8.27.2004

Pisay Life

naks! ganda naman ng una kong post... talagang tungkol sa mataas na paaralan ng pilipinas sa agham... Pano kasi, sabi ni joji (ok lang, right?):

kaya wag na wag niyong sasabihin sa sarili niyo na, "@%&*!$#%^@&$^*! nag-pisay pa kasi ako eh!" kasi ang pagiging estudyante ng mataas na paaralan ng pilipinas sa agham ay isang opportunity na isang beses lang kakatok sa pinto niyo.. tandaan niyo yun, okei? swerte nyo you're one of us.. parang natatakot na nga ako grumaduate sa pisay eh.. kahit alam kong matagal pa.. you never know, time passes so fast.. ayokong iwan ang pisay.. i've grown attached to it.. inlove na ko sa pisay.. wahaha..

Kung tutuusin naman kasi, oppurtunity nga ang pisay... Nagreview pa nga ako ng todo para lang pumasa dito eh... At nang nalaman ko na lumabas na yung listahan ng mga nakapasa, kinabahan ako ng todo... Gusto kong makapasa eh... Gusto kong mapabilang sa pisay... Ewan ko na nga lang ngayon kung bakit tila parang pinagsisisihan ko siya...

Nagtataka nga ako nung first year kung bakit may may ayaw sa pisay (Hindi ko na imemention kung sino.. ehehe). Para kasi sa akin noon, place of the bright ones ang pisay. Who wouldn't want to be called one of the bright ones?



Actually, pag sinasabi ng iba na ayaw na nila sa pisay, nakiki-ayaw na din ako... Bakit? Ewan. Siguro dahil Pisay ang nagbigay ng twist sa buong buhay ko. Siguro dahil hinamon ako ng pisay na imulat ang sarili ko sa kung ano ang totoo at hindi sa kung ano ang gusto kong maging totoo. Siguro dahil ayaw ko at gusto ko ang pisay all at the same time. Ang hirap iexplain pero parang gusto kong kumawala sa mga kadenang iginapos sa akin ng pisay pero gusto ko pa ring manatiling nakakabit dito. Ganun. Ang labo.

No comments: