8.27.2004

Bangag

Ayos. Alam niyo bang napakabilis sumikat ng salitang yan? Parang kelan lang nung sinumulan kong gamitin iyan at hanggang ngayon ay ginagamit ko pa rin. Ano nga ba ang ipinapahiwatig ng salitang yan? Ang alam ko ang ibig sabihin niyan sabog o wala sa tamang pagiisip.

Ako kasi ginagamit ko yan kahit ano na lang. Pag na-weiweirdohan sa akin ang mga tao, sinasabi ko na bangag ako. At kahit yung iba ganun din ang paggamit nila sa salitang bangag. Ewan. Nabura na tila ang tunay nitong ibig sabihin.

So? Ano ngayon?

Wala lang. Para sa akin, dalawa ang ibig sabihin niyan.
Una, nabuksan na talaga tayo ng tuluyan sa mundo ng mga taong gumagamit ng droga. Wala na tayong pakeelam kung masama pa ba ang sinasabi niyan.
Pangalawa, ang mga salita ay hindi talaga nagdadala ng isang bagay na certain. Instrumento lang talaga ang mga ito. Instrumento para kahit papaano ay maiparating natin ang kung anu ang laman ng ating isipan at malaman natin na naiparating natin iyon. Words are dead. Pwede ko naman kasing sabihin sa iyo na maganda ang nakita kong babae kanina pero hindi mo pa rin maiisip ang tunay na itsura niya sa pamamagitan nito. Magkaiba ang maiisip natin pag sinabing maganda kasi magkaiba naman tayo ng perception sa kung anu nga talaga ang maganda. Parang ang bangag. Kapag sinabi mo yan sa isang nakakatanda (yung hindi talaga alam na isang "expression" lang naman ang bangag), magugulat siya kahit para sayo wala lang.

tama na nga... nababangag na ko.

No comments: