong isa sa lima, harangan man ng kulog, ng mga ganid, ng lindol at ng teknolohiya, mahahanap niya ang kanyang mahal. Siya lang ang magiging maligaya.”
Aamin ako. Nakalimutan ko na kung paano gumawa ng isang review – mapa film o book review man. Reviewer, pwede pa. Lalo na sa embryology (pero wag mo nang tangkain kasi babagsak ka pa rin naman lalu na kung Dr. Co ang Lab at Lec prof mo). Alam kong may handout si ma’am Jamasali na binigay samin nung Eng Jorun days at na nakatago yun sa kahon ko ng Pisay stuff pero nakakatamad talagang halungkatin. Isa pa, hindi naman to graded. At ginagawa ko lang to bilang pasasalamat.
Pasasalamat kay Mervyn kasi yung libro na “Para Kay B: O Kung Paano Dinevastate ng Pag-ibig ang 4 out of 5 Sa Atin”, ang unang nobela ng batikang scriptwriter na si Ricky Lee, yung pinili niya na iregalo sa akin mula sa aking wish list. Seryoso, gusto ko talaga ng bagong shirt. DALAWANG bagong shirt. Pero dahil yung libro yung pinili mo wala akong choice. At buti na lang kasi gusto talaga ng utak ko (gusto ng puso ko ng shirt! At green na sapatos!!) na libro ang makuha ko ngayong pasko kasi di tulad ni Cheska na nagpapakanerdo at basa nang basa ng kung anu-anong libro, tumigil na ko sa pagiging bibliophile (tama ba? Yan yung tawag sa book lover di ba? Pwede ring bibliophilic… hahahahaha). Kung anu mang dahilan, hindi ko na alam. Kaya salamat Mervyn. :)
At pasasalamat din kay Ricky Lee. Seryoso, nakalimutan ko na siya yung nagsulat ng “Si Tatang, Si Freddie…” na pinag-aralan naming short story sa Hum1 (sori Ma’am Joson!). ang alam ko lang, kilala ko yung pangalan niya. At tumatak sa isip ko ang bawat titik ng apelyido niya (kasi kailangan kong tandaan na iba siya kay Ricky Lo. Hahaha). Isang malaking salamat na kasing taas ng bahay namin (haha. Hindi pala masyadong mataas..) dahil binuhay mo ulit yung pagkahilig ko sa libro. At sa kwento. Pinaalala mo saking ang paggawa ng kwento nga pala ang FIRST LOVE ko.
(At na nagtataksil ako ngayon sa first love ko dahil Medicine ang kalive-in ko ngayon imbis na siya. Sori first love. Pramis, mas masaya ako sa piling mo.)
Ayokong simulan ang review na to (nagsisimula pa lang?! ang haba na nung na-type ko ah!) nang hindi ko isinasalba ang sarili ko. Kasi naman, title pa lang: “Para Kay B: O Kung Paano Dinevastate ng Pag-ibig ang 4 out of 5 Sa Atin” tunog cheesy na di ba?? At salungat iyan sa image ko! Hehe. Pero nakalimutan ko na rin talaga kung bakit ginusto kong basahin ang librong to. Siguro epekto ng James Morrison songs na pinarinig sakin ni Ricky. O kaya ni Kuya Jem, yung president naming sa YFC. O kaya dahil matagal na, matagal na matagal na, nung huli akong sumulat ng love story na galing sa puso. At matagal ko na ring ginugusto magsulat ulit.
Kung ano pa man, marahil ang pinakahinangaan ko sa librong ito ay yung teorya ng manunulat sa pag-ibig. Ipagkalandakan mo ba namang 1 out of 5 lang ang magiging masaya sa pag-ibig kung hindi mo ba naman makuha ang atensiyon ng sandamukal na tao. Marami pa namang emo ngayon. Kaya kung may unang dapat purihin, yun yun.
