9.20.2010

walang title para hindi controversial. haha.

(well, multiply and blogger, you guys used to be my oh so very good friends with my opinions and all. ngayong lahat naman nasa facebook na, i guess, not posting this on facebook may reduce harm to me)


Hindi ba nakakahiya para sa isang taga-UP na tumanggap ka na lang ng tumanggap, life is unfair anyway?

Kelan pa tayo nagsettle sa kung anong meron na? I refuse to accept the fact na dahil lang may heirarchy ang profession ko at nakadepende ka talaga sa nasa itaas mo eh hindi ka na magrereklamo. Fuck, kaya maraming naabuso eh. Yan, yang mentality na yan ang isa sa may kasalanan ng paghihirap ng mga Pilipino. Just leave the system be, pero blame the system kung wala kang mablame o kung allowed ka magblame. Kung hindi, leave it be.

Eh di ba kaya nga may student evaluation? So ano yun, pautot lang nila? Kunwari kasali tayo sa decision pero hindi naman talaga kasi kapag nagreklamo ka, imamark ka nila as mareklamo tapos matakot ka kasi doomed na ang medical career mo all your life! Halaaa. Eh di nawalan ng point yung student evaluation kung bawal maging mareklamo, lalu pa kung yung mismong ineevaluate mo ang magsasabi kung amreklamo ka o hindi. Nakakalungkot naman yun.

Ok naman ang reklamo basta nasa tama eh. basta hindi ka nagrereklamo na asul ang langit o berde ang logo ng school mo, ayos lang para sakin ang isang reklamo. Lalu pa kung reklamo yun dahil mapanghi yung room mo samantalang kayo ang unang batch na tinaasan ng tuition matapos ang matagal na matagal na panahon. Ang reason pa nila, improvement ng school pero mapanghi pa rin room mo.

At kung sabog exams mo, masama magreklamo? Kung makapagdemand sila at makapaghussga ng kakayahan mo base sa iilang tanong, parang walang bukas, pero ikaw kapag humiling ka lang na maging reflective sa dapat mong malaman yung exam mo, mareklamo ka na. O kaya pag di makatarungan yung scehdule mo, mareklamo ka na.

Kaya stagnant ang Pilipinas eh. Marami kasing lumulunok lang ng kung ano ang nandyan na. Walang nagsasalita, walang lumalaban sa status quo. WALANG NAGSUSUBOK HUMINGI NG PAGBABAGO.

Parang PGH. Ayan na yan eh, why bother wishing for a better state right? Hell, why even think of fighting for one? Parang classroom o schedule o exam lang.

Di mo ba naisip na the same people asking for status quo are the same people benefiting from the current system?

Kung walang mga mareklamo, walang Katipunan. Kung walang mga mareklamo, walang HUKBALAHAP. At kung walang mga mareklamo, walang People Power.


Oo, pwede rin kasing negative ang pagiging mareklamo. Pero lahat naman ng bagay eh pwedeng negative o positive. Kaya hindi dapat tinitignan ang katangiang iyon ng masyadong masama. Dapat nireregulate, hindi ineeradicate.

Nakakalungkot na ang "life is unfair" dati ng mga taga-UP ay sinusundan ng "let's fight for change" pero ngayon ang sinasabi na lang: "tanggap na lang ng tanggap."

Basta ko ayokong tumanggap lang ng tumanggap. Magiging mareklamo ako kung nasa tama. At least, kahit kaunti, maparating ko man lang na hindi ako natutuwa sa estadong nakikita ko.

8.24.2010

Paninindigan

I promised to blog about this. Haha.

Situation: We were with 15 JAPANESE (and 1 Chinese) medical students and we were touring them around Intramuros.

Setting: Fort Santiago

Ryan: "We are now in Fort Santiago. This was once owned by a datu, which was what we call a king back in the Pre-Spanish era. When the Spaniards saw it, they realized its strategic place and made it into a fortress where they imprisoned Chinese pirates and Spanish political prisoners. During the World War II, this was USED BY THE JAPANESE AS A TORTURE CHAMBER."

*blink*blink*

wahaha. benta. pero sabi ko sa sarili ko noon papanindigan ko na. nasabi ko na eh. kaya naman:

Japanese student: "Do you mean Japanese soldiers lived here or they used it?"
Ryan: "They USED it."
Japanese student: "How?"
Ryan: "They used this, the whole intramuros, as their citadel when they conquered the Philippines."

Naisip ko kasi, bakit ko kelangang baguhin ang kasaysayan ng isang lugar para lamang magpasintabi sa ibang lahi. It's not like I'm telling lies or I'm rewriting history. Totoo namang ginahasa at pinagpapapatay nila ang mga kababayan natin noong panahong iyon dahil lang gusto nilang maghari sa buong Asya. Totoo namang sa Fort Santiago nila winasak ang sandamukal na karapatang pantao ng maraming Pilipino. Totoong naging saksi ang Intramuros sa madaming krimen na ginawa nila.

Kung hindi nila alam iyon, pwes kung ano mang nasyonalismo o pagiging makabansa ang meron sila, peke iyon. Kasama ng totoong pagmamahal sa bansa ang paglunok sa dumi at baho nito at pagmamahal dito kahit pa alam mong nakakahiya ito (at kaya nga mapapaisip ka kung may amerikano kayang talagang mahal ang bansa niya? haha. eh di nga nila mahanap ang US sa mapa, kasaysayan pa kaya nila? Alam kaya nilang barumbado manakop at walang habas manapak ng karapatang pantao ang bansa nila?).

Kaya kung tutuusin, bakit ba ko mahihiyang sabihin sa mga hapon na iyon na pinatay at binaboy nila ang aking lahi? Totoo naman. Hindi ka naman nagagalit sa kanila dahil hindi na sila ang kanilang mga ninuno pero dapat, matapang kang pinapaalam na sa lupang tinatayuan nila ay may mga umapak na hapon at nanamantala sa ganda ng Pilipinas.

At dapat matapang kang sabihin (at ipaglaban) na sa lupang iyon, may namatay kang kababayan, na walang ginawang kasalanan kundi ang mabuhay sa isang bansang pinagsamantalahan ng mga dayuhan.

------

At timely rin pala ang realization na to. Oo na wala nang kwenta ang kapulisan ng bansang to. Pati media walang habas sa paghahabol ng rating kaya kahit nakakasagabal sila ay sige pa rin. Oo na di na kami safe.

Pero matapos nito, hindi ako naapektuhan. Naisip kong nakakalungkot ang buong pangyayari na sana hindi na lang siya nangyari. Ngunit dahil tapos na, inisip ko na lang na at least nakita na ng lahat ngayon ang matagal nang isinisigaw ng taong bayan - WALA NA PO KASING KWENTA ANG MGA PULIS NGAYON. Kaya nga nagtataka ako na nagtataka sila noon ilang taon na ang nakaraan sa isang survey kung bakit walang tiwala ang mga Pilipino sa mga pulis natin. Kelangan pa ba talaga ng isang mahabang hostage drama para magising ang mga nasa taas sa tunay na sitwasyong ng mga tagapagtanggol natin?

Naisip ko rin na mas lalu nga nating dapat mahalin ang bansa natin eh. Kung mapapansin mo kasi, wala naman talaga tayong kakampi sa international scene. Imbes na ikahiya mo ang 'sang kapulisan, mas tamang aksyon naman ata na isulong mong magkaroon ng pagbabago dito. Sa huli, wala naman kakampi sa atin kung hindi tayo-tayo lang rin.

Mahal ko ang bansang 'to, kahit alam kong wala ni isang lugar nito ang walang problema. At sa puntong ito, tingin ko, totoong pagmamahal ang mayroon ako. :)

6.19.2010

Shet

Ang masakit lagi ay kapag narealize mo na kung bakit may mali, bakit may hindi tumutugma sa dapat mangyari, at bakit parang nauuwi sa kawalang saysay mo ang mga bagay-bagay.

And then the only thing that probably answers the question hurts so much because it's so true.

I feel stuck right now. Not struggling. Just plain stuck. Yung tipong pagod na gumalaw. Nakakapagod na lahat eh. Sobra.

The moment I let go and finally walk and traverse a path is the moment i would be able to breathe one more time. Sa ngayon, ayan. Napapagod lang ako. Kakaisip. Kakahalukay sa isip ko bakit, paano, at kung dapat ba.

Shet. Shet.

Pasensya ka na kung wala kang magegets sa binabas mo, pero ganun naman di ba? Kapag di na kaya ng loob mo, dapat pinapalaya na lang. Para muling makahinga. At muling makapag-isip. Emotions are never good for the brain. They're not very good for blogging either. haha.

Namiss ko magblog. Pero kahit ito, nakakapagod na. Sana di dumating ang araw na di na makakakita ng kahit isang titik ang blog na to. Haha.

Back to BDI

5.15.2010

For Presidential Spokesman Olivar: Arroyo is indecent, too. (Election Bitterness Post 10)

The problem with the palace is that they are always hypocritical.

In response to this news article: http://ph.news.yahoo.com/gma/20100515/tph-palace-reminds-aquino-60-did-not-vot-d6cd5cf.html

Saying that Aquino's snubbing of the administration's "efforts," especially that of refusing to swear in as president under Justice Corona is, yes, in a manner, legal but somehow disrespectful politically and culturally. But Olivar forgets that the very appointment of a new Chief Justice days after the elections and in a situation wherein the current Chief Justice is only retiring at a much much later date - ignoring the very tradition that the new president can appoint the new Chief Justice and that a smoother transition of government could have actually proceeded without the appointment - is also in itself, legal, but politically and culturally indecent as it created more barrier to the transition (being it is such a weird and unnecessary move from the president).

I don't trust Arroyo, sorry. And if I were Aquino, too, I'd really rather be sworn in by someone else and be extra careful of the "moves" the power-hungry Arroyo is doing in her last days as President. (Yes. Last days. Kasi baka sa susunod as Prime Minister na. hahaha)