Nung una akala ko talaga makabagbag damdaming love story ang mababasa ko. Yung tipong pang telenovela yung effect sayo pero maganda yung plot at pagkakasulat. Yung tipo siya ng libro na iiyakan ni Dane at magugustuhan ng sobra ni Nico. Yung tipo na malayo sa personalidad ko. At umaasa pa ako noong sinimulan ko siyang basahin na ganun nga.
At pakiramdam ko yun yung maganda sa libro. Hindi ko sigurado kung magugustuhan siya ng lahat pero sigurado ako na lahat may mararamdaman. Masyadong magaling ang pagkakagawa sa kanya ni Ricky Lee na para siyang nagtatype ng katotohanan at tunay na buhay. At dun sa pagiging realistic niya, makakahanap ka ng isa o dalawang bagay na makakarelate ka o kaya’y ginusto o ginugusto mong makarelate ka.
Hindi. Hindi siya mababaw. Kasing lalim siya ng malamang na pinagmulan nung ideya ni Ricky Lee tungkol sa quota ng pag-ibig.
Story wise, matutuwa ka.
Sa bagsak ng salita at maingat na pagakakalagay ng ideya at konsepto sa mismong binabasa mo, hahanga ka. Alam mong hindi basta-basta ang sumusulat.
Sa paghabi ng mga ideyolohiyang pulitikal sa isang bonggang love story, hihilingin mong ikaw na lang nagsulat nito.
Kung ikaw rin yung taong katulad ko na mahilig sa kakaibang plots, sasamba ka.
Kung ikaw yung mahilig sa mga malalalim na characters na maganda ang pagkakadevelop, tatalon ang puso mo.
At kung hindi ka pa umiibig, dahil dito, gugustuhin mo. Kahit pa may quota.
“Somewhere in the city, a guy tells a girl I love you, and the girl answers back I love you too. Sigurado ba sila?”
This came about because I am condemning Lipgloss for its utter and unavoidable mushiness. Haha.
Dati kasi may lalim pa ng kaunti ang conflicts. Ngayon, well, haha. It became filled with too much teenage drama na parang hello ang babaw.
Thus, you guys should watch Rakista. Haha. Talagang nagaadvertise ako eh noh. Ang kyut kasi. Gritty at nakakatawa yung mga hirit. Although kapag pinanood mo siya ay magegets mo kagad na medyo deranged at bastos ng milya-milya yung nagsulat nun, haha, maaenjoy mo pa rin siya. I guess because the things that it presents are closer to home compared to that of Lipgloss’s.
---***
So there. This entry also means that I’m still benign. No schoolwork yet. Grabe, I think this is also my first weekend this year that I’m not doing anything (kasi kung hindi may exam ako, kelangan ko magreview for upcoming exams or may trabaho ako during weekends.). Haha. Ang sarap maging bum!
---***
Oh, and Pito speculates that Obama is the antichrist. Pero wala lang naman yun. Possibility lang ata. Or chance. Search niyo na lang sa google.
At naisip ko lang, ano kayang pakiramdam niya kung malaman niya na pinagkakamalan siyang antichrist (given na hindi nga siya yun) ?
---***
Ate Tina asked me to go back to MSC. I was almost tempted to say yes. After all, I have ZERO extra-curricular activity last sem and it would probably hold for this sem. I don’t even have the urge to give much attention to UP One Earth. (Sorry Gel!)
But I decided against it. Haha. I guess the trauma of being looked upon as a project-wrecker still has its toll on me. It wasn’t a good feeling you know. What’s worse was that afterwards, I felt like I didn’t deserve to feel that way anyway.
I don’t even think I’m going to volunteer for MSC next year. I’m fed up with the leadership crap. I don’t believe I have that capability anymore and it’s not like I still need those things for my resume. I’d rather sleep.
The contents of "The Snake Pit" are properties of the owner. Nothing should be taken out of this blog without permission and, if permited, proper credit should be given to "The Snake Pit" and the owner. Remember, plagiarism is a crime.